08

1691 Words
Chapter 8 3rd Person's POV; Sakay ng company car isa-isang hinatid ni Grim ang TK at si Gaizer sa apartment at units matapos niyang magpresinta mag drive dahil kay Gaizer. "Oy teka lang hindi na ito daan papunta sa unit ko!" Reklamo ni Elliseo ng makitang nalampasan nila ang building. "Grim maawa ka may Miguel na ako at---." "Tangna mo Revolledo hindi kita type gago, gusto ko makita ang CCTV na sinasabi mo kanina." Putol ni Grim. "Fine! Pero ihahatid mo din ako pabalik." Sagot ni Elliseo bago kuhanin ang phone niya sa bulsa para magpaalam sa kasintahan. -- "Sabi na hindi, Manequin." Ani ni Elliseo matapos bilangin ang mga ulo na nakita niya sa loob. "Masyadong malabo, wala na bang ililinaw yan?" Tanong ni Grim habang nakatingin sa laptop. "Luma na ang CCTV kaya ganyan kalabo since stockroom lang yun, mukhang kinalilimutan na ng maintenance team." "Hindi siya gumagalaw, nakatingin lang kay Gaizer." Ani ni Elliseo na kinakunot noo nila ng mag stick yun at nawala ang lalaki. "Tangna ano yun multo!" Sigaw ni Elliseo matapos mapaatras nang makita nilang nawala ang lalaki nang kumalampag ang pinto at pupungas-pungas na tumayo si Gaizer. -- "Elliseo, anong oras n--- hey Grim." Ani ni Miguel matapos salubungin ng lalaki si Elliseo na bumaba ng sasakyan at makita si Grim sa driver seat. "Dumaan kasi muna kami sa penthouse ni Grim, may tiningnan lang." Sagot ni Elliseo matapos yakapin sa bewang si Miguel. "Ganun ba, sa susunod tatawag ka hindi yung text lang nag-alala tuloy ako." Ani ni Miguel na kinakamot ng binata sa ulo. "Mauna na ako." Walang buhay na sambit ni Grim matapos iistart ulit ang sasakyan. "Ingat ka sa pagdadrive." Ani ni Miguel na kinatango ng binata bago hinila ang pintuan pasara. "Niluto ko nga pala yung paborito mo." Ani ni Miguel na kinatawa ni Elliseo. "Mukhang mapaparami nanaman kain ko, wala ka naman siguradong balak patabain ako." Biro ni Elliseo habang naglalakad sila papasok ng building. "Eh di mas maganda para wala akong kaagaw." Banat ni Miguel. "Ibig sabihin pag nanaba ako, hindi na ako gwapo?" Tanong ni Elliseo. "Gwapo ka sa paningin ko kahit maitim, mataba, mapayat at tigyawatin ka." Ani ni Miguel bago tingalain si Elliseo. "Papasok pala ako bukas sa opisina, hatid mo ako." Paglalambing ni Miguel. "Lagi naman kita hinahatid pag trip mo pumasok ah." Ani ni Elliseo bago pumasok ng Elevator hanggang sa bahagya itong mapalingon ng may maramdaman siyang nakatingin sakanila. "Anong problema? Bukas na yung elevator." Ani Miguel matapos siya mauna at makita si Elliseo na nakatingin kung saan. Gaizer Marshall's POV; Nagising ako kinaumagahan ng may liwanag na tumatama sa mukha ko at babangon ako nang may maramdaman akong mabigat sa tiyan ko na kinakabog ng dibdib ko sa kaba. At paglingon ko yung takot napalitan ng kakaibang emosyon matapos makita si Grim sa tabi ko at nakadapang natutulog. 'Namali ba ng pasok ang kupal na ito?' Ani ko sa sarili hanggang sa naisip ko na ang layo ng penthouse nila dito. Nakagat ko ang gilid ng labi ko nang marealize na pinuntahan niya ako dito. Dahan-dahan ko tinanggal ang braso ni Grim para hindi magising at babangon ako para magluto since andito si Grim nang---. "Tulog muna tayo." Ani ni Grim matapos hapitin ang bewang ko palapit sakanya. "Grim may pasok tayo." Mabigat ang hiningang sambit ko since sobrang lapit niya at ramdam ko ang hininga niya sa pisngi ko. "Alam ko, 5minutes." Bulong ni Grim na kinalunok ko. Feeling ko hihimatayin ako anytime o mawawalan ako ng hininga dahil sa lakas ng t***k ng puso ko kahit walang ginagawa si Grim. --- "Inumin mo ito para maging maayos yang lalamunan mo." Ani ko bago ibaba yung baso na naglalaman ng katas ng lemon at honey na ginawa kong juice. Hindi naman siya nagsalita at ininom na lang yun habang kumakain ng mga niluto ko. Tahimik lang kami kumakain hanggang sa tumunog ang phone ko at lumabas ang schedule ng TK ngayong araw. "Meeting para sa preparation ng next concert niyo sa London." Ani ko bago kinuha yun at basahin. "Boring." Sagot ni Grim na kinatawa ko ng alanganin. "Mahalaga yun kaya dapat pumunta ka." Ani ko bago pinagpatuloy ang pagkain ko. "Marami pala akong naluto." Ani ko nang mapatingin ako sa mga natirang ulam sa lamesa. Masyado yata akong naexcite sa pagluluto dahil andito si Grim. "Alam ko na papakain ko na lang sa TK." Ani ko bago kumuha ng mga lalagyan para dalhin sa studio. "Papunta na kami ... putangina mo Grimore." Napatingin ako kay Grim ng lumabas ito dala ang phone at iniharap sa pwesto ko. Agad ako ngumiti at kumaway kina Apollo na mukhang nasa studio na. "Wow! Mukhang masarap yan Manager ah!" Ani ni Keehan sa screen matapos makita ang mga nasa lamesa. "Naman ako yata nagluto, dadalhin ko ito mamaya diyan sa studio gusto niyo?" Ani ko. "Patikim kami Manager." Sabat ni Elliseo na kinatawa ko ng magkagulo na sila sa kabilang linya. Matapos mamatay ang tawag pokerface na tinatago ni Grim ang cellphone at lumapit sa pwesto ko. Dahil sa busy din ako hindi ko na muna siya pinansin sa tabi ko hanggang sa---. "Grim." Ani ko nang hapitin niya ang bewang ko hawak ng takip ng lalagyan at magsasalita akong nang siilin ako ni Grim ng halik. Malalim at mabagal na kinakabog ng puso ko matapos ko mapatitig mga mata niya na unti-unti akong nilulunod. Nang maghiwalay ang labi naming dalawa, natulala ako nang bahagya matapos wala itong salita na umalis sa harapan ko. 'What the heck his problem? Matapos ako halikan umalis?' Nang mag sink in sakin lahat tiningnan ko ang pintong dinaanan ni Grim na ngayon ay nakasara na. Minsan hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng utak nun. 3rd Person's POV; "Dadalhin ko lahat ng ito sa taas?" Ulit ko ng makita ang napakaraming box at paper bag sa opisina ni Grim na mukhang galing sa mga avid fans niya. "Wag kang paulit-ulit Marshall." Pagsusungit ni Grim na kinangiwi ko. Kahit labag sa loob at nakakapagod sinimulan ko na nga hakutin yun, akala ko tapos na ang kalbaryo ko since nagiging mabuti na ang pakikitungo ni Grim mali pala ako. Magaan naman ang mga box kaya walang problema pero yung tatlong palapag ang aakyatin sobrang nakakapagod. Sabagay kung hindi ko ito dadalhin dun magkakalat lang ang mga ito sa opisina ni Grim, since hindi siya nag-aabalang tingnan yun. Nang makaapat na balik ako daig ko pang narape dahil sa pawisan na ako at gusot-gusot na din ang uniform ko na pinagpasalamat ko nalang dahil wala na si Grim sa opisina. Sobrang nakakahiya kung makita niya akong ganito, dahil sa last nanaman iyon nagpahinga ako sandali sa hagdan dala ang huling kahon. Maya-maya napatigil ako ng magbeep ang phone ko na agad kong kinuha sa bulsa ko. From:Grim V. Where are you? Napakurap ako ng mabasa ko yung message at agad magtataype na ako para sumagot nang---. Grim V.'s calling... Agad kong sinagot yung tawag nang mabasa ko ang pangalan ni Grim, dahil ayaw pa naman nun na pinag-aantay. "Nasa 2nd floor ako dala yung last na kahon." Sagot ko sa tawag. ["Bilisan mo na diyan at bumaba kana dito."] Sasagot ako nang patayin niya ang tawag. "Tsk hindi talaga siya marunong rumespeto kahit mas matanda ako sakanya." Inis na sambit ko bago tumayo at ilagay ang phone ko sa bulsa. Pagyuko ko at pagdampot sa kahon napatigil ako ng bumagsak yung mga laman. "Malas." Ani ko bago damputin yun isa-isa hanggang sa mapatingin ako sa isang manika na kamukha ni Grim. Nakaramdam ako ng panlalamig nang damputin ko yun at makitang may maliit na patalim sa ulo ng manika na mukhang pinasadya. "Gaizer." Nabitawan ko yung manika ng marinig ko ang boses ni Grim at tapikin ako sa balikat. "Grim." Ani ko na kinakunot ng noo niya bago yumuko at damputin ang nabitawan ko. "Tss." Ani ni Grim bago yun binato sa kahon. "Grim ano yun? Baka---." "Lagi akong nakakatanggap nan." Putol ni Grim na kinatahimik ko ng ilang minuto. "Hindi niyo ba nirereport sa nga pulis?" Tanong ko kay Grim na nagsindi ng sigarilyo at balewalang sumandal sa railing. "Natural lang na magkaroon ng ganyan sa ganitong industriya." Bored na sagot ni Grim. "Pero---." "Ligpitin mo na yan dalhin mo na sa itaas, antayin kita dito." Utos ni Grim na kinatango ko bago inisa-isang ligpitin yun para itaas. 3rd Person's POV; Nang tumalikod si Gaizer para tumaas, sinundan siya ng tingin ni Grim na nakasandal sa railing. Nang mailagay na niya yun sa bakanteng kwarto na para sa mga gamit ni Gaizer dali-dali na itong lumabas para puntahan si Grim. Maya-maya nakarating na si Gaizer kung saan nag-aantay si Grim. "May lakad ba tayo ngayon?" Takhang tanong ni Gaizer habang pilit na inaalis ang pag-aalala niya sa binata. "Gagawa ng music video para sa recent album ng TK." Sagot ni Grim bago tumalikod at naunang maglakad pababa. "Talaga?!" Excited na habol ni Gaizer sa alaga. "Pahingi ako ng copy ah!" Ani ni Gaizer at huminto sa likuran ng binata na nakapamulsahang naglalakad. "Kukuha ako agad ng copy kung ipagluluto mo din ako mamaya ng dinner." Ani ni Grim. "Sige! Yun lang pa--- wait? Dadaan ba muna ako sa penthouse niyo bago umuwi?" Tanong ni Gaizer nang nasa palapag na sila papunta sa opisina ni Grim. "No, sa apartment mo na since ikaw maraming stock." Ani ni Grim habang dinidedma ang tingin sakanila ng mga staffs. "Oo nga noh, wala kang stock sa penthouse mo puro beer at tubig lang yata laman nun." Ani ni Gaizer hanggang sa mapatigil siya sandali ng mag beep ang phone niya na nasa bulsa. From: Apollo G. Alam kong kabuntot mo si Vergara sabihin mo sa putanginang yan pumunta siya sa opisina ko para kausapin ang exclusive secretary ng CEO. Napatigil sandali si Grim ng mabasa ang message at tiningnan si Grim na huminto sa paglalakad nang mapansing hindi na sumusunod ang manager. "Nagtext si Apollo pumunta ka daw sa opisina niya." Ani ni Gaizer matapos humakbang palapit sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD