Chapter 1

1261 Words
"Tao po! Tao po! Parang awa nyo na tulungan niyo ako!"  Malakas na sigaw ng isang babae sa pinto ng simbahan. binuksan naman ng Pari ang pinto at pinapasok ang umiiyak na babae. "Anong nangyari sa'yo? Bakit ka duguan?" Nag- aalalang tanong ni Father Carl. Ang kura paroko sa simbahan na iyon. "Father tulungan niyo po ako may gustong pumatay sa akin!" umiiyak na sagot nito sa Pari. "Si-Sino? Sino ang gustong pumatay sayo?" Alalang tanong ng Pari. Tumahimik naman ang babae at tumalikod. Nagtataka naman ang Pari at nilapitan ito. "Iha? Sino ba ang gustong pumatay saiyo? Anong nangyari?" Nagtataka na ito sa kilos ng babae.  Biglang itong tumawa na ikinagulat ng Pari. "Bakit ka tumatawa? Iha? ano ba talaga ang nangyari?" Medyo inis na ang Pari dahil sa hindi maintindihan ang babae. Dahan dahan humarap ito sa pari..  "Ano ba iha?" Tumawa ito ng malakas. "Hangal kang pari ka! Hahahaha kaya ako duguan dahil may pinatay ako!" Nabigla naman ang matandang pari sa sinabi nito hindi malaman ang gagawin dahan dahan ito napaatras pero hinila ito ng babae sa leeg na may kakaibang lakas. Nagdasal ang pari pero hindi matuloy tuloy dahil nag iiba ang anyo ng babae pati kilos nito.  Pumikit ang pari at nag dasal ng taimtim pero tawa lang ng tawa ang babae kaya nadidistract siya. Pag dilat niya ay nakangisi ito at nilapit ang mukha sa kanya. "Walang silbi ang dasal mo!" Hindi makapaniwala ang Pari at napaluhod. natakot siya dahil hindi alam ang gagawin, kakaiba ito dahil hindi lang simpleng masamang espirito ang sumasanib dito dahil ang sumasanib sa babae ay isang  Diablo. -------- 2 months later. Phillipine Mental Institution "Father Carl, magandang umaga po" bati ni Liam sa Titong Pari. Dinalaw niya ito sa Mental institution dahil dalawang buwan na ang nakalipas ng matagpuan itong nakaupo sa may pinto ng simbahan, hindi na makausap ng maayos at walang tigil sa pagbulong. Tulala lang ito at parang wala sa sarili. kaya pinatingin na ito sa doctor pero dahil hindi magamot ay dinala na ito sa mental. Usap usapan sa buong bayan kung bakit nagkaganoon ang Pari dahil kilala itong mabait at ito pa nga ang paborito ng mga tao sa bayan nila. Mismong si Liam na isang Doctor ay hindi malaman bakit biglang nagkaganoon ang tito niya dahil wala naman silang alam na nangyari dito para mawala ito sa katinuaan. Naaawa man ay wala siyang magawa para matulungan ito pinagdadasal nalang nila na muling bumalik ito sa dating tamang pag iisip. Nilapitan niya ang titong Pari ng may parang sinasabi ito kaya nilapit niya ang tenga niya sa bibig nito para marinig ang sinasabi. "Father Carl?" Tanong nito. Nanlaki naman ang mata niya ng marinig ang binubulong nito. "MAY DYABLO! TOTOONG MAY DIABLO! PAPATAYIN NYA TAYO! NAGPAKITA SIYA SA AKIN NASA PALIGID LANG SIYA!" ................. ANGEL'S HOME ORPHANAGE Masayang naglalaro ang mga bata sa paligid ng bahay ampunan habang magiliw na nakabantay ang isang Madre. "Mga Bata! mag iingat wag takbo ng takbo" habilin ni Sister Carol, Siya ngayon ang nakatoka na magbantay sa mga bata habang oras ng playtime. Sumang-ayon naman ang mga bata at kanya kanya sa ulit paghahabulan at paglalaro. Nang may makita ang madre na nakatingin na  babae sa mga bata nakatanaw ito sa may gate, pinuntahan naman niya ito at tinanong kung anong sadya.   Tinignan niya ang babae na sa tantya niya ay nasa 25 years old, maamo ang mukha nito at mahinhin kumilos. "Miss? Anong kailangan mo?" Tanong niya sa babae. "Ah, Sister. Magandang umaga Ako po si Santa, ahh ano po kasi Gusto ko po sana mag apply para maging madre po sister" ang mahinhin na sagot nito. Tinignan naman siya ni Sister Carol at nang matiyak na mukhang nagsasabi naman ito ng totoo ay pinagbuksan niya ito at pinapasok sa loob. "Maraming salamat sister" nakangiting sabi ng babae. Nakita niyang may dala itong malaking bag na sa tingin niya ay mga damit at iba pang gamit.  "Taga saan ka ba?"  Tanong ulit ni Sister Carol. " Sa Capiz po"  sagot nito. "Ang layo naman pala! paano kang nakarating dito sa manila?" Tanong ng gulat na madre. "Naghahanap po ako ng trabaho kaya pumunta ako dito sa maynila.. isa pa po nais ko talaga mag madre, kaso po nawala na ako. naghahanap po ako ng pwedeng tuluyan tapos nakita ko po itong bahay ampunan ninyo." mahabang paliwanag nito. " Wala ka bang kakilala dito?" Tanong ulit ng madre. "Wala po sister, ulila na po ako.. saka po lumaki din ako sa bahay ampunan sa Capiz" mahinhin pa ding sagot ng dalaga.  "Ganun ba.. oh siya sige halika at dadalin kita sa Madre Superiora" masayang sabi nito. Nauna na itong naglakad samantalang tumingin naman si Santa sa mga bata na napatigil sa pag lalaro at napatingin din sakanya, mukhang may makita ang mga ito na nakakatakot at nagtakbuhan papasok. Isang ngisi ang sumilay sa kanyang labi bago sumunod na pumasok sa loob ng ampunan. --------- Mader Superior:"Sigurado ka ba Santa na gusto mong pumasok dito sa bahay ampunan at mag aral upang maging isang madre?" Tanong ng Madre superiora kay Santa habang kaharap ito sa opisina  nito. Santa:"Opo sigurado po" Mader Superior:"Kung ganon, Edi sige subukan natin, sa ngayon ay mag obserba ka muna sa mga ginagawa dito, nakapag tapos ka naman pala ng college kaya pwede kang mag aral ng pag mamadre dito. Pero sana nga ay buo ang loob mo! naku eh marami ng umayaw dito at lumabas din kaya sana ngayon palang ay pag isipan mo nang mabuti ang desisyon mo"  Santa:"Opo sister" Mader Superior:"O sige samahan mo na siya sister carol sa magiging kwarto niya" Sister carol: "Opo mader superior"  Lumabas na ang dalawa matapos makipag usap sa punong madre at pumunta sa kwarto na nilaan para sakanya. Sister carol:"5 lang kaming madre dito bale pang 6 si mader superior, meron kaming 28 na bata dito na inaalagaan 10 lalake at 18 ang babae, maliit lang ang bahay ampuan na ito pero masaya naman. nakakalabas kaming mga madre tuwing araw ng sabado at linggo pumupunta sa mga mall para naman mamasyal at bumili ng mga kailangan parang day off ba minsan nakaka dalaw kami sa mga pamilya namin kaya hindi rin malungkot ang buhay dito"   Nakikinig lang si Santa sa mga sinasabi at tumatango pero meron itong iniisip na tanging ito lang ang nakakaaalam. Sister carol: "Taga capiz ka diba? Bakit mo naman naisipan na dito pa mag madre?" Santa: "Ayaw ng magulang ko na magmadre ako.. gusto ko pagbalik ko doon ay ganap na akong madre" Sister carol: "Ganun ba, sige bukas simula na ang training mo saka eto ang mga do's at don't dito" sabay abot ng papel. kinuha naman nito at nilapag sa lamesang nasa tabi ng kama. Sister carol: "dahil konti lang tayo tig iisa tayo ng kwarto kaya may privacy pa rin naman ang saya diba hehe" Tango lang sinagot nito nag simula ito na mag ayos ng gamit. Nag paalam naman na si sister carol ng mapansin na wala ng kibo si Santa at naiwan itong mag isa.  Habang naglalakad palabas ay biglang napaisip si  Sister Carol bakit sinabi ni Santa na ayaw ng mga magulang niya na mag Madre sya eh sabi niya ay ulila sya? Nagkibit balikat nalang ito at bumalik na sa pagbabantay sa mga bata na biglang tumahimik at nasa loob na pala ng bahay ampunan kahit hindi pa tapos ang play time. Tumawa naman ng mahina ang babaeng naiwan may naiisip siya na nagpapasabik sa kanya, nagbihis ito at naglock ng pinto. Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD