VENUS ATHLEA SARVANTES
Ngayong araw dumating na ang pinakahihintay ko. Ang makita ulit siya, wait ! Ang ibig kong sabihin doon ay yung meeting para hindi mawala sa akin ang pagiging valedictorian.
Maaga ako umalis sa bahay para hindi mahalata ni pinsan at nagtext na ako sa kambal na pupunta ako ng maaga sa kanila ngayon.
Pagkarating ko sa bahay nila ay sinalubong ako ng guard at agad na pinapasok.
Nakita ko ang magulang ng kambal at bumati ako sa kanila ng mapansin nila ako.
"Good morning tita, tito"magalang na sabi ko sa kanila at ngumiti naman agad sila.
"Good morning din iha"bati ni tita habang si tito ay nakangiti lang.
"Puntahan ko na po yung kambal"paalam ko sa kanila at tumango naman sila pareho.
Pagpunta ko sa kwarto nila ay nagulat ako ng biglang may humatak at nagtatalon.
"Waah Venus nadinig ang panalangin namin na maayusan ka"nakangiting sabi sa akin ni Zyla at tumango na lang ako.
"Para saan ba ito Venus? Sabihin mo na kasi sa amin"pagmamakaawa ni Zhia at napaisip naman ako bigla at wala naman dito si pinsan at alam kong hindi nila sasabihin iyon.
Kinuwento ko naman sa kanila yung punishment at agad naman tumango yung dalawa at ng mabanggit ko ang pangalan ni Athena ay nagtitili na sila.
"Oh my gosh ang swerte mo girl, makakaharap mo sa personal ang isang Saavedra at mamakausap mo pa"tili na sabi ni Zyla at nagtatakang napatingin naman ako sa kanila.
"Kasi girl ang Saavedra lang naman ang nasa Top 1 list na pinakamayaman sa buong mundo at sunod naman ang kaapelido niyo na Sarvantes na kasalukuyang nasa Top 2 at wala pang sinuman nakakakita sa kanila ng personal"sabi ng kambal at wow kaapelido namin pero napakaimposible naman na kami yun dahil mahirap lang kami at nagtratrabaho lang sila inay sa isang factory.
"Alam mo ba inisip pa namin nun kayo ng pinsan mong si Alex na isa kayo doon pero nalaman namin na scholar lang pala kayo"paliwanang pa nito sa akin at tumango na lang ako.
Pagtingin ko sa wall clock nila sa kwarto ay bigla ako napatili ng makitang 7:30 am na. 9 am kasi simula ng meeting.
"Wahhhhh"tili ko at nagulat bigla yung kambal.
"Bakit ano nangyari sayo?"agad na tanong nila sa akin at napapout ako.
"7:30 am na"naiiyak na sabi ko sa kanila at nagmadali naman sila maghanap ng dress at napangiti bigla dahil ang cute at favorite ko ang color pink at yung heels pa kulay pink din.
Mabilis na pinasuot nila sa akin iyon at maghuhubad na sana ako napansin ko yung kambal na nanlalaki ang mga mata.
"Bakit?"inosenteng tanong ko sa kanila.
------
ZYLA MAE VASQUEZ
Nagulat kami ng biglang maghuhubad si Venus sa harap pa mismo namin ni kambal.
Napansin ata ni Venus ang gulat na expression namin at biglang nagtanong.
"Bakit?"inosenteng tanong nito sa amin at namula naman ako bigla at maging si kambal.
"Uso banyo"biglang sabi ni Zhia.
"Nagmamadali na ako eh"sabi nito at naghubad na ng damit niya at bigla naman ako napalunok dahil ang ganda ng katawan niya ang sexy niya at may medyo abs siya tapos sobrang kinis pa ng balat niya.
"Kambal namamawis ka, at namumula hindi naman mainit infact malamig pa nga"mapang asar na sabi bigla ni Zhia sa akin at napansin kong nakapagbihis na ito at mabilis akong lumapit at bago iyon ay inirapan ko muna si kambal.
------
ZHIA MAY VASQUEZ
Ang cute talaga ng kambal ko at napatingin ako ng inaayusan niya si Venus.
Alam ko naman na may gusto siya kay Venus pero nililihim niya lang ito.
Pero dahil kambal kami ramdam ko iyon at ako naman ay may gusto kay Alex na pinsan ni Venus.
"Ayan done na"nakangiting sabi ni kambal at pagtingin ko ay wow ang ganda ni Venus i mean mas lalo siyang gumanda.
-----
VENUS ATHLEA SARVANTES
Pagtingin ko sa salamin ay napangiti ako sa nakita ko ang galing talaga mag ayos ni Zyla.
Nagpaalam na ako sa kanila at pagbaba ko ay naabutan ko si Tita at Tito na nanonood.
"Alis na po ako"paalam ko sa kanila.
"Wow iha you look good"sabi naman ni tita at napangiti naman ako.
"Yeah your tita it's right"sabi naman ni tito at napangiti naman ako sa sinabi nila.
"Salamat po una na po ako"paalam ko sa kanila at bigla silang sinabi.
"Iha mabuti pa pahatid ka na lang namin kay Mang Gardo at nang hindi ka malate"suggest ni tita at mabilis naman akong sumagot dito.
"Nakakahiya naman po pero salamat"nakangiting sabi ko sa kanila.
Hinatid naman ako ni Mang Gardo at napansin kong malapit na din ako.
Pagtingin ko sa orasan ko ay 8:45 am na at buti naman nakaabot ako . Nang makarating ako ay nagpasalamat agad ako dito at nakita ko sa unahan si Ms. Dimagiba.
"Wow Ms. Sarvantes it's that you?"nakangiting tanong ni Ms. Dimagiba at napangiti naman ako ng maliit dahil nagmumukha nanaman siyang monster clown.
"Let's go"ayaw nito sa akin at sumunod naman ako at pag pasok namin ay pinag titinginan ako at naririnig ko pa ang mga bulungan nila.
"Wow sinong babae na yan ang ganda niya"boy 1
"Wow nakakainggit naman"girl 2
"Sexy and hot"boy 2
"Siya yung kasama nung isang araw ni Ms. Saavedra di ba?"sabi ng isang babae.
"Oo nga baka girlfriend niya yan"
Pinag walang bahala ko na lang ang mga pinagsasabi nila at nang makarating na kami sa office ni Ms. Athena ay sinalubong kami ni Celine.
"Hi Ms. Dimagiba and Ms. Sarvantes"magalang na bati nito sabay ngiti din sa akin.
"Hi Celine"masayang bati ko at tumango lang ito.
-----
ATHENA SAMANTHA SAAVEDRA
Nandito na sila at mas napansin ko si Venus , wow ang ganda niya talaga. Bagay na bagay sa kanya yung pink na dress na suot niya.
Nakikita ko sila gamit ang computer ko nakaconnect lahat ng mga camera dito sa company ko.
Ilang sandali lang ay pinapasok na sila ni Celine at napangiti naman ako pero binalik din ang cold expression ko.
"You may go Celine"cold na sabi ko at mabilis naman na umalis ito.
"Good Morning Ms. Saavedra"masayang sabi ng kasama ni Venus at mukha siyang clown sa sbrang kapal ng make up niya.
"You may sit"sabi ko sa kanila at umupo naman agad sila.
"Ms. Saavedra kaya po kami nandito para mapakiusapan na maging guest speaker ka this coming graduation"sabi ni Ms. Dimagiba at alam ko yun ang surname niya dahil isa siya sa mga prof sa school ko.
"But why?"cold na tanong ko dito.
"Dahil madami pong gusto kayo makita sa personal at para na din po sa mga student na inspiration ka po sa pag aaral nila"sabi nito at tumango na lang ako.
"And because of that kailangan ko na maging guest ng graduation na yun"cold na sabi ko dito at natahimik naman ito.
"Excuse me Ms. Athena, you need to be there din po dahil kayo ang ang may ari and kahit kalahating oras lang po ang mabigay niyo ay malaking bagay na iyon sa mga may gustong makita kayo ng personal"seryosong sabi bigla ni Venus.
"Bawat oras ko ay may halaga Ms. Sarvantes and hindi ako bastang basta tao lang"cold na sabi ko dito at akala ko susuko na siya.
"Alam ko po yun kaya lang isa rin niyo naman sa mga business ang school na pinapasukan ko at pag hindi ko kayo napapayag mawawala sa akin ang pagiging valedictorian ko"malungkot na sabi nito at parang iiyak na agad ako nagsalita bago ito umiyak.
"Okay payag na ako-but"pagbitin ko sa kanya.
"But?"tanong ni Venus at nagpout pa ito. Ang cute niya grabe sarap halikan at alam ko malapit na mangyari iyon.
"Ms. Dimagiba you may leave now"cold na sabi ko at napansin kong may sasabihin pa ito pero tinignan ko na ito ng cold stare ko.
"Yes Ms. Saavedra"magalang na sabi nito at paglabas niya ay humarap na ako kay Venus na may pagtataka ang mukha at ang cute niya talaga.
"You need to sign this"sabay pakita sa kanya ng isang papel at nagtatakang napatingin siya sa akin.
"Para saan iyan Ms. Saavedra"takang sabi nito sa akin.
"Kung gusto mong pumayag ako pirmahan mo yan"cold na sabi ko at napansin kong nagdadalawang isip siya.
-----
VENUS ATHLEA SARVANTES
Pipirmahan ko ba o hindi? Pero hindi ko pa alam ang laman nun o nakasulat.
Naisip ko naman si Inay at Itay alam kong masasaktan sila pag hindi ko nagawan ng paraan na maayos ang problema ko at si pinsan ay magagalit din.
"Pipirma na ako"nakangiting sa sabi ko dito at tumango naman ito.
Gusto ko siyang yakapin at halikan? Ano ba nangyayarisa akin simula makita ko lang siya gustong gusto ko na siya laging kasama.
Pareho naman kaming babae? Hay bahala nga at mabilis ko pinirmahan yung mga papeles at nakangiting inabot ko ito kay Ms. Athena.
"Good. Good bye for now wifey"bulong nito sa akin at hindi ko alam bakit ganun ang sinabi niya.
"Payag kana po ba?"tanong ko sa kanya at nakita kong ngumiti ito sandali at yung puso ko nag wawala nanaman.
Dug ! Dug ! Dug !
"Yes"nakangiting sabi nito at bigla ako napayakap dito.
"Waah salamat"nakangiting sabi ko habang nakayakap at naramdaman kong yumakap din ito pabalik.
"Your welcome wifey"sabi nito at ngumiti na kumalas ako at hindi ko alam bigla ko itong hinalikan sa
Pisnge.
Iniwan ko itong tulala at paglabas ko ay nakita ko si Ms. Dimagiba na ninenerbyos.
"Anong sabi Ms. Sarvantes?"kinakabahang tanong nito sa akin at matagal bago ako sumagot napansin kong lumungkot ang mukha nito.
"Pumayag po siya"masayang sabi ko at yung mukha nito at biglang naging masaya at natakot ako bigla.
"Bakit ka namumutla Ms. Venus"takang tanong sa akin ni Celine.
Mabilis na lumapit ako dito at bumulong ako sa kanya na ikinatawa nito.
"Ang bad mo"sabi nito at napailing na lang.
"Una na kami ah"paalam ko dito at ngumiti sa akin sumabay na ako kay Ms. Dimagiba at paglabas namin ay may nakasalubong akong babae na mukhang manika at ngumiti ito sa akin.
"Congratulation"bulong nito sa akin at nagpasalamat naman ako at naisip ko na baka alam niya na pumayag si Ms. Athena.
"Salamat"sabay ngiti ko dito at umalis na ito at tanaw ko na lang siya.
"Uwi na tayo Ms. Sarvantes"sabi nito at tumango na lang ako. Sumabay na ako sa kanya at naisip ko bigla yung pinirmahan ko. Ano kaya iyon? Dapat pala binasa ko muna :3
Pero ayos na yun atleast pumayag na siya at hindi malulungkot sila inay at itay . Tapos hindi pa magagalit sa akin si pinsan.
-----
Author's Note
HahahaxD napaupdate tuloy ako bigla sa dahil trip ko lang xD.
Comment?
FantasyLover1499