VENUS ATHLEA SARVANTES
Tapos na ang klase ko ng umaga kaya andito ako sa garden ng school.
Namimiss ko na siya, kailan ko kaya siya makikita? Ang tagal naman kung sa graduation ko pa.
Bakit ko ba siya naiisip? Dapat kasi kinuha ko number niya eh! Bakit di ko man lang naisip yun?
"Hoy lumilipad nanaman yang isip mo"biglang sabi ng isang pamilyar na boses at pagtingin ko ay ang pinaka mabait kong pinsan. Napansin ko sa likod niya na kasama niya ang kambal at nakangiting kumaway ako sa kanila.
"Walang pakpak isip ko pinsan para lumipad"nakapout na sabi ko dito at biglang tumawa yung kambal except kay pinsan na masama ang tingin.
"Hahahaha, ang ibig niyang sabihin girl ang lalim ng iniisip mo"natatawang sabi sa akin ni Zyla at tumango na lang ako.
"Na gets mo na?"inis na sabi ng pinsan ko. Nakangiting tumingin lang ako sa kanya at maging sa kambal.
"Sorry naman pinsan"nakapout na sabi ko dito. Ilang sandali lang ay biglang nag ring ang phone ko.
Sa telepono may tumatawag ! Venus ! Venus ! May tumatawag ..
Mabilis na sinagot ko at hindi ko pinansin kung sino ang tumawag at basta ko lang sinagot.
"Hello"masayang bati ko sa tumawag sakin. At napansin kong hindi man lang siya sumasagot.
"Hello? May tao po ba?"biglang sabi ko at bigla ako binatukan ni pinsan. Tinignan ko yung name nung tumawag pero nagtatakang napaisip ako.
Toot ! Toot ! Toot !
"Binaba"sabi ko sabay lagay sa bulsa ng pants ko.
"Sino tumawag sayo?"curious na tanong sa akin ni Zhia.
"Di ko nga alam eh number lang"sagot ko at napatingin naman ako kay pinsan na nakatingin sa akin.
"Bakit?"tanong ko dito.
"May iba ka bang binigyan ng number mo?"seryosong tanong nito sa akin.
"Wala naman pinsan"sagot ko sa tanong nito at tumango tango lang ito.
Pagtingin ko sa pink na pink kong orasan ay malapit na pala ang lunch.
"Kain na tayo"aya ko sa kanila at mabilis naman kumapit sa akin si Zyla.
Mabilis na pumunta na kami ng canteen at ilang sandali lang ay pagdating namin ay kanya kanyang bati sa amin ang mga estudyante.
Bumabati naman ako pabalik pero si pinsan ayun tinatarayan niya lang.
Pagkaupo namin ay mabilis na nagtanong si Zyla kung ano kakainin ko.
"Nakakapagtaka kana talaga Zyla"biglang sabi ko dito at napansin kong natense ito bigla na ikinataka ko.
"Ha? Bakit ka naman nagtataka kay kambal?"tanong bigla ni Zhia sa akin napansin ko naman si Lexi na nakikinig lang sa akin.
"Tanong kasi ng tanong kung ano kakainin ko eh alam naman niya yung kinakain ko eh"paliwanag ko at napansin kong nakahinga ng maluwag si Zyla.
"Malay mo kasi bigla mag iba yung gusto mo kainin eh"paliwanag nito sa akin at mariin na tinitigan ito.
"Ok"sagot ko na lang dito.
Sa telepono may tumatawag ! Venus ! Venus ! May tumatawag
Pagtingin ko sa caller ay number nanaman at sinagot ko ito at nakatingin nanaman sa akin si pinsan.
"Hello?"sagot ko dito at walang sagot ako naririnig.
"Yuhoo anybody home"sigaw ko at bigla ako hinampas ni pinsan habang si Zhia ay tumatawa lang.
Inagaw sa akin ni pinsan at akmang kukunin ko sana yung phone ko ng bigla ako tinignan ng masama nito.
"Hello"rinig kong sabi ni pinsan pero gamit niya ang famous mataray na boses niya.
"Kung nanloloko ka lang. Wag ang pinsan kong tanga dahil magiging tanga ka lang din"sabay baba nito sa phone at binato sa akin pabalik at mabilis ko naman sinalo.
"Ang bad mo"nakapout na sabi ko at ngumiti lang ito ng mapang asar.
"Eto na food niyo"biglang sulpot ni Zyla at mabilis ko naman kinuha ang cheese cake at zesto choco ko.
"Ang sarap"sabi ko at bigla nanaman ako tinitigan ni pinsan.
"Kumain ka dyan at manahimik ayaw ko ng maingay"inis na sabi ni pinsan sa akin.
"Opo"nakapout na sabi ko.
Natapos ang buong klase ko at andito na kami ni pinsan sa bahay at nagmadali ako magbihis dahil magtitinda pa kami ng mga inihaw.
"Venus bilisan mo naman"sigaw ni Lexi sa akin at mabilis na umalis ako ng kwarto.
"Halika na"aya ko dito at paglabas namin ay ang dami ng gustong bumili.
"Mga anak bilisan niyo at madami ng bumibili"biglang sabi ni itay at mabilis na kumilos na ako.
"Ano po gusto niyo?"tanong ko sa isang babae at lalake.
"2 dugo, 2 isaw baboy, at 2 barbeque"sabi nung babae at ngumiti sa akin at yung lalake naman ay nakangiti din.
"Sige po tatawagin ko na lang po kayo pag naluto"sabi ko at mabilis naman sila umupo.
"Venus tatlong paa ng manok"sigaw ni pinsan at mabilis din ako nagluto.
Nang maluto ay agad ko binigay sa kanila at nagpasalamat habang yung kay pinsan ay binigay ko na din.
Naubos na din ang tinda namin at nang makaayos at kain na ay dumiretso na ako sa kwarto ko.
Makakatulog na sana ako ng biglang mag ring nanaman ang phone ko.
Sa telepono may tumatawag..
Hindi ko na pinatapos ay mabilis na sinagot ko at halata sa boses ko ang pagod.
"Hello"medyo pagod na sagot ko at nagulat ako ng biglang may sumagot.
"Hello"sagot nito at biglang bumilis ang t***k ng puso ko ng marinig ang boses niya.
Mukhang kilala ko na kung sino siya pero para hindi naman maisip na assuming ako eh tatanungin ko na lang.
"Ms. Athena ikaw ba to?"tanong ko dito at palihim na umiiling na sana ay siya at yung pagod ko kanina ay nawala.
"Yes, please call me Athena and drop word Ms."sabi nito at napangiti naman ako bigla sa sinabi nito.
"Tumatawag ka kanina pero hindi ka man lang sumasagot"tampong sabi ko dito at narinig ko naman na tumawa ito sa kabilang linya.
"Hahaha, hmm gusto ko lang kasi marinig boses mo"pagkatapos niyang sabihin iyon ay bumilis lalo ang heartbeat ko at yung tiyan ko parang may lumilipad na kung ano.
"Venus are you there?"tanong nito sa akin at mabilis ko naman sinagot.
"Yeah medyo inaantok na din kasi ako"sabi ko at sabay hikab at ramdam sa boses ko ang antok.
"Sorry, sige sleep kana see you soon wifey"sabi nito pero yung huli hindi ko narinig dahil inaantok na talaga ako.
"Good night Athena"antok na sabi ko at bago mapapikit ng tuluyan narinig ko pa ang sinabi nito.
"Good night too sweetdreams dream of me wifey, i love you"tuluyan na ako mapapikit pero bago iyon ay nakangiting pumikit ako.
Sana hindi panaginip iyon..
-----
Author's Note
3rd update for the day hahaxD
Hindi ako makatiis :3
Dapat saturday pa ito eh hahaxD
Pero dahil mahal ko kayo :) edi publish na hahaxD
Comment?
FantasyLover1499