SA sobrang pagod, nakatulog agad ako nang hindi ko namamalayan. Teka? Saan ba ako nakatulog? Nanlaki ang mga mata ko nang magmulat ako. Sa sobrang gulat ay muntikan na akong mahulog sa sofa. Hindi ko naman akalaing katabi ko pa lang natulog 'tong kalabaw na 'to. Nakayakap pa ito sa baywang ko. Sobrang lapit ng katawan namin sa isa't isa. Hindi muna ako gumalaw. Nag-eenjoy akong pagmasdan ang mukha niya habang tulog ito. Sabi ko nga, mukha siyang inosente at mukhang anghel 'pag natutulog. Hinawi ko ang buhok nito. Ang guwapo talaga niya sa malapitan. Wala sa sarili na lang akong napangiti. Talaga namang napaka-misteryoso niya. Hindi mo maiintindihan ang totoong ugali niya. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi niya kagabi. "It hurts seeing you happy with so