09

1974 Words
Chapter 9 3rd Person's POV; "Tatanggalin niyo si Grim?" Kunot noong tanong ni Apollo matapos sila kausapin ng secretary ng CEO. "Yun ang napagkasunduan ng board member, since ayaw makipag participate ni Grim at pumirma ng iba pang contract para sa---." "Teka lang." May diin na sambit ni Elliseo. "As far as iknow sobra-sobra pa ang nakukuha niyo mula samin ilang contract ang pinirmahan ni Apollo at Keehan nitong month diba? Bakit niyo pag didiskitahan si Grim?" Tanong ni Elliseo. "It's okay for me, after ng next concert aalis---." "Fine aalis din ako." Putol ni Elliseo. "Aalis din ako." "Hindi na ako magrerenew ng contract." Segunda ni Keehan na kinalaki ng mata ng secretary. "Hindi pwede yun! Si Grim lang ang---." "Ako ang leader ng TK Mr.Reyes at kung may magdedesisyon man about sa kontrata namin sainyo ... ako yun." Ani ni Apollo na kinatingin ng TK. "Hindi ang agency niyo lang ang bubuwag sa TK, kung aalisin niyo si Grim kalimutan niyo na ang kontrata." "Wala akong balak sirain ang grupo ko dahil sainyo, willing kami magbayad kahit magkano para sa contract at rest kayo na bahala." "Apollo." Ani ni Jaxon matapos titigan ni Apollo nang sobrang sama ang tingin sa secretary na agad namutla. "Sabihin mo sa CEO pag isipan niyang mabuti ang desisyon dahil pag nawala ang isa sa TK sasabog ang agency kasama kayo." Walang emosyong sambit ni Apollo na kinahinga ng maluwang ni Gaizer na nasa gilid ng pinto, sa pag-aalalang mabubuwag ang TK. Agad din siyang napangiti matapos umalis ng secretary na halos mawalan ng kulay nang titigan siya ni Apollo. "Grabe masyado silang gahaman, sobra-sobra na nga yung contract na hawak natin na lampas sa pinag-usapan na dapat kukuhanin ng grupo ... pati si Grim pagdidiskitahan nila." Inis na sambit ni Keehan. "Ikaw Vergara alam kong isa't kalahati kang tamad pero sana kumukuha ka naman kahit isang kontrata para lang sa grupo." Asik ni Apollo kay Grim na kinangiwi ni Gaizer. "Kausapin mo si Gaizer siya, pipili ng contract para sakin." "H-Ha?" Ani ni Gaizer na kinatingin nina Jaxon. "T-Teka bakit ak--- ako na nga pipili hehe." Alanganing sagot ni Gaizer matapos siya tingnan ni Grim. "Sigurado namang hindi tayo aalisin ng CEO, hello we're on the top pa rin naman ... baka pilahan pa tayo ng mga agency." Ani ni Keehan na kinibit balikat ni Jaxon. "Kaya naman natin magbayad kahit magkano kaya, I don't mind kung tanggalin nila tayo." "Inuman kaya muna tayo day off naman natin bukas diba?" Yaya ni Elliseo. "Bukas na tayo mag inuman, kapagod." Walang buhay na sagot ni Grim. "Tangina mo ikaw pa napagod hindi ka nga nagpractice." Asik ni Elliseo na kinatawa ni Gaizer dahil sa pagmumurahan ng TK at pagsusumbatan. Dahil sa sumang-ayon din si Apollo na bukas na mag-inuman, hinatid niya na isa-isa ang TK gamit ang company car at pumunta sila ni Grim sa apartment building niya. Dahil sa medyo maaga at marami pang tao, nagdisguise si Grim at nagpahuli nang pumasok sa apartment building. Gaizer Marshall's POV; Habang inaantay si Grim inisa-isa ko ng ilabas ang ingredients ng mga lulutuin ko para sa dinner naming dalawa. Ang dami ng naluto ko kaninang umaga at buti na lang talaga naubos ng TK kaya walang nasayang. Humirit pa nga bukas naman daw dadagdagan na lang daw nila kita ko na kinatuwa ko naman kasi extra income din yun. Habang naghihiwa napatigil ako ng may yumakap sakin mula sa likod, kung hindi ko siguro naamoy si Grim siguradong magpapanic ako. "G-Grim n-nagluluto ako." Mabigat ang hiningang sambit ko nang maramdaman ko ang mga kamay niya sa pagitan ng mga hita ko. "Mamaya na yan." Ani ni Grim na kinasinghap ko nang iharap niya ako at halikan sa labi. --- Nang gabing yun hindi na ako nakapagluto at ako ang ginawang dinner ni Grim, tangna lang kasi hindi naman siya lasing pero ayaw ako tigilan kung hindi niya lang ako nakitang latang-lata hindi niya maiisip na patulugin ako. Dahil sa wala namang pasok at trabaho tanghali na kaming nagising ni Grim, nauna akong pumasok sa bathroom habang si Grim mukhang natulog ulit. Medyo paika-ika pa ako dahil sa pagkirot ng balakang ko daig ko pa pinasukan ng troso sa sakit, tangna. Pagkabukas ko ng shower napatigil ako ng may magpihit nun at pinalitan ng hot water. "Grim." Ani ko ng paglingon ko nakita ko si Grim nasa loob ng bathroom na kala ko ay natulog ulit. Napalunok ako nang mapagmasdan ang katawan ni Grim, malapad ang dibdib niya may 8packs abs pero hindi ganun kalaki ang katawan na kinapagpasalamat ko dahil major turn off sakin yung bato-bato na talaga. Dahil nung mga nakaraang buwan nakapikit ako tuwing nag aahem kami, at yun din yung second time na nakita ko ang tattoo niya sa kaliwang bahagi ng waist na una kong nakita nung last concert nila... kung tama ako may ganito din na tattoo ang TK sa iba’t ibang bahagi ng katawan, pero ewan ko ba simple lang yun at lahat meron sila, pero para sakin pag nasa katawan yun ni Grim napakaganda at gustong-gusto ko laging hawakan. "Stop staring me Marshall, baka makalimutan kong may masakit pa din sayo at---." "S-Shut u-up, l-liligo lang muna ako." Nag-iinit ang pisnging sambit ko bago kuhanin yung soap na kinangiwi ko nang subukan ko na tumingkayad para abutin yun. "See? Ako na." Ani ko bago abutin yun na kinatuyo ng lalamunan ko. "P-Papaliguan mo ako?" Tanong ko matapos niya maglagay ng shampoo sa kamay at iangat yun para ilagay sa buhok ko. "Hindi ba halata?" Bored na tanong ni Grim na kinagat ko sa labi para idistract ang sarili ko nang halos kapusin ako ng hininga dahil sa lakas ng t***k ng puso ko. Habang tinititigan si Grim hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko kung magagawa ko pa bang lumayo sakanya after niya ako mapatawad. Magagawa ko kaya yung sinabing lalayo ako once na mapatawad niya na ako? kung ang totoong nais ko manatili sa tabi niya habang buhay. Ngayon alam ko na ang pakiramdam na mabaliw sa taong imposible maging sayo katulad ng laging nirereklamo ni Grim nung bata pa lang ito. Sana maibalik ko pa ang oras, yung time na hindi pa ako ni Grim kayang mawala at wala akong asawa. Siguro kung nagkakilala kami ni Grim sa tamang oras, panahon at pagkakataon siguro hindi kami ganito. Matapos niya ako paliguan ng maayos, imean sobrang ayos talaga kasi kahit yung private part ko, ano--- basta 'yun' nilinisan niya na hindi ko alam kung kasama yun sa care niya o nanan-tshing na siya. 'Haist ano naman kung ganun, halos lahat na yata ng parte ng katawan ko nakita niya na at nahawakan tiyaka pa ba ako mag-iinarte.' Nang lumabas ako ng bathroom dahil maliligo na si Grim, binuksan ko na ang closet sa apartment ko at naghanap ng susuutin pero yuyuko pa lang ako para kumuha, kusa nang gumusot ang mukha ko dahil sa pagkirot. "Ako na." Napatigil ako ng may humila sakin paupo ng kama at makita ko si Grim na pumipili ng mga susutiin ko. Nag-init yata ang dalawang pisngi ko nang lumuhod si Grim at siya mismo nagsuot ng boxer ko at pajama, seryosong-seryoso siya habang ako halos magkulay kamatis na ang mukha ko dahil sa hiya. "G-Grim h-hindi mo kailangan gaw---." "Ako ang may kasalanan kaya hindi ka makalakad ng ayos." Putol ni Grim na mas kinapula ko at kinaiwas ng tingin. "Maliligo lang ako then kain na lang tayo mamaya sa labas." Ani ni Grim magsasalita ako nang pumasok na siya sa bathroom para,siguro ipagpatuloy ang pagliligo since naka-towel lang siya kanina. Kaya ko pa naman siguro magluto para sa'ming dalawa. 3rd Person's POV; "Dito na lang tayo, walang gaanong tao." Ani ni Gaizer matapos ihinto ang kotse sa tapat ng isang restaurant. Hindi umimik si Grim at walang salita na sinuot ang hood at sunglasses nito. Matapos nila bumaba ng kotse agad sila sinalubong ng waiter para iwelcome at paupuin sa isang vacant table. Napatingin sa kabilang direksyon si Grim nang mapansin na medyo madami ang napatingin sakanila. "Konti pala ah." Bulong ni Grim na kinangiwi ni Gaizer at kinakamot sa batok dahil marami nga ang nasa loob na ngayon niya lang napansin dahil nung nasa labas sila mukha itong maliit na kainan lang. "Hala! Pasensya na Grim hindi ko sinasadya." Alanganing bulong ni Gaizer lalo na halos karamihan nang nasa loob puro couples. "Hayaan mo na." Bulong ni Grim habang pasimpleng inayos ang suot na hood at pinagmasdan si Gaizer na iniikot ang paningin sa restaurant. "Sir, ito na po ang menu niyo." Kinuha ni Gaizer ang mga menu at inabot kay Grim yung isa, na agad din namang binaba. "Ikaw na umorder nang para sakin." Ani ni Grim na kinatakha ni Gaizer nung una pero hindi na ito nagtanong. "Hey yo brother in law." Nabitawan ni Gaizer ang menu nang may taong binagsak ang kamay sa menu na kinaangat ng tingin ni Gaizer. "Hindi ko alam kung anong trip mo Seth pero hindi na ako natutuwa sayo." May diin na sambit ni Gaizer matapos makita ang lalaki kasama ang dalawa nitong barkada. "Akala mo ba nakalimutan ko na ang ginawa mo kay Stella ha?" May diin na bulong ng lalaki na kinagusot ng mukha ni Gaizer dahil sa pagbanggit nito sa pangalang pinakaayaw niya. "Mabuti pa Seth umalis kana." Ani ni Gaizer habang pilit na pinipigilan ang galit na namumuo sa loob ng dibdib dahil sa paninira ng dati niyang asawa. "Ano bakit? Nahihiya ka? Dapat ka lang mahiya dahil bakla ka! Pinagpalit mo ang kapatid ko sa bakla!" Bulyaw ng lalaki na kinatinging ng mga tao sa loob ng restaurant. "Bakit sino naman itong kasama mo? Bagong laruan mo ha? O baka naman ito yung pinagpalit mo sa kapatid ko." Kusang nagdilim ang mukha ni Gaizer nang batukan nito si Grim na agad tumaayo, pero bago pa nito masuntok ang lalaki agad siyang pinigilan ni Gaizer. "Ano ha---." 'May nagkakagulo!' Mabilis na bumagsak si Seth ng suntukin siya ni Gaizer matapos pumagitna sakanilang dalawa ni Grim. "Manahimik ka Seth, dahil alam kong alam mo kung anong ginawa ng punyeta mong kapatid sa anak naming dalawa. Kung ayaw mong maniwala sa mga ebidensya pwes! wag kang mandamay ng iba at manahimik ka, isama mo si Stella." Puno ng galit na sambit ni Gaizer bago hinila si Grim palabas ng restaurant. Nang makarating sila sa sasakyan agad pumasok si Gaizer sa sasakyan kasunod si Grim na hindi inalis ang tingin sakanya. Tahimik na pinaandar yun ni Gaizer hanggang sa makarating sila sa isang bakanteng lote at walang tao. Lumabas si Gaizer na agad sinundan ni Grim hindi pa ito nakakadalawang hakbang palapit kay Gaizer nang malakas na sinipa ni Gaizer ang puno at pinagsusuntok yun habang sumisigaw. "Gaizer." Bulong ni Grim nang makitang umiiyak ang binata hanggang sa mapaupo ito sa sahig at sinabunutan ang sarili. Iyak lang ng iyak ang lalaki hanggang sa maramdaman niya ang yakap ni Grim mula sa likod at halikan siya sa batok para pakalmahin. Nasa pagitan siya ng mga hita ni Grim habang pareho sila nakaupo sa sahig at nakakulong sa braso ng binata. Sa sobrang sakit at galit na nararamdaman niya pakiramdam ni Gaizer anytime sasabog siya, ni hindi niya maramdaman ang yakap ni Grim dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman. "Andito lang ako ... Gaizer." Bulong ni Grim habang yakap ang katawan ng binata at nakakulong sa mga braso niya. "Galit ako Grim, galit na galit ako ... bakit kailangan idamay ni Stella ang anak namin para makuha ang gusto niya, bakit ang anak ko pa?" puno ng sakit na sambit ni Gaizer, habang nakayukom ang kamao at nakasiksik kay Grim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD