May anak na pala siya at asawa pero bakit hindi niya maalala ang lahat? Ipinilig niya ang ulo at pumikit.
“Nate, pwede ka bang magkuwento baka sakaling maalala ko,” saad niya habang nakapikit pa rin. He heard a sigh from Nate bago ito nagsalita.
“Your name is Jelna Cielo Javar. Pero noong nagpakasal tayo siyempre iba na ang surename mo. It became Archenda,” umpisa nito.
“What’s your full name?” Tiningnan niya ito. Naiinis siya sa sarili dahil pati pangalan ng kanyang asawa ay hindi niya maalala.
“Nathaniel Archenda. We got married when you were 20, right after your graduation,” tugon nito. Hindi na siya umimik dahil mas lalo lang siyang nafru-frustrate na wala siyang maalala ni isa mga sinasabi ng asawa niya.
“You had Janella a year after we got married,” dagdag nito.
“So, I’m 26? Ikaw ilang taon ka na?” tanong niya rito nang mag-sink in sa utak niya ang mga sinabi nito.
“I’m two years older than you. Our parents are business partners,” tugon nito. Napapikit siya dahil sa bahagyang pagkirot ng kanyang sentido.
“Jel sweetheart, are you okay?” nag-aalala namang tanong ng kanyang asawa.
“I’m okay. I think I just need to rest.”
“Are you sure you’re okay?” paniniguro nito. Tumango naman siya.
“Okay, matulog ka na lang muna.” He kissed her on the forehead kasabay ng pagpikit ng kanyang mga mata.
***
Nagising siya kinabukasan na tinatanggal na ang kanyang suwero.
“Good morning!” bati ng kanyang asawa. Napangiti siya nang masilayan ang guwapo nitong mukha.
“Naayos ko na yung bills natin, puwede na tayong umuwi after breakfast,” nakangiti nitong hayag. Napatango naman siya. Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Paano kaya niya haharapin ang buhay niya na wala siya ni isang naaalala?