Chapter 34

2631 Words

LUMABAS ako ng banyo at nagtungo sa salamin. Naisipan kong maligo muna bago lumabas at magpakita sa kanilang lahat. Nakakahiya naman kung naka-jersey short akong lalabas ng kuwarto tapos medyo maiksi pa 'yon. Marurumi pa naman ang mga utak nila. Kinuha ko 'yong bag ko upang maghanap ng pony tail. Kahit naka-aircon pakiramdam ko pa rin pinagpapawisan ako ng husto. Pagkakuha ko ng pony tail ay may biglang nahulog na papel sa sahig. Sumabay iyon sa pagkuha ko kaya nahulog. Napahinto ako at kumunot ang noo. Dinampot ko sa sahig 'yong papel na 'yon at tiningnan. 'Yon pala 'yong birth certificate na nakita ko sa bodega. Medyo malabo nga lang 'yong pangalan kaya hindi ko mabasa. Ang malinaw lang sa'kin ay 'yong middle initial at surname nito. "Dion Wang?" Wang? Hindi ba't chinese surname 'y

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD