"Walang anuman. Kapag maayos na ang lahat dito papasyal kami doon." "Maganda iyang naisip mo, hihintayin kita doon, sir. Ako pala Raul Lopez, kilala ako doon sa amin." "Hygiean ang pangalan ko." Pakilala niya sabay lahad sa kaniyang kamay. "Alis na po ako, sir. Maraming salamat talaga." "Mag-iingat ka sa daan, Manong Raul. Salamat ulit." Hinintay muna niya na makaalis ang ang sasakyan at saka siya nagmadaling bumalik sa loob. "Dan," sambit niya nang makapasok na siya. "Bossing," tugon nito na may kasamang simpleng ngiti. "Ano'ng nangyari?" tanong ni Hygiean. "Si, Paullo bossing." Panimula niya sabay hawag sa isang putol niyang paa. "Hayop ka Paullo!" Halos mag-apoy ang kaniyang puso sa sobrang galit. "Natunton ka ba dito?" "Hindi bossing, sinubukan ka naming balikan Jon