WHO AM I?

1113 Words
Chapter Fifteen -Kendal- Hindi ko talaga inaasahan ang pagdating ni Uno sa loob ng dalawang taon mula ng umalis ito ay ngayon na lang ulit ito nagpakita sa akin. Aaminin kong namimiss ko ito at gusto ko na itong makita, pero mukhang nakalimutan na ako nito. Gusto kong magtanong kay Lola Auring pero nahihiya ako dito, kaya nilibang ko na lang ang aking sarili pa nanahi ng mga kurtina. Ewan ko pero meron akong nakikitang mga ala-ala sa aking isip na masaya daw akong nagtatahi ng mga damit, at may isang babae na masayang pinagmamasdan kung paano ko tapusin ang isang damit. Kaso sadyang umasakit ang ulo ko kapag pinipilit kong makaalala ng mga bagay-bagay. Hindi ko rin tanda kung ano ang kaarawan ko pero sabi ni Lola ay tuwing marso ng abente kaya noong sumapit yun ay nagkaroon ng maliit na salo-slo para sa akin. Iyun din kasi ang unang taon ko dito kaya kahit papaano ay naging masaya ako dahil sa nagkaroon pa ang ng mga bagong kaibigan na si Yna at Lanie na kapwa tindera sa palengke kung saan kami namimili ni Lola. Sila din ang kasama ko sa tuwing gusto kong malimot sa isla dun ko lang din nalaman na nasa batanes pa kami at masasabi kong maganda ang tanawin dito lalo na ang karagatan na kulay asul at berde. Humanga din ako sa mga tao dito dahil talagang masasaya silang kasama, hindi ko gaanong maintindihan ang kanilang mga sinasabi ay ok na rin kasi kahit papaano ay marunong silang magsalita ng tagalog. Sa loob ng ilang taon ay naging maayos at komportable na akong mamuhay dito. Pero kung minsa ay napapaisip ako kung sino nga ba talaga ako at kung nasaan ang mga magulang o kung may kapatid nga ba ako. Iyan sana ang gutong itanong sa mga taong naririto pero hindi ko magawa dahil parang meron akong kinatatakutan na malaman sa susubukan kong magtanong. Nakita kong sobrang napagod sila Uno at ang dalawang kaibigan nito, kaya naman hinayaan ko na lang ang mga ito na matulong muna sa sala. Papalabas na rin ako ng marinig kong may kausap si Uno at tama nga ako dahil si Yna at Lanie, sinusundo ako ng mga ito dahil sa pupunta kami ngayong sa kabilang baryo fiesta kasi ngayon at gusto din naming magperya. Masaya ako dahil pakiramdam ko ay ngayon ko lang ito mararanasan. Kaso may asungot na pinipigilan ako kaya hindi ko mapigilan na makapagsalita dito ng masama, tinarayan ko talaga ito dahil sa inis pa rin ako sa pag-alis nitong wala man lang maayos na dahilan. Nasa may perya na kami ng may maramdaman kong may sumusunod sa bawat puntahan ko. Lumingon ako sa paligid para tignan pero wala naman akong makita, napabuntong hininga na lang ako naisip kong baka guni-guni ko lang yun. “Sissy, kamusta balita namin ay dumating na ang afam mo?” Tanong sa akin ni Alex pero sa gabi ay Alexa daw. “Korek, at alam ba ninyo nakakalaglag ng panty sa sobrang gwapo.” Sagot naman ni Lanie dito. Nagtilian pa ang apat at ginagalaw pa ni Alexa ang kanyang puwit na akala mo ay parang bibi. Natatawa na lang ako sa mga ito, ganito talaga sila lalo na kung makakakita ng mga gwapo. Hinayaan ko na lang ang mga ito at lumapit ako sa isang tindahan ng mga keychain. May nakita kasi akong parang pamilyar sa akin kaya hinawakan ko. Mga pangalan yun at napakus ang tingin ko sa isang pangalan ng lalaki CALLIX, hindi ko alam pero paramg pamilyar sa akin ang pangalan na yun. Naipaling ko pa ang akin ulo para lang isip kung saan ko nga ba narinig ang pangalan na yun. Hanggang sa naglapitan na ang mga kaibigan ko at nakipili na rin ng kani-kanilang mga pangalan. “Hoy, sino si Callix?” Tanong sa akin ni Lanie at tinuro ang hawak kong keychain name. “Wala naman para lang kasi may naalala ako, kaso hindi ko maisip kung saan ko narinig at nakita ang ganitong pangalan.” Paliwanag ko sa mga ito. “Ano ba ang name ni husband mo?” Malanding tanong sa aking ni Alexa. “Ang alam ko Uno Patterson, yun kasi ang sabi niya sa akin nung minsang tinanong ko siya. “Eh, baka name yan ng Daddy at kapatid mo magtanong ka na lang kasi kung sino ang mga magulang mo malay mo di ba hinahanap ka na pala ngayon?” Dugtong pa ni Yna. “Or better yet, mayaman ka pala at isa kang anak ng haciendero at ung husband mo siya ung nakakita sayo tapos kinasal kayo ng hindi alam ng parent’s mo sis.” Masayang pagkukuwento naman ni Tony isa rin bakla at Tina sa gabi. “Magaling talaga gumawa ng kuwento ang mga baklang to eh noh, kakabasa ninyo yan sa pocket na binibili n’yo noh. Alam ninyo mabuti pa pumunta na lang tayo sa binguhan dahil balita ko malaki ang jackpot ngayon dun.” Singit naman ni Lanie sa gitna at itinuro pa nito ang lugar kung na saan ang pinguhan. Binitiwan ko naman ang pangalang hawak ko kanina at sumunod na lang sa apat na excited ng maglaro ng bingo. Masaya ang naging gabi naming sa perya hinatid naman nila ako sa bahay. Papasok na ako sa bintuan ng mapansin kong nakatayo si Uno sa isang puno malapit lang din sa akin. Nakatalikod ito kaya hindi ko na lang ito pinansin pa. Kaso bigla nitong kinuha ang kamay ko at hinila ako papalapit sa kanya ay hinayakap ng sobrang higpit. “I miss you sweetheart, please forgive me……. please” Mahina at pabulong na nitong sambit sa akin. “Mukhang nakainom ka ha.?” Tanong ko dito dahil amoy na amoy ko ang alak sa katawan nito. “Sorry, it's just a little bit, I'm just sad because you still ignore me. Since then, I don't want you to be angry that's why I do everything to make it up to you.” Salita nito sa malabing na boses. Nakayap pa rin ito at nararamdaman ko na rin ang bigat nito kaya niyaya ko na ito sa kuwarto para nang sa ganon at makapagpahinga na ito. Saktong naihiga ko ito ay nakatulog na rin ito. Pinagmasdan ko itong mabuti bago hinubad ang suot nitong t-shirt, napagulong naman ito at napadapa kaya nakita ko ang mga pektal nito sa likod. Mukha kasing sariwa pa ang peklat nito hinipo ko yun at nakaramdam ako ng sakit sa dib-dib, piling ko ay dahil sa akin kung bakit siya may nga mga sugat. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang aking luha habang patuloy kong pinagmamasdan ang likod nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD