10

1974 Words
Chapter 10 3rd Person's POV; 'Sabi sayo mas maganda ito eh.' 'Mas maganda yung blue.' 'Orange kasi.' 'Teka wag na kayo mag-away, pareho na lang natin ilagay.' Habang busy si Wax,Gaizer at Miguel sa kusina, nasa living room naman ang TK at nag-iinuman. "Keehan wag kang masyadong iinom, baka sukahan mo nanaman ako." Bilin ni Jaxon nang makita ang sunod-sunod na pag-inom ni Keehan. "Wag mo nga ako pakialaman rapist*hik*" ani ni Keehan na kinatigil ni Jaxon. "Wala akong narinig." Bulong ni Grim. "Same." Segunda ni Apollo. "Binata kana dude tagay natin yan." Ani ni Elliseo na kinamura ni Jaxon. "Ikaw, ikaw may kasalanan nito kung hindi mo pinaso--." Hindi na naituloy ni Keehan ang sasabihin nang takpan ni Jaxon ang bibig ng binata at may binulong sa lalaki. "Get a room Gueverra, wala akong balak manood ng live." Ani ni Elliseo. "Tangna mo talaga." Ani ni Jaxon bago binato ng mani si Elliseo, na natatawa lang na umiwas. "May sasabihin pala ako." Ani ni Elliseo na kinatingin nina Apollo habang si Keehan na nakasub-sob sa lamesa ay humilig at tiningnan ang binata. "Buntis si Miguel at ... magiging daddy na ako!" Excited na anunsyo ni Elliseo. "Tangna." Mura ni Jaxon na muntikan niya ng ikahulog sa kinauupuan at si Keehan na napakurap lang sa lalaki. "What the heck mga dude? Hindi niyo ba ako icocongrats?" Hindi makapaniwalang tanong ni Elliseo. "Hindi ko alam Elliseo kung lasing ka o malakas lang talaga ang tama mo sa utak, pano mabubuntis si Miguel eh lalaki yun." Ani ni Jaxon na kinatango-tango ni Keehan. "Rare condition yun pero nag eexist." Bored na sagot ni Apollo bago pasimpleng tiningnan si Grim na tahimik na umiinom sa gilid. "Hindi nga? Pero pano nangyari?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jaxon. "Naikwento ko na sainyo diba? Kung saan ko nakilala si Miguel." Ani ni Elliseo. "Oo, sabi mo sa auction." Sagot ni Jaxon bago nagtatakang nilingon si Miguel na nakikipagtawanan kina Wax. "Isa si Miguel sa item at dun ko nalaman na kinidnap si Miguel dahil sa rare condition niya." "What the heck? Ibig sabihin---." "Yes! Magkakababy na kami." Excited na putol ni Elliseo bago pabirong sinakal si Jaxon matapos ikulong sa kaliwang braso ang leeg ni Jaxon. "Congrats bud magbago kana." Ani ni Grim bago tinaas ang hawak na alak na agad ginaya ni Apollo. "Celebrate natin yan*hik*" ani ni Keehan na kinatawa nina Jaxon at Elliseo bago inangat ang mga basong hawak. -- "Talaga? Kaya pala ang ingay ng TK." Ani ni Wax matapos kumpirmahin ni Miguel sa mga kaibigan na buntis nga siya. "Sana kaya ko din mabigyan ng anak si Apollo." Dagdag ni Wax na kinatingin ni Miguel. "Kahit naman hindi mo siya mabigyan ng anak mukhang kuntento nanaman asawa mo sayo." Ani ni Miguel na kinabagsak ng balikat ni Wax. "Iba pa din yung may baby kami." Bulong ni Wax. "Bakit hindi mo kausapin si Apollo, mag-ampon kayo." Suhesyon ni Miguel na kinailing ng binata. "Kung hindi din naman daw galing sakin, wag na daw ... sapat na daw ako para sakanya." Sagot ni Wax. "See? Ang sweet ni Apollo sayo." Ani ni Miguel na kinabuga ng hangin ni Wax bago tinukod ang mga siko sa harap ng lamesa at humalumbaba. "Pero gusto ko siya mabigyan ng buong pamilya, I mean naguguilty ako at nadidissapoint ako kasi feeling ko kasalanan ko pa na nainlove sakin ng sobra si Apollo." "Alam niyo yun? Yung sobrang perfect niya tapos sakin siya napunta?" "Ikaw Miguel bagay na bagay ka kay Elliseo, maganda ka din na lalaki tapos mayaman at magkakababy pa kayo. Ikaw din Gaizer bukod sa maganda ka ding lalaki, perfect match ang ugali mo kay Grim eh ako?" "Bukod sa maitim at mataba ... hindi ko pa mabigyan ng pamilya si Apollo, kaya nga hindi ko maintindihan bakit ako ang nagustuhan ni Apollo ... bukod sa sikat, gwapo at talented siya ako ang pinili niya." Ani ni Wax. "Kung ano man nagustuhan sayo ni Apollo siguradong siya lang ang nakakaalam at nakakakita nun Wax." Ani ni Gaizer na kinatingin ni Wax. "Yung nakikita mo sa sarili mong mali, pisikal lang yun pero siguro iba ang nakikita ni Apollo sa nakikita mo at sa nakikita ng ibang tao." "Hindi naman mababaliw ng sobra sayo si Apollo kung pisikal na anyo lang ang tinitingnan niya diba? Katulad ng sinabi mo dati kahit na sinong babae makukuha ni Apollo pero ikaw ang hinabol niya imbis tumingin pa sa iba." Dagdag ni Gaizer. "Kung pamilya ang hanap ni Apollo bakit pa ikaw ang papakasalan niya diba?" Napangiti si Miguel nang hindi na nakapagsalita si Wax sa sinabi ng binata. "Tama si Gaizer, mahal ka ni Apollo kung ano ka at kuntento na siya kung anong meron ka Wax." Sang ayon ni Miguel na kinangiti ni Wax. "Mga friends ko talaga kayo kyaah! salamat mga kafriendship." Parehong natawa sina Miguel at Gaizer nang tumayo si Wax at niyakap silang dalawa. -- "Ayos lang ba si Gaizer?" Tanong ni Elliseo ng mapansin na nasa living room na ang lahat at si Gaizer na lang ang nawawala. "Magpapahinga na daw siya." Nagtatakang sagot ni Wax katabi ang asawa nitong si Apollo na umiinom. "Babe wag ka masyado magpakalasing hindi kita kayang buhatin." Ani ni Wax at kukuha siya ng baso para sakanya nang ilayo yun ni Apollo na kinasimangot ng lalaki. "Usapan mag-iinom ka lang pag tayong dalawa lang diba?" Casual na sambit ni Apollo. "Gusto ko din uminom Elli." Ani ni Miguel bago nilingon si Elliseo na nasa likuran niya. "Hindi pwede." Sagot ni Elliseo bago niyakap si Miguel mula sa likod habang nakaupo ang binata sa mga hita niya. "Timpla na lang kita ng gatas mamaya." Bulong ni Elliseo na kinasimangot ni Miguel. "Baka ibang gatas ipainom mo sakin ah." Ani ni Miguel na kinasamid ni Elliseo. "Hihi ang cute mo babe." Komento ni Miguel bago pinanggigilan ang nukha ni Elliseo. "Puro love birds, kaumay." Pokerface na sambit ni Jaxon nang makitang naghaharutan na yung apat sa harapan nila. "Una na ako sa taas, may apat na kwarto dito sa penthouse bahala na kayo." Ani ni Grim bago tumayo at naglakad paalis matapos mainom ang alak na nasa baso. Gaizer Marshall's POV; Yakap ang dalawa kong tuhod nanatili akong nakatingin sa labas ng glasswall kung saan nakikita ko ang napakalaking buwan at fountain na nasa pinakagitna ng garden. Dahil sa wala ng caretaker ang penthouse at hindi na din kumuha si Grim, hindi na nalinisan ang garden . Mula dito sa kinauupuan ko sa ibaba ng kama kitang-kita ko ang bahagyang pagdami ng mga dahon sa tubig ng fountain pero hindi naging dahilan yun para mabawasan ang ganda ng view. Mas lalo pa itong gumanda dahil sa liwanag ng malaking buwan at nagrereflect yun sa tubig na umaagos sa fountain. Lahat talaga ng bagay sa mundong ito napakagandang tingnan kung magkakatugma at nasa tamang pwesto. Katulad ng fountain at buwan na nasa harapan ko, kung nasa ibang bahagi ng garden ang fountain, hindi ito mapapansin at mananatiling patapon. Hindi magiging special ang view na ito kung ordinaryong buwan lang ang nakikita ko lalo na at ako yung tipong hindi gaano nakakaappreciate ng ganda sa buwan. "Mukhang malalim ang iniisip mo." Napalingon ako at napatingin kay Grim nang umupo siya sa tabi ko at magsindi ng sigarilyo. "Tapos na ba kayo mag-inuman sa baba?" "Naubos ko na yung akin at mukhang matutulog na din ang mga yun pinatitigil na sila nina Wax." Ani ni Grim bago sumandal sa gilid ng kama at tumingin sa lugar na tinitingnan ko kanina. "Mukhang malaki talaga ang problema mo." Ani ni Grim na kinatingin ko sa glasswall. "Alam ko kasing hindi ikaw yung tipong pag-aaksayahan nang oras ang pagtitig sa buwan lalo na lagi mong sinasabi na lagi mong nakikita yan kahit saan." "Pero iba ngayon." "Andiyan yung fountain at yang fountain na yan dito ko lang makikita ... saktong-sakto siya sa buwan diba?" ani ko bago ihilig ang ulo ko at tumingin kay Grim na nasa tabi ko. 'Isama mo pa na kasama kita.' "Wala ka bang itatanong sakin?" Tanong ko kay Grim. Matapos kasi ang nangyaring gulo sa restaurant, nawala ako sa sarili ko at hindi naisip na kasama ko si Grim. "Ayoko na lang siguro magtanong, nakaraan na yun at wala akong karapatan." Walang buhay na sagot ni Grim na kinatahimik ko. "Basta ang alam ko lang hindi maganda ang nangyari at nasasaktan ka sa nangyari sainyo ni Stella." 'Kung may mas sasakit man sa nawalan ako ng anak, yun siguro yung iniwan mo talaga ako.' Hinanap kita at pinuntahan sa airport pero nahuli na ako. 'Huli na ang lahat, nakasakay kana sa eroplano kasabay nun yung pagtakwil sakin ni dad at pagkawala ng lahat sakin.' Pumikit ako ng madiin bago inayos ang upo ko at tiningnan ulit ang labas. "Sa tingin mo Grim maayos pa kaya ulit ang buhay ko?" Tanong ko hanggang sa maramdaman ko ang tingin ni Grim sakin. "Alam kong makakahanap ka pa ng iba Gaizer, makakabuo ka pa ng pamilyang hanap mo." Ani ni Grim na kinatawa ko ng mahina. "Siguro nga." Bilib din ako sa sarili ko minsan, nagagawa ko pa din kasi ngumiti kahit paunti-unting pinupunit ang puso ko. Nagagawa ko pa din magtagal sa ganitong sitwasyon kahit nasasakal na ako at pakiramdam ko wala na akong patutunguhan pagkatapos nito. --- Exhaused ako ngayong araw na ito hindi dahil sa pinagod ako ni Grim o ano … nag-aalala ako sa kinikilos ni Grim, nakakapagtaka kasi hindi na ako ginalaw niya kahit kaming dalawa na lang sa kwarto. Hindi ko tuloy alam kung sawa na siya o naguguilty ... na alam ko namang imposible yung last option dahil andito ako para pagbayaran lahat ng ginawa ko sakanya at pahirapan. "Wag niyong kapalan ang make up ni Grim." Kasalukuyan kaming nasa set ngayon kung saan gaganapin ang music video at mukhang si Grim ang openning at yung babaeng sikat na artista ngayon. 'Ang ganda niya.' "Selos ka?" "Ay palaka!" Napasigaw ako at napatakip ng bibig matapos mapatingin sa pwesto ko si Grim at ilang staff. "Miguel ikaw---." "Mukha kasing pinagbagsakan ng langit at lupa yang mukha mo at nakatitig ka dun sa babaeng partner ni Grim, hindi ko tuloy alam kung crush mo yung babae o nagseselos ka dahil partner siya ni Grim." Bulong ni Miguel matapos umupo sa tabi ko at lumantak ng mangga. "Kung ano-ano pinagsasabi m--- kumakain ka nan bawal yata kumain sa set." Sita ko sakanya. "Kinausap ni Elliseo yung director na mukhang binalackmail niya kasi pumayag agad na manginain ako dito habang wala siya." Sagot ni Miguel na kinailing ko bago bahagyang lumayo dahil nangangasim ako sa kinakain ni Miguel at ayoko makishare baka ako pa maglihi. Pero dahil sa mukhang makulit talaga ang mga buntis at trip ako nito asarin, sumiksik pa ito sa pwesto ko. Napakapokerface na lang ako at umisod ulit, tatawa-tawa pa ito bago sumiksik ulit at---. "s**t!" Mura ko nang hindi mapansing nasa dulo na ako ng mahabang upuan pero bago pa ako mahulog sa sahig may taong humawak sa braso ko at inalalayan. "Wew." Ani ni Miguel matapos mag peace sign nang tingnan ko siya ng masama at lingunin yung taong humawak sakin kanina. "Salamat, pasensya na din." Ani ko bago bahagyang yumuko. 'Ang tangkad naman nito.' Kasing height yata ito ni Grim, kung hindi dahil sa sun glasses at hood nito mapagkakamalan kong ito si Grim. "Bagong artista yata." Bulong ni Miguel na nakatayo na sa tabi ko matapos sundan nang tingin yung lalaki kanina na hindi man lang nagsalita at nilampasan ako. "Mukha nga, suplado eh." Ani ko bago---." "Gai! Last na yun kinain mo pa." Reklamo ni Miguel matapos ko isubo yung isang piraso ng mangga na nasa plato niya. "Ganti ko yan, muntikan na ako mahulog kanina."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD