12

1763 Words
Chapter 12 3rd Person's POV; Napaupo sa baitang ng hagdan si Gaizer nang before ang taping natapos niya na ang pagchecheck sa mga gagamitin ng TK. Nagpahinga siya ng ilang minuto dun bago tumayo at naglakad pababa ng hagdan para bumalik sa tent ng mga staffs. "Dito may kissing scene kayo Grim, make it more professional okay?" Ani ng director habang kausap si Grim at ang partner nitong babae. "Kaloka, ibig sabihin totohanin nila yung kiss?" Bulong ni Wax bago tingnan si Gaizer na balewalang umupo sa pwesto nila. "Alam niyo feeling ko may gusto yan kay Grim, halata eh." Ani ni Miguel habang kumakain ng ubas. "Gaga, may boyfriend yan." Sabat ni Wax. "May pablush effect pa kaya lalo na nung lapitan din siya nina Apollo." Ani ni Miguel. "Profession nila at kung ano man gawin nila wag niyo na lang bigyan ng issue." Ani ni Gaizer habang nakahalumbabang nakatingin kay Grim na pokerface na nakatingin sa director nila. "Para samin ba yan o sa sarili mo." Hirit ni Miguel na kinasimangot ni Gaizer dahil halatan naman na nakakaramdam din siya ng selos. Gaizer Marshall's POV; Nanatili lang ako nakatitig kay Grim habang inaayusan siya ng mga staff, minsan nahuhuli ko siyang nagnanakaw ng tingin sakin at tuwing titingnan niya ako ngingitian ko lang siya. Hindi ko mabasa yung expression niya pero base sa pagkisap ng mata nito mukhang naaliw siya sa ginagawa ko. "Grim pwede mag rehearse tayo? May ilang scene kasi ako na hindi ko magawa ng tama, baka pwede mo ako tulungan." "Okay." "Haynaku ang landi." Komento ni Wax matapos ko sumubsob sa lamesa at ihilig ang ulo ko. "Ayaw mo manood?" Tanong ni Miguel na nasa tabi ko at ihilig din ang ulo niya sa lamesa paharap din sakin Ayun mukha na kaming tanga sa pwesto naming dalawa pero wala akong pake, ayoko ng saktan ang sarili ko. "Para mo na din sinabing mag suicide ako." Bulong ko na kinangiti niya. "Bakit kasi ayaw mo pa sabihin? Para matapos na ang kalbaryo mo." "Alam mo naman ang dahilan kung bakit ako bumubuntot kay Grim diba? Gusto ko mapatawad niya ako tapos---." Kusang naputol ang sasabihin ko at natahimik ng hindi ko mahanap sa parte ng utak ko ang susunod na gagawin ko. "Tapos?" Ulit ni Miguel sa huling sinabi ko. "Hindi ko na alam Miguel." Bulong ko. Dahil honestly, minsan umaasa ako na mababalik sakin si Grim, yung Grim na minahal ako kahit alam kong imposible na dahil sa nalaman kong ikakasal na si Grim sa kung sinong babae at after nito ... sa ayaw at gusto ko kailangan ko magpakalayo. Parte na lang ako ng nakaraan ni Grim at hindi magbabago dun yung reality na ako mismo ang tumulak sa kanya palayo. Napatigil kami ni Miguel nang may nagtakip sa mata ni Miguel at may nagharang na inumin sa gitna naming dalawa ni Miguel. "Anong ginagawa niyo? Patagalan kumurap?" Napaayos ako ng upo at tumingin sa harapan ko nang marinig ko ang boses ni Grim kasunod ang TK na umupo sa harapan namin. "Tapos na kayo?" Tanong ko bago kuhanin yung styro na inabot ni Grim. "Nag rehearsal kami sandali, mamaya ang actual taping." Bored na sagot ni Grim bago nilapit sakin yung inumin na binaba niya kanina. "Ako yata ang manager tapos ako ang binigyan mo ng pagkain." Ani ko pero binuksan yun at agad nilantakan. "Ikaw lang naman yata kasi napagod manager." Sagot ni Jaxon bago binaba ang hawak niyang styro at ilalapit yun sakin nang harangin ni Grim at ibalik yun. "Ibibili ko na lang siya mamaya pag kulang." "Masyadong poss--arghsghtf." Hindi ko gaanong narinig ang huling sinabi ni Jaxon dahil mukhang hininaan niya lang yun at nagkataong may inaannounce ang director. "Sayang yung pagkain ayaw yata ni Jaxon." Ngumunguyang sambit ko at iaabot ko yung styro nang hablutin ni Grim ang kamay ko at ibaba. "Kung kulang pa yan sayo, bibilhin ko na ang buong karinderya." Walang emosyong sambit ni Grim na kinasimangot ko lalo na ng marinig ko ang tawa nina Miguel. "Sa tingin mo makakain ko ang buong karinderya?" Hirit ko at huli na ng marealize kong ang sinagot ko. "Grabe naman ang pagka patay-gutom mo yan kung pati yung tindahan kakainin mo." Basag ni Grim na mas kinatawa nina Wax. "Tara na iwan muna natin ang dalawang yan dito." Napatingin ako kina Wax ng mag kanya-kanya na silang tayo at alis. "Oy teka saan kayo pupunt---." Napabalik ako sa pagkakaupo nang hilahin ako ni Grim paupo ulit. "Gutom ka diba? Kumain ka." Pokerface na sambit ni Grim. "Iniwan nila tayo." Sumbong ko bago tinuro sina Wax na humahagikhik na lumipat ng ibang tent. "Hindi ka naman mamatay ng wala sila? Kain." "Pero---." "Naiilang ka ba sakin?" Putol ni Grim na kinatigil ko ng ilang minuto. "This past few days dumidistansya ka kaya iniisip ko pinoproblema mo pa din yung nangyari sainyo ng asawa mo kaya pinababayaan kita." "Pero ngayon hindi na ako natutuwa, tama na yung ilang araw na pinagbigyan kita." Bored na sambit ni Grim na kinatigil ko ng ilang minuto. Matapos mag sink in lahat tiyaka ko naisip na kaya pala hindi na ako tinatabihan ni Grim dahil iniisip niya na affected pa din ako sa nangyari samin ni Stella. "Bakit ka nagulat? Don't tell me hihirit ka---." "H-Hindi ah! A-Ano akala k-ko kasi nagsawa kana sakin k-kaya ano---." Napayuko ako at bahagyang nilaro ang pagkain ko gamit ang kutsara. "Sana kasi tinanong mo ako, wala lang naman sakin yun ... isang araw lang okay na ako." Alanganing bulong ko. "Then that's good." Napatigil ako at parang nagskip ang pagtibok ng puso ko nang tumayo siya at yumuko bago nilapit ang bibig sa tenga ko at bumulong. "Bumawi ka sakin mamaya, ilang araw din ako naging bakante dahil sayo." Ani ni Grim na kinaakyat ng dugo sa pisngi ko matapos niya ngumisi at umalis. Nang tuluyan makaalis si Grim tinuloy ko ang pagkain ko pero feeling ko nasa lalamunan ko lang yun at hindi malunok dahil sa sinabi ni Grim na hindi ko alam kung maeexcite ako o kakabahan dahil nung last time na nag make out kami halos hindi na ako makalakad. 3rd Person's POV; "Alam mo Miggy kung wala ka lang Elliseo at hindi ka juntis iisipin ko may gusto ka kay Gaizer, iba kasi yung tinginan mo eh." komento ni Wax matapos mapansin ang lalaki na ilang minuto din na nakatitig kay Gaizer. "Gaga." Ani ni Miguel bago sumimangot at kumuha nang isang piraso ng mangga na binalatan ni Elliseo at kinain. "Worried lang kasi ako kay Gaizer, hindi niya deserve masaktan in future." Bulong ni Miguel na kinatingin ni Wax. "Ano ka ba? Kung masasaktan man si Gaizy si fafa Grim ang mag dedecide, hindi natin pwede pangunahan ang future ng dalawang tao base sa past nila." "May point ka naman dun Waxy pero ikakasal na si Grim at pag dating ng babaeng yun etsapwera na si Gaizer." Ani ni Miguel na kinibit-balikat ni Wax bago humalumbaba at tinitigan sina Grim at Gaizer. "Katulad ng sinabi ko na kay Grim na lahat ng desisyon at kung masaktan man si Gaizy wala na siyang choice kung hindi iaaccept yun kasi binigay niya ang lahat." Ani ni Wax na kinayuko bahagya ni Miguel. "Mabait na tao si Gaizer at deserve niya maging masaya Waxy." "Alam ko yun Miggy pero anong gagawin natin kung nakapag decide na si Gaizer na ibigay lahat kay Grim kahit alam niyang masasaktan lang siya sa huli." "Jusme hindi naman kasi pambayad ang katawan at pagmamahal eh, lugi na nga sa saya kota pa sa sakit ang mapapala niya." Hirit ni Wax na kinabuga ng hangin ni Miguel. "Siguro ganun na nga yung pagmamahal ... patigasan na lang talaga, talo pag hindi ka nakatagal mas argabyado pa ang unang nagmahal." "Kahit nga yung samin ni Elliseo malabo pa sa tubig ng kanal ang relasyon naming dalawa, natatakot nga ako minsan na baka one day iwan niya ako at malaman ko isa lang din ako sa mga laruan niya." "Juntis wag ka nga masyado mag overthink lahat naman siguro ng bagay sa mundong ito may dahilan, specially bakit kailangan ng mga tao masaktan bago maging masaya." --- "Hmmp!" Daing ni Gaizer ng mas ibaon pa ni Grim ang p*********i niya habang hinahalikan ang mga labi ng binata pababa sa leeg. "G-Grim." Habol hiningang ungol ni Gaizer habang pawisang nakakapit sa bedsheet ng kama. Maya-maya matapos ang ilang round binagsak ni Grim ang katawan niya sa ibabaw ni Gaizer na kasalukuyang hinahabol ang hininga. Hindi umimik ang dalawa hanggang sa maramdaman ni Grim ang yakap sakanya ni Gaizer na kinatingin ng binata. "Nanlalagkit na ako Grim sa C.R na natin ituloy hindi na ako kumportable." Bulong ni Gaizer na kinataas nang gilid ng labi ni Grim. "Kaya mo pa? Baka bukas hindi ka nanaman makalakad." Pang-aasar ni Grim na kinainit ng pisngi ni Gaizer. Tanging Lampshade na lang ang nagbibigay ng ilaw sa buong kwarto ngunit nakikita pa din ni Grim ang pamumula ni Gaizer na mas kinaaliw ng binata lalo na at magkalapit lang ang mukha nilang dalawa "P-Papaliguan mo p-pa din naman ako diba? K-Kaya ayos lang." Namumulang sagot ni Gaizer bago umiwas ng tingin na kinangisi ng binata bago marahang hinawakan ang panga ng lalaki at siilin ng halik Hanggang sa naramdaman na lang ni Gaizer na lumulutang na siya at buhat ni Grim papasok ng bathroom. Grim Vergara's POV; Matapos ko makatanggap ng tawag kay dad naiinis kong binato ang cellphone ko sa lamesa na nasa loob ng tent. "Iniinis nanaman ako ng matandang yun." Inis na sambit ko hanggang sa makita ko ang reflection ko sa salamin at makita ang lalaking nasa pintuan ng tent na kamukhang-kamukha ko "Anong ginagawa mo dito Bazile?" Bored na tanong ko sa kakambal ko. Hindi ito nagsalita as usual pero alam kong andito siya para mag explain. "Kung pumunta ka dito para mag explain, alam ko nang wala kang kinalaman." Ani ko. "Pinapunta ako ni dad dito para pabantayan ka." "Hindi naman ako tanga para hindi mapansin na hindi lang ikaw ang mga mata niya dito." Walang emosyong sagot ko bago lumapit sa lamesa at damputin ang inumin ko. Hindi kami close ni Bazile pero hindi din kami magkaaway basta ang alam ko nung mawala ako, umalis din siya ng mansyon para hanapin ako kasama ang ilang tauhan ni dad, since hindi na ako nagexpect na pagkakaabalahan ni dad na hanapin ako. "Uuwi na si Tricia, ano ng plano mo kuya?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD