Chapter 7

4147 Words
Chapter 7 Lumipas pa ang ilang oras na paglalakad mula sa ampunan ay nakarating na rin si Cathy sa hospital pero wala pa rin ito sa sarili. Pumasok ang tulalang Madre sa loob ng hospital tinatanong ito ng mga Guard at mga Nurse kung may kailangan para ma assist ito lalo at nakitang nakausot siya ng pang madre. Meron pang mga gustong kumamay sa kanya na mga may sakit na pasyente para humingi ng dasal pero parang wala itong nakikita kaya hinayaan nalang siya ng mga ito kahit na nagtataka. Pasyente:"Sister Mano po" Sabi ng batang kasama ng mga Nurse Hindi ito pinansin ng Madre na diretso lang nakatingin sa harap at parang robot na naglalakad. Nurse:"Ay si Sister dedma lang kay patient kawawa naman" Tinanaw lang nila ang Madre na dirediretso lang naglalakad hallway ng hospital. Pasyente:"Bakit ayaw po mag pano ni Sister?” Tanong ng batang kasama ng mga Nurse. Nurse:"Baka nagmamadali lang hayaan mo na baka pagbalik na lang okay?” Tumango na lang ang bata. Nurse:"Naku malay mo naman baka may kapamilya na may sakit tapos Malala ang lagay kaya parang walang nakikita" Nurse:"Siguro nga mukhang tulala siya eh wala sa sarili ay teka baka yung madre na naka confine dito ang pupuntahan niya?" Nurse:”Ay ‘yung binabantayan ng mga pulis? Baka nga! Grabe nga ang lagay nun halos buong katawan sementado tapos parang ‘yung mukha schock na schock alam mo ‘yun parang nakakita ng nakakatakot.” Nurse:”Oo siya nga kaso alam mo ang balita? May sabi sabi na may inabuso daw kasi na bata ‘yun sa ampunan tapos tatakas daw kaya nahagip ng Van kaya ‘yan under imbestigation ng mga pulis hindi naman makausap kay binantayan ilang beses na nga nagtanong sa mga doctor kung totoong hindi pa siya makapagsalita akala siguro nagkukunwari lang na ganun”  Nurse:”Ha? Talaga? Pero bakit may kasama din siya na dalawa pang madre bukod dun sa ngayon na dumalaw kung totoo na may inabuso? Nag iiyakan pa nga ‘yung dalawa nung unang kita sa kanya mga awing awa” Nurse:”Alam mo naman ang mga ganyan siyempre kakampihan pa rin pero malay natin kung anong totoo sa hindi. Ang tanong itong dumating na Madre bakit parang sobrang affected yata?” Nurse:"Siyempre kasamahan saka malay mo kamag anak. Hayaan mo na ganun naman diba kapag may iniisip na problema nawawala sa sarili" Hinila na nito ang wheel chair ng pasyente papunta sa laboratory. Naglakad lang ng naglakad si Cathy at dumiretso sa kwarto kung nasaan ang Pakay. --------- Sa kwarto na tinutuluyan naman nila Liam ay nag ayos na ito para bumalik sa pag ro-rounds sa mga pasyente. pati si Ben ay lumabas na din ng kwarto para mag bantay sa Madre na naka confine umaandar na kasi ang kaso nito dahil sa statement ni Melay ng huli nila itong nakausap nagkaron na ng pormal na kaso laban dito. Kaya Suspek na ang turing ngayon sa Madre. Iniwan nalang muna nila si Father Carl para magpahinga sa kwarto. Liam:"Ben, Ako na muna dito at aalamin ko ang lagay ni Sister Cher mabuti pa hanapin mo nalang muna siguro yung dalawa pang mga madre ayain natin kumain kawawa naman alam ko naman na walang pera ‘yung mga ‘yun" Nilapitan nito ang Pulis na nakatayo sa labas ng kwarto saka Pumasok sa loob pra icheck ang lagay ng Madre. Tulala pa rin ito at hindi kumikilos. Ben:"Ah Oo sige Doc" Nakisilip din muna ito sa Madre saka Umalis at naglakad lakad sa hospital para hanapin sila Cindy at Carol sa Hospital. --------- Naabutan ni Ben na nasa Chapel ng hospital ulit ang dalawang babae naki upo muna siya sa mga ito na nakaluhod na nagdadasal. Ilang minute pa ay natapos na ang dalawa na mag rosary. Carol:” May nangyari ba kay Cher?” Ben:”Wala naman chinecheck up siya ni Doc Liam” Cindy:”Sana maging maayos na ang lagay niya para maayos niya ang kaso niya kay Melay” Carol:”Maniwala ka Sir Ben hindi niya inabuso si Melay. Oo kasalanan na nagkaroon sila ng relasyon pero ang totoo niyan si Melay talaga ang naunang nagpakita ng motibo gusto kasi niya ng cellphone matagal na niyang hinihiling iyon kaso bawal naman sa loob ng ampunan maski nga sa aming mga madre ay hindi pwede gumamit ako ilang beses napapagalitan noon at nakukumpiska. Parang inuto uto lang niya si Cher para bilhan siya pero hindi naman nagtagal kung anong meron sila isa pa ay maski naman may pagkatomboy si Cher ay hindi naman siya gagawa ng ganung kahalayan” Cindy:”Oo maski samin. Aamin ko na naging kami pero walang nangyari na anuman saka hindi rin nagtagal parang na develop lang dahil kai talaga ang close dati pa sabay kami kasi nairdinahan ng pagmamadre.” Ben:”Para sakin ay naniwala naman ako sa inyo dahil parang may gustong isumbong noon si Melay talaga nung nalagyan ng holy water ni Doc Liam nag iiyak hindi makapagsalita ng maayos pero biglang nawalan ng malay mukhang nadasalan ni Santa nung magising ay parang wala na sa sarili tapos ‘yun nga nagsumbong na sa mga kasamahan kong pulis. Saka pala nakita naming sa painting ni Father Carl noon nasa Mental pa siya ang mga mukha ni Santa maganda hanggang papangit ng papangit tapos may sungay pa na parang demonyo kaso yung mga kasamahan kong pulis nakitang maayos ang ampunan saka narinig ang statement ni Melay na naabuso siya saka nga raw mabuti nawala na kayo doon dahil kayo daw ang nananakit sa kanila. Tinignan pa kung totoong may mga latay sila nakitang malilinis ang bata kaya malamang sa susunod ay hindi na gaanong maniwala yung mga ibang pulis. Galit pa man din yung Punong madre. Tapos alam ninyo ba nakita pa nga naming si Santa na nakangisi samin ni Doc Liam parang sinasabi na hindi naming siya kaya at mapapahiya lang kami” Cindy:”Demonya siya talaga! Walang awa!” Carol:”Dapat siya ang makulong eh sa dami ng mga ginawa niya!” Ben:”Paano naman kung nasaniban lang siya?” Carol:”Hindi natin alam pero sa ngayon nasa kanya ang demonyo!” Ben:”Tara puntahan na nga natin si Doc nag aaya siya kumain” Nagpuntahan nga sila sa kwarto ni Cher nakita nilang tinitignan ni Liam ng flashlight ang mga mata nito. Carol:”Ano na pong lagay niya Doc?” Liam:”Ganun pa rin para siyang na coma ng gising” Cindy:”Cher, Magising ka n asana at umayos ang lagay” -------------------------- Huminto muna ang tulalang si Cathy sa isang stock room naroon kasi ang Tiyanak na sinapian din ni Santa para gamitin na pampatay sa mga ito. Parang may isip ito na inaantay siyang dumating. Bumalik ito sa pagiging normal na sanggol saka Binuhat ito ni Cathy at kinarga na parang normal na sanggol tapos ay nagpatuloy na sila sa pakay. Medyo naaantok na ang Pari pero may kumakatok sa kwarto kaya. Nagtaka naman si Father Carl sa pag aakalang bumalik na ulit ang dalawa. wala pang 30 minuto kasi ng umalis ang mga ito. Bumangon ito sa pagkakahiga sa