PROLOGUE

444 Words
Dalawang guhit, positive nga! Ibig sabihin, buntis ako… Dala ang pregnancy test strip, lumabas ako ng banyo at lumapit kay JC na nakahiga pa rin sa kama. “What's this?” salubong ang kilay na tanong niya sa akin. “A pregnancy test strip… I'm pregnant,” kinakabahan pero masayang sagot ko. I thought magiging masaya rin si JC sa balitang sinabi ko, pero hindi ganito ang nakita kong naging reaksyon niya nang makita ang dalawang pulang guhit sa bagay na hawak ko. “Dammit, Danaya! How did it happen? Ang akala ko ba, umiinom ka ng pills?” galit na tanong sa akin ni JC, pero hindi ako makasagot dahil pakiramdam ko ay may kung ano ang nakabara sa lalamunan ko. “You're clearly aware of our deal! Abort that thing!” galit na sigaw niya sa akin habang matalim na nakatingin sa tiyan ko. Namasa ang mga mata ko at nag-iwas ng tingin. Galit siya, and obviously, hindi niya nagustuhan ang nalaman. “For God's sake, JC, she's not a thing. She's our baby,” naluluhang sagot ko. Hubo't hubad na tumayo sa kama si JC at nagbabaga ang mga matang tinitigan ako. “Sinadya mo ito! Ginusto mong mabuntis at hindi ka tumupad sa usapan natin, hindi ba, Danaya?” nag-aapoy sa galit ang mga mata na tanong sa akin ni JC. Napalunok ako at nakaramdam ng takot. “No, it just happened accidentally,” umiiling na sagot ko. “Liar!” galit na sigaw sa akin ni JC. Napayuko ako at kasabay ng pag-pikit ko ay pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. "Danaya, don't act so smart. You can't force me into a marriage you've always wanted. I am not going to marry you just because you are now pregnant!” Parang patalim na tumusok sa dibdib ko ang bawat salitang sinabi ni JC. Wala naman akong ibang ginawa kundi ang mahalin siya. Naging masaya ako sa kaunting atensyon na binigay niya sa akin, pero hindi ko akalain na mabubuntis pala ako dahil naging mapusok kaming dalawa at nakalimutan kong uminom ng pills na siyang nakalagay sa aming kontrata. I did everything para mahalin niya ako, pero kapalit nito ay ang dugong nananalaytay sa ugat ko para sa babaeng mahal na mahal ni JC. He loves her, and she always has his heart. Tatlong taon, ang akala ko ay sapat na iyon para kahit paano ay mahalin rin niya ako, pero kulang pa pala dahil sa huli, ang babaeng iyon pa rin ang pinili niya kahit may magiging anak na kaming dalawa. Hindi niya ako kayang mahalin, at kahit maubos pa ang dugo sa katawan ko, hinding-hindi iyon mangyayari…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD