13

1773 Words
Chapter 13 3rd Person's POV; "Ha? Bakit kailangan ko pa sumama?" tanong ni Gaizer matapos siya sunduin ng TK sa apartment niya. "At bakit hindi? manager ka namin diba?" sagot ni Keehan na kinangiwi ng TK matapos sila hilahin ni Gaizer paloob ng apartment nang makita ang ilang estudyante na palabas sa kani-kanilang kwarto. "Look guys, manager niyo ako pero hindi niyo ako alalay ... baka hindi din magustuhan ni Grim na nandun ako since na wala siya dito para papuntahin din ako." sagot ni Gaizer sa mga alaga na kinatingin ni Jaxon kay Apollo. "Andun din sina Wax Gaizer and welcome party yun para sa pakakasalan ni Grim bakit hindi ka pupunt---." "Dapat talaga nanahimik kana lang Apollo."natatawang komento ni Elliseo nang bumagsak ang balikat ni Gaizer at nanlulumong napayuko. "Oy Manager, cheer up halatado ka masyado na affected … may gusto ka ba kay Grim?" Parang nabato sa kinatatayuan si Gaizer nang itanong yun ni Elliseo, hindi ito nakapagsalita kaya---. "Joke lang! hihimatayin kana agad manager eh, pano ka magkakagusto dun ikakasal na yun at ang sama pa ng ugali sayo." ani ni Elliseo habang natatawang inakbayan ang lalaki na alanganin ding tumawa at nakisabay. "Sumama kana manager, maraming chix dun panigurado malay mo makapag-asawa ka pa." hirit ni Jaxon. "Guys, gusto ko man pumunta hindi naman pwede. Wala akong susuutin at isa pa nakakahiya sumama sa mga ganung party hindi naman ako invited." "Eh kaya nga kami nandito, basta dala mo kami kahit saan makakapasok ka." banat ni Elliseo. "Tama, at about naman sa damit … binilhan ka namin ng susuutin." ani ni Keehan matapos itaas ang hawak niyang paper bag. "Talagang pinaghandaan niyo para naman papayag ako." pokerface na sambit ni Gaizer. Gaizer Marshall's POV; Great Gaizer Marshall, ano nga ulit yung sinasabi mong hindi ka sasama? "Kyaah! Gaizy! ang pogi-pogi mo diyan sa suit mo." tili ni Wax matapos ako makita at para akong antigo sa isang museum na iniikutan. "Nakakahiya,hindi na ako sanay mag-suot ng mga ganito." nakasimangot na sambit ko. "Buti nahila ka ng TK ang alam ko pa naman ayaw mo ng mga ganitong party, since welcome party pa ng---." "Wag ka na nga mang-asar buntis naiirita na nga ako kasi pinag-suot nila ako ng ganito." asar na putol ko kay Miguel na tatawa-tawang nakaupo sa isa sa mga lamesang nasa loob. "Nasaan na ang TK?" tanong ko ng pagkapasok kasi namin dito sa venue, biglang nawala yung apat. "Kung nasaan maraming babae, 100% sure ako nandun sila." bored na sagot ni Miguel na kinatingin ko. "Ayos ka lang Miguel?" tanong ko nang makaupo kami ni Wax sa upuan na nasa table ni Miguel. "Kanina pa yan Gaizy, ang sungit-sungit." reklamo ni Wax habang nakayakap sa braso ko. "Naiirita lang kasi ako." ani ni Miguel na kinakunot ng noo ko. "Nag-away kayo ni Elliseo?" "Hindi." sagot ni Miguel. "Eh ano?" tanong ko na kinasimangot ni Miguel bago tinuro yung isang estatwa na malapit sa stage. "Naiinis ako tinititigan ako, feeling ko type ako eh." Napaubo si Wax sa tabi ko habang ako laglag ang pangang tinitigan si Miguel na nakasimangot pa din. What the heck? seryoso ba siya dun. "Buti talaga hindi ako nabubuntis, naloloko na ako kay Miggy." bulong ni Wax na kinatikhim ko bago naiiling na inabot ang tubig na nasa lamesa at inabot kay Miguel. "Miguel nauuhaw ka lang yata, uminom ka muna." ani ko na mas kinasimangot ni Miguel bago inabot yung baso at ininom. "Ano kayang klaseng babae ang papakasalan ni fafa Grim?" tanong ni Wax. "Siguradong magandang babae yun." Kalmadong sambit ko bago bahagyang tumingin sa paligid. Napakaelagante ng lugar kaya siguradong galing din sa maimpluwensyang pamilya ang babaeng pakakasalan ni Grim, bukod kasi sa halos lahat ng gamit dito mamahalin, mga bigating tao din ang imbitado sa party ang iba naman ay nasa politika at mga sikat na artista. "Ang tagala naman magsimula nagugutom na ako." reklamo ni Wax na kinatingin ko. "Hindi ka ba kumain?" tanong ko na kinailing ni Wax. "Nagmamadali kasi ang TK kanina, tapos ayaw ni Apollo na umalis nang hindi ako kasama kaya yun. Hinila ako ng TK pati si Miguel papunta dito tapos sinundo ka." sagot ni Wax habang nakasimangot at parang batang sumubsob sa lamesa. Napabuga ako ng hangin ng makita ko si Apollo kasama ang TK na nakatingin dito sa pwesto namin at mukhang nag-aalala siya kay Wax. Base na din sa tingin nito at hindi pagpansin sa mga nakabusiness suit na kasalukuyan silang kinakausap. Mukhang aalis ito sa pwesto pero pinigilan siya nina Elliseo at may binulong, nang mapatingin sakin si Apollo palihim ako nag gesture na wag ng lumapit. Baka mag kaissue pa pag lumapit pa samin si Apollo since ang alam nila kaibigan ko sina Wax at hindi sila connected sa TK. "Tara na nga Wax, pwede naman yata tayo kumuha ng pagkain sa buffet table." yaya ko kay Wax na agad napatingin sa pwesto ko. "Talaga?!" Para naman pumalakpak ang tenga niya ng mabanggit ko ang pagkain. "Yipee! Mawala na si Apollo wag lang pagkain ko hihi pero siyempre joke lang yun." Agad na bawi niya na kinatawa ko matapos niya ako naeexcite na hilahin kasama si Miguel na mukhang pinagiinitan talaga yung estatwa. "Alam mo friendship ikain mo na lang yan, kaloka ka ulo na nga lang ang nagtitira tatanggalan mo pa yata ng mata." Ani ni Wax kay Miguel na nakasimangot at tinitingnan ng masama yung estatwa. "Ang daming pagkain, mukhang masarap." Bulong ni Wax habang inaabutan kami ni Miguel ng pagkain. Medyo napapatingin na saamin yung mga bisita kaya sinabihan ko si Wax na kumuha na siya at tama na yung nasa plato namin ni Miguel. "Mukhang masarap ito." Ani ni Miguel na medyo lumayo sa pwesto namin. Don't get me wrong ah pero mukha na talaga kaming bibitayin dahil sa dami ng kinuha ni Wax na makakain namin. 'Nakakahiya, hindi ba sila pinakakain sakanila.' 'Wag kang maingay, isa sa mga yan ang manager ng TK.' 'Mga wala man lang class.' Napalingon sa mga nagsasalita sa hindi kalayuan at ng makita nila na nakatingin ako, ngumiti lang sila ng pilit at umalis. "Kulang pa ba yan? Kuha pa kayo ito oh masarap natikman ko na kanina." Napatingin ako sa babae na nagsalita sa harapan ko at nilagyan ng dagdag na pagkain ang hawak kong plato. "H-Ha?hehe salamat." Alanganing sambit ko sa babaeng nakangiti sa harapan ko bago lingunin si Wax. "Hey ikaw din tikman mo ito masarap yan." Ani ng babae. "Nakakaawa naman kasi kayo parang hindi pinakakain." Napailing na lang ako bago binaba yung plato sa lamesa at bumuga ng hangin. Kaya ayoko na sa mga babae bukod sa mga gold digger, saksakan pa ng mga matapobre. Nang makita kong mapatigil si Wax binigyan ko siya ng tingin na ako na ang bahala. "Alam mo Ms." Ani ko na kinatigil niya matapos niya mapasandal sa lamesa nang humakbang ako palapit at itungkod ang dalawang kamay ko sa lamesa. "Sa lagay na ito hindi pa ako gutom." Malamig na sambit ko bago tinaas ang kamay ko at ginilid ang ilang hibla ng buhok na nakahara sa mukha niya. Kitang-kita ko ang pamumula niya na mas kinangisi ko. Hindi kasing lakas ng karisma ng TK ang meron ako pero kayang-kaya ko mag paikot ng babae sa paraang alam ko. Gwapo din naman ako hindi mo lang masasabi ang exact word na yun dahil hindi ganun kamanly ang features ko. Mas mapagkakamalan pa kong babae kaysa lalaki dahil maamo ang mukha ko, wag lang talaga ako iinisin. Bahagyang napataas ang gilid ng labi ko ng mamula siya at itutulak ako nito ng hawakan ko ang kamay niya. "Pero pag ako nagutom ang unang kinakain ko ang mga babaeng walang preno ang bibig at ang mga babaeng pahard to get." Dagdag ko na kinalaki ng mata niya. Ilalapit ko ang mukha ko para pagtripan siya at gumanti ng---. "What are you doing?" Parang tumigil ang ikot ng mundo ko nang may humila sa braso ko at inikot ako paharap. "Iniienjoy ang party?" Casual na sambit ko kahit ang totoo parang gusto ng lumabas ang puso ko dahil sa sobrang sama ng tingin sakin ni Grim. "What the heck? Ito ba ang party na gusto mo? Kissing in public?" May diin na sambit ni Grim bago tingnan yung babae na nasa gilid ko na mukhang hindi na nakagalaw dahil sa ginawa ko at tingin ni Grim. "Easy bud, nakikipagkilala lang ako." Natatawang sambit ko. Gusto ko tuloy magpasabog ng confetti dahil sa galing kong umarte. Matapos kong alisin ang kamay ko sa pagkakahawak ni Grim kinuha ko ang plato sa lamesa at kinindatan yung nagmaldita samin kanina na agad namula. "See you around." Nakangiting sambit ko bago nilampasan si Grim. Nang makarating ako sa table namin agad nawala ang ngiti ko nang mapahagalpak ng tawa si Wax at yumuko si Miguel para pigilan ang tawa. Napakagat ako ng labi ng maramdaman ko ang tingin ni Grim sa pwesto ko at ng ibang TK. "Yun ang tinatawag na bumato ka ng isa, sa dalawa tumama. " ani ni Wax na may paghampas pa sakin. Nagawa ko talaga yun kanina? Hindi ko naman talaga gagawin yun kung hindi ko nakikita yung ilang reporters na nakatingin samin eh pati yung ilang bisita. Nahalata na ng TK, nung una hindi agad ako nakalusot pero sa pangalawa kailangan kong lumusot kahit patay ako mamaya kag Grim, ayokong sirain ang career ni Grim forepetesake 3rd Person's POV; Hindi alam ng TK kung matatawa o magugulat sa ginawa ni Gaizer at sa reaksyon ni Grim kanina. "Sino ba ang taong yun Grim? Iniwan mo ako kanina." Ani ng napakagandang babae na nakahawak sa braso ni Grim na umiinom ng wine. Dahil sa mukhang walang balak sumagot si Grim sumabat na si Jaxon. "Manager namin yun Tricia, medyo may katigasan ang ulo at laging naiissue kaya ano---." "Binabantayan ni Grim, since childhood friend sila." Dagdag ni Keehan. "Ganun, bakit ayaw niyo palitan? mamaya makasira pa siya sa career niyo, manager siya hindi dapat---." "Masipag siyang tao at pagdating niya sa trabaho hindi pa siya pumapalpak." Depensa ni Grim nang hindi inaalis ang tingin sa table nina Gaizer habang umiinom ng alak. "Mabuti pa umupo muna tayo, nangangalay na ako katatayo." Yaya ni Elliseo na kinasang-ayunan nina Keehan ng mapansing ang atensyon ni Tricia ay nasa manager na dahil kay Grim. "Kung ayaw mong ikaw ang maissue tigilan mo katitingin sa kabila." Bulong ni Elliseo kay Grim na kinaismid ng binata bago naiinis na naglakad at lumapit sa isang lamesa kasunod si Tricia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD