15

1929 Words
Chapter 15 3rd Person's POV; "Manager!" Pawisang nahabol ni Gaizer ang hininga ng magising siya mula sa bangungot ng mga ala-alang pilit niya kinakalimutan. "Manager ayos ka lang ba?" Nag-aalang tanong ni Keehan matapos magbaba si Jaxon ng tubig sa lamesa na agad ininom ni Gaizer. "A-Ayos lang ako." sagot ni Gaizer na kinatinginan nina Elliseo at Keehan. "Mabuti pa Manager magpahinga ka muna, umuwi ka muna para---." "Ayos lang ako Elliseo kaya ko mag trabaho." sagot ng binata nang medyo mahimasmasan na siya at tiningnan ang TK. "Anong kailangan niyo? May pupuntahan ba tayo?" tanong ni Gaizer bago tumayo. "Kanina ka pa namin hinahanap, itatanong sana namin kung anong schedule namin this week." ani ni Keehan na kinalaki ng mata ni Gaizer bago napasapo sa noo. "Holyshit! Sorry nawala sa isip ko aayusin ko na." ani ni Gaizer at tatakobo ito palabas ng hawakan siya ni Apollo sa hood ng suot nitong jacket at hilahin pabalik. "Nagawa ko na kagabi, here." Napatigil ang lalaki na agad namula ang pisngi dahil sa kahihiyan ng ibaba ni Apollo yung folder. "Sorry! Nakakahiya … Bawasan niyo na lang ang sweldo ko hindi ko---." "Hindi naman namin kailangan ng pera mo manager, marami kami nan sa banko." natatawang biro ni Elliseo. "Sorry talaga, hindi ko nagawa ng maayos ang trabaho ko." nangingilid ang luhang sambit ni Gaizer na kinataranta ng TK. "What the heck manager! Wag kang umiyak hindi naman bigdeal yun samin." tarantang sambit ni Elliseo na kinaalarma na din ni Apollo. "Manager para kana din naman namin na kapatid at barkada itong ginawa namin kulang pa ito sa pagod na ginagawa mo para sa grupo." sabat ni Apollo na dahil sa sobrang pagkataranta nakalampas ng limang salita ang nasabi. "T-Talaga?" naiiyak na sambit ni Gaizer na kikamot sa ulo ni Apollo. "Oo nga Manager, actually may idea na kaming hindi mo magagawa yun nung isang araw pa kasi masyado kang occupied … Kaya humingi kami ng tulong kay Apollo na siya na umasikaso muna ng schedule since siya ang leader." "Wag mo na din isipin yun Manager." ani ni keehan bago ngumiti at niyakap si Gaizer. "Hindi mo kailangan maguilty kasi alam naman namin na si Grim ang dahilan kung bakit hindi mo ngayon nagagawa ng tama ang trabaho." ani ni Keehan na kinatigil ng lalaki. "Keehan h-hindi n-naman kas---." "Manager hindi na kami basta tropa ni Grim, para na din namin siya kapatid at sa tingin mo wala kaming alam sa namamagitan sainyong dalawa?" putol ni Keehan na kinagat labi ng binata. "Tahimik lang kami kasi ayaw namin na mailang ka o mangialam sainyo dalawa pero Manager lagi mong tatandaan na kahit anong mangyari sayo kami lagi susuporta." "Keehan." bulong ni Gaizer na kinangiti ng binata. "Yung sa schedule wag mo ng isipin yun, isipin mo na lang ginawa namin yun kasi kaibigan ka ng TK at ayaw ka namin mawala." dagdag ni Elliseo. "Ako lang talaga gumawa." pokerface na sabat ni Apollo. "Akin yung Folder." "Oy Akin yung printer na ginamit niyo ah." "Kanino ka nanghiram ng USB Apollo since ayaw mo ipagamit yung USB mo." Hindi maiwasang matawa ni Gaizer ng magsumbatan na ang TK kung anong mga naiambag nila sa schedule na ginawa nila para kay Gaizer. "Tanginang mga ito, pati schedule ginawang groupings." mura ni Jaxon. -- 'Manager, yung final list ng mga sponsor para sa gaganapin na project ng TK kung naipasa mo na daw sa producer.' 'Kadadala ko lang kanina sa opisina Kat.' sagot ni Gaizer habang kausap ang ilan pang Manager ng agency. Habang nasa ibaba si Gaizer kausap ang ilang staff ng Agency at managers nanatili naman nakatingin ang lalaking nasa itaas na bahagi ng palapag. Matama nitong pinagmamasdan ang binata hanggang sa tumunog ang phone nito na nasa bulsa. "Anong kailangan mo?" Walang emosyong tanong ng lalaki, matapos sagutin ang tawag at humakbang paalis na siya namang pagtingin ni Gaizer sa taas. "Alam mo ba wordwide na ang balita sa kasal ni Grim Vergara at yung sikat na model sa Italy." "Bagay nga sila, balita ko din nagkataon na family friend ng mga Vergara ang family ni Ms.Tricia." "Diba Gaizer invited ka dun sa party? Anong tyura ni Ms. Tricia sa personal?" "Mas maganda siya sa personal at mabait na babae." puri ni Gaizer habang nakangiti sa mga kausap bago kinagat ang hawak na chocolate bar at umiwas ng tingin. Gaizer Marshall's POV; Lunch na pero feeling ko wala akong ganang kumain. "Manager, anong problema?" Napaangat ako ng tingin matapos ko makita si Keehan na agad lumapit sakin. "Medyo inaantok lang ako." ani ko bago sumandal sa sofa at humilig dun. This pastfew days napapadalas ang pagsusuka ko isama mo pa ang pagcacrave ko sa sweet. "Namumutla ka, ayos ka lang?" Palihim akong napaismid ng marinig ko din ang boses ni Grim na mukhang kapapasok lang din kasunod ang TK. "Tss, may galit ka ba sakin Gaizer?" Tanong ni Grim na kinasimangot ko bago siya tingnan ng masama. "Bakit hindi mo yan itanong sa sarili mo?" pagsusungit ko na hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko para sagutin si Grim. "Hala ka." "Mukhang wala sa mood si manager ah. " "Ano bang nangyayari sayo Marshall?" nakakunot ang noong tanong ni Grim na kinagitgit ko. Wala ba talaga siyang idea sa pandededma niya sakin this past few days. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa nakikita kong belewala sakanya lahat ng yun. "What thd f**k! Gaizer ano bang problema?!" tarantang sambit ni Grim bago lumuhod sa harap ko at hahawakan niya ako ng---. "f**k!" rinig kong mura ni Grim matapos ko kagatin ang braso niya ng tangkain niya akong hawakan. "Bwisit ka!" singhal ko sakanya bago naiinis na tumayo at naglakad palabas ng studio. 'Bakit siya ganun? Kahit ba kausapin ako hindi niya magawa?' Naging papa niya din naman ako diba? Akala niya ba hindi ako nasasaktan sa pag-iwas niya nitong mga nakaraan tapos biglang aarte siya ng ganyan na parang concern sakin. Nang makarating ako ng locker room at pagkasara ko ng pinto, para akong binuhusan ng malamig na tubig ng mag sink in lahat ng ginawa ko sakanya. Ang pagsusungit ko, pagkagat at pag sagot ko kay Grim na hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob na yun. Napaupo ako sa sahig at napahawak sa bibig ng parang sirang plaka yun na umulit-ulit sa utak ko kasabay nun ang possibility na matanggal ako dahil sa ginawa ko. "I'm doomed, anong ginawa mi Gaizer? " 3rd Person's POV; Nagkatinginan ang TK dahil sa hanggang ngayon hindu sila makaget over sa ginawa ni Gaizer. "What the heck he is problem." nag gigitgit na sambit ni Grim habang hawak ang wrist kung saan siya kinagat ni Gaizer. "Sinapian ba si manager?" tanong ni Keehan na kinangiwi ni Jaxon. "Papatawag na ba ako ng nag eexorcist." "Buntis ba si Gaizer? Para siyang si Miguel pag may topak." natatawang sambit ni Elliseo na kinabato ni Grim sa kinatatayuan. "Anong mukha yan Grim? Para kang nakakita ng multo." komento ni Jaxon nang makita ang reaksyon ni Grim. "Oy, Joke lang yun imposible naman mabuntis si Gaizer diba?" natatawang sambit ni Elliseo. "Lakas mo Revolledo, ikakasal na si Grim hindi pwede yun at isa pa hindi naman carrier si Gaizer." ani ni Jaxon. "Kaya nga Joke lang." bawi ni Elliseo habang nakaakbay kay Apollo na nakatingin kay Grim na may hindi maintindihan expression. -- Napahawak ng mahigpit sa sink si Gaizer nang makaramdam ito ng panghihina matapos maisuka lahat ng kinain. "Manager! Ano ba kasing nangyayari sayo? Mabuti pa wag ka muna pumaso---." "J-Jaxon, l-layo." Hindi na naituloy ni Jaxon ang paglapit ng pigilan siya ni Keehan. "Saan ka ba galing? Ang baho ... Bumanaliktad ang sikmura ko sa amoy mo." Reklamo ni Gaizer habang tinatakpan ang ilong at bibig. "Gaizer hindi naman mabaho si Jaxon? " nagtatakang sambit ni Keehan. "Elliseo ano ba?" singhal ni Jaxon ng ilapit ni Elliseo ang ilong niya sa leeg ni Jaxon. "Naghalo ang amoy niyo ni Keehan? Yung totoo may hindi ba kami ala---. " Mabilis na tinakpan ni Jaxon ang bibig ni Elliseo nang magsalita nanaman ito ng kung ano-ano. "Mabuti pa Gaizer, magpahinga ka muna … Mukhang hindi kana okay." ani ni Apollo ng mapansin ang bahagyang panghihina ni Gaizer. "Yung meeting---." "Kami na bahala mag-explain sa producers and director." putol ni Apollo. "Tamang-tama pupunta dito si Wax, sumabay kana sakanya." "Salamat Apollo." ani ni Gaizer. "Dun ka muna sa opisina ko magpahinga , ito yung susi." ani ni Apollo bago nakapamulsahang inabot yun kay Gaizer na agad naman kinuha. --- Nang makapasok si Gaizer sa opisina ni Apollo agad itong nahila ng antok nang umupo ito sa sofa at humiga. Lumipas lang ang ilang minuto bigla na lang bumukas ang pinto at habol ang hiningang nilapitan ni Grim si Gaizer na mahimbing na natutulog sa sofa. "f**k, lagi mo na lang ako pinag-aalala Gaizer." bulong ni Grim matapos lumuhod sa ibaba ng gilid ng sofa para makapantay si Gaizer. Sa malayo parang walang nagbago kay Gaizer pero sa malapitan nahahalatang nanaba ito at namumula ang pisngi kahit wala naman itong nilalagay sa mukha o naiinitan. Dahan-dahang inayos ni Grim ang higa ni Gaizer bago lumabas sandali at pagpasok nito, may dala na itong blanket at dalawang unan na madalas ginagamit niya nitong mga nakaraang araw dahil simula ng dumating ang mapapakasalan ay sa opisina na ito natutulog para maiwasan din ang babae. Matapos ilagay ang blanket sa lalaki, inangat nito sandali ang ulo ng binata at nilagyan ng unan. Nilagyan din nito ang gilid ng lalaki na kung sakali mahulog ay malambot kahit papaano ang mabagsakan. Napahakbang sandali ang binata at napatigil nang tumagilid si Gaizer at niyakap ang unan na nilagay. Lumambot ang expression nito at mas siniksik pa ang mukha sa unan. "Tangna." bulong ni Grim bago sinuklay ang buhok para idistract ang sarili at kuhanin ang phone sa bulsa. Nakagat ng binata ang gilid ng labi para maiwasang mapangiti matapos makuhanan ng litrato ang lalaki. "Damn, pano niya nagagawang maging adorable at same time cute tuwing nakikita ko." bulong ng lalaki bago lumuhod at bahagyang alisin ang ilang hibla ng buhok nang binata na humaharang sa mukha. --- "TK? Nasaan si Grim?" tanong ni Tricia ng masalubong sina Keehan na naglalakad palabas ng studio. "Teka? Hindi mo ba kasama?" Tanong ni Jaxon. "May emergency daw dito, tinawagan niyo diba?" nakakunot ang noong sambit ni Tricia. "Ahm si Grim? Baka---." "Pinapunta ko sa opisina para pirmahan yung contract galing HK group." Napatingin sina Keehan kay Apollo nang lumapit ito sakanila habang nagsisindi ng sigarilyo. "Ikaw nagpapunta? Teka pupuntahan ko na siya." ani ni Tricia at aalis ito para pumasok ng elevator nang itulak ni Keehan at si Jaxon para pigilan si Tricia. "Bakit--- fine." ani ni Jaxon ng simangutan siya ni Keehan. "Teka Tricia." habol ni Jaxon bago hinawakan si Tricia na kinatingin ng babae. "Ahm … Pupunta kami ng TK sa coffee shop na malapit dito baka gusto mo muna samin sumama since ang tagal na din nung huli tayong nag hang out." yaya ni Jaxon. "Oo nga Tricia siguradong susunod yun si Grim, pag pumunta ka dun siguradong maboboring ka lang." sabat ni Elliseo. "Pero dapat---." "Nakakatampo kana Tricia si Grim na lang lagi mong kasama pano na kami." nalulungkot na sambit ni Keehan. "Haist sige na nga sasama na ako sainyo, libre niyo ako ah." ani ni Tricia na kinapalakpak ni Keehan na parang bata. "May bagong bukas na coffee shop malapit dito, masarap ang kape nila at cake."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD