16

1855 Words
Chapter 16 3rd Person's POV "Manager, gabi na. Manager." Napabalikwas si Gaizer matapos magising ng marinig ang boses ni Keehan. Napatingin ito sa oras at nanlaki ang mata niya matapos makita na gabi na. "Holyshit! G-Gabi na bakit hindi niyo ako ginising?" tanong ni Gaizer matapos ayusin ang sarili at tingnan ang apat. "Hindi ka nga dapat namin gigising kaso ayon malalim na talaga ang gabi." "Pasensya na talaga!" "Teka manager! Hindi mo kailangan yumuko! Ayos lang iyon alam naman namin na pagod ka," pigil ni Keehan matapos yumuko ang lalaki sa harap nila dahil sa hiya. "Wala naman kaming schedule ngayon. Nag-practice lang kami kaya wala ka na dapat ipag-alala. "Kahit na. Manager niyo pa din ako." "Kaibigan ka din namin manager at hindi bigdeal iyon. Easy ka lang," natatawa na sambit ni Keehan. Napakagat si Gaizer sa labi dahil sa idea na hindi niya na talaga nagagawa ng maayos ang trabaho niya. Nahihiya na siya sa mga inaalagaan. "Ihahatid ko na kayo pauwi pasensya na talaga." "Umuwi na tayo para makapag-pahinga kana din manager," ani ni Elliseo. Kinuha ni Gaizer ang jacket. Napatigil ito matapos makita na may dalawang unan sa hinigaan niya at blanket. Niligpit niya muna iyon at tinupi. Napatigil ito matapos maamoy sa unan ang pamilyar na amoy ni Grim. "Apollo. Pumunta ba dito si Grim?" tanong ni Gaizer. "Hindi," sagot ni Apollo bago tiningnan ang mga unan at kumot na hawak niya. "Kinuha ko 'yan sa office ni Grim. Nagpaalam naman ako don't worry," sagot ni Apollo na kinatingin nina Elliseo. "S-Salamat," mababa ang boses na sambit ni Gaizer bago binaba iyon sa sofa matapos ayusin. Nauna lumabas si Gaizer kasunod si Keehan at Jaxon. "Buti na lang ikaw tinanong ni Gaizer. Hindi ko alam kung anong binabalik ni Grim pero tama pa ba ang ginagawa niya kay Manager?" inis na tanong ni Elliseo. Pababa na sana sila nang building ng masalubong nila sina Grim at Tricia. Nakapulupot ang braso ni Tricia sa braso ni Grim at mukhang paakyat ang mga ito. "Dude hindi ka pa uuwi?" "Mauna na kayo. Ihahatid ko pa si Tricia sa kanila," sagot ni Grim matapos tapikin si Apollo sa balikat at hindi tinapunan ng tingin si Gaizer. Naglampasan ang dalawa na kinatingin ni Keehan kay Gaizer na tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Palabas na sila ng huminto si Gaizer at nilingon si Grim. Pasara na ang pinto ng elevator at nakita niya na lang na magkahalikan ang dalawa. Hinawakan ni Keehan si Gaizer na kinayuko ng binata. "Umuwi na tayo," bulong ni Gaizer. Lumabas ba sila sa building at tinungo ang parking lot. Habang nasa byahe lumulutang ang isip ni Gaizer. Hinawakan ng binata ang manubela at dahil wala sa sarili si Gaizer hindi nito napansin anv stop light. "Manager!" sigaw ni Elliseo ng hindi napansin ni Gaizer na nag-red ang stop light. Nakabig ni Apollo ang sasakyan at tinapakan ang break matapos mataranta ni Gaizer. Nanlaki ang mata ng binata at nanginginig na napasapo sa noo. "Ako na magda-drive Manager," ani ni Apollo. Bumaba na ang binata sa passenger seat kaya wala na nagawa si Gaizer kung hindi lumipat sa passenger seat. "Manager, kung si Grim ang dahilan mas mabuti na mag-usap na kayong dalawa." "Ano naman sasabihin ko Keehan?" tanong ni Grim matapos sumandal sa upuan at tinakpan ang mata gamit ang mga braso. "Wala naman ako dapat sabihin," bulong ni Gaizer habang nakayukom ang kamao. Pinaandar ni Apollo ang sasakyan. Nanatiling tahimik lang ang TK hanggang sa maihatid na ito sa kani-kanilang bahay. "Apollo, umuwi kana. Huwag mo na din ako ihatid," ani ni Gaizer. "Kaya ko na mag-driver." "I don't think so. Muntik na tayo maaksidente kanina." Nakagat ni Gaizer ang labi matapos iyon sabihin ng binata. Napayuko si Gaizer ay hinayaan na lang ang lalaki mag-drive. "Wala akong idea sa nangyayari sa inyo ni Grim dahil wala din sa amin sinasabi si Grim. Pero hindi dahilan na wala kang sasabihin para hindi mo siya kausapin." "Lalo na kung puro tanong ang nasa isip mo at gusto mo malinawan." Hindi umimik si Gaizer dahil iyon ang salitang kailangan niya. Sagot ang kailangan niya. "Ibaba mo na lang ako dito. Magtataxi na lang ako. Babalik ako sa studio," ani ni Gaizer. Hininto ni Apollo ang sasakyan. Agad bumaba si Gaizer pero bago niya maisara ang pinto yumuko si Gaizer at tiningnan si Apollo. "Salamat," ani ni Gaizer. Sinara niya iyon at tumakbo patawid sa kalsada. Sinundan lang siya ng tingin ni Apollo. "Nag-aalala ako," bulong ni Apollo habang nakatingin kay Gaizer na pasakay ng taxi. Bumuga ng hangin ang binata bago kinuha ang phone at nag-dial ng number. -- Nang makababa siya sa taxi. Mabilis siya pumasok sa studio nakita niya pa duon ang gwardya na agad niya binati. "Dumaan na ba si Grim?" tanong ni Gaizer sa gwardya. "Nasa loob pa. Si Ms.Tricia lang nakita ko na lumabas, " ani ng gwardya. Nagpasalamat ang binata at tinungo ang elevator. Pinindot nito ang floor kung nasaan ang office ng TK. Huminga ng malalim si Gaizer matapos huminto ang elevator at bumukas iyon. Lumabas na ang lalaki at naglakad patungo sa office ng lalaki. Nang makarating siya sa harap ng pintuan ng office ni Grim. Kumatok muna si Gaizer bago binuksan iyon. Wala duon ang lalaki kaya sinara nito ulit ang pinto. Naglakad-lakad ang lalaki sa floor na iyon hanggang sa makarinig siya ng mahinang tunog mula sa practice room. Huminto siya sa harap nuon at nakitang hindi ito nakasara. Binuksan iyon ng binata at duon nakita niya si Grim. Sumasayaw ito at tila walang pakialam sa paligid. Naka-itim lang ito na sando at jeans. Simple lang ang suot nito para sa ordinaryong tao pero hindi sa isang Grim Vergara. Mukha pa din itong rarampa kahit pawisan ito at simpleng outfit lang ang suot. Bawat galaw ng lalaki sinusundan ng tingin ni Gaizer. Hindi pa din maiwasan ni Gaizer humanga sa mga talento ni Grim lalo na sa paraan ng pagsasayaw nito. Napatigil sa pagsasayaw si Grim at pinatay ang speaker matapos makita si Gaizer. "Akala ko ba umuwi na kayo? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Grim. Bahagyang yumuko si Gaizer at pumasok matapos manuyo ang lalamunan niya sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. "G-Gusto lang kita m-makausap at—at humingi din ng s-sorry sa inasal ko," bulong ni Gaizer. Lumapit si Grim sa kabilang sulok ng room at dinampot ang lalagyan ng tubig na nanduon. "About saan? Kung about sa schedule. Binigay na sa akin ni Apollo kanina kaya hindi mo na ako kaila—." "Hindi ito about sa work," bulong ni Gaizer na kinatingin ni Grim. Uminom muna ito ng tubig bago hinarap ang lalaki. Hindi nagpakita ng emosyon si Grim kaya halos manlumo ang lalaki sa mga idea na pumapasok sa isip niya. Grim Marshall's POV; Ang daming pumapasok sa isip ko pero mas mabuting kung kay Grim na manggagaling. Para hindi na din ako maguluhan at malaman ko na kung saan ako lulugar. Habang tinitingnan ko ngayon si Grim feeling ko nagback to zero ang lahat. Ganitong-ganito ang expression niya 'nong una kaming magkita. Hindi ko siya mabasa. Hindi ko na naman siya makilala. "Titingnan mo na lang ba ako? Akala ko ba may sasabihin ka?" malamig na sambit ni Grim. "Ikakasal kana. Ibig ba sabihin 'non tapos na usapan natin?" lakas ang loob na tanong ko. Tiningnan niya lang ako bago tinaas ang gilid ng labi at sinagot ako. "Ang usapan hanggang sa mapatawad kita diba? Napatawad na ba kita?" "Ipagpapatuloy mo pa din 'yong sa atin kahit ikakasal kana?" hindi makapaniwala na sambit ko. "Big deal ba iyon?" sagot ni Grim bago humakbang palapit sa malaking salamin. "Hindi naman masasabi na cheating iyon kung lalaki ka at papa kita diba?" "As long as pareho tayo nage-enjoy sa company ng isa't isa walang mali duon," dagdag ni Grim na kinaguho ng mundo ko. "Nahihibang kana ba! Hindi mo 'man lang iniisip ang mararamdaman ni Tricia!" 'Hindi mo din naiisip ang nararamdaman ko, damn you.' "Hindi ka babae anong ikagagalit ni Tricia?" sagot ni Grim na kinayukom ng kamao ko. "Hindi ko alam kung anong pinupunto mo, Gaizer," ani ni Grim bago ako nilingon. "Don't tell me gusto mo na hindi ko muna pakasalan si Tricia at hintayin ko ang araw kung kailan kita mapatawad para makapag-pakasal kaming dalawa." "O baka naman gusto mo na naman tumakas at talikuran ang usapan natin na dalawa." Napayuko ako. Bawat salita niya parang isa iyong malaking crane na dumudurog sa puso ko. Pumipiga at dumudurog. 'Ang sakit.' "Tatanggapin ko sige. Sorry kung nagtanong ako." "Hindi dapat ako umapila since kaya ako nandito para gawin lahat ng gusto mo. Mapatawad ako out of guilty diba?" ani ko bago inangat ang tingin ko salubungin ang tingin ni Grim. "Uuwi na ako sorry sa istorbo," ani ko bago ngumiti at humakbang palapit sa pintuan. Binuksan ko iyon at walang lingon na lumabas. Muntikan ko ng makalimutan. Kaya ako nandito para humingi ng tawad. Lahat ito ginagawa ko para lang sa kapatawaran niya. Habang siya ginagawa niya ang gusto niya para ma-satisfy at gumanti. Nang makapasok ako sa elevator napaupo ako sa sahig at napatakip sa mukha matapos sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. "Ganito ba ang nararamdaman ni Grim dati 'nong paulit-ulit ko siya nireject at tinulak palayo. Ganito ba talaga ito kasakit," umiiyak na sambit ko. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa bumukas ang pinto. Madami akong nakitang mga sapatos. Hindi ako nakagalaw hanggang sa may taong nagtakip ng makapal na jacket sa ulo ko at inalalayan ako tumayo. "Sino iyon?" "Hindi ko alam. Staff ba iyon dito?" Wala akong idea kung sino ang taong umaalalay sa akin ngayon palabas pero malaki ang pasasalamat ko dahil kung nakita ako ng mga staff sa studio malaking issue iyon at baka madamay pa ang TK. Bakit ba nawala sa isip ko na working hour pa din iyon at nasa studio ako. Nang mukhang nasa parking lot na kami. Tinanggal ng kung sino 'mang tao ang jacket na nasa ulo ko. Imbis tingnan siya nanatili ako nakayuko para itago ang mukha ko. "Huwag mo nv itago anv mukha mo. Alam ko na umiiyak ka." Pinunasan ko ang pisngi ko at napaangat ng tingin. Napatigil ako ng makita ko si Bazile. Kahit naka face mask ito at cap alam kong siya ito dahil dalawa lang ang kilala kong tao na may iisa ang mukha. Kahit nakatakip ang mukha niya sa mata pa lang nito at boses alam ko na siya ito. "Bazile anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Gugusutin ko ang mata ko ng hawakan ni Bazile ang kamay ko para pigilan. "Madumi 'yang kamay mo ipupunas mo sa mata mo," ani ni Bazile bago inabot ang panyo na nasa bulsa niya. "A-Anong ginagawa mo dito? Pupuntahan mo ba si Grim?" bulong matapos kuhanin ang panyo at yumuko. "Pumasok na tayo ng kotse. Masyado madaming tao dito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD