Chapter 3

1232 Words
Dahil nabasag na lahat ng mga Santo at mga Rosary maging ang mga bible ay nagrequest pa ang Mader Suprerior sa mga Simbahan para makabili ulit ng panibago. Tulong tulong naman ang mga Madre sa pag aayos ng mga pwede pang masalba sa mga nabasag. Dinidikit nila ito ulit. Kinalabit naman ni Sister Cindy si Sister Cher habang magkatabi silang nagdidikit. Cindy: "alam mo ba hinila ako ni Carol sa library kanina" Cher:" oh bakit daw?" Cindy:" about kay Santa" Cher:" huh? Bakit?" Cindy:" kasi daw naghihinala siya may kakaiba kay Santa kesyo daw may something. Ulila daw pero bigla sinabi ayaw ng magulang na magmadre siya pero alam mo sa totoo lang? ako din eh ayoko lang mag react kasi kasalanan magbintang isa pa baka mali lang kami ng isip pero alam mo nung unang tungtong niya dito? nakita ko yung mga bata nagtakbuhan papasok sa loob parang natakot sa kanya" Cher:" hmmmm oo nakita ko din 'yon sabi ko nga kay boyet bakit sila tumatakbo ang sagot niya natakot sila kay Santa parang galit daw. Tinanong ko bakit galit hindi na sumagot" Cindy:"oh diba? May point din naman si Carol ayoko lang talaga pa dumagdag unfair naman dun kay Santa...pero tulad ni Carol babantayan ko din ang kilos niya" Cher:"Sige ako din.." Masama naman nakatingin si Santa sa dalawang madre na walang kamalay malay na nasa likod na nila ang babae.  Tumalikod si Santa at lumabas ng Silid dumiretso siya kay Sister China na nasa classroom at nag gagawa ng lesson plan. Teacher kasi ito talaga pero pumasok ng kumbento. Siya ang naging teacher ng mga bata sa ampunan. Kumatok si Santa sa pinto at inaya naman siya pumasok ni China. Santa:" Sister naabala ba kita?" China:"hindi naman patapos na ko sa lesson plan" Lumapit naman si Santa sa Madre at tinignan ang lessosn plan. Santa:"Sister bakit di mo tinuloy ang pagtuturo?" Natahimik naman ang Madre. Santa:"Da-dahil ba..tumakas ka sa inyo dahil pinagsamantalahan ka ng amain mo?" Gulat na gulat naman si China sa sinabi ni Santa. China:"Pa-pano mo nalaman 'yan?" Santa:"Sorry narinig ko kanina sila Sister Cindy at Sister Cher pinag chichismisan ka nila" malungkot na sagot niya sa madre na pulang pula naman sa galit. China:"Ano? pinag uusapan nila ang tungkol don?" Malungkot na tumango si Santa. Santa: "Huwag ka saba magalit tutulong sana ko sa pag aayos nila kaso narinig ko na nag uusap sila tungkol sayo nalungkot ako dahil hindi tama ang ganon. Sabi pa nila minahal mo pa daw siguro ang amain mo kaya hindi ka makapag sumbong at mukhang ginusto mo na may nangyayari sa inyo. sabi pa nila kaya hindi kayo ok ng mama mo dahil pareho niyo mahal ang amain mo" Naluluha naman si Sister China sa galit alam ng mga Madre ang nangyari sa kanya hindi niya mahal ang amain nasusuka siya tuwing naiisip ang mga panghahalay sa kanya.  Hindi nya masabi sa ina dahil may sakit ito sa puso at baka mapano kapag nalaman. kaya minabuti nyang iwanan ang pagtuturo dahil kahit saan siya pumunta ay sinusundan siya ng amain dahil obssessed ito sa kanya.  kaya naisip nyang mag Madre.tuluyan naman siya naging okey dahil hindi na siya pinupuntahan ng amain. China:" Mga hayop sila alam nya ang totoong nangyari!" Gigil na sigaw nito. Santa:" huminahon ka mas pagtatawanan ka nila kappag nakitang galit ka iisipin nila na defensive ka masyado" Iritang irita na si China gusto niyang sugurin ang dalawa pero pinapakalma siya ni Santa. Nagpapasalamat na din siya sa babae dahil sinabi nito ang narinig hindi pala niya dapat pagkatiwalaan ang mga kasamang madre. Lihim na nagsasaya si Santa sa nakikitang galit sa mata ni China nawawala ang pagkabanal nito sa galit na nararamdaman. Pagkatapos iwanan ni Santa si Sister China ay si Sister Cathy naman ang pinuntahan niya. Nasa laundry room ito at inaayos ang mga damit nila.  Sa lahat ng madre ito ang pinakabata 22 lang ito at maganda. Artistahin, marami nga ang nanghinayang nang pumasok ito sa magmamadre dahil may mga offer dito na modeling at contract para sa mga tv shows at movies. Santa:" Sister Cathy?" Cathy:" oh ate Santa ano po yun?" Ate ang tawag niya kay Santa maging sa ibang Madre hindi pa kasi siya gano sanay na tawaging Sister ang sarili o maging mga kasamahan halos 4 months palang siya na ordinahan na maging madre at nag aadjust pa siya sa bagong buhay ngayon. Santa:" pwede ka bang makausap?" Cathy:" oo naman tungkol saan ba?" Napansin niya na malungkot si Santa na tumingin sa kanya. Santa:" alam mo naman gusto ko mag madre diba?" Cathy:" oo bakit?" Santa:" ayoko sa ganitong environment cathy ayoko ng ugali ng mga kasamahan mo" Cathy:" ha? Okey naman sila ah" Santa:" kelan naging okey na pag usapan ang mga lihim, sikreto o nakaraan ng iba?" Natahimik naman si Cathy sa sinabi ni Santa. Hindi niya akalain na may ganun pala dahil mula ng nag simula siya ay maayos naman at masaya ang samahan nila ng mga madre. Cathy:" ano ba ang ibig mong sabihin?" Tinigil muna nito ang aayos ng mga lalabhan. Santa:" Si sister Cindy at Cher kasi narinig ko na nag uusap tungkol sa inyo...si Sister Carol daw nagpalaglag dahil nabuntis ng may asawang lalake, si sister China ginahasa ng amain pero sabi nila ginusto daw nya dahil mahal nito ang amain at ...ikaw...-ano.." Cathy:" ano? Anong sinabi nila sakin?" Parang umakyat lahat ng dugo niya sa ulo sa mga nalaman. Santa:" may ..may karelasyon ka daw na Pa-..Pari" Gulat na Gulat naman si Cathy hindy niya pa gaano alam ang tungkol sa mga past issue ng mga kasamahan alam niyaang tungkol kay Carol dahil madaldal ito, yung kay China naman ang alam niya ay ginugulo ito ng amain at ginahasa ito pero hindi nya alam kung may relasyon ito sa  step father. At yung kanya... si Father Carl.. naisip niya si Father Carl totoong nagkarelasyon sila pero hindi pa siya madre noon rebelde siya sa magulang pero napatino siya ni Father Carl hanggang sa mainlove siya dito alam niyang mali pero mapipigil ba nya ang nararamdaman. Alam niyang gusto din siya ni Father Carl kahit halos doble ang agawat ng edad nila kaso bigla itong nawala sa sarili nadala daw ito sa mental hindi man lang niya madalaw ang minamahal dahil baka lalo silang machismis. Araw araw nalang niya pinag dadasal na maging maayos na ito.Pero walang siyang pinag aminan sa mga madre chismis lang ang alam ng mga ito kahit na ang madre superriora kaya ganun nalang ang inis niya sa kabila pala ng masaya nilang samahan ay mga ipokrita ang mga kasama at masama ang mga isip. Cathy;" ayos sila mag salita ah! Akala mo wala silang baho sa sarili! Ayang si Cher? Bago pumasok sa magmamadre may kabit na tomboy at pati daw 'yan tomboy din kaya tignan mo kumilos parang lalake isa pa kaya lagi nya kasama si Cindy dahil mukang type nya! Ayan naman si Cindy eh dating pok pok yan eh! tapos may nakilalang DOM pineperahan niya lang alam mo ba iniwan nung DOM niya yung pamilya para sakanya kaso alam mo ginawa ng pamilya kinuha lahat ng yaman kaya naging mahirap yung lalake tapos iniwan niya ayun nagpakamatay kaya ayan nagmadre dahil hindi matahimik ang kunsenya! Sino samin ang mas makasalanan!" Niyakap naman kunwari ng naiiyak na si Santa ang madre. Santa:" hayaan mo na sila" Cathy;" salamat ate Santa ngayon alam ko na dapat hindi sila pagkatiwaalaan!" Pinagpatuloy na nito ang paglalaba hinagis nito ang mga damit ng ibang madre at kanya lang ang tinuloy na labhan. Ngingisi ngisi si Santa na lumabas. tuwang tuwa sya na unti unting nasisira ang samahan ng mga alagad ng dyos. Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD