20

1885 Words
Chapter 20 Gaizer Marshall's POV All this time ako pala nagsimula nitong lahat. Pinaniwala ko ang sarili ko na bumalik ako para humingi ng tawad kay Grim kahit na ang totoo bumalik ako para ibalik sa akin si Grim. "H-Hindi pa naman huli ang lahat diba?" "Patawarin mo ako kasi sinungaling ako. Hindi ako naging totoo sa nararamdaman ko," ani ko. Tiningnan ko si Grim na bumangon. "Bumalik ako kasi gusto kita makita. Gusto ko ulit maging parte ng buhay mo." "Gusto ko na—." "Masasabi mo pa kaya 'yan kung sabihin ko na ako ang dahilan kung bakit nanganganib ang buhay mo ngayon?" putol ni Grim bago yumuko at sinubunutan ang sarili. "Grim anong sinasabi mo?" tanong ko. "Buntis ka Gaizer at matagal ko ng alam na pwede kang mabuntis katulad ni Miguel. Isa iyon sa naging ko way para hindi kana umalis sa tabi ko." Hindi ako nakapagsalita matapos sabihin iyon ni Grim. "G-Grim, hindi magandang biro 'yan? Paano ako mabubuntis?" hindi makapaniwala na sambit ko. Hindi nagsalita si Grim. Nanatili lang itong nakayuko at nakayukom ang kamao. Bumaba ang tingin ko at hinaplos ang sinapupunan ko. "Iyon ba ang reason kung bakit ako palagi nawawalan ng malay?" tanong ko. 'Anak namin ni Grim?' dapat ba akong magalit dahil nalaman ko ang reality na ginawa ito sa akin ni Grim dahil ayaw niya ako umalis or matuwa dahil dinadala ko ang baby namin ni Grim. "Ipalaglag natin nag baby," ani ni Grim na kinatingin ko. Sumalubong ang kilay ko at sa isang iglap nakaramdam ako ng galit kay Grim. "Kung ayaw mo sa akin Grim sabihin mo! Hindi ko ipapaako sayo ang baby ko at pakasalan mo si Tricia katulad ng plano mo!" sigaw ko na kinatigil ni Grim. Pesteng luha ito bakit tumutulo na naman. Pinunasan ko ulit ang pisngi ko na kinamura ni Grim. "Hindi kaya ng katawan mo Gaizer. Ayokong mawala ka. Sinabi na ng doctor na baka hindi kayanin ng katawan mo. Maaring pareho kayo mawala ng baby kapag—." "Pero papayag ka na mawala ang baby? Hindi kasalanan ng baby ito bakit siya kailangan magbayad." "Bubuhayin ko ang bata at hindi ko siya—." "Bakit hindi mo maintindihan na ikaw ang inaalala ko?! Mali ang ginawa ko! Kung alam ko lang na mangyayari ito hindi ko na ginawa." "Hindi ko hahayaan na ikaw ang maghirap dahil sa kasalanan ko. Hindi kayo ng baby." "Then buhayin natin siya. Hindi na tayo bata Grim," ani ko na kinatingin ni Grim. "Masyadong mahaba ang naging away natin na dalawa. Kahit minsan piliin naman natin maging masaya at totoo." "Itong baby. Ito lang ang naging tama. Siguro nga bunga lang ito ng maling mga desisyon natin pero itong baby binigay sa atin." "Buhay na ito. Anak natin pareho." "Dugo at laman natin dalawa. Walang kasalanan ang bata." "Gaizer, ayokong mawala ka." "Hindi ako mawawala. Mabubuhay kami ng baby. Mabubuhay ang anak natin na dalawa." "Tanggapin natin ang consequence. Magagawa natin lahat ito maitama." "This time magkasama na tayo diba?" tanong ko. Napatigil ako ng yakapin ako ni Grim. Sobrang higpit na yakap. "Totoo ba na gusto mo ako makasama? Hindi mo na ako iiwan?" tanong ni Gaizer na kinatingin ni Grim. "Ikaw ang nagsabi na aalis kapag napatawad mo ako diba?" "Ikaw lang mahilig sa atin magtulak palayo," ani ni Grim na kinayuko ko. "Hinanap kita. Hinabol kita hanggang sa airport. Hindi kana bumalik," bulong ko. "Hinanap kita Grim. Pinili kita pero huli na." "Tapos 'nong nagkita tayo natakot ako. Sinabi ko na aalis din ako kapag napatawad mo kahit hinanap kita kasi gusto kita makasama." "Kalokohan 'man pero mas nasaktan ako 'nong mawala ka kaysa nawala sa akin ang lahat. Pagtatakwil sa akin ng pamilya ko, pagkawala ng baby ko, panloloko ng dati kong asawa. Mas masakit pa din 'yong iniwan mo na lang ako bigla." "Wala na sa akin natira pero nagpatuloy ako kasi umaasa ako na kahit ikaw lang bumalik sa akin. Kahit ikaw lang," bulong ko bago isandal ang noo ko sa balikat ni Grim. "Gagawin ko lahat para maging stable ang lagay mo. Makakasurvive kayo ni baby," ani ni Grim matapos haplusin ang buhok ko. "Sorry," bulong ni Grim na kinatingin ko. "Pinatawad mo na ba talaga ako? Hindi kana ba gali—." "Kahit kailan hindi ako nagalit sayo. Nasaktan ako pero hindi ako nagalit." "Nasaktan ako sa reality na gusto mo lang patawarin kita at sinabi mo na after 'non aalis ka ulit." "Gusto mo bumalik tayo sa dati pero hindi iyon ang gusto ko. Ayoko sa idea na maging tatay ulit kita at maging pangalawa sa priority mo." "Ginawa ko lahat ng 'yon hindi dahil sa gusto ko gumanti o ano. Gusto ko alisin sa isip mo na hindi na ako bata at iba ang gusto ko." "Akala ko makukuntento na ako kapag nakuha na kita. Nakuha ko na ang katawan mo. Makakaya din kita pakawalan balang araw pero hindi." "Mas naghangad pa ako then narealize ko. Mas lalo akong nahuhulog sayo. Hindi nagbabago ang nararamdaman ko at mas lalong gusto na kita makuha ng buo." "Naging makasarili din ako. Gumawa ako ng sarili kong dahilan. Gumawa ako ng desisyon na mas nagpakumplikado sa atin dalawa." "Hanggang sa nalaman ko nga kay Miguel na pwede ka mabuntis. Ginamit ko iyon. Kung magkakababy tayo hindi kana aalis sa tabi ko." "Ngayon pinagsisihan ko hindi dahil sa magkakababy tayo o nagbago isip ko. Nagsisisi ako dahil maari kang mawala sa akin ng tuluyan." "Hindi kaya ng katawan mo ang manganak kahit pa sabihin na pwede tayo magka-baby." "Nakaya ko ng ilang taon na pagtingin-tingin sayo sa malayo. Pero Gaizer hindi ko kaya mawala ka habang buhay," ani ni Grim. "Hindi mangyayari 'yon lalo na nalaman ko na gusto mo pa din ak—." "Mahal kita, Gaizer." Hinaplos ni Grim ang pisngi ko at matama akong tiningnan. "Hindi nagbago iyon sa mga nakalipas na araw at taon." Tinitigan ko ang mata ni Grim. Parang may humaplos sa puso ko matapos makita ang expression ng Grim na kilala ko. Iyong mga mata na noon ko pa gusto makita at hinanap-hanap ko. Bumilis ang t***k ng puso ko matapos ako yakapin ulit ni Grim. "Mahal din kita, Grim. Mahal na mahal." Matapos namin mag-usap. Naging maliwan na sa amin lahat ni Grim. Sa isang iglap nagbago na din ang pakikitungo nito sa akin. Mas naging caring ito sa akin lalo na at magkaka-baby kami. Nagtatrabaho pa din ako pero hands on sa akin ang TK lalo na at binalaan sila ni Grim. "Putangina ka eh ikaw lang naman sakit sa ulo ni Manager," mura ni Elliseo. Naging going smooth naman lahat ng iyon. Mas naging open sa akin si Grim matapos namin mangako na hindi na kami magtatago sa isa't isa. "Kat, pakipalitan naman itong susuutin ni Keehan. Ayaw ni Keehan ng ganitong outfit. Masyado daw revealing," ani ko matapos kuhanin ang hanger na isa sa hawak ng staff. "Naku, nakalimutan ko. Sorry manager nakalimutan ko na ayaw ni Sir.Keehan ng ganitong damit." "Kat, mapapagalitan ka na naman ni head 'nan eh," sabat ng isa sa mga staff. "Kailangan niyo tandaan ang mga ayaw ng artist na handle niyo para hindi kayo mapagalitan. Kahit sa perfume, outfit or make up. Trabaho niyo mag-assist kaya dapat tandaan niyo 'yan kahit 'yong maliliit na detailed." Manager ako ng TK pero feeling ko padagdag ng padagdag ang trabaho ko dahil kahit mga staff ina-assist ko. Matapos kausapin ang mga staff lumapit ako sa pwesto ng TK na kasalukuyan inaayusan ng mga hairstyle at make up artist. Kinuha ko ang hawak na tubig ni Apollo. "Hindi ka pwede uminom ng malamig na tubig Apollo katatapos mo lang magpractice ng next song niyo. "Jane pakipalitan naman ito. Bigyan niyo ng warm water si Apollo," utos ko matapos iabot sa kay Jane ang tubig ni Apollo. Maya-maya napatingin ako sa pinto ng pumasok si Grim. Pawisan ito umupo sa isa sa mga bench. Agad siyang inasikaso ng mga staff at inabutan ng tubig. "Dude, nakuha mo na ang step?" tanong ni Elliseo. Nahuli kasi sa practice si Grim dahil sa magkakaibang schedule nila at sa taping nito sa first movie niya bilang supporting character. "2 days lang makakahabol na ako." "Gusto mo ba ayusin ko schedule mo? Kakausapin ko ang producer, " ani ko bago bago humakbang palapit kay Grim na kumunot ang noo matapos siya tangkain punasan ng baguhan na staff. Kinuha ko ang towel na hawak ng isa sa mga staff at inabot kay Grim na agad pinunas sa mukha niya. "No, ayos lang ako. Ilang days lang patapos na ang scene ko duon." "Balita ko pinadagdagan ng director ang scene ko duon." "Hindi ako pumayag. Malapit na next concert natin," sagot ni Grim bago ako tiningnan. Tumingin siya sa paligid bago mag-gesture na lumapit ako at yumuko. Kumunot ang noo ko. Humakbang ako palapit sa kanya at pinantay ang mukha ko. Napatayo din ako at napaatras habang hawak ang tenga ko nang maramdaman ko ang labi ni Grim sa likod ng tenga ko. Uminit ang pisngi ko matapos makita ang nakakaloko na ngiti niya. Wala siyang sinabi pero pasimple siyang humalik. "Loko ka talaga," bulong ko. Napaiwas ako ng tingin matapos mapatingin sa amin ang ilang staff. Paano kapag nahuli kami? Sigurado na masisira ang career ni Grim at hindi kk gusto mangyari iyon. Pagtingin ko ulit kay Grim. Nakangisi lang ito matapos ko siya bigyan ng nagbabanta na tingin. Bukod sa pagiging caring nito. May nadagdag din sa side nito matapos namin magkabati. Ang pagiging mapang-asar nito na hindi nito inaalis kahit nasa trabaho. Maya-maya napatingin ulit ako kay Grim ng tumunog ang phone nito. Binuksan lang nito sandali bago tiningnan sina Apollo. "Apollo, may kailangan ba kayo kay Gaizer? Pupunta ngayon si Gaizer sa opisina natin sa taas." "Teka may naiwan ba kayo sa opisina?" tanong ko na kinatingin ni Grim. Nag-pokerface ito at pasimple na tinaas ang phone. Napasapo ako sa noo matapos maalala na may iniinom na ako na gamot. "Wala na, ayos na kami," sagot ni Apollo. "Manager kung may gagawin ka pa na iba gawin mo na. 2 or 3 hours pa kami kasi kami practice room mabobored ka lang duon," ani ni Keehan na kinapokerface ko. Tiningnan ko si Grim ng masama na ngumisi lang. Sigurado na kinuntsaba nito ang TK. Napabuga ako ng hangin at pumayag na lang. Medyo exhausted din naman ako ngayon dahil siguro sa pagbubuntis ko pero hindi katulad dati na halos hindi pa natatapos ang araw wala na akong energy. Nagpaalam na ako sa TK since pinaalis na ako ni Grim. Bago ako pumasok sa elevator nakita ko pa na nakasilip si Grim. Kumaway ito ng konti na kinasimangot ko. Kahit exhausted ako gusto ko pa din magtrabaho pero alam ko na bawal dahil sa baby. Hindi ko pwede ipush ang sarili ko dahil nangako ako kay Grim. Nang makapasok ako sa elevator. Napatingin ako sa phone ko ng magbeep iyon. From: Grim V. Kumain ka muna may nilagay ako sa bag na lunch box then take your medice. Gumuhit ang ngiti sa labi ko matapos mabasa iyon. Hindi na ako teenager pero bakit kinikilig pa din ako. From:Grim V. Umidlip kana din. Iloveyou. Lalo na sa huling message nito sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD