B-Lies (Three)

681 Words
Tumigil ang sasakyan sa garahe ng isang marangyang bahay. May malawak itong lawn at garden. Hindi niya ito nakita mula sa labas dahil mataas ang bakod. Lahat naman ng mga bahay sa loob ng village pare-parehong matataas ang bakod. Agad na sumalubong sa kanila ang mga magulang niya at dalawang maids. “Welcome back, ma’am Jelna,” nakangiting bati ng dalawang maids bago kunin ang gamit nila sa loob ng sasakyan. Hindi siya umimik dahil wala man lang pamilyar sa lahat ng kanyang nakikita. Pakiramdam niya ay estranghero siya sa lahat ng tao at buong paligid dahil walang rumerehistro sa utak niya alinman sa mga ito. Pagpasok sa loob ay nakita niya agad ang nakasabit na malaking wedding portrait sa malawak na living room. Si Nate ang lalaki sa picture. Napako ang tingin niya sa kasama nitong magandang babae sa larawan. Siya ba iyon? Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng bahay. Animo unang beses pa lang niya itong nakikita sa tana ng buhay niya. Lumapit siya sa salamin na nasa gilid. Nakamasid lamang sa kanya ang asawa at mga magulang. Tiningnan niya ang sariling repleksiyon. Siya nga ang babae sa larawan. Asawa nga niya si Nate. “Mommy! You’re home!!” Napatingin siya sa may hagdan kung saan galing ang matinis na boses. Nakangiting mukha ng cute na cute na batang babae ang pumukaw sa atensiyon niya. Kamukha niya ito. May kasama itong babae na unipormado rin. Malamang ay yaya ito ng bata. Tumakbo ang bata at agad na yumakap sa kanya. Umupo naman siya upang mayakap ito ng husto. Napaluha siya. Hindi niya kasi maalala pati ang anak. “May naaalala ka na?” tanong ni Nate at yumakap din sa kanila. Napailing siya. Bigla namang nalungkot si Nate sa pag-iling niya. “Doon tayo sa may sofa,” suhestiyon ni Nate nang makabawi at hinawakan siya sa kamay. Sumunod na lamang siya rito at hinawakan niya rin sa kabilang kamay ang anak. “Mommy, how was your vacation?” tanong ng anak nang makaupo na sila. “Baby, mommy is tired. Please don’t ask anything,” saway naman ni Nate sa anak. “Sorry, mom.” Napayuko naman ang bata na parang napahiya. Napangiti siya sa inakto ng bata. Kahit hindi niya ito maalala ay parang ang gaan ng loob niya rito. Sa apat na kaharap niya ngayon, sa bata lang niya naramdaman na hindi siya estranghero. “It’s okay, baby!” saad niya rito saka niyakap at hinalikan sa ulo. Mukha namang nahiwagaan ang apat sa inakto niya. “Why?” takang tanong niya sa mga ito. Ngiti lang at kibit-balikat ang isinagot ng tatlo. Napatingin siya sa anak. Ngumiti naman ito. “Nothing mom, it’s just that you don’t usually hug me,” wika nito na ikinakunot-noo niya. Napamaang siya. Talaga bang hindi niya niyayakap ang anak dati? “Anak, we brought these photo albums since your childhood days. Baka sakaling makatulong sa’yo,” saad ng ina niya at iniabot ang tatlong makakapal na albums. Binuksan niya ang unang album. Kamukha nga niya ang bata sa larawan. Collection daw ito ng yearly pictures niya noong nasa elementary siya. Iyong isa naman ay noong nasa highschool na siya. “These are your high school friends,” turo ng ina niya sa mga larawan. Nakatitig lamang siya sa larawan dahil wala ni isang sumasagi sa isip niya. Marami pang sinasabing pangalan ang mama niya nang biglang kumirot ang ulo niya kung kaya’t napapikit siya. “Ma, I think she needs to rest,” saad naman ni Nate nang mapansing hindi maayos ang pakiramdam niya. “Sige, iwan nalang namin ‘yan ng daddy mo ha,” saad naman ng ginang. Napatango na lang siya habang nakapikit pa rin. “Mom, are you okay?” rinig niyang tanong ng anak. Nagmulat siya ng mata. Nag-aalala itong nakatingin sa kanya. “I’m okay, baby!” saad niya at ginusot ang buhok ng anak. Inalalayan naman siya ng asawa paakyat sa kuwarto nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD