VENUS ATHLEA SARVANTES
"You may now kiss the bride"sabi ng pari at pagtingin ko sa kasama kong ikakasal ay nagulat ako ng makita ang mukha ni Ms. Athena.
Nilapit na niya ang mukha niya sa akin at pumikit ako pero bigla ako nagising ng may humampas sa magandang mukha ko.
"Waah"sigaw ko at may humapas nanaman sa akin at napahimas naman ako sa mukha ko.
Hinanap ko ang salarin at tinitigan ito ng masama pero imbes na matakot ay ngumisi lang ito sa akin.
"Masakit ah"nakapout na sabi ko dito.
"Aww kawawa naman ang pinsan ko"malungkot na sabi nito at bigla naman ako napatayo at pumasok sa banyo.
Napatingin ako sa salamin ng banyo ko at iniisip nanaman ang panaginip ko.
Ang weird naman nun, sa babae ako kinasal at hindi lang basta babae kay Ms. Athena pa daw.
"Hoy bilisan mo dyan malalate na tayo bwiset ka"inis na katok bigla ng pinsan ko at nagmadali naman agad akong naligo.
Matapos ako ay mabilis na bumaba ako at umupo sa upuan at nagsimula na akong kumain.
Napansin kong wala na si Inay at Itay, si pinsan naman ay may kausap sa phone niya.
"Tapos kana ba?"masungit na tanong nito sa akin.
"Oo"maikling sagot ko at mabilis na tumayo na at uminom ng gatas.
Habang naglalakad kami ay tulala lang ako at mukhang napansin naman ito ni pinsan.
"Anyare sayo?"takang tanong nito sa akin.
"Ang weird lang ng panaginip ko"nakapout na sabi ko dito.
"Ano ba napaginipan mo? Wag mong sabihin na hindi kana tanga doon?"medyo hard na sabi nito at napapout ako lalo sa sinabi nito. Ang bad talaga nito sa akin.
"Kinasal daw ako"masayang sabi ko at bigla naman ito tumawa ng malakas.
"Sino naman ang malas na taong magpapakasal sayo? Hahaha"mas hard na sabi nito sa akin at napatahimik naman ako bigla sa sinabi nito.
"Sorry"sincere na sabi nito at bigla akong ngumisi sa sinabi nito.
"Uso pala mag sorry sayo"nakangising sabi ko dito at napansin kong bigla ako tinitigan ng masama nito.
"Pasalamat ka nag sorry pa ako kung di ka lang tanga"sabi nito sa akin at natawa na lang ako.
Atleast na change topic ko at ayaw ko ikwento sa kanya na babae ang papakasalan ko sa panaginip ko pero ng maisip kong siya ang papakasalan ko bumibilis ang heartbeat ng puso ko.
Nang makasakay kami ay tahimik lang kami sa buong byahe at nang makarating kami ay mabilis na bumaba ako.
Pagpasok ko ay puro bati ang salubong sa amin at tanging ngiti lang ang sagot ko.
Kring ! Kring ! Kring !
"Una na ako pinsan"sabi ko dito at tumango na lang ito sa akin at nagpaalam na ako.
Pagpasok ko sa room ay binati agad ako ng mga kaklase ko at tumango lang ako sa kanila.
Nagsimulang magdisscuss si Ms. Dimagiba at nakikinig lang kami pero ako ay iniisip ko si Athena.
I really want to kiss her. What? Sinabi ko bang gusto ko siyang halikan? As in kiss? Pero babae siya.
"Ms. Sarvantes are you listening?"tanong bigla sa akin ni Ms. Dimagiba at tumango na lang ako dito.
Nagtuloy ulit ito sa pag disscuss at ilang oras lang ay natapos na at mabilis na lumabas ang lahat at nang lalabas na ako.
"Ms. Sarvantes"tawag sa akin nito.
"Yes po?"magalang na tanong ko.
"Ready ka na ba para sa meeting?"tanong nito at bigla akong napaisip para saang paghahanda?
"Anong paghahanda po ba?"takang tanong ko dito.
"Kung ano yung sasabihin mo kay Ms. Saavedra"sabi nito na tila naiinis na at tumango na lang ako.
"Ireready ko na po mamaya"sabi ko dito at tumango naman ito sa akin.
"Ok. You may go"sabi nito at mabilis na lumabas ako.
Hmm ano ba dapat kong sasabihin para makumbinse ko siya na maging guest sa graduation day namin.
"Venus"biglang sigaw ng dalawang pamilyar na boses at napansin kong sila Zyla at Zhia lang pala.
"Kamusta?"tanong ko agad sa kanila.
"Ikaw ang dapat namin kamustahin"sabay na sabi nila sa akin.
"Bakit naman?"takang tanong ko sa kanila.
"Di ba may punishment ka?"tanong nila at tumango naman ako.
"Kaya alam mo na"sabi naman ni Zhia.
"Ahh yun pala"tatangong sabi ko pa sa kanila.
"Oo, so ano ang punishment mo?"atat na tanong ni Zyla sa akin.
"Secret"sabi ko at ngumiti na lang.
Athena ! Ginugulo mo isip ko kainis ka :3 pati paniginip ko sumasama kana din.
Anong spell ginamit mo sa akin? Bakit gusto kitang makita at makasama?
------
Author's Note
2nd Update :) ( Short Update )
Done :)
Comment?
FantasyLover1499