kama. Binuksan niya ito at nakita niya si Cathy. Malungkot ang mata nito na nakatingin sa kanya. Dali daling sinara ni Father Carl ang pinto ng pumasok ang madre hindi niya napansin na nakapasok na din ang Tiyanak pagapang sa loob masyado kasi siyang nagulat ng makita ang babae. Yumakap agad si Cathy sa Pari. Hindi din naman maiwasan na mapayakap din si Father Carl ang tagal niyang hindi nakita ang babae. Miss na din niya ito. Ang huli nilang pagkikita ay hindi maganda dahil sa paghihiwalay nila. Nagkaroon pa sila ng samaan ng loob. Pinilit niya na kasi na putulin na ang ugnayan nila ng babae kaya sobrang sumama ang loob nito at tumakbong umiiyak, Hindi na ito nagpakita pa sa kanya o tumawag man lang. Hindi na rin ito nagsisimba sa parokyang pinamumunuan niya noon. Nabalitaan na lang niya na pumasok na din daw ito ng kumbento at nagmadre na nga. Father Carl:"Ca-Cathy? Pa-paano ka nakalabas sa ampunan? Paano mo nalaman na andito ako? Anong ginawa sa'yo ni Santa? Nasaan ang mga kasamahan mong Madre?" Sunond sunod ang tanong niya sa babae na malungkot pa rin ang mga mata na nakatitig sa kanya. Cathy: "Bakit kailangan mo pa bang malaman? Ang mahalaga ay magkasama na tayong dalawa ngayon. Carl Umalis na tayo dito at magpakalayo. Magsama na tayong dalawa. Diba yun naman ang pangarap natin noon? Ang maging malaya tayong dalawa na magmahalan?" Naguguluhan naman ang Pari sa sinabi ni Cathy. Father Carl:"Te-teka ano bang sinasabi mo? Madre ka na din ngayon diba? Huwag kang magsalita ng ganyan mas madadagdagan ang kasalanan natin Cathy. At Saka nagkaintindihan na tayo noon na tatapusin na ang lahat sa atin diba? Dahil iyon ang tama at makakabuti sa ating dalawa" Cathy:"Carl, Bakit? akala ko ba mahal mo ako? Bakit naman natin tatapusin kung pareho naman nating pang gusto ang isa't isa? Hindi mo ba ko namiss? Ilang taon din tayo hindi nagkita. Kung alam mo lang ang paghihirap ko habang magkawalay tayo" Father Carl:"Cathy, alam mo ang sitwasyon natin. hayaan mo na makaharap ko muna si Santa kapag natalo ko na siya o nawala ang mga pag sasanib niya sa ampunan o sa kung sinoman.. Pangako pag-iisipan ko ang tungkol sa ating dalawa o kung itutuloy ko pa ang pag papari.” Cathy:"Hi-hindi mo siya matatalo! Bakit isusugal mo ang buhay mo sa iba? Hindi ba dapat tayong dalawa ang mahalaga? Sumama ka sa akin! Lumayo nalang tayo dito hayaan mo na sila! Titiwalag ako sa Magmamadre kung gusto mo! Kahit ngayon pa! Gagawin ko ang lahat sana ikaw din. Basta sumama ka lang. Pakiusap" Naiiyak nitong sabi. Umiling ang Pari sa sinabi ni Cathy hindi ganito ang gusto niya. Malaking kasalanan sa mata ng diyos at tao kung bigla nalang silang aalis at magpapakalayo nalang na parang wala lang. Maraming magagalit at mapapasama pa ang tingin sa kanila ng mga tao. Lalo at Hindi pa naman sila tumitiwalag. At Kung titiwalag sila dahil sa relasyon nila ang dahilan ay hindi rin yata magandang ideya. Gusto niya maging maayos ang lahat bago magpasiya ng tamang desisyon. Hindi niya alam din naman kung anong dapat maramdaman sa babae kung noon siguro na bata bata pa siya ay baka sasama siya agad dito opero iba na ngayon ayaw niyang biglang magdesisyon ng hindi iniisip ang mga pwede pang mangyari sa hinaharap. Ayaw niyang magdesisyon ng batay lang sa nararamdaman dapat pag-isipan niya mabuti ang mga gagawin. Isa pa ay kailangan ng tulong niya ng ampunan. Dapat ay matalo at mabalik muna niya sa maayos ang lahat. Ayaw niyang magaya ang mga ito sa kanya na napasailalim sa sanib. Kaya hindi makapag lingkod ng maayos sa diyos. Tinignan niya mabuti si Cathy. Minahal din niya ito talaga noon kahit pa nga bawal dahil Pari siya. Ang babae ang una at huling babae na minahal niya. Pero naalala niya na ipinangako niyang tatapusin na noon nag lahat dahil malaki rin ang paghihirap at pinagdaan niya bago maging isang ganap na pari. Cathy:"CARL! MAMILI KA! AKO O ANG PAG TULONG MO SA MGA MADRE?’" Nagulat ang Pari sa pag sigaw ni Cathy hindi ganito ang ugali ng babae. Bigla tuloy nagduda ang Pari sa asal nito dahil isa dati sa mga nagustuhan niya dito ay hindi naman ito marunong magalit o sumigaw ng ganito. Umurong siya papalapit sa kama. Kinapa sa ilalim ng unan ang bote ng holy water. Nabigla naman si Father Carl ng maghubad bigla ang madre wala pala itong suot na panloob bukod sa suot kanina na pang madre. Cathy:"Please ako ang piliin mo Carl..." Natulala naman si Father Carl unti unti niya nararamdaman na nahihipnotismo siya nito kaya piniling niya ang ulo. Pero nagulat siya ng pagtingin ay isang Tiyanak ang nakita niya sa gilid. Nakatingin ito na parang masugod. Bigla nga itong tumalon sa kanya pero naiwasiwas niya agad ang holy water sa tiyanak kaya parang abo itong nalusaw at nawala bigla. Bumukas naman ang pinto at nasa labas ang apat. Sila Liam, Ben, Carol at Cindy. Napa sign of the cross ang dalawang madre ng makita si Cathy na nakahubad kasama ng Pari. Winiwisikan din ito ng holywater ng Pari at nawalan ng malay bigla. Agad tinakpan ng mga Madre ng kumot ang katawan ni Cathy at ihiniga sa kama. Parang naistatwa naman si Liam at Ben sa nakita. Father Carl:"I-inalihan siya ng masamang espiritu at May kasama siyang Tiyanak inatake ako pero agad kong nasabuyan ng bendita kaya biglang nawala" Hindi naman nakasagot ang apat at parang napipi ang lahat sa nakita. Hindi malaman kung ano ang dapat sabihin. Nagkita kita na kasi si Ben at ang dalawang Madre at pumunta din kay Sister Cher para makita ang lagay nito. Aayain sana nila na si Father Carl na kumain muna pero nagulat sila sa naabutan sa loob ng kwarto Ilang minuto pa at nagkamalay na si Cathy nagulat pa ito na nasa isang kama na katabi sila Carol at cindy. Nakaupo naman sa isang sofa si Liam, Ben at Father Carl. Cathy:"Ate Carol? Ate Cindy?" Napaupo ito at hawak ang ulo. Meron pa rin kasi itong bukol mula sa pag untog ng mga ulo nila sa pader. Carol:"Cathy, salamat naman sa diyos at gising ka na" Cindy:"Sige na magbihis ka muna bago tayo mag usap" Nagulat naman si Cathy sa sinabing magbihis siya dahil nakatakip lang siya ng kumot. Takang taka naman siya sa nangyayari kung bakit siya naroon at kasama ang mga ito. Cathy: "Teka, nasaan na ako? Anong nangyari? Bakit magkakasama tayo?" Nagtinginan naman ang Lima. Tumayo ang mga lalake at lumabas muna ang silid ng sabihin ni Carol na magbibihis siya. Carol:"Oh my God ka Cathy! Plano mo bang akitin si Father Carl?!" Cindy:"Oo nga! Pambihira ka pupunta ka dito na walang panty at bra at itong itim na pang madre lang ang suot?!" Cathy:"Ha? Hindi noh! ano bang sinasabi ninyo? Wala nga akong maalala bakit ako nandito eh! Ang huli kong naaalala eh tumakas si Sister Cher kasi bakit nga ba siya tumakas? tapos kayong dalawa nakaluhod kayo sa asin? Bakit nga ba kayo nakaluhod nun? Wala akong maalala ah. Ano ba yan" Gulong gulo ang isip nito. Para siyang nagising sa pag kakacomatose. Nagtinginan si Carol at Cindy napasailim talaga ang mga ito sa sanib ni Santa. Kaya walang maalala ang mga ito sa mga pinagdaan nila sa bahay ampunan. Carol:"Cathy makinig ka ganito una sa lahat si Santa... Huwag kang papaloko sa kanya! Dahil demonya siya! As in literal ha! Sinasaniban niya kayo nila Mader superior at Sister China, kaya nagbago kayo sa amin! Alam ninyo ba ang ginawa niya bago kami mapatalsik sa ampunan? Pinahalik lang naman sa amin ang mga paa ninyo na puro mga putik! But wait theres more! Etong si Mader superior pinagsuot ba naman ng diaper ni Santa tapos nung napuno na ng dumi at ihi niya! Pina Sinubsob kami don ng 5 ba o 10 minutes yata! Eww! Yuck!" naduduwal pa ang dalawa kapag naaalala 'yon. Cindy:"Oo nga pinaluhod kami sa munggo dahil chismosa daw kami tapos nilagyan ng asin kasi daw hinaharot namin yung Pulis eh kinakausap lang naman kami sa nangyari kay cher. Nilagyan pa niya ng sili at alcohol kung di ba naman demonya! Pero mas yuck pa din yung diaper ni Mader mapapadasal ka talaga ng sampung ama namin!" Carol:"Hanggang ngayon parang bangungot iyon sa diaper! Kulang ang sampung ama namin gawin mo pang bente maski lumakad ng paluhod papunta sa altar nasa dulo pa ng rin ng ilong naming yung amoy eh!" Cindy:"Daig pa naming lumubmob sa imbornal” Sa labas hindi maiwasan magtawanan ng dalawang lalake sa sinapit ng dalawang madre kahit na naaawa sinaway naman sila ni Father Carl. Cathy:"Grabe naman! Ginawa sa inyo 'yun? Eh bakit ako andito bigla? Nakakahiya kay Carl. Kay Father Carl" Carol:"Naku malamang para gamitin ka laban kay Father Carl! Naramdaman siguro na may kakalaban na sa kanya kaya ikaw ang ginamit laban sa kanya" Cindy:"Sana pati si Sister China at Mader Superior ay mawala na din sa ilalim ng sanib ng bruhang si Santa. Kawawa naman sila lalo na ang mga bata. Alam mo bang sinabi ni Melay na pinapakain sila ng Daga ni Santa at sinasaktan doon pero nung dumalaw naman ang mga Pulis ay maayos daw. Pero duda kami demonya ‘yang Santa na ‘yan eh." Hindi na sumagot si Cathy gulat na gulat ito sa mga sinabi ng mga kasamahang Madre. Wala kasi talaga siyang maalala. Hindi rin niya talaga maisip na makakaharap ang dating nakarelasyon na Pari. Nahihiya tuloy siya dahil naghubad pa raw siya sa harap nito. Maski naman nagkaroon sila ng relasyon noon ay wala naman nangyari sa kanila. Nangako pa naman siya sa sarili na lalayuan na ito at magbabagong buhay na mula ng pumasok sa ampunan. Pinahiram ito ng damit ni Carol kaya maayos na ang suot nito bago pumasok ulit sa kwarto ang tatlong lalake. Hindi makatingin sa isat isa si Father Carl kay Cathy maging ang dalawang lalake. Nakita nila kasing nakahubad ito kanina. Parang nahihiya sila dahil maganda pala talaga ito. Alam na ngayon ni Liam at Ben bakit na issue ito sa Pari. Mapapagawa ka talaga ng kasalanan sa ganda nito lalo na at bata pa pala ito. Cathy:"Na-nakalabas ka na pala?" Tanong nito sa Pari. Father Carl:"O-Oo kahapon lang" Cathy:"Mabuti naman. Pasensya ka na hindi kita man lang nadalaw. Ayoko lang may masabi na naman ang mga tao sa atin" Father Carl:"Ayos lang. Mabuti rin at nakaalis ka sa ampunan" Tumango lang ang madre. Medyo akward pa rin sila sa isa't isa. Pinakilala naman nito ang pamangkin na Doctor at Pulis. Na ngumiti lang sa babae nahihiya kasi sila dito lalo nakitang nakahubad ito kanina. Cindy:"Oh paano na? Ano na pong gagawin natin? Ano na ang plano?" Cathy:"Ate, gusto kong makita sana muna si Sister Cher. Ano na bang lagay niya ngayon?" Carol:"Naku! Nabundol kasi siya ng Van! isa pa 'yon nasaniban na din siya nung nakaraan Alam mo bang nung nagpunta kmi sa kanya nakita namin si Santa palabas ng ialim ng kama niya? Sabi nga din ni Sir Ben nagulat siya ng bigla itong bumangon kahit pa puro sementado yun pala sinaniban ni Santa buti nawisian niya ng holy water. Ngayon bedridden siya naka semento halos ang buong katawan. Hindi pa rin siya makausap ng maayos ngayon parang tulala lang at wala sa sarili" Cathy:"Kawawa naman siya" Cindy:"Naku kawawa talaga dahil may Kaso pang sinampa sa kanya si Melay" Cathy:"Si Melay?” Carol:"Oo sabi ba naman minolestiya daw siya” Cathy:"Pero parang totoo naman na malapit sila ni Sister Cher ah” Cindy:"Oo nga kaso mukhang nasaniban ni Santa sabi na abuso siya may kaso na siya ngayon gusto nga din kami kasuhan ni Mader dahil naninirang puri daw kami” Cathy:”Maniwala po kayo hindi naabuso si Melay ang totoo nga niyan yung ibang binatilyo sa ampunan namin ay halos mga naging karelasyon niya. Hindi nga iyon alam ng Punong Madre kami lang palagi ang sumusukay sa kanila.” Ben:”Kapag kaya ni Sister Cher mag salita pwede din naman kayong tumestigo sa kanya para mapatunayan kung totoo o hindi ang mga paratang sa kanya ng mga kasamahan ninyo” Cathy:”Sige payag ako alam ko naman na nagsisinulang lang si Melay” Carol:”Oo maari rin kasing napasailalim na ni Santa” Cindy:”Basta ang mahalaga tatlo na tayong magpapatunay ng katotohanan” Father Carl:"Ang mabuti sa ngayon ay mag kumpisal muna tayong lahat at magdasal" Natahimik naman ang mga nandoon. Nagsimula itong manalangin habang sumasabay ang mga kasama. Father Carl:"Tulong tulong tayong lahat na tatalunin ang demonyo” Liam:”Kung sakali po paano kung nasapian lang din si Santa?” Ben:”Oo nga po paano pala ‘yun maalis?” Father Carl:”Kailangan siya ma exorcist kung sakaling nasaniban lang din siya” Carol:”Pero kung hindi po? Kung siya mismo ang demonyo?” Father Carl:”Kung ganun dapat siyang mapatay.” Cindy:”Katulong ninyo kami Father Carl gagawin naming ang lahat para makatulong kami sa pagsupil sa demonyo” Carol:”Opo kahit napatalsik na kami sa pagiging madre ay gagawin pa rin namin ang lahat” Ben:”Ako din po kahit pa nga ayaw ng maniwala ng mga kasamahan kong pulis” Liam:”Sabihin mo lang tito nasa likod mo lang kami” Father Carl:”Salamat sa inyo kahit pa may mga kasalan tayo ay hindi ito magiging hadlang para magapi natin ang kasamaan” Cathy:”Tutulong din po ako at sana si Sister Cher din ay umayos na ang lahay para mas marami tayo” Carol:”Oo nga eh sana maski makapag salita man lang na para makwento din yung nga nangyari sa kanya. Takot na takot ang mata niya nung tumatakbong palabas ng ampunan”  Liam:”Baka napagpakitaan ng demonyo” Ben:”Malamang, ako nga nung nakitang sinaniban siya tapos binuhusan ng holy water grabe yung kilabot ko nung biglang may itim na usok na lumabas. Tapos nagpakita rin siya sa ilalim ng kama ko sa Condo” Carol:"Ilalim ng kama? Mukha bang naagnas na balat? Mahaba ang itim na buhok?"tanong nito Ben:"Oo ganun nga ang nakita ki at humila sa mga paa ko. May lumabas pa nga mga daga sa kotse ko buti nalang nawisikan ng holy water nawala bigla" Liam:"Ako naman muntik na makagat ng alaga ko at masaksak ng mga tauhan ko sa bahay mabuti rin at naagad" Cindy:"Ganun din ang nakita namin noon sa ilalim ng kama ni Cher namumula pa ang mata niya kaya nga nahimatay ako sa takot dahil parang nakita mo ng malapitan ang demonyo" Carol:"Hindi pa nga natin alam kung 'yun na talaga ang totoong anyo niya o mas malala pa" Cathy:"Wala talaga ako maalala sa mga nangyari sa akin at sa ampunan. Kung alam ko lang naku talaga hindi ako papayag na saktan ang mga bata" Carol:"Teka matanong ko pala Cathy nuon bakit parang nagalit kayo sa amin ni China?" Carol:"Oo nga" Cathy:"Ah kasi daw pinag uusapan ninyo kami ako pinag chismisan ninyo daw yung tungkol sa amin ni Carl.. ni Father Carl. Kay ate China naman sabi ninyo daw kasi minahal niya yung step Fathe niya na nanghalay sa kanya noon" Cindy:"Napakasinungaling ni Santa! Wala kaming sinasabi sa inyo alam mo naman ang samahan natin noon sa ampunan maayos at masaya nag simula lang na maging masama ng dumating siya!" Carol:"Sising sisi ako na pinatuloy ko siya noon sa ampunan! Kung alam ko lang na demonyo na siya naku baka  himabalos ko siya ng kwintas kong krus!" Cindy:"Saka noon palang na may nangyayari sa  mga bata na away away at pagbabasag ng mga gamit sa prayer room dapat noon palang talaga pinaalis na siya. Wala eh naalihan na ng kasamahan si Mader Superior" Napakapa sa ulo si Cathy. Cathy:"Di ko nga alam bakit ako kay bukol sa ulo eh! Ano kayang ginawa niya?" Cindy:"Kung ano ani daw sigurong kabalbalan” Carol:"Ang mahalaga ay nandito ka na at kasama namin. Dapat makuha natin ang mga bata at sila Mader" Cindy:"Oo nga!" Father Carl:”Sa ngayon ay hintayin natin anong susunod niyang gagawin” nagtanguan ang mga kasama. ----------------- Patuloy sa pamamalo sila Mader Superior at Sister China sa mga bata nakapila pa ang mga ito pero natali ang mga kamay at paa saka isa isang hinahataw ng belt sa katawan. Inalis ni Santa ang sanib ng mga ito kaya rinig na rinig niya ang hiyawan ng mga ito sa sakit at daing. Santa:"LAKASAN NINYO PA ANG PALO! MAS MALAKAS NA IYAK! MAS MALAKAS NA PALO! Todo hataw naman ng dalawang natitirang madre na puro puti lang ang mga mata sa mga bata. Melay:"Tama na po! Huhuhu!" Sinamaan ito ng tingin ni Santa kung hindi lang hahanapin ito ng mga pulis para sa kaso ni Cher ay gusto na niya itong patayin. SANTA:"ITALI NG PATIWARIK SI MELAY!" Itinali nga ito ng dalawang madre nagkanda suka na ito sa hilo sa ginawang paglambitin sa kanya ng pabaliktad. Pinakain naman sa mga bata ang nagkalat na suka ng mga ito saka pinasalim ulit ang mga ito sa sanib maliban kay Melay na damang dama ang hirap na sinasapit. Mura ng Mura si Santa dahil hindi nagtagumpay si Cathy na akitin ang Pari mahihirapan pa siyang masaniban ito dahil nabuhusan na ito ng holy water at nadasalan. Santa:" PU+@&! Kang pari ka! Magtutuos na tayo! Ako ang papatay sa iyo!” Nagliliyab sa galit na sigaw ng demonya. Sobra kasi talaga ang galit niya kay Father Carl bumabalik sa alala alala niya ang lahat. Itutuloy  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD