PAPALABAS na sana sila nang mamukhaan niya ang lalaki na may kasamang maraming alalay. "Halika, Sorra!" Hinila niya ang dalaga at nabigla ito. Ganoon din ang sora na nasa loob ng kulungan. Nagkubli sila at hinintay na lumampas ang mga lalaki. "Bakit, tayo nagtago?" Pagtatakang tanong ni prinsesa Sorrangia. "Iyang lalaki ang nag-utos para ipaligpit ako,"bulong niya sabay turo nito kay Paullo. Tinandaan naman ni Sorra ang mukha ng lalaki. Nang makalampas na ang mga ito ay dali-dali naman silang lumabas. Nagtaka naman si Dan, sapagkat panay ang lingon ng kanyang amo at nagmamadali ito. "Bossing, ano'ng nangyari?" pag-aalalang tanong ni Dan, nang makapasok na sila sa loob ng sasakyan. "Nandito sila Paullo at muntikan na naming makasalubong." "Ano?! Mabuti na lang at napansin mo agad, bo