19

1720 Words
Chapter 19 3rd Person's POV; "Good job, Mr. Vergara," puri ng director matapos makuha agad ng binata ang scene at naperfect nito ang line. 'Gosh, hindi ako makapaniwala na tinanggap ni Grim ang offer ni director.' Gumuhit ang ngiti sa labi ni Gaizer matapos mapanood ang taping at kung gaano kagaling umarte si Grim. Unang beses tumanggap ni Grim ng contract na related sa actual movies and series. Mostly kasi sa music videos lang or commercial ang talagang tinatanggap ng TK. Si Keehan at Elliseo lang ang tumatanggap ng ganitong activity sa TK. 'Ang galing niya. Nakuha niya agad ang line at parang natural lang ang pag-arte niya kanina.' 'Sigurado ka ba na hindi interesado si Grim maging artista?' 'Who knows? Sayang talaga supporting character lang ang role na tinanggap ni Grim.' "Water," ani ni Gaizer bago inabot kay Grim ang hawak na mineral water. Kinuha agad iyon ni Grim at binukasan. "Manatili kana lang sa tent masyadong mainit dito," ani ni Grim. Masyadong malawak ang location nila at walang puno o kahit na anong masisilungan. Maliban sa mga tent na malayo sa pwesto nila at sa tent kung saan nanatili ang mga artista na kailangan mag-retouch wala ng lugar na pwede masilungan si Gaizer. "Manager mo ako kaya dito lang ako." "Hindi kita kailangan dito. Ite-text na lang kita kapag tapos na ang taping," ani ni Grim. Ayaw niya makipagtalo kay Grim kaya sinunod na lang ito ng binata. Tinungo niya ang tent kung nasaan ang mga gamit nila. Gusto niya panoorin ang binata kaya kahit mainit nanatili siya duon. Ilang metro na lang ang layo niya sa tent ng makaramdam siya ng hilo. Napatigil siya sa paglalakad ng makita niya na parang umiikot ang paligid. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa init o dahil wala siyang tulog nitong mga nakaraan na araw. Pilit na humakbang ang lalaki para lumapit sa tent at magpahinga sana. Ngunit habang papalapit siya duon. Nagdilim na ang paningin ni Gaizer at nawalan ng malay. — "Sumusobra kana talaga Grim!" sigaw ni Miguel na kinatigil ng TK matapos sugurin ni Miguel si Grim. "Miguel huminaho—." "Isa ka pa! Mali na ang ginagawa ng kaibigan niyo kinukunsinti niyo pa!" asik ni Miguel kay Elliseo. Nalaman ni Miguel ang nangyari dahil sa pagtawag ni Grim sa kasintahan. Sinabi nito na nasa hospital sila ngayon dahil nawalan ng malay si Gaizer. "Miggy, kailangan mo huminahon. Maselan ang lagay mo ngayon buntis ka gosh," ani ni Wax habang pilit na pinapakalma ang binata. "Paano ako hihinahon, Wax? Sumusobra na ang gagong 'yan! Wala na siyang ginawa kung hindi pahirapan si Grim," naggigitgit na sambit ni Miguel. "Miguel." Napatingin sa pinto ang binata ng bumukas iyon. Pumasok ang doctor na halos kasing edaran lang nila. "Iuwi niyo na si Gaizer. Hindi maganda na mag-stay pa siya dito," ani ng doctor na sapo ang noo. "Paanong iuuwi namin. Wala pang malay si Gaizer," asik ni Keehan. Hindi siya pinansin ng doctor at may inabot kay Miguel na papel. "Test result 'yan kay Gaizer. Hindi mo dapat pinadala dito si Gaizer ng hindi ako iniinform," ani ng lalaki na kinalaki ng mata ni Miguel. "Anong problema Miguel?" tanong ni Elliseo da kasintahan. "Tangna ano ng gagawin ngayon ni Gaizer," mura ni Miguel habang sapo ang noo. Tiningnan ni Miguel si Grim. Nakaupo lang ito sa sofa at nakayuko. "Grim, palala na ng palala ang sitwasyon. Mas mabuti na sigurong mangialam ako." "Sinisira mo ang buhay ni Gaizer. Itigil mo na ito Grim," bulong ni Miguel. "Kahit ikonsidera mo na lang na minsan ka ng iniligtas ni Gaizer. Iniligtas ka niya kahit 'yon na lang pakawalan mo na siya," ani ni Miguel na kinayukom ng kamao ni Grim. "Wala kang alam Miguel," ani ni Grim bago inangat ang paningin. Napatigil ang TK matapos makita ang sobrang takot sa mukha ni Grim. Yumuko ito at sinapo ang noo. "Wala kayong alam sa nararamdaman ko," bulong ni Grim. "Pakawalan? Minsan ko ng ginawa iyon pero anong ginawa niya? Bumalik pa siya para humingi ng tawad," ani ni Grim. Nagising si Gaizer matapos marinig ang boses ni Grim. Napatingin ang TK sa kama at duon nakita niya na gising na si Gaizer. "Manager," ani ni Keehan na lumapit sa binata. Sinundan siya nina Jaxon. "Gaizer," ani ni Miguel. Pilit na umupo si Gaizer at tiningnan si Grim na hindi 'man lang siya tinapunan ng tingin. "Babalik na ako sa set," paalam ni Grim bago tumayo. Kinuha nito ang jacket at aalis na ito ng tawagin siya ni Gaizer. "Pasensya na kung pinag-alala na naman kita. Pwede na ako bumalik sa trabah—." "Pinatatawad na kita Gaizer. Kaya lahat ng meron tayo tapos na," ani ni Grim bago nilingon ang binata. "Iyon naman ang kailangan mo kaya ka nagtitiis sa akin diba?" dagdag ng binata bago ngumiti. "Sorry, papa." Gaizer Marshall's POV Nang magsara ang pinto hindi ko maiwasan makaramdam ng takot at panlalamig. Tumulo ang luha ko hindi dahil sa saya. Hindi dahil sa napatawad niya na ako. Bumaba ako sa kama. Pilit kong tinulak ang sarili ko patayo at tumakbo palabas. "Manager!" sigaw nina Keehan. Pero hindi ako lumingon. Ayokong iwan niya ako. Ayoko na ulit na maiwan niya ako. Tapos na? Kung ano 'man ang meron sa amin na dalawa tapos na? Diba dapat matuwa ako kasi napatawad na ako ni Grim? Kaya ako nandito diba dahil duon? Pero bakit ganito? Mas bumigat ang dibdib ko. Nanlalambot ang mga tuhod ko. Gusto ko mag-explain. Madami akong gustong sabihin. Gusto ko bawiin lahat ng sinabi ko. Gusto ko humingi ng tawad. "G-Grim," bulong ko nang magdalawa ang paningin ko at napatigil ako dahil sa panlalambot ng tuhod ko. Pilit pa din akong humakbang habang nakatingin sa bulto niya na papalayo. "S-Sabihin mo na hindi mo pa ako pinapatawad. M-Mananatili ako sa tabi ko," bulong ko habang umaasa na maririnig niya at lilingon siya sa akin. Tuluyan na akong huminto sa paglalakad ng may babae na lumapit kay Grim. Niyakap nito si Grim at nakita niya ako. 'Tricia,' ani ko sa isip ko. Ngumisi siya sa akin bago inaya si Grim at unti-unti mawala sa paningin ko dahil sa mga tao. Nabitawan ko na naman siya. Nawala ko na naman si Grim. Nang tuluyan na akong makaramdam ng hilo. Babagsak ako ng may taong sumalo sa akin mula sa likod. "What the heck are you thinking? Bakit ka lumabas ng kwarto." Nanlalabo ang paningin ko. Hindi ko maaninag kung sino ang nasa harap ko pero ang boses niya. "I-Ikaw na naman ba 'yan B-Bazile?" — Nagising ako ng makarinig ako ng ingay. Minulat ko ang mata ko at duon nakita ko ulit ang TK pero wala na ako sa hospital. May nakita din akong dextrose sa gilid ng kama at nakakabit iyon sa kamay ko. "Thanks god! Gising kana!" ani ni Miguel bago ako nilapitan. Ginala ko ang paningin ko at hindi ko siya nakita. Hindi ko alam pero parang gusto ko na naman umiyak. Wala na siya. "Naman Gaizer! Umiiyak ka na naman!" bulyaw ni Miguel matapos sko tulungan umupo. "Hindi ko kasi mapigilan," umiiyak na sambit ko habang pinupunasan ang pisngi ko. Ang bigat kasi ng dibdib ko. Si Grim ano na naman kami ngayon? Lagi niya na lang ako iniiwan sa ere. Diba dapag matuwa ako kasi napatawad niya na ako? Bakit hindi ko magawang maging masaya? "Ano ba 'yan? Tears of joy or what? Napatawad kana ni Grim diba?" "Kaya mo binalikan si Vergara dahil gusto mo na mapatawad kana niya diba? Bakit ka umiiyak?" tanong ni Elliseo. "Dapat maging masaya kana. Wala ka ng responsibilidad kay Gri—." "Wala na din ako dahilan para lapitan pa siya," putol ni Gaizer habang humihikbi. "Akala ko 'yon lang din ang kailangan ko sa kanya pero hindi. Akala ko matutuwa pa din ako kapag tinawag niya ulit akong papa pero hindi." "Nasasaktan na ako. Nahihirapan na ako," umiiyak na sumbong ni Gaizer. "Then anong kailangan mo sa akin ngayon?" Napatigil si Gaizer at napaangat ng tingin matapos marinig ang boses ni Grim. May hawak itong tray na may mga laman na pagkain. Tila nablanko ang utak ni Gaizer matapos makita si Grim. "P-Pagkain," out of the blue na sambit ni Gaizer. Napatikhim sina Wax matapos marinig iyon. Habang sina Keehan pinipigilan matawa dahil sa sinabi ni Gaizer. "Disoriented pa din ang utak mo pero umiiyak kana," ani ni Grim bago humakbang at lumapit sa kama. "Kumain kana," bored na sambit ni Grim. Nakasuot lang ito ng maong na short at white t-shirt. Bumaba ang tingin ni Gaizer at pinunasan ang pisngi. "Labas na muna kami," paalam ni Keehan bago mag-gesture kina Apollo na lumabas na. Nang maiwan ang dalawa sa kwarto. Walang umimik at nagsalita. Bumuga ng hangin si Grim bago umupo sa gilid ng kama at humiga. Tiningnan ng lalaki ang kisame. "Paano ba tayo napunta sa ganitong sitwasyon?" "Sino sa atin ang may mali? Sino sa atin ang may ginawang tama?" tanong ni Grim na kinatingin ni Gaizer. "Tama ba ang ginawa mo na bumalik sa akin para humingi ng tawad without thinking twice na gawin lahat ng gusto ko?" "Iiwan din ako pagkatapos mo makuha ang pagpapatawad ko dahil nagi-guilty ka?" ani ni Grim na kinatigil ni Gaizer. "Tama din ba ang ginawa ko na gamitin ka at abusuhin dahil sa idea na hinahayaan mo lang ako na gawin ang gusto ko? Kasi iyon lang ang paraan para hindi kana ulit umalis sa tabi ko." "Gaizer, chance lang naman ang kailangan natin diba?" bulong ni Grim bago humilig at tingnan si Gaizer. "Bakit kailangan natin masaktan pareho? Bakit kailangan pa natin dumating sa punto na naging pabigat na tayo sa isa't isa." "Kailangan may sapilitan, kailangan mag-sinungaling at magsakripisyo." "May ginawa ba talaga tayong tama?" tanong ni Grim na kinahawak ng mahigpit ni Gaizer sa comforter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD