Chapter Fourteen
-Uno/Callix
Inaapoy na ako ng lagnat pagkatapos kong mataligo sa harap mismo ni Zevy, pero kahit papaano ay hinayaan parin ako nitong kunin ng mga tauhan ko para magamot. Alam kong galit ito sa mga naging sagot ko sa kanya kaya ako binigyan ng ganoong parusa.
Ang totoo ay wala lang sakin kung ilang latigo pa ang gusto niya. Basta huwag niya lang hahayaan na kunin saakin si Kendal dahil siguradong iyon ang hindi ko kayanin. Hinanda ko na rin naman ang aking sarili sa lahat ng mangyayari sa akin kahit sino ang magalit ay wala akong pakialam dahil walang laman ang utak ko ngayon kung di ang makitang nasa tabi ko lang ito.
Inabot pa ng ilang buwan pa bago ulit ako nakauwi sa Batanes kung san ko iniwan si Kendal, kaylangan ko pa rin kasing magpagaling dahil sa sugat na meron ako. Kinausap din ako ni Daddy tungkol sa mga ginawa ko pero buo ang naging desisyon ko kaya walang sino ang makakapigil sa akin.
Pinayuhan lang ako nito na mag-iingat dahil ang magiging galit ni Kendal sa akin ang hindi ko kakayanin un na rin siguro ang magiging katapusan ko. Napaisip man ako sa sinabi nito pero naniniwala akong pagmahal mo ang isang tao makakaya mo itong tanggapin ng buo.
Inabutan ko itong nananahi ng isang tela sa labas ng bahay habang nakaupo sa isang upuang kahoy. Tinawag ko ito pero hindi naman ako pinansin man lang. Napatingin naman ako kay Lola Auring at sinabi nitong sobrang galit ito sa akin. Bagsak ang balitak akong tumabi dito pero hindi talaga ako nito pinapansin man lang.
“Sweetheart, please kausapin mo naman ako. Sorry at natagalan ang pag-uwi ko marami kasi akong naging trabaho kaya hindi agad ako nakauwi….please patawarin mo na ako sweetheart.” Nakayuko kong salita dito at pinalungkot pa ang aking boses, para maaawa ito sa akin. Nakita kong humito ito sa ginagawa at lumingon sa akin.
“May labahin sa laban simulan mong labhan yon, at pagkatapos magsibak ka ng kahoy para makapagluto ka na rin at saka ikaw na rin ang tumapos ng mga ito, aysuin mo ang tahi ha. At saka mo ako kausapin kapag natapos kana baka saraling patawarin pa kita.” Sagot nito na ikinanganga ko dito.
Umalis ito sa tabi ko at maging ang ginagawa nitong pananahi ay iniwan sa akin. Hindi ko akalin na kahit wala itong maalala ay ganoon parin ito kalupit magparusa sa akin. Napatingin naman ako kay Lola Auring ng lumapit ito sa akin at kinuha ang telang tinatahi ni Kendal kanina.
“Kung ako sayo susunod na ako mukhang ibang klase magalit ang asawa mo? Hindi mo masisi ang asawa mo kung galit sayo halos dalawang taon kang hindi nagpakita. Alam mo bang walang gabi-gabi siya naghihintay sa pagbabalik mo, hindi siya nagtatanong sa akin pero nararamdaman ko a gusto ka niyang makita. Masakit na wala kang maalala tapso ang tangin taong nakakakilala pa sa kanya ay iniwan siya, sa tingin mo ano ang iisip niya sayo. Kaya kung ako sayo pagtuunan mo ng pansin ang asawa mo baka magulat ka na lang na may iba na pala siyang gusto.” Seryosong pagkakasabi ni Lola.
Katulong sina Wilson at Jayson ay tinapos naming ang halos tatlong palangganang labahin, hindi ko nga alam kung saan galing ang mga damit na yun eh dahil sobrang dami talaga.
“Uno, aren’t you her husband, why do we sympathize with your punishment?” Inis na tanong sa akin ni Jayson. Habang sigi ang kuskos sa damit na hawak nito.
“Yes, that's why I don't want to get married because I don't want to do laundry and then this is what I will experience.” Sabat naming ni Wilson na ngayon ay nagsasampay naman.
“Finish it if you don't want me to send you to Iraq.” Sagot ko sa mga ito.
“Tigilan ninyo ang pagkukuwentuhan ninyo at tapusin na ninyo itong mga to. Ayokong maririnig ang reklamo sa inyo kung ayaw ninyong isa-isa ko kayong ihagis sa dagat pabalik sa mga pinanggalingan ninyo.” Mataray na sambit ni Kendal at hinagis pa sa mukha ko ang ilang pirasong kurtina, at saka umalis na masama ang tingin sa akin.
Pero bumalik ito sa tapat ko at hinagis ang suot kong damit kanina, hinubad ko kasi ito dahil tiyak na mababasa.
“Ikaw, isuot mo itong damit mo kung ayaw mong may mabulag ako dito.” Salita nito at tumingin sa mga kababaihan na nakatingin sa aming tatlo, nakahubad din kasi ang dalawang tauhan ko pero ako lang ang pinasusuot nito ng damit.
Hindi ko mapigilang kiligin sa isiping nagseselos ito sa mga kababaihan na nakakakita ng katawan ko.
“Kendal, bakit siya lang ang pinagsusuot mo ng damit paki hangis mo nga rin ung damit ko.” Pagbibiro ni Wilson dito. Muli itong humarap sa amin at masamang tumingi kay Wilson.
“Asawa ba kita? Wala akong pakialam sayo kahit magdamag kang maghubad.” Nakataas nitong kilay na sagot kay Wilson.
Nakita ko naman nainis dito si Wilson pero hindi na pinatulan ng tumingin ako dito. Umalis naman si Kendal at napuno ng asaran ang dalawang to. Hinayaan ko na lang ang mga ito dahil masaya ang puso ko ngayon. Dahil sa narinig kong sinabi nitong asawa niya ako.
Halos gabi na rin ng matapos kami sa lahat ng piangawa ni Kendal sa amin. Nakita ko pa ang dalawang tauhan ko na natutulog sa may sala at makikita sa mga ito ang pagod dahil sa lakas ng mga itong makahilik.
Lumabas muna ako habang umiinom ng kape ng may makita akong dalawang babae ang parating at mukhang sa bahay ang tungo.
“Magandang gabi anyan ba si Kendal?” Tanong nag isang babaeng mukhang kasing edad lang ng aking asawa. Sasagot na sana ako ng lumabas na si Kendal na maayos ang bihis at mukhang may lakad.
“Oh, nariyan na pala kayo Yna, Lanie. Ano tara na baka mahuli pa tayo.” Sagot dito ni Kendal at parang hindi ako nakikita.
“Teka, san ka kayo pupunta.” Tanong ko dito at hinawakan ang braso ng aking asawa. Pero napabitaw ako dito ng sinamaan niya ako ng tingin.
“Ah, d’yan lang sa may kabilang barko fiesta kasi kaya pupunta kami inimbitahan kasi kami nila Tony at Alex mga kaibigan namin sa palengke.” Sagot ng nangangalang Yna.
“Sasama ako,” Mabilis na sagot ko sa mga ito.
“Sino ang may sabi sayo?” Mataray na sagot sa akin ni Kendal.
“Asawa mo ako kaya dapat lang na samahan kita kung san ka pupunta.” Paliwanag ko dito.
“Bakit sinamahan ba kita ng umalis ka ha?” Nakapamewang na itong tanong sa akin.
Wala naman akong masabi kaya hindi ko na rin namalayan na nakasakay na ang mga ito ng tricycle. Napahilamot naman ako sa mukha at nagmamadaling puamsok ng bahay para gisingin ang dalawa, natapon pa ang dala kong kape sa mukha ni Wilson kaya mas lalo ito nagising.
Nagmamadali naman nakuha ng mga ito ang kanilang mga baril at naitutok pa sa akin. Natauhan naman ang mga ito ng sabihin ko na pupunta kami sa kabilang barko dahil fiesta. Nagkatingin pa ang mga ito at muling bumalik sa pagkakatulog, pero dahil ako ang boss nila wala silang magagawa kung di ang sundin ang nais ko.
Huwag ko lang makikita na may kausap si Kendal na lalaki dahil siguradong tatamaan ito sa akin. Humanda talaga sa akin ang babaeng, matapos ako paglabahin ng sobrang dami at magsibak ng kahoy ay bigla na lang aalis. Lagot talaga yan sa akin, sarap parusahan ng babaeng to sa ibabaw ng kama.