07

1967 Words
Chapter 7 3rd Person's POV; "Ayos na ba si Gaizer?" Tanong ni Keehan ng makita si Grim na pababa at nagsusuot ng damit. "Okay na siya, nasan ang iba?" Tanong ni Grim ng makitang si Keehan at Elliseo lang ang nasa living room. "Kinaladkad nina Apollo at Jaxon ang caretaker niyo." Sagot ni Keehan. "Tuloy ba tayo ngayon sa party?" Tanong ni Elliseo ng makitang nakapajama at t-shirt na lang ang kaibigan. "Kayo na lang pumunta, hindi na ako sasama." Walang emosyong sagot ni Grim bago humakbang papasok ng kusina. "Pero ang CEO mismo ang nagpahanda nun para sa TK, malalaking tao ang imbitado dun at siguradong andun ang ama mo." Ani ni Elliseo matapos sundan si Grim sa kusina kasunod si Keehan. "Hindi ko na pwedeng iwan dito si Gaizer kaya kayo na lang, kayo na bahala kung anong idadahilan niyo." "Mas mahalaga si Apollo sa grupo siya ang leader kaya dapat andun siya." "Mas maganda kung kumpleto tayo Grim." Sabat ni Keehan na kinibit-balikat ni Grim. "Hindi ako mahilig sa party, anyway." Napasapo na lang sa noo si Elliseo at napailing si Keehan ng ngisian sila ng kaibigan. Gaizer Marshall's POV; Habang busy ang TK sa pag papractice ng araw na ito, ako naman busy sa pag-aayos ng dressing room ng TK kahit trabaho na ito ng mga staffs. Bilang manager trabaho ko pa din icheck ang make ups, perfume at mga regalong galing sa fans ng Tk. "Pakipalitan ang make up na ito Eunice, allergic si Keehan sa mga ganitong brand." Utos ko sa isa sa nga make up artist ng TK. Matapos kong icheck ang mga make up, chineck ko naman ang mga perfume na ginagamit ng TK. Iba-iba sila ng ginagamit na perfume at madalas nagkakamali ng kuha ang mga staffs o nagkakapalit-palit ng lalagyan. Minsan ng nangyari yun lalo na yung nagka-allergy si Keehan na naging dahilan para magwala si Jaxon before ang concert at nagkapalit ng pabango si Elliseo at Apollo na naging dahilan naman para malate sila sa isang t.v interview dahil hindi gusto ni Apollo ang pabango ni Elliseo. Dahil dun ako na mismo ang nagchecheck ng ginagamit nila since bilang full time manager tinirain ako dito. "Rea pabango ito ni Keehan bakit nasa lalagyan ni Elliseo sabi ko diba icheck niyo mabuti ang mga gamit ng TK bago niyo ilagay sa lalagyan nila." Kalmadong sambit ko sa pinakabatang staff. "S-Sorry manager, hindi ko alam." Natatakot na sambit ni Rea. "Ayos lang sa susunod icheck niyo muna mabuti bago kayo magpalit ng pabango ng TK pag naubusan ng stock." Bilin ko na kinatango ng babae. Matapos kong icheck ang pabango ni Apollo, chineck ko naman ang pabango ni Grim na kinatigil ko dahil napakapamilyar ng amoy na ito. "Nagrequest ba ng bagong pabango si Grim?" Tanong ko kay Rea na nasa likuran ko lang kanina na biglang nawala. "Anong ginagawa mo dito wala kang practice?" Tanong ko ng makita ko sa reflection si Grim na nakasandal sa pintuan at mukhang siya ang nagpalabas sa mga staff. "Medyo nangangati na ang lalamunan ko kaya nagpaalam muna ako kina Apollo." Walang emosyong sagot ni Grim. Atleast lumampas sa limang salita ang sinagot niya diba? "Maganda daw sa lalamunan ang pinaghalong lemon at honey gagawan kita mamaya." Ani ko bago binaba ang pabango ni Grim. Hanggang sa naramdaman ko na lang siya sa likod ko at pag-angat ko ng tingin napatigil ako ng nakatungkod na ang dalawang kamay niya sa gilid ng lamesa at nasa pagitan na ako ng mga braso niya. "Hindi ka ba natulog kagabi? Namumungay mata mo." Medyo mabigat ang boses na tanong ko para idistract ang sarili ko sa pagkatulala sa mukha ni Grim. Pawisan ito pero mas nagpadagdag pa yun sa karisma niya at nagpataas pa yata ng s*x appeal niya. Hindi ako naattract sa kahit na sinong lalaki pero iba kay Grim pakiramdam ko hindi na ako masasabing straight dahil sa sira ulong nasa likuran ko na nakatitig din sa mukha ko mula sa reflection. "Hindi ko alam kung anong trip mo ngayon Grim pero baka may makakita satin na ganito ang pwesto, ano pang isipin." Ani ko bago umiwas ng tingin at damputin ang hair spray na malapit sa pwesto ko. "Nag rerecharge lang ako." Para akong nabato sa kinatatayuan ko ng yakapin niya ako mula sa likod. Hindi ako nag aassume pero--- napapatawad niya na ba ako?Tinatanggap niya na ba ulit ako. Gusto ko magtanong pero natatakot baka hindi ko nanaman magustuhan ang sagot niya, masaktan nanaman ako. Nasa ganun kaming pwesto hanggang sa bumukas ang pinto na kinatingin ko. Nang lingunin ko ang pinto napatigil ang ilang staffs ng makita kaming dalawa sa loob, hanggang sa mapatingin sila kay Grim na nakasandal na sa lamesa at titigan ang mga babaeng staff na ngayon ay parang mga kamatis na namumula. "Grim tara, kakausapin daw tayo ng producer para sa new album natin." Biglang sulpot ni Keehan sa pintuan. "Makikita ko din naman yan pag release." Bored na sagot ni Grim habang nakasandal sa lamesa at nakacross arm. "Ikaw ang kj mo! Tara." Napailing na lang ako ng kaladkarin ni Keehan si Grim matapos mag paalam sakin. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko hanggang sa lapitan ako ng ilang staff. "Manager close mo pala si Grim hihi." "Medyo matagal ko na din siyang kilala." Ani ko bago nginitian ang staff na kumausap sakin. "Akala ko loner si Grim hindi naman pala, may nilalapitan pa din siyang ibang tao bukod sa TK." Nakangusong sambit ng mukhang pinakamatagal na staff dito. "Buti ka nga nakakausap mo na siya o nakakalapit ka ng ilang metro sakanya, kaming mga staff dito hindi man lang niya kinakausap buti pa ang ilang miyembro medyo friendly ... si Grim lang talaga ang 100% snob." "Sayang nga eh sakanilang lima si Grim yung may pagkabad boy ang dating, tipo ng millenials." Napailing na lang ako ng magkanya-kanya ng chismisan ang mga staff tungkol sa TK. Tama din naman si Kat, sakanilang lima kasi si Grim yung may pagkabadboy at mainitin ang ulo habang si Keehan may pagka isip bata, si Jaxon may pagkamaloko, si Elliseo may pagkahappy go lucky at talagang open sa lahat ng tao habang si Apollo naman yung tipong may authority at nawawala pagdating sa asawa nitong si Wax. Iba-iba ang ugali ng TK kaya i just wondering kung pano sila nagkakasundo at nakakagawa ng magandang beat ng kanta kung iba-iba naman ang personality at ugali nila. "Manager hindi ka pa uuwi?" Tanong ng mga staff ng makita nilang inaayos ko pa ang mga kahon sa loob. "Maya-maya, mauna na kayo ingat sa pag-uwi." Ani ko habang binubuksan ang mga kahon na naglalamam ng mga props na gagamitin ng TK para sa music video nila. Nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto, umupo ako sa sahig at tiningnan ang mga laman nun habang iniingatan para hindi masira. Hindi ko alam kung ilang oras ko na ginagawa yun pero inaantok na talaga ako. Dahil sa tapos nanaman ako at wala pa ang TK sumubsob muna ako sa mga nakasarang kahon na inayos ko at iidlip sandali. 3rd Person's POV; "Umuwi na ba si Manager?" Tanong ni Keehan nang makitang pagpasok nila ng loob ng dressing room wala ang manager. "Tulungan na natin sa paghahanap si Grim baka mabaliw na ng tuluyan yun kahahanap." Yaya ni Jaxon ng ilang minuto na ang lumilipas wala pa din si Grim matapos magpaalam na hahanapin ang manager. "Hindi ba talaga nagtext sainyo si Marshall na uuwi na?" Tanong ni Apollo sa tatlong kasamahan. "Hindi uuwi yun nang hindi nagpapaalam lalo na hindi alam ni Grim." Sagot ni Elliseo habang hawak ang phone at ngumunguya ng bubble gum. "Ayun nakaaccess na ako sa CCTV ng buong studio." Napatingin ang tatlo kay Elliseo ng magsalita ito at iniharap sakanila ang phone. "Gwapo na nga ang galing ko pa." Pagmamayabang ni Elliseo na kinapokerface ni Apollo. "Ang pangit talaga ng habit mong yan Elliseo." Komento ni Apollo na ang tinutukoy ay ang panghahack nito. "Maganda namang past time yun ah." Depensa ni Elliseo. "Creepy ng past time mo, anyway text ko na si Vergara." Ani ni Keehan bago sumandal sa lamesa at kontakin ang kaibigan. "Anong bang ginagawa ni Manager sa stockroom?" Tanong ni Jaxon kay Elliseo na nakatitig sa phone. Nang hindi ito sumagot dumampot si Jaxon ng plastic bottle na nasa lamesa at binato si Elliseo na agad namang nailigan nang hindi siya tinitingnan. "Nakarating na yata si Vergara sa stockroom." Sagot ni Elliseo bago zinoom ang screen ng phone. "Wag kang magbiro ng ganyan Elliseo." Ani ni Keehan na kinatingin nina Apollo. "Nasa parking lot palang si Grim." Sagot ni Keehan na kinakunot noo ni Elliseo bago napaayos ng tayo at lumabas ng dress room. "Anong nangyayari?" Habol ni Jaxon kay Elliseo. "Tayo na lang ang nasa studio, kung nasa parking lot si Grim sino yung kasama ni manager na nakikita ko sa CCTV." Ani ni Elliseo habang pababa ng hagdan kasunod ang TK. Nang makarating sila sa palapag kung nasaan ang stockroom kinatok yun ni Elliseo habang si Keehan hinawakan ang doorknob. "Manager!" Sigaw ni Keehan habang pilit na binubuksan yun. "Anong nangyari?" Habol hiningang sambit ni Grim ng makarating siya sa stockroom. "Lock ang pinto Grim at natutulog sa loob si Manager." Nag-aalalang sambit ni Elliseo na kinakunot noo ni Grim bago kinalampag ang pinto. "Gaizer!" Sigaw ni Grim hanggang sa bumukas yun at---. "TK ang ingay niyo." Inaantok na sambit ni Gaizer habang kinukusot ang mga mata niya nang bigla siyang yakapin ni Grim na kinagising ng diwa ng binata, habang sina Keehan naman ay pumasok sa loob at chineck ang paligid. "A-Ano bang nangyayari Grim? Natulo---." "What the heck are you thinking Marshall?! Natutulog pwede namang sa opisina ko diba? dito pa talaga sa stockroom!" Bulyaw ni Grim na kinayuko bahagya ni Gaizer. "S-Sorry wag ka ng magalit, iidlip lang naman sana ako." Bulong ni Gaizer. "Wala naman Elliseo." Napatingin si Gaizer kina Keehan nang parang may mga hinahanap ito sa loob at binubuksan ang cabinet na nandun. "May nawawala ba kayo? Baka nailagay ko sa kaho---." "May nakita akong tao dito Gaizer may kasama ka ba kanina?" Tanong ni Elliseo na kinatingin ni Gaizer kay Grim na nakakunot ang noo sakanya. "O-Oy teka." Ani ni Gaizer habang nakataas ang kamay at aatras siya ng hapitin siya ng binata na kinaiskip nang paghinga ni Gaizer. "Nagchecheat ka sakin?" Walang emosyong tanong ni Grim na kinalaki ng mata ng binata. "No!" Mabilis na sagot ni Gaizer bago tumikhim at umiwas ng tingin. "I-Imean tulog ako kanina at mag-isa lang ako dito dahil maaga umalis yung mga staffs." Sagot ni Gaizer habang hawak ang batok at hindi mapakali dahil sa sobrang lapit ng katawan ni Grim sakanya. "Baka ilaw o mga manequin lang nakita mo Elliseo since may apat dito." Ani ni Jaxon bago tinuro ang mga manequin na nasa loob. "Elliseo wag kang nanakot ah, mag-isa lang talaga ako dito." Ani ni Gaizer. "Pano ka nakakasigurado tulog ka nga manager." Ani ni Elliseo bago inakbayan ang manager matapos bitawan ni Grim. "Kung balak mo palitan si Grim ako dapat unang makakaalam, kampi tay---." "Back off Revolledo." Putol ni Grim bago tinabig ang kamay ni Elliseo na nasa balikat ni Gaizer. "Umuwi na tayo, maaga pa tayo bukas." Walang emosyong yaya ni Grim bago naunang lumabas. "Napaka moody talaga ng siraulong yun, kanina halos ikutin na ang buong studio para hanapin si manager tapos ngayon siya pa nangiwan." Ani ni Keehan na kinatawa ni Gaizer. "Tara na kuhanin muna natin mga gamit niyo." Yaya ni Gaizer sa TK at dinedma ang kanya-kanyang komento ng TK sa attitude ni Grim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD