DANAYA Kinikilig na pumasok ako sa loob ng silid ko, dala ang card na hawak ko, pati na rin ang isa pang bouquet ng puting rosas na natanggap ko. Agad ko itong nilagay sa vase, at nang masiyahan ako sa arrangement na ginawa ko, inabot ko ang cellphone ko at nag-compose ng text message para kay JC. Nakalimutan ko nang buksan at basahin ang isa pang card dahil excited na nag-send ako ng text message kay JC. I expressed my gratitude to him for sending the flowers. I waited for a few minutes, pero wala akong natanggap na reply galing sa kanya, kaya minabuti kong maligo na lang muna. Mabuti na lang at gumanda na ang pakiramdam ko. Nawala ang pangangasim ng tiyan ko dahil wala na akong naaamoy na mabaho simula nang umalis si Aidan. Pasaway na lalaking iyon. Ang tanda-tanda na eh, tamad pang