Chapter 8
-------SANTA'S FLASHBACK------
2015
And the winner is "SANTA CHAVEZ! Congratulations!"
Masigabong palakpakan at sigawan ang bumalot sa buong arena matapos ianunsyo na nanalo sa beauty pageant si Santa. Sinuotan ito ng Sash at korona. Inabot din ang trophy, bulaklak at envelop ng cash prize ng mga judges.
Maganda, sexy, matalino at mabait na babae si Santa. 20 years old palang siya pero tapos na siya sa kursong management at c*m laude pa ito nagtapos.
Meron na din naman siya agad nakuhang trabaho bilang Marketing assistant sa isang private company pero hindi naman gaano kalakihan ang sahod dahil hindi naman singlaki ng minimum wage sa manila kaya nag siside line siya sa pagsali sa mga contest.
Marami naman nag iisponsor sa kanya na mga tao lalo na ang mga baklang parlorista at mananahi ng gown kaya hindi naman siya gumagastos para doon ginagawa lang siya model bilang kapalit ng pagaayos at pagpapahiram ng damit.
Mahirap lang kasi si Santa lumaki na silang ulila at tanging Ate niya lang ang kasama sa buhay. May asawa na ito pero walang anak.
Kabaligtaran ni Santa. Hindi gaano kagandahan si Sabel pero hindi naman masasabi na pangit ito. Parang simple lang ang itsura nito kung ikukumpara sa kapatid na mestisahin.
Pareho silang nakatapos din sa pag aaral pero maaga itong nabuntis kaya napilitan ikasal pero dahil walang trabaho ang lalake ay siya ang naghahanap buhay kaya naman nalaglag ang anak nila dahil sa palagi itong pagod.
Hindi na nasundan ang pagbubuntis ni Sabel para kasing nawalan ng gana ang asawa nito sa kanya at ramdam niya na may gusto ito sa nakakabatang kapatid.
Nakakapag aral si Santa dahil sa scholarship. Matalino kasi ito at madiskarte sa buhay sa tulong ng mga kinikita nito sa mga nasasalihan na contest at paminsan minsan na pag freelance modeling noon ay meron itong napantutustos sa mga pangangailangan at mga pambaon.
Nakakapag bigay din siya sa ate niya kahit pambili man lang ng bigas o mapalengke bilang share nito sa bahay.
Wala naman kasing sariling bahay ang magulang nila dahil nagtitinda lang dati sa palengke ng mga gulat ang mga ito pero dahil medyo maganda ang trabaho ng kapatid sa isang Factory bilang Manger ay nakabili ito ng lupa at natayuan ng maliit na bahay na may dalawang kwarto. Hindi pa naman bayad ang bahay kaya ito ang isa sa pinagkakagatusan at ipunan nito kaya palaging nag-oover time sa trabaho kahit pa noong buntis ito kaya nakunan dahil sa hirap. Naghalo halo ang pagod, stress at puyat kaya nalaglag ang sanggol.
Nang makatapos naman si Santa at makapag trababaho ay inako niya ang bill sa kuryente at tubig bilang share sa ate niya sa pagpapatira sa kanya. Hindi naman kasi kalakihan ang bayad para dito dahil nasa probinsya naman sila nakatira.
Ramdam ni Santa na iba ang mga tingin ni Ramon sa kanya. Ang asawa ng kapatid, parang hinuhubaran siya palagi sa tingin nito gustuhin man niya na umalis nalang ay kulang pa ang ipon niya para magsarili ng upa. Isa pa ayaw niya iwan ang ate niya dahil dumaan din ito sa depression mula ng malaglag ang pinagbubuntis nito. Naging bugnutin ito at madalas hindi namamansin.
Nag iba na din ang pakikitungo ni Sabel sa kanya parang laging mainit ang ulo ng kapatid at pasigaw makipag usap sa kanya pero iniintindi na lang niya ang kalagayan nito.
Minsan isang hapon na naliligo siya ay pakiramdam niya na may nakatigin sa kanya nakita niya ang isang maliit na butas sa pinto at parang may matang nakasilip kaya binuhusan niya ito ng isang tabo ng tubig. May rinig siya na tawa sa labas. si Ramon. Nagtapis siya ng tuwalya at agad lumabas sa banyo nakita niyang lasing na naman ito at binobosohan siya.
Santa: "Kuya? Binobosohan mo ba ko?" Inis na tanong niya dito kahit nakita naman na talaga niya.
Ramon:"Ano? hik anong boso hindi ah hik iihi ako sinilip ko lang kung may tao hik iihi kasi ako eh kaso nandiyan ka pala hik hehehe sexy mo talaga hipag hik at ganda mo pa hik walang wala ate mong pangit hik kapatid mo ba talaga ‘yun? Kutus palang ang layo na hik sino ampon hik o nalusutan ng kapitbahay ang nanay ninyo hik iba itsura ninyo eh hik kung mas nauna kitang nakita hik ikaw asawa ko sana hik hehehe" Lasing ang boses nitong sabi.
Santa:"Pwede ba! Tumigil ka! Bastos! Pinapakain ka ng ate ko gaganyanin mo pa siya?! Mahiya ka nga! Wala ka nga silbi dito! Kung maghanap ka kaya ng trabaho para hindi nahihirapan ang ate magbayad nitong bahay! Puro inom at barkada lang ang inuuna mo!"
Ramon:"Aysus hik bakit ako magtatrabaho hik e ate mo naghahabol sa akin hik kaya bahala siya na buhayin ako hik siya nag aya magpakasal eh hik ayoko nga sana eh hik kaso magpapakamatay daw siya hik ayan nakunan tuloy hik kung bago kami ipakasal nakunan hik hindi ko papakasalan hik ayoko naman sa ate mo talaga ang pangit na ang sama pa ng ugali napaka selosa!”
Gustong gusto na sakalin ni Santa ang bayaw pero nirerespeto pa din niya ito para sa kapatid dahil mahal nito ang lalake kahit pa nga wala itong silbi. Ni hindi ito nakakapag linis lang man lang ng bahay o magluto maski sinaing na kanin. Pati paglalaba o pagpaplantsa ng uniform ng kapatid ay hindi man lang ito nagkukusa. Pinapalamon na ito ay puro inom at barkada lang ang inaatupag.
Nagulat siya ng bigla siya hilain nito palapit at tinanggal ang tuwalya na nakabalot sa katawan niya sabay yakap sa kanya tinutulak niya ito pero pareho silang napatigil ng marinig ang pagbagsak ng bag ni Sabel na kadating na pala ito galing sa trabaho nakita nito ang aktong pagyakap ng dalawa. Inakala nito na may lihim na relasyon ang dalawa lalo at wala pang saplot si santa na suot.
Sabel:"Hayop kang babae ka! Kapatid pa man din kita! Haliparot ka! Malandi! Ikaw pa talaga ang kabit ng asawa ko! Wala kang utang na loob! Pinatira kita sa bahay ko!" pinagsasabunutan siya nito at kinaladkad sa labas. Nakahubad pa din si Santa habang iyak ng iyak. Matagal na kasing naghihinala si Sabel na may kabit ang asawa kaya hindi na nito ramdam ang pagmamahal ng lalake at cold na sa kanya. Kaya ng makita ang dalawa ay agad uminit ang ulo niya.
Santa:"Hindi! Ate mali ka ng iniisip! Binosohan niya ako! Sinita ko lang siya tapos hinubaran niya ako maniwala ka ate! Huhuhu" todo takip ito sa katawan. Habang sabu-sabunot sa ulo.
Sabel:"Bwisit ka! Lumayas ka ditong malandi ka!!! Pinatira kita dito pero ano pang ginanti mo! Hayop ka! Ikaw dapat ang namatay hindi ang mga magulang natin!" Pinagtitingan sila ng mga kapit bahay galit na nagulat sa nangyari habang sabunot siyang kinakaladkad palabas ng kapatid. Pinagsasampal niya ng isa pang kamay ang kapatid halos mamula ang mga pisngi nito.
Namatay kasi noon sa aksidente sa sinasakyang taxi ang magulang nila tanging si Santa lang ang nakaligtas namasyal kasi ang mga ito dahil naging top 1 ang kapatid kaya mula din noon ay may lihim ng inis si Sabel dito dahil si Santa ang paborito ng lahat. Noong burol nga ng magulang nila ay si Santa halos ang nilalapitan para magbigay ng pakikiramay samantalang pareho silang naulila. Kaya hindi niya matanggap pati ang pinakamamahal na asawa ay mas gusto ito kesa sa kanya na halos magpakamatay sa pagtatrabaho para lang may makain at mabayaran ang bahay na tinitiran nila. Aaminin niya na konting inggit siya dito.
Agad tumakbo si Marlon ng makita ang nangyayari sa Magkapatid. Hinubad niya ang suot na t-shirt at sinuot agad kay Santa na humahagulgol naman ng iyak. Mabuti at may sando pa siyang panloob din.
Marlon:”Tama na Sabel! Sobra ka na!”
Sabel:”Walanghiya ka! Malandi ka!”
Tinulak niya si Sabel para bitawan ang buhok kapatid. Nabitawan naman nito si Santa sa lakas ng tulak ng lalake. Kababata ni Santa si Marlon. isa itong tricycle driver sa lugar nila. Buti ay napadaan ito sa bahay nila ng oras na iyon.
Sabel:"Huwag ka ng babalik sa bahay ko! Malandi ka!” gigil na gigil pa din ito tapos ay iniwan na sila, Pumasok sa loob at nilock ang bahay.
Marlon:"A-anong nangyari Santa?" tinayo niya ang babae.
Santa:"Huhuhu! akala niya may ginagawa kaming masama ni kuya Ramon pero ang totoo ay binosohan niya ako tapos sinita ko lang naman siya kung bakit niya ako ginaganon pero bigla niya tinaggal ang tuwalya na suot ko tapos naabutan kami ni ate Sabel ang akala niya ay may relasyon na kami" hiyang hiya ito sa nangyari.
Marlon:"Huwag ka ng umiyak. Tara" agad siya nitong sinakay sa tricycle at iniuwi sa bahay nito.
Panay naman ang bulungan ng mga kapit bahay sa nasaksihang pag tatalo ng magkapatid.
Kapitbahay 1:”Anong nangyari sa magkapatid?”
Kapitbahay 2:”Galit na galit si Sabel tinawag pang malandi ‘yung kapatid eh!”
Kapitbahay 1:”Hindi naman ganun si Santa!”
Kapitbahay 2:”Aba malay naman natin noh!”
Kapitbahay 3:” Tigilan na nga ninyo pagchichismisan diyan hayaan ninyo sila sa buhay nila. Buhay ninyo ang atupagin ninyo!” Nagkanya kanya na din uwian ang mga ito.
--------------
Huminto sila sa bahay nila Marlon nasa labas naman at nakaupo ang tatay nito habang hawak ang manok na alaga at hinihimas. Nagulat pa ito ng kasama ng anak si Santa.
Marlon:"Itay, dito po muna si Santa ha nag away kasi sila ng ate Sabel niya"
Tay:"O bakit? Anong nangyari? Napano?" tinignan niya mula ulo hanggang paa si santa suot lang nito ang t-shirt ni Marlon na hanggang gitna ng hita kaya kitang kita nito ang mapuputing legs ng dalaga. Pinipilit naman ng dalaga na hilain ito pababa.
Marlon:"Ah eh si kuya Ramon po kasi binosohan siya tapos akala ng Ate niya naman ay may ginagawa sila ng bayaw na masama"
Tay:"Hmm wala nga ba?" Nakatingin pa rin ito sa hita ni Makinis na hita ni Santa.
Marlon:"Itay naman hindi naman ganung babae si Santa. Kilala ninyo naman po siya hindi siya gagawa ng mali. Hayop lang talaga yung Ramon na 'yun! Buti nga wala pa siyang nagawa kundi talagang mabubugbog ko 'yon! talaga"
Nakayuko lang si Santa ang bigat bigat ng loob niya sa mga nangyari. Pumasok na sila sa loob nakita pa niya ang makahulugang tingin sa kanya ng tatay ni Marlon.
Santa:"Maraming salamat Marlon hindi ko alam ang gagawin kung hindi ka dumating kanina pero siguro hindi ako dapat dito tumuloy lalo lang ako pagsasabihan ng kung anu ano dahil sumama ako sa lalake tapos baka lalo magalit ang ate ko isipin na malandi talaga ako. Susubukan kong umuwi mamaya sa bahay baka malamig na ang ulo ni Ate Sabel"
Marlon:"Pero Santa, Galit na galit ang Ate mo hindi ka pa pwedeng umuwi baka masaktan ka na naman. Isa pa kung aalis ka naman dito sa amin ay paano na? Saan ka naman pupunta? Pwede ka naman kasi mag stay dito kung gusto mo wala naman problema doon alam naman ng mga tao dito na magkababata tayo. Huwag mo din isipin ang sasabihin ng iba dahil alam naman natin na hindi mo magagawa 'yun. Ikaw yata ang pinakamatinong babae na nakilala ko"
Santa:"Sige. Siguro nga baka masaktan na naman ako ni Ate. pero ngayon gabi lang siguro ako dito sa inyo at kung pwede pakuha na sana ang mga gamit ko sa bahay baka panahon na para bumukod ako ayoko na din naman makasama sa bahay ang bastos na Ramon na 'yun!"
Marlon:"Okay sige mamaya dadaan ako doon sa inyo. Tama lang na huwag mo nang makasama ang siraulong Ramon na ‘yun baka ano pa gawin sa iyo. magpahinga ka muna dito bibili lang ako sandali ng mamemeryenda natin" ayaw sana paiwan ni Santa dahil ang tatay lang ni Marlon na si Mang Tony ang maiiwan na kasama niya pero mabilis na itong nakalabas ng bahay.
Marlon:”Tay, Bibili lang ako meryenda natin sandali” Tumango lang ang matanda at ngimisi na tumingin sa loon ng bahay.
Wala pa man din lock ang maliit na kwarto na ginawa para kay Marlon tanging manipis na kurtina lang ang tabing.
Sumiksik sa sulok ng kama si Santa at nahiga. Maya maya naramdaman niya na may kumakaluskos nakita niyang sumilip ang tatay ni Marlon sa kanya tapos ay pumasok sa loob ng kwarto. Bumangon naman si Santa
Santa:"Bakit po Mang Tony?"
Mang Tony:"Totoo ba na binosohan ka habang naliligo ng bayaw mo kanina tapos nahuli kayo ng ate mo?" Tumango si Santa.
Santa:"Opo kaso hindi po naniwala si Ate" Nalungkot na naman ng maalala ang kapatid.
Mang Tony:"Eh Iha hanggang kelan ka ba dito sa amin tutuloy? Magtatagal ka ba?" Tumabi ito ng upo sa kama.
Santa:"Mang Tony a-aalis din po ako bu-bukas.bubukod na po ako sa ate ko. Hahanap po ako ng matutuluyan mas mabuti po sigurong ganun nalang ang gawin kesa makisama pa ulit sa kanila" kabadong kabado siya wala kasi itong suot sa pang ibaba natatakot siya sa paraan ng pagtingin nito sa kanya lalo sa mga hita niya na hindi matakpan ng suot na T-shirt nakalimutan pa niyang humiram ng short kanina kay Marlon.
Mang Tony:"Ha? Bukas na agad? Saan ka naman pupunta? Bubukod ka? Uupa ka? Eh Pwede ka naman dito na lang sa amin tumuloy ng walang bayad. Libre pa dito kung gusto mo”
Santa:"Ano po?"
Mang Tony:"Iha ang sabi ko ay pwede ka kako dito tumuloy ng libre sa amin pero,.”
Santa:"Ano po bang ibig ninyong sabihin Mang Tony?"
Mang Tony:"Libre na ang upa mo pati bayad sa mga bills pero pwede ko bang makita ang katawan mo?" Sabay tawa nito. Agad napatayo si Santa sa gulat sa sinabi ng matanda.
Santa:"Mang Tony huwag ho kayo mag biro ng ganyan hindi ho nakakatuwa"
Mang Tony:"Mukha ba akong nagbibiro? Eh diba sumasali ka naman sa pagent na naka bra at panty lang? Patingin lang ng malapitan malabo kasi mata ko hindi kita masyadong matitigan sa stage eh" sabi pa ng manyak na matanda. Hindi naman alam ni Santa ang gagawin dahil wala naman siya suot pangloob na Panty at Bra.
Santa:"Mang Tony hi-hindi ho.Pwede huwag ho sana ninyo ako bastusin ng ganito" Naiiyak niyong sabi.
Mang Tony:"Ang Arte mo naman! Aysus! Eh rumarampa ka nga ng ganon sa pagent ang daming nakakakita saiyong lalake tapos sabi ninyo si Ramon nakita niya katawan mo kanina? Bakit siya pwede? Ang Damot mo naman"
Santa:"Iba ho yung sa Pageant. Yung kuya Ramon binosohan niya po ako hindi ko kusang pinakita ang katawan ko sa kanya"
Mang Tony:"Weh? Hindi kusa? Gwapo kasi ng bayaw mo noh? Kaya sa kanya pwede Hahaha! Teka! Ah! Alam ko na Oo nga pala may prize doon sa pagent kaya ka rumarampa. May pera ka nakukuha diba? Hehe" Kumapa ito sa bulsa at dumukot ng 500 saka inaabot sa kanya.
Mang Tony:"O ayan! 500 pesos ‘yan ah! Patingin lang sige na. Si Ramon nga nakalibre sayo ng tingin walang bayad eh"
Santa:"Mang Tony” Naiiyak nitong sabi.
Mang Tony:"Bakiy kulang pa? Dadagdagan ko pero pahawak na rin hehehe”
Naiyak ng tuluyan si Santa sa ginagawang kamanyakan ng tatay ng kaibigan. Dumating naman si Marlon at nakita na naiiyak si Santa. Lumapit ito agad sa dalawa. Tumayo naman si Mang Tony agad sa kama.
Marlon:"Santa bakit ka umiiyak? 'Tay anong nangyayari?" Takang tanong nito.
Mang Tony:"Ah Ito kasing kaibigan mo eh binibigyan ko siya ng 500 kasi wala man lang siya nakuha nung pinapalayas siya para may pang gastos siya pag may gusto siya na bilhin o pamasahe man lang pauwi"
Marlon:"Naku ganon po ba salamat 'tay. Mamaya naman ay kukunin ko na ang mga gamit niya sa kanila."
Hindi na umimik si Santa masama kasi ang pagkakatitig ni Mang Tony bago lumabas ng kwarto na parang sinasabi na huwag siya magsusumbong. Gustohin man niya na umalis na ay wala siyang magawa halos mag gagabi na din at delikado na sa daan. Wala pa rin naman na siyang pupuntahan pa. Nilista niya na lang ang mga bagay at gamit na kukunin ni Marlon sa kanila.
Kinagabihan ay pinakuha na ni Santa kay Marlon ang mga gamit niya. Gustong gusto na niyang umalis dahil hindi na niya matagalan ang manyak na tingin ng matanda sa kanya gusto na niyang umalis sa bahay ng mga iyon.
Santa:"Marlon eto ang mga pakuhang gamit ko tapos pakisabi na lang kay ate na sana ay paniwalaan niya ako at maghahanap na din ako ng ibang malilipatan sa lalong madaling panahon. Bubukod na ako"
Marlon:"Hindi mo naman kailangan umalis dito mahirap maghanap ng apartment lalo na mahal ang upa"
Mang Tony:"Oo nga naman Santa pwede ka dito samin tutal dalawa lang kami ni Marlon dito" nakangisi pa ito parang may iniisip na masama.
Santa:"Hindi, basta Marlon paki kuha nalang ang mga gamit ko salamat"
Marlon:"O siya sige aalis na ako pumasok ka na sa kwarto at magpahinga" Sumakay na ito sa tricycle nito.
Santa:"Marlon, di-dito lang ako sa labas aantayin kita"
Marlon:" Okay babalik ako agad, Alis na ko" pinaandar na nito ang tricycle.
Nakatayo lang sa pinto si Santa natatakot siya na may gawing masama si Mang tony. Nakaligo na siya kanina at nakahiram ng damit bago umalis ang lalake kaya mas takip na ang katawan niya.
Sa hindi naman inaasahan ay biglang bumuhos ang malakas na ulan kumukulog at kidlat pa. Agad pinasara ni Mang Tony ang pinto at bintana dahil nababasa ang loob ayaw man napilitan siya na isara dahil pumapasok ang ulan sa loob at nababasa ang mga gamit ng mga ito kaya sumunod na din siya.
Umupo nalang siya sa kama ni Marlon pero biglang namatay ang kuryente. Takot na takot na tumayo si Santa at lumabas ng kwarto lalabas sana siya ng bahay pero may tumakip ng bibig niya
Mang Tony:"Huwag kang maingay tayong dalawa lang dito hehehe" bulong nito sa kanya. Nakayakap ito sa likod niya at tinulak siya pabalik sa loob ng kwarto at tinulak siya pahiga sa kama. Iyak ng iyak si Santa. May dalang flash light ang matanda at nilagay sa gilid.
Santa:"Pa-parang away ninyo Mang Tony 'wag po!" naghubad na kasi ang matanda ng suot na tshirt.
Mang Tony:"Anong 'wag? Hindi naman kita sasaktan basta maging masunurin ka lang hehehe. Ang arte mo kanina may bayad na nga sana nag inarte ka pa" hinubaran siya nito ng damit wala naman siya magawa dahil nakapatong na ng padapa sa kanya ang matanda.
Kasabay ng kulog at kidlat. Parang kasing lakas ng ulan ang mga luha at sigaw ni Santa habang hinahalay siya ng matanda.
Walang makarinig sa labas dahil sa lakas ang ulan at mga dagundong ng mga bubong na yero.
Tanging pag-iyak lang ang nagawa ni Santa ng matapos ang matanda. Iniwan lang siya nitong hinang hina. Maya maya at nagkaroon na ng kuryente pinilit ni Santa na tumayo at pumunta sa cr parang wala sa sarili na naligo siya.
Parang nasa panaginip siya. Nabosohan siya ng bayaw kanina ngayon naman ay nahalay ng isang matanda na ama pa ng itinuturing niyang matalik na kaibigan. Ganun lang ay nawala ang iniingatan niyang p********e. Patapos na siya maligo ng pagkabukas ng pinto ay nakatayo ang walang ding saplot na si Mang Tony.
Mang Tony:"Okay ah kakaligo mo lang pala ulit ayos 'yan hehehe mas okay 'to may ilaw na mas kita ko ang katawan mo!" bigla siya nito tinulak sa dingding at doon hinalay ulit ng ilang beses. Parang manhid na si Santa puro iyak lang ang nagawa niya tinakpan nito ang bibig niya kaya hindi siya makasigaw ng matapos ang matanda ay lumabas na ito.
Dumating naman na si Marlon na sinalubong ng ama at tinulungan pa siya sa pag baba ng gamit ng babae sa tricycle.
Marlon:" Grabe basang basa ako naabutan na ko ng ulan pahirapan pa kasi na makuha ang mga gamit ni Santa. Tindi talaga ni Sabel galit pa rin. Kung hindi ko pa tinakot na ipapa baranggay hindi ibibigay" Nagpupunas ito ng katawan dahil basang basa ito ng ulan.
Mang Tony:"Atleast nakuha mo na" Nakangisi nitong sambit saka padekwatrong naupo sa kahoy sa sofa"
Marlon:"Oo nga ho eh! Wala nga doon si Ramon, Ewan bka lumabas na din. Tado na 'yun!
Mang Tony:"Hayaan mo nga ang mga ‘yun alam naman ng lahat na ayaw ni Ramon kay Sabel nagtaka ka pa”
Nagkaroon din ng mainitang pagtatalo sila Sabel at Ramon dahil sinita din ito ng babae muntik pa silang magkasakitan dahik pinagsasampal ng babae ang asawa. Umalis na lang ng bahay ang inis na lalake. Naiwang umiiyak si Sabel at galit na galit sa kapatid. Muntik na nga sunugin ang mga gamit nito mabuti at agad ito nakuha ni Marlon.
Marlon:”Nasaan ho pala si Santa?"
Mang Tony:"Ewan nakita ko kanina nagpunta sa Kubeta baka naligo"
Marlon:”Ha? Naligo na kanina ‘yun eh!”
Mang Tony:"Baka nainitan nawalan ng kuryente kanina”
Lumabas naman agad ng cr si Santa ng marinig ang boses ng lalake masama ang tingin ni Mang Tony sa kanya nagbabanta ang mga mata nito.
Marlon:"Oh santa okay kalang ba? Namumutla ka ah? Bakit maga mata mo? Umiyak ka na naman? Huwag ka mag alala lahat ng gamit mo ay pinadala na ng ate mo eto na lahat" Tumango lang si Santa at tumulong sa pag pasok sa kwarto ng mga gamit.
Marlon:" Huwag ka ba mag alala alam mo ba na dinaanan ko na din si Ninang Tasing kanina may kwarto na bakante sa paupahan niya kaso maliit lang 2,500 daw isang buwan sinabi ko saka mo na sana ibigay ang deposit at advance mo. ngayon sana kita dalhin doon kaso malakas ulan mababasa mga gamit mo lalo saka gabi na rin pero bukas na bukas sasamahan kita"
Santa:"Sa-salamat Marlon"
Nahiga na ulit si Santa. Mas panatag na siya dahil kahit papano ay nasa labas na rin ng kwarto si Marlon. Patuloy ang malakas na pag ulan sa labas tuloy lang din ang tulo ng luha ni Santa ng maalala ang paghahalay sa kanya.
Madaling araw pa lang ay nag ayos na si Santa ng mga gamit. Mabuti nalang din at gising na rin si Marlon. Tulog pa ang ama nito pero nag aya ng umalis si Santa. Ayaw na niyang makita ito. Tinignan muna niya ang natutulog na si Mang Tony sa sala bago sumakay ng tricycle.
Huminto sila sa isang eskinita at pumasok sa isang compound na pag mamay ari ni Aling Tasing. Ninang din ito ni Marlon. Kaibigan ito matalik ng ina niya noong nabubuhay pa.
May isang malaking bahay ito na meron 10 kwarto sa ikalawang palapag kung saan ang mga ito ay pinapa room for rent nito para pagkakitaan. Sa baba naman ang bahay nito. Kumatok si Marlon at pinagbuksan naman ng matanda.
Marlon:"Ninang Tasing, ililipat na ho sana namin itong mga gamit para makapag ayos po si Santa sa kwarto"
Tinignan naman ni Aling Tasing si Santa mula ulo hanggang paa. Nagandahan siya sa dalaga. Nakikita na rin nya ito minsan pag pumapasok sa trabaho o sa mga pagent na sinasalihan.
Kilala si Aling Tasing dahil may lihim itong pasugalan sa loob ng bahay at may sabi sabi din na nagtitinda ito ng pinagbabawal na gamot. Bugaw din daw ito Minsan.
Aling Tasing:"Ikaw pala si Santa. Oh siya sige pero next month kailangan mo na magbayad ha? Malakas lang talaga itong inaanak ko sa akin kay wala kang deposit at advance.
Marlon:”Salamat ninang”
Santa:"Oho Aling Tasing salamat ho"
Aling Tasing:"Nobya ka siguro nitong si Marlon noh?"
Marlon:”Naku hindi po kaibigan ko lang po si Santa”
Aling Tasing:"Aysus tanggi pa o siya pasok na” Napangiti lang si Santa.
Marlon:”Salamat ulit ninang”
Pumasok na sila sa loob. Malawak ang bahay sa baba. Nakahilata naman sa sala ang 4 na lalake na anak ni Aling Tasing pero agad napatayo ang mga ito ng makita si Santa at kumaway sa kanya. Sinaway naman ang mga ito ni Marlon. May hagdanan sa gilid at doon sila umakyat pataas.
Pagdating sa taas may sampung pinto silang nakita sa dulo ay may cr na paghahatian ng mga tenant dito.
Sa pinakadulo at malapit sa cr ang kwarto ni Santo. Isang maliit na kwarto lang. May kama na ito sa loob, electricfan at maliit na lamesa na may upuan.
Marlon:"Huwag mo na pansinin yung mga kinakapatid ko ah mga maloloko talaga 'yung mga batugan na 'yun eh. Ano Santa okay kalang ba dito? Ayaw mo ba na sa bahay nalang namin?"
Santa:"Ma-marlon. May sasabihin sana ako.”
Marlon:"Sige ano yon?"
Santa:"Kasi.”
Tinignan ni Santa ang kababata alam niyang dapat niya sabihin ang panghahalay sa kanya ng ama nito pero natatakot siya na masira ang pagtitinginan ng mag ama at baka di rin maniwala ito. Sa huli ay natakot siya magsalita. Naisip niya na baka isipin nito pati ang ama ay dinadamay niya kung sariling kapatid ay hindi naniwala sa kanya ng sabihin na binobosohan ng asawa ang kaibigan pa kaya kung sabihin ama nito ang humalay sa kanya.
Santa:"Wala. Salamat sa lahat"
Ngumiti naman ang lalake at tinulungan na siya mag ayos.
Marlon:"Sige Santa baka ano na isipin ni Ninang Tasing ang tagal ko na nandito sa kwarto. Anjan naman na ang cp mo tawagan o itext mo lang ako kapag may kailangan ka at pupuntahan kita agad"
Santa:"Oo salamat ulit sa lahat"
Marlon:"Ikaw naman wala 'yon handa ako laging tulungan ka"
Santa:"Galit pa rin ba si Ate?"
Marlon:"Oo eh pero lilipas din 'yun. Mas matimbang naman ang kadugo kesa ibang tao lalo sa tulad ng bayaw mong hayop"
Santa:"Sana nga maisip niya na mali ang hinala niya sa amin ni Ramon”
Marlon:"Mukhang nag away rin silang mag- asawa nung gabing kinuha ko ang mga gamit mo wala doon si Ramin tapos umiiyak si Sabel”
Santa:"Kawawa naman si Ate”
Marlon:"Mabuti nga na maghiwalay na sila para mas isip ng ate mo na mas importante ka kesa sa mokong na ‘yun. Mauna na ako”
Santa:"Ihahatid na kita”
Bumaba na sila at hinatid pa ni Santa ito hanggang sa gate sa labas. Umalis na ang lalake saka pumasok ulit sa loob. Pabalik na siya sa taas ng makita na nasa malapit sa hagdanan ang 4 na anak ni Aling Tasing. Mukhang hinihintay siya ng mga ito.
Ram:"Hi Santa ikaw pala yung bagong uupa sa amin sa taas napapanood ka namin sa pagent hehe" 30 na ito pero walang trabaho dahil batugan at tamad mag-aral. Tulad ng 3 pang kapatid.
Romel:"Hehe Oo nga sexy mo pala lalo sa personal" 29 taon gulang.
Roel:"At sobrang ganda pa" 29 taon kakambal ni Romel.
Rocky:"Hoy! mga manyak tigilan ninyo si Santa jowa yata siya ni Marlon haha" 28 taon gulang bunso nila.
Roel:"Ay kayo ba?" Umiling naman si Santa.
Santa:"Magkaibigan lang kami"
Ram:"Mabuti naman hahaha!" Nag apiran pa ang mga ito.
Nakipag kamay sila kay Santa wala naman magawa ang dalaga dahil anak ito ng kasera niya. Nakapalibot sa kanya ang apat at naiirita siya sa tingin ng mga ito. Dahil mula ulo hanggang paa kung tignan siya ng mga ito.
Lumabas naman sa kusina si Aling Tasing at may dala itong pansit.
Aling Tasing:"Ano 'yan! Hoy mga batugan! Tigil tigilan ninyo nga si Santa.Tara dito iha kain ka ng meryenda muna tikman mo itong pansit ibebenta ko ito sa labas mamaya. Sabihin mo kung pasado sa panlasa mo" Wala naman magawa si Santa at umupo na din ito sa hapag.
Aling Tasing:"Tikman mo iha" Nilagyan nito ang pinggan ni Santa. Tinikman naman ito ng babae.
Santa:"Masarap po"
Aling Tasing:"Hindi ba maalat o maanghang? Nadamihan ko yata ng asin at paminta"
Santa:"Hindi naman po"
Roel:"Oo inay ang sarap!" Pero kay Santa ito nakatingin at nagtatawanan sila ng mga kapatid.
Naaasiwa siya dahil titig na titig ang mga anak ng matanda sa kanya. Minadali na niya itong ubusin. Nang matapos kumain ay hinugasan lang niya ang pinggan at nag paalam na umakyat sa taas.
Santa:"Salamat po ulit Aling Tasing aakyat na muna po ako"
Aling Tasing:"Ay buti nagustuhan mo ang luto ko" Ngumiti lang si Santa at tumakbo na paakyat.
Romel:"Oh ano 'Nay! Ang ganda no?"
Ram:"Oo pwede 'yan ‘Nay hehe"
Aling Tasing:"Ssshhhh. Marinig kayo. Oo! Maganda nga, pwede natin pagkakitaan 'yan hehe"
Rocky:"'Nay teka amin muna bago ninyo ibenta hehe"
Roel:"alam na ha lagyan mamaya ng pampatulog sa pagkain hahaha"
Tatawa tawa ang mag iina. Binabalak nilang ibenta si Santa para sa panandaliang aliw para pagkakitaan pagkatapos pagsawaan ng magkakapatid.
Papasok na sana si Santa sa kwarto ng lumabas sa isang pinto ang isang lalake na mukhang bangag sa pinagbabawal na gamot. Namumula kasi ang mga mata nito at nakangisi sa kanya. Agad siyang pumasok sa loob kwarto at nilock ito dahil sa takot.
Kinagabihan.
Kumatok sa kwarto niya si Aling Tasing. May dala itong isang tray. May kanin, isang mangkok ng sinigang na baboy, softdrink at isang saging.
Pinapasok naman ito ni Santa.
Santa:"Aling Tasing naku balak ko nga ho sana na bumili nalang sa labas ng pagkain. Magkano ho ito?" Tanong nito sa matanda.
Aling tasing:"Anong magkano, Ikaw naman nalaman ko kay Marlon na pinalayas ka pala sa inyo dahil nag away kayong magkapatid. Huwag mo na ito bayaran tulad ng sabi mo naman next week papasok ka na sa trabaho ulit diba? Hayaan mo lang ito muna na libre bilang pagtanggap ko sayo dito parang pa welcome dahil bagong tenant kita"
Santa:"Naku salamat po Aling Tasing" umupo na si Santa at nagsumulang kumain samantalang palihim na napangiti si Aling Tasing.
Ubos ni Santa ang ulam at kanin dahil nawili din siya habang nagkukwento si Aling Tasing habang kumakain siya.
Ang Totoo ay Gusto lang ng matanda na masiguro na ubos niya ang ulam lalo ang sabaw na may halo na pampatulog.
Santa:"Ang sarap ho Aling Tasing pwede na ho kayo magtayo ng kainan." Ngumiti lang ang matanda at Lumabas.
Aling Tasing:"Sige lang mas masasarapan ka mamaya hehe kapag naka tulog ka"
Itutuloy