14

1549 Words
Chapter 14 3rd Person's POV; Napatingin si Wax at Miguel sa pwesto ni Gaizer nang magsimula na ang party matapos iannounce ang kasal nina Grim at Tricia. Katulad ng mga karaniwang party ng mayayaman andiyan yung sayawan, inuman with class at usapan tungkol sa business. Habang busy ang lahat sa party at pagcocongratulate, tumayo na si Gaizer at naglakad palapit kung nasaan ang TK kasama sina Tricia at Grim. "Gosh anong gagawin ni Gaizer?" tanong ni Wax ng makita ang paglapit ni Gaizer sa TK. "Pustahan tayo Miggy ano? Ipupusta ko taba ko hihilahin ni Gaizy si Fafa Grim tapos mwahmwah ganun." ani ni Wax with hand gesture na nagkikiss. "Hindi ko kailangan ng taba mo Waxy, keep mo na lang yan." biro ni Miguel bago tumingin sa likuran ni Gaizer na naglalakad papunta sa ibaba ng stage kung nasaan sina Grim. "Icocongratstulate niya ang mga ikakasal then ngingiti." seryosong sambit ni Miguel na kinatingin din ni Wax kay Gaizer. "Congrats soon to be Mrs.Vergara, I'm Gaizer Marshall TK's Manager." nakangiting formal na sambit ni Gaizer bago inabot ang kamay sa mapapangasawa ni Grim na ngayon ay namumula dahil sa pagtawag nitong Mrs.Vergara. "I'm Tricia and thank you." nakangiting sagot ng magandang babae bago abutin ang kamay ni Gaizer. Hindi maalis ang tingin ni Grim kay Gaizer lalo na nga magawa pa nitong makipagkwentuhan sa asawa. "Dude easy, may mga press ang mukha paayos." may pang-aasar na sambit ni Elliseo. "Will you shut up Revolledo, hindi na ako natutuwa." nag-gigitgit na sambit ni Grim habang nakatingin kay Gaizer na hindi man lang siya tinapunan ng tingin. "Pasensya na kanina kung hindi ako formal na nakapagpakilala sainyo, kailangan ko kasi iassist ang mga kaibigan na isinama ko dito … Hindi ko naman pwede silang iwan diba?" "Ayos lanv yun atleast nakilala kita, nagulat ako kanina kasi hindi ka lumalapit dito ikaw pa naman ang manager ng TK." "Nah, nakakahiya din kasi since ang daming reporter dito at ayoko naman makaabala sa reunion niyo diba? Naikwento kasi nina Keehan na welcome party ito para sayo at ang TK mismo ang nakaisip na mag organize ng party para sa pagdating mo." "Matagal ko na din kasi sila kilala, kaya medyo parang magkakapatid na din kami. Nagulat nga ako ng maghanda pa sila ng party para sakin sabi ko nga sapat ng makasama ko ang grupo." ani ni Tricia habang nakayakap sa braso ni Grim na hindi naman pinagkaabalang tingnan ni Gaizer. "Sana nga sinabi agad ng TK ang pagdating mo para kahit bulaklak madalhan kita, hinila lang din kasi ako nina Apollo nakakahiya wala akong regalo." sincere na sambit ni Gaizer habang nagkakamot sa batok. "Aww okay lang yun, ang mahalaga nag eenjoy kayo dito." nakangiting sambit ni Tricia. Ilang minuto nakipagkwentuhan si Gaizer sa babae kasama ang TK, except kay Grim na palihim na naggigitgit na sa inaasal ni Gaizer. Makalipas ang ilang minuto, tumayo na si Gaizer at nagpaalam para bumalik sa lamesa nila. "Grim, congrats ulit ah … Wag mong kalimutang iinvite ako sa kasal." May ngiting sambit ni Gaizer bago nakapamulsahang naglakad pabalik sa lamesa kung nasaan ang mga kaibigan. -- "Galing mo din umarte." Parang nabato sa kinauupuan si Gaizer na nakaupo sa bench nang lingunin niya ang lalaking nakatayo sa gilid ng bench at tinititigan siya. "Hindi na nagbabago ang reaksyon mo tuwing nakikita kita at napagkakamalan mo akong si Grim." Palihim na pinunasan ni Gaizer ang pisngi at umisod nang umupo ang lalaking kamukhang-kamukha ni Gaizer sa tabi niya. "N-Natural lang yun, ikaw ba naman makakita ng taong kamukha at kaboses ng---." "Mahal mo?" putol ng lalaki na kinalaki ng mata ni Gaizer. "N-No! I-Imean imposible yang sinasabi moa hehe." alanganing sagot ni Gaizer bago tumayo at iniinat ang braso. "Masarap ang hangin dito ang lamig." Pag-iiba ni Gaizer. "Layuan mo na si Grim, makakasira ka lang sakanya." "Hindi mo na kailangan sabihin yan, kasi yan din ang gagawin ko once na patawarin niya ako." Napahinto si Grim sa paglapit kina Bazile at Gaizer nang marinig ang huling sinabi ng ng manager. Palihim na naiyukom ng binata ang kamao bago dahan-dahan naglakad paalis. "Hindi pa din siya nagbabago, lagi niya pa din ako tinutulak palayo." nag-gigitgit na sambit ni Grim. Gaizer Marshall's POV; Matapos ng party hindi na ulit ako pinuntahan ni Grim o kahit tinatawagan para pumunta sa penthouse niya tuwing linggo na hindi ko alam kung dahil nandun si Tricia o wala siya dun. Naiintindihan ko naman kung sasabihin niya sakin na tapusin na namin kung anong naman o kalimutan pero sana wag naman yung ganito. He still keep me hanging without saying anyting, naiinis ako pero hindi ko magawang magreklamo sakanya kasi ano bang sasabihin ko? I demand ko na sabihin sakin na tapos na lahat ng ito o itanong kung bakit hindi niya na ako pinupuntahan sa apartment. Kahit utos wala na akong natatanggap sakanya feeling ko naisantabi niya ako bigla na dapat sana ikatutuwa ko ngayon kasi, wala ng gagawin … Wala ng Grim na nagpapahirap sakin. Napasubsob ako sa lamesa ng lobby ng maalala ko yung time na hinahabol ko siya sa airport. Nakatalikod siya nun sakin habang unti-unting nawawala sa paningin ko, wala man lang ako magawa habang naglalakad siya palayo. "Grim." bulong ko bago unti-unting pumikit para matulog. --- "Pasensya na Mr.Marshall pero sabi ng advicer ni Mr.Vergara, ilang araw ng hindi sila pumapasok ksama ang mga barkada niya." ani ng teacher na kinausap ko. Matapos kasi yung pag sigaw ko kay Grim naguilty ako, hindi ko dapat siya sisihin sa pagkawala ng baby namin ni Stella dahil wala siyang kasalanan. Kung may dapat sisihin ako dapat yun dahil pabaya akong ama. "Nasaan kana ba Grim." bulong ko habang naglalakad palabas ng university. Ilang araw ko na siyang hinahanap, pumunta na din ako sa mga address kung saan nakatira ang mga kaibigan niya. Kung saan ko siya madalas sinusundo pag nagkakagalit kaming dalawa. Pero kahit saan ako pumunta hindi ko siya makita at mahanap, pumunta na din ako sa mga lugar na pwede niyang puntahan pero wala. Napasapo ako sa noo nang pumasok sa isip ko ang idea na pwedeng mapahamak si Grim. "Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari sakanya." ani ko hanggang sa makasakay ako ng kotse at sinimulan ko ng iistart yun. Nagpatulong na ako sa ilang mga kaibigan ko at mga pulis pero wala pa ding update hanggang ngayon, sobra na akong nag-aalala kay Grim at sa bawat araw na lumilipas feeling ko mag kung anong bagay na pumipiga sa puso ko dahil sa takot na maaaring iniwan niya na talaga ako. Napahawak ako ng mahigpit sa manubela ng maalala ko yung mga sinabi ko sa ospital dahil sa lungkot at galit ko. "Grim nasaan kana ba? Kailangan kita." bulong ko habang inaalala ang masayahin na batang si Grim at kung pano unti-unting nawawala ang mga ngiti niya habang nagbibinata. "Ako ba may kasalanan Grim?" Napapikit ako ng madiin bago naiinis na kinabig ko ang kotse patabi at hinampas ang manubela. "f**k! Nasaan kana ba Grim? Ilang araw na ako naghahanap sayo." sobrang nag-aalalang sambit ni Gaizer hanggang sa tumunog ang phone niya na agad dinampot sa dashboard sa pag-aakalang isa yun sa mga kaibigan o kay Grim. From:Stella Hon, pakidalhan naman ako ng mga damit dito sa ospital." Halos manlumo si Gaizer ng mabasa ang message hindi dahil sa pinakukuha siya ng damit kung hindi dahil iba ang inaasahan niyang tao ang magtetext sakanya. Matapos ko ilagay ang phone sa dashboard pinaandar ko na ulit ang sasakyan para umuwi ng bahay. Habang nasa byahe hindi ko pa din maiwasang isipin si Grim kung kumakain ba siya? Kung saan na siya nakatira at anong ginagawa niya. "Gaizer hindi na bata si Grim." ani ko sa sarili ko habang pilit finofocus ang sarili ko sa pagdadrive. Kung nasaan man siya alam kong kaya niya ang sarili niya, matalino si Grim at alam kong kakayanin niya mabuhay mag-isa. Nakagat ko ang gilid ng labi ko bago naiinis na napabuntong hininga. Hindi ko lang siguro kaya na mawala siya since para ko na din siyang anak at sakanya ko unang naranasan maging tunay na ama, since malambing si Grim sakin hindi katulad nina Sue at Sam na anak ni Stella sa pagkadalaga. Nang makarating ako sa mansyon binuksan ko na ang pinto ng bahay. Feeling ko tuloy para na lang itong kahon na walang laman dahil wala ang mga bata. Dahan-dahan ako naglakad pabalik sa kwarto namin ni Stella at kumuha ng isang bag na paglalagyan ng mga gamit ni Stella. Kumuha ako ng ilang komportableng gamit ni Stella bago lumuhod para kumuha naman ng undergarments. Dahil mukhang may nakaipit dun pilit ko yung binuksan at nagulat ako nang paghila ko mag nahulog na mga gamit sa taas at isa na dun ang isang lalagyan na may mga gamot. "Bakit meron nito si Stella?" ani ko bago damputin yun at ng iikot ko para tingnan kung anong gamot yun. Para akong nabato sa kinauupuan kasabay ng panlalamig ko ang sobrang galit na nararamdaman ko. "K-Kaya ba nahulog ang baby namin dahil sa mga gamot na ito?" Hindi makapaniwalang bulong ko. "Paano nagawa ito ni Stella? … Paano?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD