Chapter 6
Takot na takot ang dalawang Madre sa nakita sa ilalim ng kama ni Sister Cher hindi sila pwedeng magkamali si Santa ang nakita nilang palabas sa ilalim pero ibang takot ang naramdaman nila dahil itsura nito. Parang naagnas ang balat at namumula ang mga Mata. Mukha itong Demonyo.
Ben:"A-ano pong nangyari bakit kayo tumatakbo Sister?"
Carol:"Si Santa...Na-nasa ilalim ng kama ni Cher!"
Ben:"Ano? Paano nangyari ‘yon?” Takang tanong nito sa mga madre.
Agad naman nasalo ni Liam si Cindy na nahimatay sa takot tinabihan ito si Carol ng inihiga sa isang kama sa Emergency room. Sumunod naman si Liam kay Ben papunta sa kuwarto ni Cher. Matapos maging okay ang ang dalawang Madre.
Pinuntahan ni Ben ang kwarto ni Cher nagulat siya ng nakaupo na ito at parang wala na ang mga pilay sa paa at Kamay kahit nakakabit pa ang mga semento dito.
Ben:"Si-Sister Cher?" Lumingon naman ito at ngumiti sa Pulis. Lumapit si Ben dito.
Cher:"Nasaan ang mga kasamahan kong Madre? Nagulat yata sila ng makitang bumangon na ako"
Ben:"Ma-may nakita daw silang palabas sa ilalim ng kama mo...si..si Santa daw"
Cher:"Si Santa? Wala naman ah diba nasa bahay ampunan siya?” nag iinat inat pa ito ng leeg.
Medyo alangan ang tingin ni Ben para kasing hindi tama na makaupo na ito samantalang halos buong katawan nito ay bali bali at sementado.
Ben:"Ganon ba...sige mag pahinga ka lang muna...Hindi ka pa ganoong maayos”
Cher:"Oo” Ngumiti lang ang Madre at pumunta na si Ben sa may Pinto pero bago siya lumabas ay naalala niya ang bilhin ni Father Carl na bigyan ng holy water ang tatlong madre. Nilabas niya sa bag ang isang maliit na bote. Parang naramdaman naman ito ni Cher (na sinapian ni Santa) uminit bigla ang pakiramdam niya.
Cher:"Sige na lumabas ka na gusto ko ng magpahinga alis na" Nahiga na ito ulit at pumikit.
Ben:"Sige, magpahinga kana...Santa!” sabay buhos dito ng tubig na nabenditahan ni Father Carl.
Cher:"AAaahhhhHHH!”
Isang matinding sigaw ang pinakawalan nito at kitang kita ni Ben na may itim na usok ang lumabas dito pero nawala din. Nawalan ng malay si Cher matapos ang ginawa niya.
Pumasok naman si Liam sa loob para aalamin din ang lagay ng Madre natagalan siyang sumunod dahil binigyan muna niya ng pampakalma ang dalawang madre dahil sa takot.
Liam:"A-anong nangyari dito Ben?"
Ben:"Doc tama ang dalawang madre nandito nga si Santa! Sinaniban niya si Sister Cher pero Binuhusan ko siya ng holy water itapos may usok na lumabas sa katawan niya! Wooh! grabe ngayon ako nakaramdam ng takot ah!" Kapa kapa pa nito ang dibdib. Iiling iling naman ang doctor.
Liam:"Dapat natin puntahan ang bahay ampunan. Sabi ni sister Carol ay may tumawag daw na isang bata doon sa kanya ang sabi ay pinapakain sila ng daga nung Santa. ilang araw daw silang ginutom tapos kinulong at puro mga latay sa katawan sa mga palo ng mga madre sa kanila"
Ben:"Hayop 'yang santa santita na yan! Malamang sinaniban ang mga natitirang madre kaya nananakit! Eh kung tumawag ako ng back up na pulis para may kasama tayong pupunta doon?"
Liam:"Oo mabuti nga siguro mahirap na kung dalawa lang tayo pupunta doon hindi natin alam ang isip nung Santa na ‘yun baka pati tayo masaniban niya pa."
Ben:"Teka kelan ba makakalabas si Father Carl? Seryoso na itong nangyayari wala si Santa dito ng personal pero nagagawan pa rin ng masama ang mga tao."
Liam:"Nagtext si Doc Kobi ang sabi niya mga 3 days pa daw bago natin siya mailabas may mga inaayos pa kasi na mga papers para maging legal ang paglabas ni Tito doon sa Mental”
Ben:"Naku ang tagal pa pala"
Liam:"Sa ngayon dapat makuha yung mga bata sa ampunan baka may mamatay na doon sa pinag gagawa ng demonyang si Santa"
Ben: "Sige tatawag ako ng back up para mas safe"
Umalis na muna ito at tinawagan ang mga kasamahan na pulis.
-------------
Nakita naman ni Santa ang mga mangyayari kaya bumulong siya ng dasal sa demonyo at sa isang iglap naging malinis ang buong ampunan.
Nasa isang classroom na ang mga ito habang tinuturuan ni Sister China habang naka alalay si Sister Cathy.
Ang lahat ng tao sa ampunan ay nasa ilalim ng sanib ni Santa kaya lahat ng iutos niya ay gagawin ng mga ito.
Santa:”Hahahaha!”
---------
Dumating ang tatlong sasakyan ng mga pulis sa ampuan kasama si Liam at Ben. Ang plano dapat ay papasukin ng mga ito ang ampunan pero nagulat sila ng makitang nagwawalis si Santa sa loob ng bakuran at nakasuot na ng itim na pangmadre. Napakalinis ng Ampunan at maaliwalas ang paligid. Lumapit ito sa mga pulis ng makita sila sa labas.
Santa:"Magandang araw ano pong kailangan nila?" Mahinhin nitong tanong sa mga pulis. Nagkatingan naman si Liam at Ben.
Pulis 1: "Ah magandang araw po Sister pwede ho ba namin makita ang mga bata at itong ampunan ninyo?"
Santa:"Naku opo naman bukas ang ampunan sa kahit na sino" Nakangiti nitong sabi. Binuksan nito ang gate at nagpasukan ang mga pulis maging sila Liam at Ben na takang taka.
Pinalibot sila sa loob at nakita nilang napaka linis ng loob ng bakuran ng ampunan. Tapos ay dinala sila sa isang classroom na kasalukuyan may klase kung saan lahat ng bata ay masayang nag tataaas ng kamay para sumagot sa tanong ng nagtuturong Madre na ganadong ganado naman na magturo.
Gulat na gulat naman si Liam at Ben. Masama nilang tinignan si Santa na nakangisi sa kanila. Biglang sumabat ang Punong Madre na biglang sumulpot sa kung saan.
Mader Superior:"Sister Santa? Anong nangyayari? Bakit ang daming pulis dito?"
Santa:”Gusto daw po nilang makita ang mga bata Mader”
Mader Superior:"Napakadami ninyo naman yatang pumunta dito?” Tumingin ito kay Ben.
Mader Superior:"Ikaw ‘yung dating nagpunta na pulis diba nung nasagasaan si Cher nung tatakas noon sa kaso niya at tumulong sa dalawang napatalsik na madre na tumayo habang pinaparusaan sa mga kasalanan nila?” Tanong nito
Ben:"Sister, Nakatanggap ho ng tawag si Sister Carol na pinakain ng daga ni Santa ang mga bata at kinululong pa daw po"
Mader Superior:"Daw? Naniniwala kayo sa mga pinagsasabi ng mga napatalsik na madre? Nakikita ninyo ba gaano kaayos at kasaya ang aming bahay ampunan? Nakikita ninyo na nagka-kalse sila diba? Baka kasuhan ko pa ang mga 'yon maging kayo dahil wala kayong warrant na patunay para pumasok dito. Nakikinig kayo sa mga walang kuwentang mga babae! Isa pa hindi na sila dapat tawaging Sister dahil hindi na sila mga madre! Itiniwalag na sila ng simbahan!"
Santa:"Mader hayaan ninyo na po ang mga makasalan na iyon. Hindi po nila siguro na matanggap na napatalsik sila dito sa ampunan dahil rin sa kagagawan rin po nila"
Mader Superior:"Oo nga hala sige sabihin ninyo sa kanila na kakasuhan namin sila sa paninira dito sa ampunan. magsama sama silang tatlo sa kulungan!"
Ben:"Pa-pasensya na ho pero kung sakaling makita sa cellphone ni Sister Carol at Melay na may pass calls sila pwede po kaming mag imbestiga dito ulit"
Mader Superior:"Ganun? May cellphone siya?” Parang kumulo ang dugo nito sa nalaman na may tinatagong cellphone si Melay. Napangisi naman si Santa.
Ben:"Nakatawag nga daw po siya at napakita ang nangyayari daw sa bahay ampunan”
Mader Superior:” Puro daw! Edi sige tawagin si Melay ng malaman ang totoo"
Agad naman lumabas si Melay sa classroom nakayuko lang ito na inabot ang cellphone sa pulis pero parang bigla itong natauhan ng hawakan ni Liam ang buhok nito. Palihim kasi na winisikang ng holy water ni Liam ang bata kaya nawala ang sanib nito. Bigla itong nag iiyak at takot na takot na yumakap sa doctor. Tinignan ito ni Santa. Hindi makapag salita ang bata sa takot.
Mader Superior:”Malandi kang bata ka! Gawain ba ng mabuting dalaga ang basta nalang yumakap sa lalake?”
Liam:"Melay bakit ka umiiyak? Sabihin mo sa amin?"
Tanging iyak lang ang sagot nito walang boses na lumalabas sa bibig.
Ben:"Melay, totoo ba na pinakain kayo ng daga ni Santa at kinulong ng ilang araw at sinasaktan?" tanong naman nito na lumapit din sa dalawa. Tahimik naman umusal ng panalangin si Santa.
Biglang nawalan ng malay si Melay binuhat ito sa isang bangko na naroon at pinaypayan. Nagkamalay naman ito agad pero tulad ng iba napasailalim na ulit ito ng sanib bumangon ito.
Ben:"Melay, Totoo baa ng sinabi ni Sister Carol? totoo ba na pinakain kayo ng daga ni Santa at kinulong ng ilang araw at sinasaktan?" Ulit nitong tanong. Umiling naman ito at parang wala sa sariling sumagot.
Melay:"Hindi po totoo. Hindi kami pinapakain ng daga. Bakit kami papakainin ng daga? Masasarap po ang mga pagkain dito. mababait ang puso ng mga Marde dito lalo po si Sister Santa inaalagan po nila kaming ng maayos mabuti nga at nawala na ang tatlong madre sila po ang mga mapanakit sa amin. Isa pa po ginawan ako ng masama ni Sister Cher dapat pagdusahan niya sa kulungan ang lahat. Itong cellphone ang naging suhol niya noon sa akin ng ginawan niya ng masama"
Walang nagawa ang mga pulis dahil ng tinignan ang cellphone nito ay wala naman ng nakita. Wala din mga bahid ng latay o palo an mga bata kaya wala silang magawa kundi umalis nalang.
Ben:"Liam, dapat ay mas tutukan pa natin sila parang may mali" bulong nito kay Liam
Liam:"Oo, iba ang kutob ko umiiyak yung bata pero parang biglang nawala sa sarili"
Ben:"Mukhang nadasalan eh!”
Umalis na ang mga pulis at si Liam. Galit naman na pinapunta ni Santa si Melay Tinawag niya ito sa isang kwarto at pinaupo. Tinanggal niya ang sanib nito kaya takot na takot ito sa kanya.
Santa:"Sige, maupo ka!" Utos nito.
Takot na sumunod naman ito sa kanya.
Melay:"O-Opo"
Mader Superior:”Akina ang cellphone mong haliparot ka!” Inabot naman ng takot na takot na bata ang cellphone sa Punong madre. Sinapal pa siya nito sa paulit ulit sa magkabilang pisngi.
PAK! PAK! PAK! PAK! PAK! PA!
Mader Superior:”Malandi ka! Payakap yakap ka pa sa dun sa lalake! Manang mana ka kila Carol na malalandi!” Isang sampal pa ulit ang pinakawalan nito sa mukha niya.
PAK!
Mader Superior:”Malandi!” Tanging pag iyak lang ang nagawa ng takot na takot na si Melay.
Santa:" Melay, alam mo na may parusa ang lahat ng lalabag at susuway sa akin diba?!" Nakatirik ang mata nito sa galit at pulang pula.
Melay:"Opo...opo! Patawad po!" naghalo na ang luha at sipon nito sa takot. Bumalik na rin ang bakas ng latay dito sa mga palo noon sa kanila.
Santa:"Kinuhaan mo ang pagkain ng daga ng mga kasama mo diba?! dahil sa ginawa mo may hinanda akong surpresa sa iyo" Sabay ang tawang demonyo nito. Lumapit ang Punong Madre, Sister Cathy at Sister China na may dalang mga pinggan na may takip.
Santa:"Dahil maganda ang mood ko bibigyan kita ng chance na mamili sa tatlong nasa pinggan. Kung anong pipilin mo ay iyon ang magiging hapunan mo hahahahaha! Ang isa diyan ay mga Daga baka kasi nainggit ka lang sa mga kasama mo kaya may pasumbong sumbong ka pa, ang isa naman ay mga suka ng mga kasamahan mong bata at ang huli pinaghalong mga tae ng mga tatlong Madre! Hahahahaha mamili ka!" Pasayaw sayaw pa ang mga Madre na may dala ng pinggan parang namimili ng bayong si Melay.
Iyak naman ng iyak si Melay. demonyo talaga si Santa!
Melay:”Huhuhu!:
Santa:"Melay! bibilang ako ng tatlo! kapag hindi ka namili at ipapakain sa'yo 'yan lahat! Kaninong pinggan ang gusto mo?" Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin kay Melay na halos maihi na sa takot.
Sa takot ay ang pinggan na hawak ng Punong Madre ang pinili nya.
Santa:"Hmm Sabagay hindi ka nakatikim niyan kaya ka nga nagsumbong diba? Hahahaha! Ngayon solong solo mo!"
Pagbukas ng pinggan ay mga buhay na bubwit ang naroon mga 100 piraso ito at nagkikisayan sa pinggan.
Sigaw ng sigaw si Melay sa takot!
Melay:"Huhuhu! maawa po kayo! Sister ayoko po tulungan ninyo po ako!"
Tawa lang ng tawa ang mga Madre. Wala na sa sarili ang mga ito.
Sister China:"Masarap ito! Hahaha"
Sister Cathy:"Oo, nga! Nagkagulo nga ang mga bata dito eh. Ikaw solong solo mo ayaw mo pa!" Nagtawanan ulit ang mga ito.
Santa:”Makinig ka ang gusto ko bawat ubos mo ay magbibilang ka kung ilan na ang nakain mo! naiintindihan mo? Kundi lahat ng iba pang dala ng mga madre kay ipapakain ko saiyo!” Tumango nalang ito sa takot
Hinawakan na ng dalawang Madre si Melay habang nakahawak naman sa panga niya ang Punong Madre at isinubo ang buhay na daga sa loob ng bibig nito.
Pinilit ibinuka ng Punong Madre ang bibig niya. Lasang lasa niya ang daga sa loob ng bibig. Walang magawa si Melay kundi maiyak nalang. Hindi siya binitawang ng mga ito hanggang hindi nalulunok ang daga.
Santa:"Huwag mong subukan na iluwa o isuka 'yan kung hindi ipapakain ko din sa’yo ang tae at suka nila! Sige ubusin mo 'yan!" Namumula ang mata nito.
Santa:"Hala sige! Kain tapos bilang!” Binitawan na siya ng mga madre at mag isang kumuha ng bubwit sa pinggan.
Sinumulan niyang nguyain ang pangalawa halos maduwal siya sa lasa nito.
Melay:” Dalawa” Kumuha ito ulit at halso lunukin na lang.
Tatlo
Apat
Lima
Anim
Pito
Walo
Siyam
Sampu
Labing-isa
Labindalawa
Labintatlo
Labing-apat
Labinlima
Labing-anim
Labimpito
Labing-walo
Labinsiyam
Dalawampu
Dalawampu't isa
Dalawampu't dalawa
Dalawampu't tatlo
Dalawampu't apat
Dalawampu't Lima
Dalawampu't anim
Dalawampu't pito
Dalawampu't walo
Dalawampu't siyam
Tatlumpu
Tatlumpu't isa
Tatlumpu't dalawa
Tatlumpu't tatlo
Tatlumpu't apat
Tatlumpu't Lima
Tatlumpu't anim
Tatlumpu't pito
Tatlumpu't walo
Tatlumpu't siyam
Apatnapu
Apatnapu't isa
Apatnapu't dalawa
Apatnapu't tatlo
Apatnapu't apat
Apatnapu't Lima
Apatnapu't anim
Apatnapu't pito
Apatnapu't walo
Apatnapu't siyam
Limampu
Limampu't isa
Limampu't dalawa
Limampu't tatlo
Limampu't apat
Limampu't lima
Limamapu't anim
Limampu't pito
Limampu't walo
Limampu't siyam
Animnapu
Animnapu't isa
Animnapu't dalawa
Animnapu't tatlo
Animnapu't apat
Animnapu't Lima
Animnapu't anim
Animnapu't pito
Animnapu't walo
Animnapu't siyam
Pitumpu
Pitumpu't isa
Pitumpu't dalawa
Pitumpu't tatlo
Pitumpu't apat
Pitumpu't Lima
Pitumpu't anim
Pitumpu't pito
Pitumpu't walo
Pitumpu't siyam
Walumpu
Walumpu't isa
Walumpu't dalawa
Walumpu't tatlo
Walumpu't apat
Walumpu't anim
Walumpu't pito
Walumpu't walo
Walumpu't siyam
Siyamnapu
Siyamnapu't isa
Siyamnapu't dalawa
Siyamnapu't tatlo
Siyamnapu't apat
Siyamnapu't Lima
Siyamnapu't anim
Siyamnapu't pito
Siyamnapu't walo
Siyamnapu't siyam
Isang daan
Naubos niya lahat ang mga daga habang tawa ng tawa ang mga madre at nagtatalunan pa na parang mga baliw.
Madre Superior: “Busog ka na gumalingka pa magbilang! Hahahaha!”
Sister China:” Oo nga! Akala ko ng ahindi ka pa marooning magbilang eh!”
Sister Cathy:”Ang hina kaya sa klase niyan!” Nag apiran pa ang mga ito.
Parang mabubulan naman si Melay sa dami ng nakain na daga napahawak siya sa dibdib kaya pinakuha ni Santa ang arinola na inipunan ng ihi ng mga Madre at dahil sa uhaw ay halos maubos niya ito ang iba pa ay tumapon na sa katawan niya.
Madre Superior: “Hahahahaha! Sarap ba?” Halos magkanda suka ito sa paginom.
Santa:”Subukan mong isuka ‘yan kakain ka ulit!” Pinilit ni Melay na lunukin ang suka. Tapos ay pinasa ilalim na ulit ito sa sanib. Tawa ng tawa si Santa sa nangyayari.
Santa:"Siguro naman ay nagtanda ka na! Balik na sa mga kasama mo!" Tumayo ito na tulala at lumabas ng kwarto.
Pumunta na ito ulit sa madilim ba kwarto kung nasaan ang ibang bata saka nakiluhod sa mga ito sa asin na may sili.
Sinabi nila Liam kina Carol at Cindy ang nadatnan sa bahay ampunan. Himala pa na nawala sa cellphone ni Carol ang history ng pagtawag ni Melay sa kanya.
Carol:"Pa-panong nawala ‘yun tawag? Siguro may ginawang dasal si Santa!" Gulat na gulat na sabi nito.
Cindy:"Naku malamang! Impakta na 'yon!"
Ben:"Sister Wala tayong magagawa nakita ng ibang pulis na maayos ang ampunan mahihirapan tayo na patunayan ang mga bintang sa kanila baka kayo pa ang mabalikan pag nagkataon. Gusto nga kayong kasuhan"
Cindy:"Pero totoo naman po ang nakita namin!"
Carol:"Oo nga! Hindi kami nangsisinungaling!"
Ben:"Ang problema lang ay wala tayong ebidensya. Weird nga ni Melay ng hawakan ni Doc Liam biglang umiyak may holy water kasi ang kamay niya kaso nawalan ito ng malay tapos nung magising tinanggi niya ang lahat. Isinumbong pa yung kasama ninyong Madre na umabuso daw sa kanya kaya ngayon eh magagamit ang statement niya sa kaso"
Carol:"Diyos ko. Hindi 'yan totoo"
Cindy:"Anong gagawin natin Carol?"
Liam:"Sa ngayon mas mabuti na dumito muna kayo meron isang kwarto dito na pwede ninyo na tuluyan"
Carol:"Talaga po? Salamat ho Doc Liam at Sir Ben"
Cindy:"Opo salamat po ayaw namin muna kasi pumunta sa pamilya namin baka madamay pa sila"
Liam:"Naniniwala kasi ako sa inyo dahil si Santa ang may kagagawan kung bakit napunta sa mental hospital ang tito ko"
Carol:"Po? Sino ho ang tito ninyo?"
Liam:"Si Father Carl"
Cindy:"Te-teka 'yon ba yung na issue na Pari daw kay Sister Cathy?"
Carol:"Oo, parang siya nga... nabalitaan ko nga na napunta siya sa mental hospital dahil nawala daw sa sariling katinuan. Ibig mo sabihin si Santa din ang dahilan. Aba demonya pala talaga siya!"
Cindy:"Puro alagad ng diyos ang gusto niyang puntiryahin"
Ben:"Nakita namin na puro mukha ni Santa ang naroon sa mga drawing ni Father Carl"
Liam:"Sa ngayon pina sprayan ko na itong buong hospital ng holy water maging bawat pasyente at staff dito. Nagtataka nga sila sabi ko for sanitation pero dapat natin ingatan na wala ng madamay na inosente. Sige na mga Sister doon na kayo sa isang staff room pinaayos ko na iyon. In 3 days makakalabas na si Father Carl pwede na niya tayong tulungan"
Cindy:"Diyos ko sana nga. Salamat sa inyo"
Pumunta na ang dalawang madre sa isang staff room na pwede nilang tuluyan.
Ben:"Paano Doc uuwi muna ko kukuha ako ng mga gamit at damit para dito din muna ako mag is-stay. Kasi sa condo na tinutuluyan ko natatakot din ako may madamay na mga tenant"
Liam:"Sige kung gusto mo pwede ka doon sa sariling kong room dito sa hospital. Uuwi din ako kukuha ng mga gamit. Teka meron ka pang holy water?"
Ben:"Konti nalang binuhos ko kasi dun sa impakta na sa sumanib kay Sister Cher"
Sinalinan ni Doc Liam ang isang bote at ibinigay sa pulis. Nagkanya kanya na din sila ng alis para umuwi.
--------
Sa staff room
Carol:"Cindy, Mabuti naman at may matutuluyan tayo kahit sandali. Ayoko madamay ang pamilya ko dito. Laking kahihiyan na nga na napatalsik ako sa pagmamadre ayoko ng madagdagan pa. isa pa alam kong masama ang loob nila sa akin balita ko nga puro chismis daw ang inaabot nila sa mga kakilala namin"
Cindy:"Mabuti ka nga kahit papano may pamilya ka eh pagdating ng panahon mapapatawad ka rin ng mga ‘yun kesa ako.. Alam mo naman ang nakaraan ko. Madumi akong babae pero ayoko na bumalik sa ganong buhay ulit. Ngayon ko na realize na hindi dahil lang sa gusto kong makatakas sa mga problema at nakaraan kaya ako nag madre kundi ito talaga ang gusto ko. Aaminin ko dahil naman sa mga luho ko kaya ako kumakabit noon pero kung sap ag ibig hindi ko naman sila gusto talaga ngsyon kahit wala na ang mga luho basta maging maayos at makabalik sana tayo sa paglilingkod sa diyos ay ayos na sa akin”
Carol:"Ako din Cindy Parang ngayon ko naramdaman ang calling na mag madre ako. Nagsisisi ako na naging kabit ako ng may asawa sayang lang at natiwalag na tayo pero hindi naman ako nawawalan ng pag asa na mapabalik pa tayo at kung hindi man maglilingkod pa rin ako sa simbahan maski norma na tao na lang. Siguro ginamit lang ‘yung exboyfriend ko ng demonyo para matukso ulit ako at mahulog ulit sa kasalanan"
Cindy:"Oo ako rin kaya huwag tayo susuko dapat ay mawala ang demonyong si Santa at mapabalik natin sa maayos ang mga naiwan sa ampunan maski natiwalag na talaga tayo."
Carol:"Oo sa ngayon mag dasal muna tayo na matulungan tayo ni Father Carl labanan ang demonyo na ‘yun"
Cindy:"Matagal na pala naghahasik si Santa noh? Pero sa tingin mo sinasaniban lang ba siya o talagang ginawa ng demonyo ang anyo niya?"
Carol:"Iyun nga din ang naiisip ko kung sinapian lang din niya ang katawan ni Santa kung sakali kawawa din siya pero pwede din sadyang gawa gawa lang ang anyo niya para malinlang ang mga tao dahil maganda siya e"
Cindy:"Naku tara na nga at mag rosary na tayo huwag na natin banggitin ang pangalan niya."
Nagsimula na ang dalawang magdre mag rosaryo habang nakaluhod. Sa hindi kalayuan ay Isang pares ng mata ang masamang nakatingin sa kanila.
----------
Nag sign of the cross pa si Ben bago pumasok sa condo unit niya. Kinapa niya ang switch ng ilaw at kumalat ang liwanang sa paligid saka lang siya pumasok sa loob.
Mabilis ang ginawa niyang pag iimpake hindi na halos tiniklop ang mga damit at halo halo na ang iba pang gamit sa loob ng maleta niya.
Gumulong sa ilalim ng kama ang bote ng lotion niya kaya yumuko siya para abutin ito ng hindi tumitingin pero napahinto siya ng buhok ang nakapa niya.
Umakyat lahat ng dugo niya sa katawan sa takot pero hindi pa rin siya tumitingin. Hinanap ng mata niya kung nasaan ang holy water. Tatakbo na sana siya ng hilain ang dalawang paa niya ng mga agnas na kamay ng isang babae.
Sigaw ng sigaw si Ben at nagpupumiglas makawala pero mahigpit ang kapit nito. Kahit anong pagaspas ng paa ay hindi bumibitaw. Nag angat pa ng mukha ito at nakita niya ang naagnas na din na mukha ng babae. Ngumisi pa ito sa kanya.
Ben:"Aaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhh!"
Kahit lalake ay hindi maiwasan na mapatili ng pulis sa takot. Bigla niya naalala na nasa bulsa ang natirang tubig na sinaboy kay Cher kanina. Kinuha agad ito at tinaktak sa naagnas na babae.
Nagtagumpay naman siya na makawala dito matapos parang malusaw ito. Agad na niya kinuha ang maleta at pumunta sa kotse niya. Pero napasigaw ulit siya ng makita ang maraming daga sa loob nito. Binuksan niya ang bote ng tubig na binigay ni Liam winisikan ang mga ito at himalang nawala bigla. Iiling iling na sumakay ang pulis sa kotse at pinaligo ang natirang tubig sa sarili. Nag drive na ito papunta sa hospital.
------
Nasa labas na ng gate si Liam ng kanyang magarang bahay. Winiwiskan niya ng dalang tubig na nabless ang bawat madaanan.
Maging ang mga aso niya na galit na galit ay bumalik sa pagiging maamo ng ma isprayan ng tubig.
Muntik pa siya na sugurin ng saksak ng mga kasambahay at barilin ng sariling guwardiya kung hindi siya maagap na nag wisik sa mga ito. Takang taka pa ang mga ito na may hawak na armas at nagsorry sa kanya.
Mabilis din niya tinapos ang pag aayos sa gamit tapos bumalik na agad sa hospital.
Pababa na siya ng kotse ng makatanggap ng tawag kay Doc Kobi. Ang doctor ng tito niya sa Mental Hospital.
Liam:"Hello? Doc Kobi? Napatawag ka?"
Doc kobi:"Hi Doc! Tanong lang bakit hindi ka kasama ng mama mo na dumalaw dito kay Father Carl?"
Liam:"Ha? Wha-what?"
Doc kobi:"ahm well andito mama mo dinalaw si Father Carl nag uusap sila dun sa garden"
Liam:"Doc what the heck? Wala ang magulang ko dito nasa canada! Sino yan! Oh my god baka si Santa 'yan! s**t! Doc Kobi may tubig ka pa ba na holy water?!" Natataranta silang pareho.
Doc kobi:"Ha? Wala ang magulang mo dito? Eh Sino 'yong kasama niya? Teka, Oo! Meron pa"
Liam:"Please isaboy mo sa kanila pls! Hurry up! Baka ma posses na naman si Tito please Doc!"
Pumunta agad si Kobe sa kwarto at kinuha ang holy water saka patakbo na lumapit sa dalawa kitang kita niya na namumula ang mata ng nagpanggap na ina ni Liam.
Kahit takot ay pikit mata na sinaboy sa dalawa ang tubig parang uod na inasinan ang dalawa matapos sabuyan ng tubig.
Naglaho na parang usok ang nagpapanggap na ina samantalang natauhan naman si Father Carl.
Imbes sa hospital ay sa mental dumiretso si Liam.
Laking pasasalamat ni Liam at hindi na naman napasailalim sa sanib ang titong pari.
Father Carl:"A-anong nangyari?" Takang taka siya dahil basa ang suot niya mula sa tubig na binuhos ni Doc Kobi.
Doc Kobi:"Naku Father yung demonya nandito kanina muntik ka na naman ma-posses"
Tumatakbong palapit si Liam sa dalawa pagkarating. Tinignan nito kung maayos ang Pari.
Liam:"Father Carl okay ka lang ba?”
Father Carl:"O-oo okay naman ako teka ano bang nangyari? Ang naaalala ko lang dumating ang mama mo"
Liam:"No! Si santa 'yon! Buti nalang sinabi ni Doc Kobi kundi nasaniban ka na ulit"
Doc Kobi:"Doc Liam, Alam mo sa tingin ko mas okey na iuwi mo na si Father Carl. Nag aalala kasi ako na madamay ang ibang pasyente dito"
Liam:"Oh talaga doc? Sige! Sige! Mas okey nga 'yan"
Doc Kobi:"Okay tara na. Sa loob na natin pag usapan ang release niya."
Pinag usapan nga at inayos na ang papel ni Father Carl para makauwi.
Doc Kobi:"Basta Liam ha pag nakitaan mo siya na hindi pa siya magaling ibalik mo siya dito okay?"
Liam:"Yes Doc!"
Pinabless muna ang buong mental hospital sa pari at winisikan ng holy water ang bawat sulok bago umalis ang mag tito.
Father Carl:"Liam saan tayo ngayon? Sa ampunan?"
Liam:"No, hindi po muna delikado dapat mapag aralan natin mabuti ang lahat bago gumawa ng hakbang delikado ang kalaban. Nung huli kaming pumunta doon ay napahiya lang po kami"
Father Carl:"Kung sabagay ay tama ka pero sana mailigtas muna natin sila Cathy"
Napatingin naman si Liam sa Pari habang nagdadrive siya papunta sa hospital.
Liam:"Umm Tito... may gusto ka pa ba talaga dun sa Cathy? Madre na 'yon diba? Nag aalala ako magagamit sa iyong kahinaan 'yan ng demonyo baka hindi mo siya kayanin makalaban kapag si Cathy ang ginamit laban saiyo"
Hindi naman nakasagot si Father Carl. Totoong mahal pa din niya si Cathy kahit hiniwalayan na ito pero tapat ang pag lilingkod niya sa simbahan at sa pagpapari.
Father Carl: "Liam, matapos lang ito lahat baka aalis na ako sa pagpapari. Alam kong 'yon nag dahilan kaya natalo ako sa una naming paghaharap ng demonyo isa pa gusto kong pag-isipan ang totoong nararamdaman ko muna bago ulit maglingkod sa simbahan pero hindi naman hadlang 'yon para matalo ang kasamaan. Gagawin ko ang lahat para mawala ang Demonyo"
Nakarating ang dalawa sa hospital naabutan naman nila si Ben na nasa harap lang ng kwarto ni Cher natatakot pa kasi itong baka makita ulit ang demonyo na sumanib kay Cher. Nagulat ito na kasama na si Father Carl ng doctor.
Ben:"Father Carl! Nakalabas ka na? Thank God! Ako nga pop ala si Ben"
Father Carl:"Oo" Nagmano pa dito si Ben.
Liam:"Ben, bakit nandito ka sa labas? Nasan yung dalawang Madre?"
Ben:"Ah eh natatakot kasi ako baka saniban na naman si Sister Cher. Teka hindi ko pa nakikita yung dalawang madre mula kanina hindi pa nagpupunta dito"
Father Carl:"Buksan mo ang pinto gusto ko makita yang madre" utos nito kay Liam
Pumasok naman sila sa loob nakita nila si Cher na nakasemento pa din ang paa at kamay nito. Natutulog ito.
Sinabi nila Liam ang nangyari kay Sister Cher sa ampunan. Maging ang kila Sister Carol at Sister Cindy. Kumatok naman ang dalawang kadarating lang na Madre at pumasok sa loob.
Carol:"Father Carl? Kayo ho ba yan? Ako po si Carol siya naman po si Cindy. Magkakasama po kami ni Sister Cher sa ampunan" Pakikilala nito.
Cindy:"Naku mabuti naman po dininig ang dasal namin na makalabas na kayo Father" Nagmano din ang dalawa sa pari.
Father Carl:"Salamat naman at maayos kayong dalawa"
Cindy:"Opo kaso po si Sister Cher ay nagkaganyan, Yung mga bata at naiwan namin na kasamahang Madre sa Ampunan ay nasa ilalim naman po ni Santa"
Father Carl:"Huwag kayong mag alala magtutulungan tayong lahat para magapi ang kasamaan"
Isang maikling dasal ang ginawa ni Father Carl para kay Sister Cher at maging para sa kaligtasan ng buong hospital.
Liam:"Magpahinga po muna kayo Tito tara po doon tayo sa kwarto ko dito sa hospital dun din po tutuloy si Ben. Saka na po tayo umuwi sa bahay kapag maayos na ang lahat"
Father Carl."Okay sige"
Pumunta na ang tatlo sa isang kwarto na may double deck. sa taas si Ben sa baba naman ang Pari meron naman isang sofa bed sa gilid para kay Liam.
Nagpunta naman sa Chapel sa loob ng hospital ang dalawang Madre at nagsimulang mag rosary.
Nasa paligid nila ang isang pares ng nagbabagang mga mata. Masama itong nakatingin sa dalawang Madre.
Unti unti itong lumalapit sa paanan ng dalawa. Wala naman silang muwang na may maliit na Tiyanak na papalapit sa paanan nila at nag aantay na lapain ang dalawang madre.
Susugod na sana ang Tiyanak pero biglang tumayo ang dalawa at lumabas na ng chapel.
-------------------
Inis na inis si Santa ng hindi magtagumpay ang isang Tiyanak na patayin ang dalawang madre.
Nakita din niyang nakalabas na ang Pari kaya galit na galit na pinagsisira niya ang mga gamit sa loob ng ampunan.
Mukha na ito talagang hunted house pero dahil sa hipnotismo ni Santa ang lahat ng mapapadaan ay nakikitang maayos ito.
Santa:"Cathy!! Halika dito!!!"
Agad sumunod si Cathy puro puti ang mata nito dahil sa sanib ni Santa.
Santa:"Cathy! Pumunta ka sa hospital at akitin mo ang pari!! Tapos patayin mo siya!” Tumango lang ang Madre at bumalik sa dating anyo pero ang isip nito ay si Santa ang nagkokontrol.
Lumabas na ito ng ampunan at wala sa sariling naglalakad.
Santa:"Ngayon humanda kang pari ka!” Namumula ang mata na sigaw ng demonya.
Itutuloy