KINABUKASAN ay maagang nagising si prinsesa Sorrangia, at namulatan niya si Hygie na mahimbing pa ang tulog nito. Pinabayaan lang muna niya ito habang siya ay maghahanap muna nang makakain nila. Nakabalik na lang siya ngunit tulog pa rin ang lalaki. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang mukha ni Hygie, sapagkat napakaamo ng mukha nito. "Hygie, gumising ka na," bulong niya sa tainga nito at sinundan niya ng halik sa pisngi. "Ummm, morning…" bati niya sa prinsesa at bumangon na ito. "Halika, kumain ka muna at pupunta na tayo kina Amang." "Okay." Hanggang sa tuluyan na nilang nilisan ang kuweba at hawak-kamay silang naglalakad patungo sa lagusan. Kung saan matatagpuan ang pinto patungo sa paraiso nina prinsesa Sorrangia. Hanggang sa makarating sila doon. "Hygie, hintayin mo ako di