17

1721 Words
Chapter 17 3rd Person's POV; Buong byahe salita lang ng salita si Gaizer. Mga reklamo nito at hinaing sa lalaki. Sa sobrang sama ng loob niya nakalimutan ni Gaizer na kakambal ni Grim ang taong kausap niya. Huli na ng marealize ito ng lalaki kaya napatingin ito sa binata na nanahimik lang. "Bakit tumigil ka?" "Nasabi ko ba talaga 'yon?" tanong ni Gaizer. "Alin? 'Yong walanghiya si Grim, manhid at walang puso?" Nakagat ni Gaizer ang gilid ng labi matapos ulitin ni Bazile lahat ng sinabi niya. "Hindi kami close ni Grim. Hindi mo kailangan mag-alala na baka isumbong kita." "Then anong ginagawa mo sa harap ng studio?" tanong ni Gaizer. "Tinawagan ako ni Apollo." "Nakauwi na si Apollo," sagot ni Gaizer. Hindi na umimik si Bazile. Tamad siya magsalita kaya hindi na lang nito sinabi na inutusan siya ni Apollo na puntahan ang binata sa studio at dahil bored siya sumunod na lang ito. Gaizer Marshall's POV; "Magsalita ka pa," ani ni Bazile na kinatingin ko. "Hindi ka pa tapos diba?" "Ayoko tama na 'yong kakahiyan na mga sinabi ko kanina." "Nakikinig lang ako," ani ni Bazile. "May idea ka naman na ang kupal mong kakambal ang sinasabi ko diba?" "Eleven times mo na sinabi ang buong pangalan ni kuya." Hindi ko alam pero siguro dahil sa sama ng loob ko nailabas ko lahat kay Bazile o baka kampante lang talaga ako dahil tahimik siya. "Wala ka bang sasabihin?" tanong ko kay Bazile. "Like?" "Katulad ng sinabi mo sa akin sa party. Layuan ko si Grim." "Iyon naman ang mangyayari. Maghihiwalay pa din kayong dalawa." "Ikakasal na si kuya." Napababa ako ng tingin matapos pumasok sa isip ko ang idea na kahit na anong mangyari sa pagitan naming dalawa. Walang magbabago. Maghihiwalay pa din kami ng landas. Ikakasal na siya at magsasawa din siya sa akin. 3rd Person's POV; Dahil sa pagod kaiiyak nakatulog din si Gaizer sa byahe. Tiningnan siya sandali ng binata bago pinagpatuloy ang pagda-drive. Napatingin si Bazile sa side mirror ng sasakyan matapos mapansin ang puting USV na kanina pa sumusunod sa kanila. Nakita ng lalaki na palapit na sila sa alam niyang apartment building ni Gaizer. Imbis ihinto ang sasakyan pinagpatuloy nito ang pagdadrive. -- "Ohmygosh ayos lang ba si Gaizer?" ani ni Miguel matapos makita ang lalaki na buhat si Gaizer na natutulog. Pinapasok sila ni Miguel at dahan-dahan binaba ni Bazile nag binata sa sofa. "Bazile?" ani ni Elliseo matapos makita a ang binata. Nilingon siya ni Bazile na kinagulat ni Miguel. "Akala ko si Grim," ani ni Elliseo. "May sumusunod sa amin kanina." "Nasaan si Grim at ikaw ang kasama ni Manager?" tanong ni Elliseo. Tinaas ni Bazile ang phone at pinakita nito call logs ng phone niya. "Si Apollo?" "Nevermind, ako na lang magtatanong." "Aalis kana?" tanong ni Miguel. Hindi siya pinansin ng binata at tuloy-tuloy na lumabas ng unit. "Anong na naman nangyari kina Grim?" tanong ni Miguel bago lumapit sa sofa kung saan hiniga ni Bazile ang kaibigan. "Ano bang ginagawa ni Grim kay Gaizer?" bulong ni Miguel hanggang sa makita nito ang pagtulo ng luha ni Gaizer at ang mahinang pagtawag nito sa pangalan ni Grim. Nakatingin lang si Elliseo sa binata hanggang sa mag-ring ang phone nito at makita sa caller ang pangalan ni Apollo. Kinabukasan nagising na lang si Gaizer sa isang kwarto. Bumangon ang lalaki at inilibot ang paningin sa paligid. "Mabuti naman gising kana," napatingin si Gaizer sa pinto ng pumasok si Miguel na may dalang tray kasunod si Wax na may pag-aalala sa mukha. "Anong ginagawa ko dito? Anong oras na?" tanong ni Gaizer habang sapo ang noo. "Hinatid ka dito ni Bazile. Sinabi na din nina Elliseo na huwag ka muna daw pumasok sila na daw bahala mag-excuse sayo." Nayakap ni Gaizer ang mga tuhod nang umupo si Miguel at Wax sa kama. "Inumin mo ito. Ginseng 'yan inumin mo para bumalik ang lakas mo," ani ni Miguel. Inabot iyon ng lalaki sa binata na agad kinuha ni Gaizer. Gumusot ang mukha ni Gaizer at napahawak sa bibig ng maamoy nito ang nasa baso. "Gai!" napatayo sina Miguel ng maibaba ni Gaizer ang baso at napatakbo papasok ng bathroom. Sinundan ni Wax si Gaizer sa bathroom habang si Miguel nanatiling nakatayo sa loob ng kwarto at nakatingin sa baso na binaba ni Gaizer. Muntikan ng mapaupo si Gaizer sa tiles ng bathroom kung hindi siya agad naalalayan ni Wax. -- "Nagpacheck up kana ba?" tanong ni Miguel. "Ayos lang ako. Pagod lang siguro kaya ganito," ani ni Gaizer habang nakaupo sa kama at kumakain. "Gaiz mahprend. Hindi mo ba nakikita ang sarili mo ngayon?" Hindi nagsalita si Gaizer at yumuko na lang. "Bukas, sigurado na ayos na ako. Huwag ka ng mag-alala Miguel," nakangiti na sambit ni Gaizer bago tingnan si Wax. "Ano bang nangyari Gaizer? Dahil na naman ba kay Grim?" ani ni Miguel. "Gaizer tigilan mo na ito. Move on kana. Nag-aalala na kami sayo ni Miguel." "One of this month ikakasal na si Grim," napayakap si Gaizer sa tuhod. Sinabi nito lahat sa dalawang kaibigan ang nangyari kagabi. Napamura si Miguel at nanlaki ang mata ni Wax dahil duon. "Ohmygod! Tapos pumayag ka?!" hindi makapaniwala na sambit ni Wax. "Iyon naman talaga diba? Kaya ako bumalik?" "G-Gusto ko gawin lahat para mapatawad niya ako," naiiyak na sambit ni Gaizer. Nangingilid ang luha nito na tiningnan sina Wax. Ngumiti siya ng pilit at nagsalita. "Iyon naman kasi dapat diba?" "Anong iyon ang dapat? Gosh! Prenny! Hindi ka vibrator or s*x toy para gawin sayo iyon ni Grim." "Tao ka! Pren T-A-O." "Wax, ginusto ko ito. Ini-expect ko na din na mangyayari ito. Pero 'yong sakit nabigla ako." "Habang sinasabi 'yon ni Grim parang pinipiga ang puso ko at dinudurog." "Hindi malayo ang scenario na iyon sa palagi kong ginagawa kay Grim. Ngayon naiintindihan ko na kung gaano kasakit ipagtulakan ka palayo at 'yong idea na paulit-ulit ka pa din umaasa kahit nasasaktan kana," ani ni Gaizer na kinalambot ng expression ni Miguel. "Pero sobra na ang parusa mo Gaizer. Sobra na ito. Hindi kana naging masaya," bulong ni Miguel na kinatulo ng luha ni Gaizer. Agad iyon pinunasan ng binata at ngumiti. "Magiging maayos din ako Miguel. Hindi ko alam kung kailan pero alam ko mangyayari din 'yon." — "Sa tingin mo ayos lang si Manager?" tanong ni Jaxon kay Keehan habang nakatingin sa Manager na nakikipagtawanan sa ilang staff. "Mukhang ayos na naman siguro sila ni Grim kaya bumalik na sa dati si Manager," ani ni Keehan. Kasalukuyan silang inaayusan ng make up artist para sa photo shoot nang dumating si Grim. "Pasensya na nalate ako," ani ni Grim. Mabilis siya ini-assist ng make up artist at ilang staff. "May 4 minutes na lang tayo before mag-start," ani ni Gaizer bago kinuha ang jacket na dala ni Grim ag niligpit. Tinulangan na din niya ang ilang staff na ayusin ang mga susuutin ng TK para sa photo shoot. Habang inaayusan si Grim hindi maiwasan ng binata na tingnan si Gaizer na hindi 'man lang siya tinapunan ng tingin. Maya-maya matapos kausapin ni Gaizer ang designer. Lumapit si Gaizer sa binata dala ang ilang outfit. "Tapos na ba 'yan? Si Grim ang unang kukuhanan." Pinahawak ni Gaizer ang mga hawak na outfit sa isa sa mga staff at pumuwesto sa harapan ni Gaizer. Inayos nito ang ilang hibla ng buhok ni Grim. "Pakidagdagan ang hairspray ng buhok ni Grim." Nang magtama ang mata nila. Hindi nag-react si Gaizer at tinapik lang sa balikat si Grim. Lumapit din ang binata kay Apollo. "Pakidagdagan ang lip balm ni Apollo," ani ni Grim matapos hawakan ang labi ni Apollo. Hindi naman nag-react si Apollo pero hindi si Grim. Naging mailap ang mata nito na kinapako ng tingin ni Keehan sa kasama. "Nagpalit ka ng pabango Jaxon?" "Nahiya naman kasi ako manager. Sinabihan mong mabaho ang pabango ko," tatawa-tawang sambit ni Jaxon. "Pero mas mabango ka ngayon." "Narinig niyo iyon nag-compliment si Manager," tatawa-tawa na sambit ni Jaxon. "Manager, amoy tao na ba hindi aso?" sabat ni Elliseo. "Ikaw lang naman mukhang aso sa atin Elli boy!" "f**k that endearment," mura ni Elliseo. Kasalukuyan nakikipagkulitan si Gaizer sa ilang miyembro ng Tk nang tumayo si Grim. Kinuha nito ang susuutin niya at walang imik na pumasok sa dressing room. Pumasok na din ang ang assistant ng photographer at iniinform sina Gaizer n magsisimula na ang photoshoot. "Mauna na kayo. Hihintayin ko si Grim," ani ni Gaizer sa Tk. Lumbas na ang mga ito kasunod ang staff. "Grim, tapos kana magbihis?" tanong ni Gaizer bago lumapit sa pintuan ng dressing room. Bumukas iyon pero imbis lumabas si Grim. Hinila nito ang lalaki papasok at nagdidilim ang mukha na tiningnan si Gaizer na hindi 'man lang nag-react. "Kailangan mo ba ng tulong?" casual na tanong ni Gaizer. "Bakit mo ginawa 'yon?" "Alin?" "Hinawakan mo ang labi ni Apollo? Sinusubukan mo ba i-seduce si Apollo?" "Ganyan ba ang tingin mo sa akin?" "Kung oo ano naman sayo?" Nagdilim ang mukha ni Grim ngunit hindi umiwas ng tingin si Gaizer. Hindi siya nagpaapekto. "Hindi mo ba naririnig ang sarili mo Gaizer? Hindi mo 'man lang inisip ang iisipin nina Keehan," ani ni Grim na kinabuga ng hangin ni Gaizer. "Hindi ko alam kung anong pinagalalaban mo Grim. Kung isipin 'man nila na kaladkarin akong lalaki or what." "Sa tingin ko wala ka ng pakialam duon." "Kung may maikama 'man ako na ibang lalaki o may i-seduce ako. I think wala kana din pakialam duon." Aalis si Gaizer ng hablutin siya ni Grim at ibalya sa salamin na nasa dressing room. "Sa akin ka lang Gaizer. Huwag mong sagarin ang pasensya ko dahil kung gugustuhin ko ikukulong kita sa isang lugar na tayong dalawa lang ang tao at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." "Hindi ako 'yong tipo na pinatitikim sa iba ang natikman ko na," nagdidilim ang anyong sambit ni Grim bago binitawan si Gaizer at lumabas ng dressing room. Napahawak sa dibdib si Gaizer at napaupo sa sahig dahil sa bilis ng t***k ng puso niya. Hindi niya alam kung iyon ba ay sa takot o dahil sobrang lapit ng mukha ni Grim sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD