bc

Brilliant Lies

book_age0+
7.2K
FOLLOW
50.1K
READ
family
drama
like
intro-logo
Blurb

*Mature Content *Completed

Paano kung magising ka isang araw at malaman na ang lahat ng mayroon ka ay kasinungalingan lamang?

…ang iyong asawa at anak ay kasinungalingan?

…ang iyong kayamanan ay kasinungalingan?

…ang iyong pinag-aralan ay kasinungalingan?

…ang iyong mga kamag-anak ay kasinungalingan?

What will you do if all of them are nothing but Brilliant Lies!?!

chap-preview
Free preview
Prologue
Pagmulat ng kanyang mata ay tumambad sa kanya ang puting kisame. Iginala niya ang paningin. Puti ang kulay ng dingding at kisame kung kaya’t napagtanto niya na nasa ospital siya. Nadako ang tingin niya sa lalaking nakaupo at nakaunan ang ulo sa kanyang kama. Napabalikwas ang lalaki at biglang sumilay ang tuwa nang makitang gising na siya. “Jelna, you’re awake! Thank God!” bulalas ng lalaki. Napakunot-noo siya. Sino si Jelna? Hinawakan ng lalaki ang kamay niyang naka-dextrose at hinalikan. Napapiksi siya. Hindi pamilyar sa kanya ang lalaki. “Sino ka?”naguguluhang tanong niya rito. Bahagya naman itong napakunot-noo. “Hey, nagbibiro ka ba? This is me Nate, your husband!” napapailing nitong hayag habang tinitingnan siya ng may pagdududa. Pumikit siya at pilit na inalala ang lalaki pero wala siyang maalala. Pinilit niya ring inalala kung saan siya nakatira at kung sino ang mga magulang niya pero nabigo siya. Pagmulat ng mata niya ay nakatunghay pa rin ang lalaki. “Jel, I know I pissed you off before your accident pero wag ka namang magbiro ng ganyan.” He sound frustrated pero maging siya ay na-frustrate rin dahil blangko ang kanyang memorya. “Wala talaga akong maalala,” nababahala niyang saad. Matagal na napatitig sa kanya ang lalaki bago ito nag-dial sa intercom. Dumaan ang katahimikan. Ilang minuto lang ay dumating na ang isang doctor at sinuri siyang mabuti. “I already explained to you about acute subdural hematoma developing from a head trauma. It is possible that she is suffering from memory loss in other words amnesia,” saad ng doctor. Ipinaliwanag nito ang iba’t-ibang klase ng amnesia na maaaring maranasan ng taong sumailalim sa head operation pero wala ni isa sa sinabi nito ang rumerehistro sa utak niya. “How long can she regain her memory?” malungkot na tanong ng lalaki. “That I’m not quite sure. It could be sooner or later or never at all. We only hope for the best,” saad naman ng doctor. Napahawak siya sa ulo. Pinilit niyang alalahanin ang lahat pero blangko talaga. Bahagyang kumirot ang kanyang ulo kung kaya’t minabuti niyang ipikit nalang muna ang mga mata. “Jel, wala ka ba talagang naaalala? Please ‘wag mo naman akong biruin ng ganito,” nagsusumamong saad ng lalaki sa tabi niya. Gusto niyang magsalita at sabihing nahihirapan din siya dahil talagang walang pumapasok sa utak niya pero parang hapong-hapo ang katawan niya at ‘di niya magawang magsalita.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
893.3K
bc

Married to a Hot Magnate

read
358.1K
bc

Just Another Bitch in Love

read
34.7K
bc

Wandering One

read
21.2K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

Run, Girl, Run

read
32.7K
bc

Senorita

read
13.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook