11

1634 Words
Chapter 11 3rd Person's POV; Habang nag-aasaran sina Miguel at Gaizer sa loob ng isang tent kung nasaan ang ilang staff. Palihim na tumingin dun ang lalaking may suot na hood habang kausap ang producer. "Kausapin mo ang director para sa ilang scene na gagawin mo." "Sige." Walang buhay na sambit ng lalaki bago humakbang paalis sa lugar, ngunit bago pa ito makapasok sa loob ng tent kung nasaan ang director, bahagya itong lumingon sa kabilang tent at nakita nito ang lalaking kasalukuyan na walang emosyong nakatingin sakanya. "Ay ang bongga nan Miguel." Komento ni Wax nang makita ang pagdrawing ni Miguel sa picture ni Elliseo gamit ang pentel pen. "See? Ang galing ko." Proud na proud na sambit ni Miguel matapos ipakita ang litrato ng kasintahan na nilagyan niya ng tenga ng pusa at nilagyan niya ng itim sa ilong. 'Ano bang ginagawa nang dalawang yan dito.' 'Ang ingay nila.' 'Yung mataba diyan feeling close kay Apollo.' 'Gaga bakla yan baka type si Apollo.' "Hoy kung magbubulungan kayo wag sa naririnig namin ah!" Asik ni Miguel na kinalaki ng mata ng mga baguhang staff. "Sana din kasi hinaan niyo yang boses niyo, hindi porket isa kayo sa---." "Buntis easy lang, baka mahulog yang baby mo makapatay si fafa Elliseo, sige ka." Bulong ni Wax matapos hawakan ang kaibigan. "Anong nangyayari dito?" Tanong ni Gaizer matapos lumapit sa mga kaibigan at tingnan ang mga staffs nang kabilang company na kinontrata ang TK. "Inaaway nila kami Gaizer." Sumbong ni Wax matapos yakapin sa braso ang kaibigan. "Pagsabihan mo yang mga bisita mo Marshall, hindi ko alam kung bakit nakapasok ang mga yan dito pero masyado na silang nakakaistorbo." Asik ng isa sa mga staff bago sila irapan at sa inis ni Miguel kinuha nito ang pentelpen sa lamesa at---. "Bullseye."tawa ni Wax bago napatakip sa bibig ng lingunin sila ng tatlo. "Miguel." nanlalaki ang matang sambit ni Gaizer matapos makita ang ginawa ng binata. "Ikaw na bakla ka!" "Ang tapang mo ah!" "Tama na!" Sigaw ni Gaizer bago hinarangan ang mga kaibigan matapos sugurin ng tatlong babae. "Hoy layo! Hindi niyo---." "Wax! Layo mo si Miguel." Utos ni Gaizer ng mapasiksik sila sa lamesa. Pilit na nilalayo ni Gaizer ang tatlong babae habang pilit na iniiwasang masaktan ang mga ito lalo na at mga babae. "Tama na sabi!" Sigaw ni Gaizer nang hahabulin ng mga ito si Miguel. "Akala niyo uurungan namin kayo!" Sigaw ni Miguel at susugurin nito ang mga babae nang humarang na si Wax para pigilan dahil buntis ang kaibigan at naiipit si Gaizer. "Gaizer!" Napatigil ang lahat ng dumating ang TK at naitulak ni Grim ang mga babaeng dinudumog si Gaizer. "f**k, what happend?!" Sigaw ni Elliseo matapos lapitan ang kasintahan at icheck kung may sugat ba ito o gasgas. "Sila ang nauna, nanahimik kami dito ni Miguel tapos aasarin nila kami." Sumbong ni Wax kay Apollo na lumapit sakanya. "Tinarayan pa nila si Gaizer eh siya yung manager niyo." Dagdag pa ni Miguel. "Umalis na kayo habang nakakapagpigil pa ako." May diin na sambit ni Grim na kinaputla ng mga babaeng staff, matapos sila titigan ng masama ni Grim habang hawak si Gaizer na nakangiwing hinahawakan ang pisngi niya na nasugatan dahil sa pagsugod ng mga babae at pagkalmot nito sa pisngi niya. Nang sila na lang ang natitira sa lugar may inis na hinarap ni Apollo ang tatlo. "Ano ba kasing ginagawa niyo ditong tatlo? Diba sabi namin dun lang kayo sa set." "Ayaw nga namin." "Naiinis lang kami makitang nakikipagyakapan kayo dun kahit pa sabihing play lang yun." Dagdag ni Miguel sa sagot ni Wax. "Tama tapos may ginagawa din kami, look." Parehong napailing sina Apollo at Elliseo ng makita ang sinasabi ni Gaizer na pinagkakaabalahan ng dalawa sa lugar at ayaw magpa-istorbo. Kinuha lang pala ng dalawang ito ang mga picture nila na nakakabit sa gate kung saan ginaganap ang music video at dinarawingan. "Masakit ba?" Tanong ni Grim na kinatingin nina Miguel aa pwesto nina Gaizer. "Ayos lang, gasgas lang naman ito." Ani ni Gaizer habang tinititigan ang mukha ni Grim na chinicheck ang braso niya na nagkaroon din ng gasgas. "Jaxon, pakisabi kina Rea dalhan tayo dito ng first aid kit." Utos ni Grim. "Sige teka." Ani ni Jaxon bago umalis na sinundan naman ni Keehan. "Gasgas lang naman ito Grim hindi---." "Manahimik ka, pano pag nainfection yan?" Asik ni Grim na kinagat labi ng binata dahil sa nakikitang inis sa expression nito. "Friendship, sorry kung dahil samin nasaktan ka." Ani ni Wax. "Sorry Gaizer kung hindi ko binato ng pentelpen ang mga hipon na yun hindi ka---." "Ayos lang naman yun, nangyari na … malayo din naman ito sa bituka kaya wag na kayo mag-alala.” Putol ni Gaizer bago tingnan si Miguel na nakayuko. "Buntis ka Miguel alalahanin mo, dalawa na kayo ng baby mo ang mapapahamak pag may nangyari sayo." Ani ni Gaizer na kinatingin ni Miguel. "Naman eh! Sorry na Gaizer." Napailing na lang si Elliseo ng yakapin ni Miguel ang kaibigan na sinegundahan ni Wax na may paiyak effect. "Mga loko talaga kayo, magkakaibigan tayo dito diba? Siyempre pagtatanggol ko pa din kayo pag may gustong manakit sainyo." Ani ni Gaizer na kinasimangot ni Wax. "Ang bait-bait mo Gai." Ani ni Wax. "Oo nga kaya pag sinaktan ka ni Grim kami ang sasapak sakanya at kahit kaibigan siya ng TK itatago ka namin." Ani ni Miguel na kinataas ng gilid ng labi ni Apollo nang makita ang pag-alarma ni Grim sa sinabi ni Miguel na hindi napansin ng tatlong binata. Ngunit imbis na kumontra iniba nito ang usapan at niyaya na lang ang mga ito bumalik sa tent. "Dito na lang muna kami, mainit din kasi dun." Ani ni Gaizer na kinasang-ayunan nina Wax. "Nakikita pa din naman namin kayo dito, since yung next spot niyo dun sa gitna diba?" -- "Kyaah! Ang cute mo Gaizer." Komento ni Wax matapos makita ang winnie the pooh na band aid. "Grim! Bakit ito ang---." "Wala ng band aid." Ani ni Grim at kukuhanin yun ni Gaizer nang ihagis yun ng binata kay Apollo na agad naman nasalo. "Grim ano ako bata?" Singhal ni Gaizer at tatanggalin niya yun ng hilahin ni Grim ang kamay at pababa. Susubukan ulit nito tanggalin ang band aid gamit ang kaliwang kamay nang hawakan ni Grim ang dalawang kamay niya. "Ang cute mo diyan, wag mo tanggalin." "Manager." Naalis ni Gaizer ang kamay niya at napatayo, matapos siya tawagin ni Rea na may dalang mga papel. "Pinatatawag ka ng director." Ani ng dalaga. "Ganun ba sige susunod na ako." Sagot ni Gaizer. "Anong meron Gaizy?" Tanong ni Wax. "Yung pinadadala siguro saking mga props na aayusin sa itaas." Ani ni Gaizer bago kinuha ang mga gamit niya. "Wag mo ng icheck mga yun Gaizer kaya ka natatagalan dahil sa mga habit mong yan, last time pinagalitan ka ng producer dahil---." "Safety ng artist ang pinakamahalaga sa isang production Keehan, lalo na isa kayo sa papasok dun." Putol ni Gaizer bago ngumiti sa TK at palihim na nagcheer. "Go TK! Galingan niyo mamaya ah." Nakangiting sambit ni TK bago tumalikod at umalis. "Sipag talaga ni Gaizer, saan pa kayo makakahanap ng ganyang manager diba?" Ani ni Miguel. "Kayo din lumayas na kayo may isang scene pa kayo diba?" Banat ni Wax. "Anong lalayas?" "Apollo!" Sigaw nito kalaunan nang hilahin siya ng binata paalis. "Pag talaga nawawala ka sa tabi ko kung ano-anong gulo napapasok mo." "Grim." Tawag ni Jaxon matapos umalis nina Miguel at Elliseo para bumalik sa tent. "Nakita ko si Bazile kanina, alam mo ba na nandito siya?" Pang-aagaw ni Jaxon sa pansin ni Grim na sinusundan ng tingin si Gaizer. "Hindi na ako nagtaka sa pagbabalik niya dito sa pilipinas dahil siguradong si dad ang nagpabalik sakanya, pinagtatakha ko lang kung bakit siya nandito sa set." "Hindi mo ba tinanong kay Apollo?" Kunot noo na tanong ni Jaxon na kinibit-balikat ni Grim. "Wala din naman akong pakialam." "Jax! Grim! Tara na pinatatawag na tayo." Ani ni Keehan sa hindi kalayuan bago kumaway sa mga kaibigan na agad naglakad palapit sakanya. "Next scene daw yung pagtakbo ni Grim sa loob ng building." Ani ni Keehan nang makalapit sakanya ang dalawa. "Teka? Sa pangalawang music video na natin yan diba?" Tanong ni Jaxon habang naglalakad sila pabalik. "Maulan daw kasi sa mga susunod na araw kaya mas mabuting mamaya na ishoot yung sa 'running session' ni Grim." -- Kahit pawisan at pagod pinilit pa din ni Gaizer itaas ang mga kahon at ilang gamit kasama ang ilang staffs na lalaki para sa next scene. Habang ang girls naman ay sinisimulan ng ayusin ang buong paligid at lagyan ng make up ang mga extra na gaganap bilang zombie. "Manager ano yang nasa pisngi mo? Ang cute." Komento ng isa sa mga staff na kinakamot sa pisngi ni Gaizer. "Ito na yung mga gamit." Ani ni Gaizer bago binaba yun sa loob at lalabas na ito para pumunta sa kabilang silid nang mabangga siya sa dibdib ng kung sino. "Sorry hindi ko--- i-ikaw." Ani ni Gaizer matapos nito mag angat ng tingin at makita ang lalaki. "Grim anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Gaizer pero hindi ito sumagot at nakatitig lang sakanya hanggang sa---. "Hindi ikaw si Grim." Bulong ni Gaizer bago umatras at tumabi para makapasok ang lalaki. "Andito na si Bazile." Ani ng isa sa mga staffs na kinatitig ni Gaizer sa lalaking tuloy-tuloy na pumasok at umupo sa isa sa mga upuan. "Kamukhang-kamukha niya si Grim." Bulong sa sarili ni Gaizer na agad napaiwas ng tingin matapos makitang nakatingin sakanya ang lalaki mula sa reflection ng salamin. "Gaizer tara baba na tayo." Yaya ng isa sa mga lalaking staff. "Andiyan na." Habol ni Gaizer sa mga kasamahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD