Chapter 2

1265 Words
Nilabas nito ang mga gamit kasama ng isang pigurin na mukhang kambing at may tatlong sungay. Lumuhod ito dito na animo santo at nagdasal ng panalangin na siya lamang ang nakakaalam. Lumipas ang oras at lumabas na siya ng kwarto at isa isang tinignan ang bawat sulok ng bahay ampunan mistulang kinakabisado nito ang bawat lugar dito.  nang mapahinto siya sa isang kwarto na punong puno ng mga santo ay pumasok ito dito at tinignan isa isa ang mga display na angel, rosaryo, mga replica na santo pumikit ito saglit at nang dumilat ito ay  namumula na ang mga mata biglang nabasag ang mga gamit sa loob. mahinang tawa ang pinakawalan niya at umalis na sa lugar na iyon. sunod na pumunta siya sa mga kwarto ng mga bata na kasalukuyang gumagawa ng mga takdang aralin sumilip siya at nakita naman siya ng isang bata tinawag nito ang mga kasama at lahat sila ay napatingin sa kanya. pumasok siya sa loob at may binulong sa mga ito pero siyalamang ang nakakarinig, isa isang namula ang mga mata ng mga bata at natumba. tatawa tawang lumabas ang babae at bumalik sa sariling silid hindi na ito lumabas hanggang mag umaga. ...................................................................... Kinabukasan, Nag kakagulo ang mga Madre dahil nag aaway away ang mga bata, hindi ito pang karaniwan dahil lumaki na ang mga bata sa kanila at kahit kelan ay hindi nagkaroo ng anumang gulo o nag aaway.  lumaki ang mga itong mababait at masunurin at magkakapatid ang turingan. Kaya naman nagulat ang mga madre na nag bubugbugan, nagsasabunutan ang mga bata. pilit nila pinapatigil sa pagaaway away ang mga ito.  nagiiyakan na sila sa nangyayari kahit ang Madre superior ay hindi makapaniwala. Pumasok naman si Santa sa silid at Pumito. nagulat ang lahat dahil tumigil sa pag aaway away ang mga bata at napayuko lahat. Santa: "Mga bata, magsitigil kayo mahiya kayo sa mga madre" mahinahon na sabi nito. Himala naman na nagsiluhuran ang mga ito at sabay sabay humingi ng tawad. Madre superior: "Mag sitayo na kayo at ayusin ang mga sarili nyo" Lumabas na ito ng silid. Sister Carol: "diyos ko mga bata ano ba ang nangyayari sa inyo?" kumuha sila ng gamot at ginamot ang mga sugat ng mga bata. Sister Cathy: "buti nalang nandito ka  santa. nakinig sayo ang mga bata" Sister Cindy: "oo nga santa" Sister China: "Ngayon lang ito nangyari" Sister Cher: "Sana dina ito maulit pa-"  Madresuperior: "Aaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh" Hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil narinig nila ang sigaw ng madre superior dali dali silang nag takbuhan palabas. Madre superior: "SINO?! SINO ANG NAG BASAG NG MGA SANTO DITO?! " Galit na tanong nito napasilip naman ang mga madre at pati sila ay nagulat sa nakita puro basag basag ang mga santo maski mga rosaryo ay putol putol. punit punit din ang mga biblya na ginagamit sa pag bible study nila. Hindi nakasagot ang mga Madre at napaiyak lalo sa nangyari. Sister Cher: "dyos ko sino ang may gawa nito?" Sumabat naman si Santa na tahimik na nakasunod sa kanila. Santa: "sa tingin ko ang may gawa nito ay ang mga bata,.. kaya sila nag away away." Sister China: "Pero mababait ang mga bata dito" Santa: "kaya nila saktan ang isat-isa.. ang paninira pa kaya ng mga iyan hindi nila magagawa?" Hindi nakasagot ang mga madre at tulong tulong nalang na nilinis ang mga nabasag na santo. Tinanong naman ng madre supeior ang mga bata at inamin ng mga ito na sila ang sumira. kaya bilang parusa ay hindi sila pinakain ng hapuan at kinulong sa silid. ............................... Sa kawarto ni santa Santa: "simula palang ito.." pabulong na usal nito habang niyayakap ang rebulto ng kambing na demonyo. ---------- Dahil sa mga pangyayari sa bahay ampunan iba ang naging pakiramdam ni Sister Carol naghinala siyakay Santa dahil mula ng dumating ito ay meron ng mga pangyayari na hindi naman likas sa ampuan.  Kaya inaya niya si Sister Cindy sa library dahil gusto niyang may mapagsabihan ng nararamdaman. Sister Cindy: "ano bang sasabihin mo Sister Carol at hinila mo pa ako dito sa sulok?" Natatawang tanong ni Cindy sa kasamahang Madre.  Kanina pagkatapos ng almusal ay palihim siya nitong sinabihan na mag usap sila sa mini library sa loob ang ampuan. Nagtataka siya dahil si Carol ang pinaka madaldal sa lahat ng madre at hindi ito nag kwewento sa isang tao lang. S. Carol: "ssssshh! wag ka maingay...tungkol ito kay Santa" bulong na sagot nito. S. Cindy: "oh anong tungkol sa kanya?" S.Cindy: "wala kaba napapansin sa kanya?" S. Cindy: "meron..masipag siya ha alam mo bang 4 am palang ng madaling araw nag wawalis na siya sa labas pinupunasan din niya ang mga gamit dito at nagbunot pa ng mga halaman" S.Carol: "oo ng masipag kaso.." S.Cindy: "kaso ano?" S.Carol: "parang iba pakiramdam ko sa kanya. Sabi niya ulila siya pero nung tinanong ko ulit kung bakit siya hindi nag madre sa capiz ayaw daw ng magulang niya, So nag sisinungaling siya. Isa pa yong kwarto niya sisilipin ko sana kaso naka lock diba ang usapan bawal isarado ang mga silid dahil wala naman magnanakaw dito" S.Cindy: "teka! e diba ikaw ang unang nakakita sa kanya bakit ngayon parang hindi mo na siya gusto?" S.Carol: "oo nga! pero.. Ha! basta iba talaga pakiramdam ko!  pati sa mga bata! mula ng dumating siya eh nag iba ang mga bata. Basta babantayan ko na ang kilos niya mula ngayon" S.Cindy: "hay nami ikaw ang bahala pero 'wag masyado judgemental ha? Magagalit si lord tsk" S. Carol: " oo naman! kapag wala naman ako nakitang mali sa kanya eh mag pepenitensya ako ng isang linggo hindi ako kakain ng meryenda" S.Cindy: " hahaha patawa ka ikaw pa eh kakakain mo palang ng almusal nag iisip ka nga ng uulamin sa tanghalian ewan sayo sige na lumabas na tayo ang init dito" Lumabas na ang dalawa lingid sa kanila ay nasa isang sulok si Santa at masamang nakatingin sa kanila. --------------- Masayang naghihiwa sa kusina si Sister Carol ng lulutuin para sa Pinakbet mamayang tanghalian ng biglang pumasok si Santa. Santa: "kailangan mo ba ng tulong Sister?" Nagulat naman ang madre at nabitawan ang kutsilyong hawak buti nalang ay hindi tumama sa paa niya. S. Carol: "Gi-ginulat mo naman ako" iiling iling na sabi nito. Tumabi sa kanya si Santa kumuha ito ng isa pang kutsilyo. Santa:" magugulatin ka pala sister" nagsimula itong maghiwa nagulat naman si carol dahil sa bilis nitong maghiwa lalo pa at sa kanya ito nakatingin at hindi sa gulay. S. Carol: "ahh wo-wow ang galing mo maghiwa" medyo kinakabahan siyasa pagkakatitig sa kanya ni Santa patuloy lang ito sa paghihiwa habang nakatitig sa kanya.  Santa: "alam mo ba sister may kilala akong madre..kaso nagkaroon siya ng boyfriend napilitan lang siya kasi pumasok sa kumbento dahil sa kahihiyan nang malaman ng mga tao na may asawa pala ang nobyo niyang pinagmamalaki. Ang masama pa nun?  Nabuntis siya..Pero alam mo ba ang ginawa nya? Pinalaglag niya ang sanggol tsk tsk Kasalanan sa diyos 'yon diba? Sister?" tuloy tuloy lang siya sa paghihiwa at nakatingin pa din kay Carol na putlang putla na.  Santa:"Oh ayan tapos na pwede mo nang ilaglag....ang gulay sa kaldero. Aalis na po ako tutulong ako sa pag aayos sa mga nasirang santo" Umalis na nga ito habang napaluhod naman at napaluha si Sister Carol napalingon sa pinto na nilabasan ni Santa. S.Carol:"Pa-pano niya nalaman ang si-sikreto ko" sobrang kaba at takot ang naramdaman ng madre lalo siya nabahala kung sino talaga si Santa. Totoong nagpalaglag siya alam 'yon ng madre superior at mga kasamahan na madre. Iniwan kasi siya ng boyfriend dahil pinapili ito ng asawa nito syempre mas pinili nito ang legal wife maski na buntis pa siya. Dahil sa kahihiyan ay pinalaglag niya ang sanggol tapos pumasok siya sa kumbento at dito sa bahay ampunan namalagi. Pinunasan niya ang luha at mabilis na tinapos ang pagluluto saka hinanda ang mesa. Sakabilang banda isang ngiti ang sumilay sa labi ni Santa. Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD