21

1727 Words
Chapter 21 3rd Person's POV Halos kalahating araw na nagpractice lang ang TK. Hanggang sa magising si Gaizer at pumunta sa practice room. Nagpa-practice pa din ang mga ito. "Keehan, nahuhuli ang kamay mo," sita ni Apollo. "Sorry!" "Sorry, talaga," ani ni Keehan kina Jaxon at Elliseo dahil uulit na naman sila sa una. "Apollo, magpahinga muna kayo. Hindi din maganda na pinupush niyo ang sarili niyo." Napatingin ang TK sa pintuan ng marinig ang boses ng manager. Nag-gesture lang si Apollo na mag-pahinga. Nakahinga ng maluwang sina Jaxon at si Keehan agad tumakbo sa manager. "Huhu buti na lang dumating ka manager," ani ni Keehan at yayakapin nito ang manager ng may dumutdot sa noo ng binata. "Pawisan ka Keehan tapos yayakap kay Gaizer," ani ni Grim na bigla na kang sumulpot sa likuran ni Gaizer. "Jane, huwag kayo tumitig sa TK. Pakibigyan sila ng tubig." Agad kumilos ang mga staff na nagising mula sa pagkakatitig sa TK matapos sila sitahin ni Gaizer. "Straight 6 hours na naman yata kayo nag-practice," ani ni Gaizer matapos makita ang paghahabol ng hininga nina Elliseo. Hindi na nagtaka si Gaizer dahil kapag si Apollo ang nag-choreo hindi magpapahinga ang mga ito hangga't hindi sila sinasabihan ni Gaizer. Bilang respeto ng TK sa leader nila na si Apollo hindi sila nagrereklamo hangga't kaya pa nila gumalaw. "Lagi kasi ako nagkakamali, manager. Umuulit kami," ani ni Keehan matapos ibaba ang tingin. Ginulo ni Gaizer ang buhok ni Keehan kahit medyo mas matangkad ito sa kanya. "Kung magpa-practice ka pa alam ko makukuha mo din." "Boring ang practice kapag walang nagkakakamali sa atin," sabat ni Elliseo sabay tawa. "Manager," napatingin ang binata sa pintuan ng pumasok ang isa sa mga staff. "Delivery daw po. Inorder niyo daw." Kumunot ang noo ni Gaizer at lumapit sa babae. Jollibee iyon kaya nilingon niya ang TK. "Ako na bahala. Salamat Kat," Nang makaalis na ang mga staff matapos bigyan ng tubig ang TK at towel. Sinara na ni Gaizer ang pinto at tiningnan ang TK. "Sino nag-order nito? Bawal kayo ng heavy foods diba?" pokerface na sambit ni Gaizer. "Ako manager," ani ni Apollo na kinatingin ni Gaizer. "Explain. Leader ka Apollo," ani ni Gaizer. "Favorite ng TK ang jollibee at buong araw naman kami nag-practice at nagparticipate sila kaya binili ko sila ng jollibee." Magpacute si Keehan at parang bata naman na ngumuso si Elliseo habang nakatingin sa hawak na plastic bag ni Gaizer. "Fine, pero siguraduhin niyo na mamementain niyo pa din ang weight niyo." "Yehey! Thank you manager at leader!" Kinuha na ni Elliseo ang plastic bag at excited na kinuha ang mga 'yon. Nakisali na din si Apollo at Grim kaya hindi maiwasan ni Gaizer na matawa. "Manager kumain kana din dito. Kasama ka sa bilang," ani ni Apollo sa binata. Lumapit ang lalaki ngunit hindi kumuha. "I'm good. Bago ako umalis sa office kumain ako ulit," ani ni Gaizer. Madami kasing dinala na pagkain si Grim at bumili na din si Grim ng ng mini ref para sa binata. Nilalagay duon ni Grim ang mga pagkain kung saan naka-crave ang lalaki at ilang healthy foods. "French fries? Favorite mo ito diba?" ani ni Grim matapos iabot ang french fries sa lalaki. Kinuha iyon ng binata dahil bigla siyang na-crave kahit busog naman siya. Nilantakan iyon ng binata. Nang makita na ubos agad iyon ng lalaki. Inabot naman ni Grim ang sariling french fries sa lalaki at kumain na lang ng fried chicken. "Manager, kung gusto mo pa ng french fries ito din akin," ani ni Keehan matapos makita na sarap na sarap ang manager sa french fries. "Baka sumakit ang tiyan mo Gaizer," ani ni Grim. "French fries din naman kinain ko kanina sa office kaya hindi ako nag-aalala na makakasama iyon sa baby," nakangiti na sambit ni Gaizer. Natuwa ang manager ng ibigay ng TK ang french fries sa kanya. Ang daming french fries sa harap niya kaya hindi maiwasan ni Gaizer na mas matakam pa. Gaizer Marshall's POV Nang magsimula na ang practice ng TK. Sandali muna akong umalis duon para asikasuhin ang report at schedule ng TK para bukas. Ngunit pupunta muna ako sa gymn para silipin si Grim bago tumuloy sa opisina. "Marshall!" Napatingin ako sa kabilang bahagi ng hallway nang marinig ko ang boses ni Rai Ferrer. Manager ng Ikigai. "Rai, anong ginagawa mo dito?" tanong ko. "Kagagaling ko lang sa stock room. Ikaw saan ka galing? Nasa studio ang TK?" magkasunod na tanong ni Rai. "Yes, nagpa-practice sila para sa concert nila sa December." "Kaya pala nakita ko 'yong isa sa mga alaga mo nasa gymn." "Si Grim? Nahuli kasi ng practice kaya nanduon," sagot ko. Naglakad kami ni Rai papasok ng elevator. "Saan punta mo ngayon?" "Gymn, nanduon si Grim. Sisilipin ko lang." "Tamang-tama anduon ang Ikigai. Kahapon pa ako kinukulit ng mga iyon na i-invite ako kaso ayon. Nalaman ko na this past few days lagi kang nasa labas dahil sa task ng isa sa alaga mo." "Wala tala akong time. Hectic ang schedule kaya hindi ko na din nadadalaw ang Ikigai." "Anyway, nabalitaan mo na ba na iisang stage lang din gagamitin ng TK at Ikigai?" "Nae-excite ang mga alaga ko dahil makakasama nila ang TK sa isa sa mga concert nila, " natutuwa na sambit ni Rai na kinatingin ko. "Talaga? Sigurado matutuwa ang TK," nakangiti na sambit ko. Sigurado na mas gaganahan sila mag-practice kapag nalaman nila na makakasama nila ang Ikigai. Nang makarating kami sa floor kung nasaan ang gymn ng studio. Lumabas na kami ni Rai sa elevator at sabay na tinungo ang gymn. "Nagpa-practice din ba ang Ikigai sa gymn?" tanong ko. "Yes, ayaw nila sa practice room ang aarte hindi daw sila komportable. Kaya pumunta sila sa gymn para mag-practice." "Ngayon pa lang nagso-sorry na ako sa inasal at iaasal ni Grim sa Ikigai." Natawa si Rai at nilingon ako. "Mukhang sakit din iyon sa ulo mo. Iba ugali." "Hindi naman. Hindi lang siya 'yong tipo na friendly at hindi lang naman siya 'yong 'ganon sa grupo nila," ani ko matapos pumasok sa isip ko si Apollo na ilang beses na-issue dahil sa attitude nito sa public. Nang buksan ni Rai ang pinto. Napatingin ang Ikigai na nagkalat sa kabilang bahagi ng gymn at mukhang nagpapahinga. "Si Gaizer!' Natawa si Gaizer ng lumapit sa kanya ang Ikigai at kinamusta siya. Nakipagkwentuhan ito sandali sa kanya habang inaasikaso sila ng ilang staff. Maya-maya nagpaalam na din sa Ikigai ang binata dahil hindi naman ang mga ito ang pinunta ni Gaizer sa gymn. "Swerte ng TK. Kainis dapat sa atin si Gaizer," ani ni Aki. Sumimangot ang Ikigai ng lumapit si Gaizer kay Grim na busy pa din sa pag-practice ng sariling step. Tiningnan lang ni Rai ang mga alaga bago pumalakpak at agawin ang pansin ng Ikigai. "Mag-practice na ulit kayo. Move," kalmado na sambit ni Rai sa grupo. "Fine." "Fine, fine." Bagsak na bumalik ang Ikigai sa dati nitong mga pwesto para mag-practice ulit. "Dapat diba nagpapahinga ka?" ani ni Grim matapos makita ang binata. Tinigil nito ang tugtog at tiningnan ang lalaki. "Dumaan lang ako. May kailangan ka pa ba?" tanong ni Gaizer habang nagkakamot sa ulo. Isa sa reason kung bakit siya pumunta dahil bigla niyang gusto makita ang binata. Napatingin si Grim sa kabilang bahagi ng gymn. Halos lahat ng Ikigai nakatingin sa kanila. "Bakit ba hindi kita masolo," bulong ni Grim na kinatingin ng binata. "Ha?" "Nothing, tara sa opisina na tayo. Tinatamad na ako mag-practice," bored na sagot ni Grim. Kinuha nito ang mga gamit at inakbayan si Gaizer. Tiningnan siya sandali ng ni Gaizer nang ayain na siya nito papalabas. "Naistorbo ba kita? Sorry, bigla kasi kita gusto makita kaya pumunta ako dito," mababa ang boses na sambit ni Gaizer. Nang makalabas sila ng gymn. Tumigil sila sa labas ng pinto at pinisil ni Grim ng mahina ang ilong ni Gaizer. "Anytime pwede ka pumunta at panoorin ako. Ayoko lang nakikita na pinanonood ka." "Pinanonood ako?" ulit ni Gaizer na nagtataka. Tiningnan lang siya ng ilang minuto ni Grim bago tumalikod at naunang maglakad. "Grim, anong sinasabi mo?" tanong ni Gaizer. Pinabilisan nito ang paglalakad kaya tumama siya sa likuran ni Grim ng tumigil ito. "Ang tanda mo na ang lampa mo pa din," ani ni Grim matapos humarap at tiningnan ang mukha ni Gaizer na tumama sa likod niya. "Bigla kang huminto, hindi ako lampa," sagot ni Gaizer. "Pwede ko hawakan ang kamay mo? Wala naman tao," tanong ni Gaizer nang mahagip ng tingin ni Gaizer ang kamay ni Grim. Tinaas ni Grim ang kamay ng hahawakan iyon ni Gaizer. Ngumisi ang binata. "No, nagseselos ako kaya hindi pwede." "Teka anong ginawa ko?" "T-Teka n-nagseselos ka?" ulit ni Gaizer matapos habulin si Grim. "Stop running," saway ni Grim sa binata. — "Gusto mo maghanap ako ng bagong manager?" ulit ni Apollo. "Grim, anong sinasabi mo? Malaki na ba ang tiyan ni manager?" "Pwede naman natin 'gawan ng paraan ang temporary leave ni Manager without mentioning na buntis siya," bulong ni Jaxon. Hindi sang-ayon ang TK sa gusto mangyari ni Grim. Ayaw nila mawala ang manager at mahihirapan sila humanap ng katulad ni Gaizer. Napalapit na sila sa binata kaya hangga't maari gusto nila maging manager ito habang nasa industry pa na iyon ang grupo. "Masyadong malapit ang TK kay Gaizer. Lalo na ang Ikigai. Nag-aalala ako sa mga posibleng mangyari." Hindi umimik ang TK dahil naiintindihan nila ang binata. Maaring makasira iyon sa image nila specially ss buhay ni Gaizer. Wala silang privacy, magsisiliparan na naman ang mga reporter lalo na malapit na ang concert. "Para kay Manager walang problema sa amin. Pero nakausap mo na ba siya about dito?" "Hindi pa, nag-aalala din ako na baka iba isipin niya kapag sinabi ko na gusto ko siya mag-resign." "Hindi pa tapos ang contract sa atin ni Gaizer diba?" "Babayaran ko ang casualties that's it," ani ni Grim bago umayos ng upo sa couch. "Grim," ani ni Keehan na kinatingin ng binata. "May balak ka ba pakasalan si Manager o ipakilala kina tito?" "Yes," mabilis na sagot ni Grim. "Pero hindi ngayon," dagdag ni Grim matapos tingnan ang buonv grupo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD