Chapter 26

1771 Words

"ATE, tara na!" "Sandali!" sigaw ko. Dali-dali akong lumabas ng kuwarto habang nagtatali ng buhok. Nadatnan kong naghihintay na sa tapat ng pintuan si Yllana. Pupunta kami ng mall ngayon para maglibang. "Ma, hindi po talaga kayo sasama?" tanong ko kay mama nang makadaan ito sa harap ko. "Naku, anak, kayo na lang ni Yllana. Kailangan ko pang tapusin itong mga cupcake na bini-bake ko, naghihintay na ang mga customer." Ngumiti ako. "Kami na lang po ni Yllana ang magdedeliver ng mga 'yan mamaya, ma," "Oh, sige ba, kayo ang bahala. Mag-iingat kayo, ha, tignan-tignan mo 'yang kapatid mo, malikot 'yan 'pag nasa labas ng bahay," natawa si mama. Hindi naman maipinta ang inis sa mukha ni Yllana. "Ma, naman, hhmmp!" pagsusungit nito. "Aba! Kailan ka pa natutong magsungit kay mama, ha?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD