Contract

1532 Words
ATHENA SAMANTHA SAAVEDRA Tulala lang ako hanggang sa makalabas si Venus. Nakaramdam ako ng pamumula sa ginawa nito. Ano ba ang ginawa mo sa akin Venus at sayo lang ako nagkakaganito. Umupo ako at tinignan ang pinirmahan ni Venus at wala sa sariling hinaplos ko ito. Marriage Contract Di man lang niya napansin o binasa ang pinirmahan niya pero nasa isip ko pa din na akin lang siya. Right she's mine now ! Ring ! Ring ! Ring ! Pagtingin ko sa phone ko ay napataas ang kilay ng makita kung sino ang tumatawag. Anong kailangan nito sa akin? Istorbo talaga kahit kailan pasalamat siya pinsan ko siya. Abigail Silva Calling ... Sinagot ko agad ang tawag niya ay tumili naman agad ito sa kabilang linya na ikinainis ko. "Kayahhh Athena ang ganda niya"sabi nito at nagtataka naman ako sa sinabi nito. "What do you mean? And who?"cold na tanong ko dito. "Papunta na ako dyan wait"sabay baba nito at napailing na lang ako sa babaeng yun. Ilang sandali lang ay biglang bumukas ang pinto ng office ko at mabilis na lumapit sa akin si Abigail. "Athena yung babaeng sinasabi nila at nag congrats nga ako sa kanya eh"masayang sabi nito at hindi siya pinansin. "Bakit ka nag congratulation?"cold na tanong ko ulit dito at ngumisi ito sa akin sabay tingin sa hawak kong Contract. "Kasal kana congrats girl"sabi nito at tinignan ko ito ng masama. "Paano mo nalaman?"seryosong tanong ko dito at napaiwas naman ito ng tingin. "Celine"sigaw ko at alam kong narinig nito ang sigaw ko. Mabilis na pumasok ito at tumingin kay Abigail at napalunok ng wala ito sa oras habang si Abigail ay nakayuko lang. "Cancel all my appointments this whole day, and you may go"cold na sabi ko at mabilis na nagpaalam na ito. "Aalis na ako"cold na sabi ko at mabilis naman nito akong pinigilan. "Sama ako"nakapout na sabi nito pero inirapan ko lang siya. Pagpunta ko sa parking area ay mabilis na binuksan ni Gaston ang car ko at agad ko sinabi sa kanya kung saan kami pupunta. "Kay Atty. Aphrodite Saavedra"at mabilis na pinaandar nito ang car at kasunod lang namin ang mga ibang tauhan ko. Kailangan na din mag ingat lalo na malapit na sila bumalik dito at alam kong gaganti sila. Ilang minuto lang ay nasa isang malaking mansyon kami at binuksan ng guard ang gate . Bumaba ako at mabilis na kinuha ang case ko at pag pasok ko ay sinalubong ako ng mga katulong. "Good day young lady"sabay sabay na bati nila at hindi ko sila pinansin. Nagtungo ako sa isang kwarto at alam kong nandito lang siya dahil once na din ako tumira dito. Walang katok ang ginawa ko at pumasok na ako at mapapansin mo na di man lang nagulat ito sa ginawa ko. Tumingin ito sa gawi ko at ngumiti pagkatapos ay tumayo at sinalubong ako ng yakap. "I miss you little sis"sabay halik sa pisnge ko at ngumiti lang ako dito. "I miss you big sis"mahinang sabi ko at alam kong narinig niya dahil ngumiti siya sa akin. "Upo tayo"sabay turo niya sa couch at mabilis na umupo kami dito. "Ano ang kailangan mo little sis?"malambing na tanong nito sa akin. "Here"sabay abot sa kanya ng contract at nagtatakang tinignan niya ito at ng makuha niya mabilis niya itong binasa. "Wow, you are married now little sis? And hindi mo man lang ako inivite, and who's the lucky girl"malambing na sabi nito sa akin at napangiti naman ako sa tanong niya at napansin kong natigilan ito pero ngumiti din ulit. "Yeah i'm married now and the lucky girl na sinsabi mo hindi niya pa alam. Not yet but soon malalaman din niya"masayang sabi ko at nakita ko naman na naiiyak ang big sis ko. "Don't mind me little sis, i miss your smile and alam kong babalik kana sa dati"masayang sabi nito sabay yakap sa akin at yumakap din ako pabalik. I miss myself too "Big sis please signed this contract para maging official wife ko na siya"masayang sabi ko dito. "Ofcourse little sis, and i need to see this lucky girl who tamed your heart little sis"sabi nito at mabilis na pinirmahan at napangiti naman ako sa sinabi nito. Who tamed my heart huh ! "Lunch tayo big sis"aya ko dito at sobrang namiss ko din siya. ----- APHRODITE SELINE SAAVEDRA Wow first time ko na lang ulit makita ang totoong ngiti ng isang Athena Samantha. Sino kaya ang maswerteng babae na yun at nagtatakang napatingin naman ako dito ng maalala ko ang sinabi niya. "What do you mean na hindi niya pa alam na kasal kayo?"takang tanong ko dito at sabay subo sa food ko. "Hindi niya binasa at basta basta lang niya pinirmahan"cold na sabi nito pero nakikita ko sa mga mata niya na masaya siya at inlove. "And what' her name again?"tanong ko ulit dito at napansin kong ngumiti ito bago sabihin ang pangalan. "Venus Athlea Sarvantes"sabi nito at bigla ko nalaglag ang spoon na hawak ko. "Wait? Sarvantes?"kinakabahang tanong ko dito at tumango lang ito sa akin. "Don't worry big sis"tanging sabi lang nito sa akin at tinulong ko na lang ang pagkain ko. I trust you little sis.. "Venus"bigla kong banggit ng maalala ko na may nakabangga akong isang student at kapangalan pa niya. "Bakit mo nabanggit ang name niya big sis?"takang tanong ng kapatid ko. "Nung nakaraang linggo kasi may nabangga akong isang student sa school natin at ang bait niya dahil mas inuna pa niya ako tanungin kaysa tignan niya ang sarili"paliwanag ko dito at napansin kong nakatingin lang ito sa akin. "Ohh you met her na pala"nakangiting sabi nito at nagtaka naman ako sa sinabi nito sa akin. "Who?"tanong ko bigla dito at hindi ko alam ngayon lang ako naging slow sa buong buhay ko. "My wifey"tanging sabi lang nito sa akin at ngumiti pa. "What?"napatayo na talaga ako bigla sa sinabi nito. "Yes my dear big sis"sabay kain ulit sa pagkain nito at palihim naman akong ngumiti. Bagay nga sila.. Sa wakas babalik na sa dati ang aking little sis at alam kong dahil iyon kay Venus. ----- ALEXANDRA CHLOE SARVANTES Inaabangan ko ngayon ang tanga kong pinsan na dumating. Marami siyang kailangan iexplain sa akin at nung nakaraang nawala siya ay di niya binanggit kung saan siya galing nun ngayon humanda siya !. Ilang sandali lang nakita ko na itong dumating at napansin ko ang suot nito at napataas ang kilay ko. Saang party galing ang tangang ito ? "Venus"madiin na banggit ko sa pangalan niya at bigla itong napatingin sa akin at napansin kong namutla ito. Tama lang na matakot ka sa akin bruhang babae ka madami kang sasabihin sakin. "H-ii pinsan hehe"kinakabahang bati nito sa akin at napataas naman ang kilay ko. "Wag mo akong ma hi dyan"galit na sabi ko dito at napansin kong napalunok ito. "Wahh sorry na pinsan wag kana magalit"naiiyak na sabi nito sabay yakap sa akin. Naramdaman kong umiiyak nga ito at lumambot naman agad ang expression ko. "Mag explain ka na lang sa akin"inis na sabi ko at napansin kong ngumiti ito. Hinataka ako nito at kinukwento na niya ang nangyari nung nakaraang linggo. Kaya pala siya nawala dahil pinuntahan niya yung taong kailangan niya i meet tapos naman ngayon ay yung araw ng meeting nila at kaya pala niya ginawa at hindi sinabi sa akin dahil baka magalit daw ako. "Napapayag mo ba?"masungit na sabi ko at naisip ko na baka may katangahan nanaman itong ginawa. "Oo pinsan pero bago yun may pinapirma siya sa akin eh"nakapout na sabi nito at takang napatingin ako dito. "Binasa mo ba?"galit na tanong ko at mukhang alam ko na ang isasagot nito at dahil tanga ito. "Hindi eh"sabi niya at tama nga ang hinala ko. Mabilis na kumuha ako ng unan at hinampas ito. "Ang tanga mo talaga"inis na sabi ko at napansin kong naiiyak lang ito sa ginawa ko at napansin ko naman iyon ay tumigil na ako. "Bakit di mo binasa? Alam mo bang baka kung ano iyon at makulong ka ng wala sa oras"inis na sabi ko at bigla naman ito yumakap sa akin at yumakap na din ako pabalik. "Hindi yun mangyayari pinsan dahil alam kong mabait si Athena"napahiwalay naman ako dito dahil sa sinabi niya. "Paano mo naman nasabi aber"nakataas kilay na tanong ko dito at bigla itong ngumiti na parang baliw. "Dahil ramdam ko iyon pinsan"sabi nito at napailing na lang ako. Ang bilis niya talaga magtiwala kahit kailan. "Ok basta kung ano man mangyari sayo humanda ka ulit sa akin at hindi lang hampas ng unan ang aabutin mo sa akin"banta ko dito at yumakap ako at naramdaman kong yumakap din ito sa akin. "Salamat"napangiti naman ako sa sinabi nito at napansin kong hindi na ito gumagalaw. Nakatulog na pala ang bruha at mabilis na inayos ito sa pagkakahiga at hinalikan ito sa noo. Kahit anong mangyari andito lang ako sayo at hindi na mangyayari ang nangyari noon. Sa oras na may manakit sayo humanda sila sa akin at hindi ako magdadalawang isip na patayin sila. ----- Author's Note Another update guys :) Thank you sa mga nagbabasa nito :) Comment FantasyLover1499
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD