22

1798 Words
Chapter 22 3rd Person's POV; Nakatingin lang sa full size mirror si Gaizer habang walang pang-itaas. Nakikita niya na may unti ng umbok sa tiyan niya. Plat lang iyon dati dahil balingkinitan siya. Halata sa mukha ng lalaki ang tuwa matapos iyon haplusin. Napatigil ang binata ng makita si Grim na naglalakad palapit sa pwesto niya at balewalang yumakap mula sa likod niya. "Nanaba kana," ani ni Grim. "Kasalanan iyon ng baby. Hindi naman kasi ako dati matakaw kumain," sagot ni Gaizer habang nakatingin sa reflection nilang dalawa. "Ang gwapo mo. Sana maging kamukha mo si baby 'pag laki," ani ni Gaizer. "Hindi din masama sigurado na hahabulin din siya ng madaming babae." "Kaya nga. Tapos maging kasing talino at talented mo din," natatawa na sambit ni Gaizer. "Pero mas matutuwa ako kapag kamukha mo siya. Kaysa maging kamukha ko," ani ni Grim na kinalingon ni Gaizer. "Bakit naman?" "Mas mamahalin ko siya kapag nangyari iyon." "Gusto ko ng baby na kamukha mo." "Kapag hindi mo 'yon naging kamukha responsibilidad mo na bigyan ulit ako ng baby." Natawa lang si Gaizer. Kung makapagsalita kasi ang kasintahan parang ang daling manganak. Pero kung 'yon ang ikasasaya ng kasintahan bakit hindi diba? "Sa tingin ko dapat na kitang bilhan ng damit. 'Yong komportable para sayo. Kapag lumaki na si baby hindi na pwede 'yong mga dati mong sinusuot." "Hindi pa naman malaki si baby." "Pero hindi kana komportable diba?" "Kapag natutulog ko 'yong longsleeve ko ang suot mo," ani ni Grim. "Bawal ba?" tanong ni Gaizer sa binata. "Hindi pero gusto kita bilihan ng damit na alam ko na mas komportable ka," ngumiti lang si Gaizer dahil sa side na iyon ng binata. Matapos siya halikan sa sentido ng kasintahan humakbang paatras si Grim at tumungo sa kama. "Grim," tawag ni Gaizer matapos makita na parang hindi ito mapakali. Napansin niya ito matapos niya ipatawag sina Apollo sa opisina. Hindi maiwasan ni Gaizer mag-alala. "Gusto ko na kasi na mag-resign ka sa pagiging manager." Bahagyang nagulat si Gaizer matapos sabihin iyon ni Grim. Tiningnan siya ng binata at pilit binabasa ang expression niya. Hindi muna nagsalita si Gaizer dahil gusto niya na linawin ito ni Grim. "Magkaka-baby na tayo. Gusto ko dito ka lang sa bahay para alagaan siya. Ayoko na magtrabaho ka." "Isa pa ayoko din na magkaroon ng issu—." "Huwag mo na idahilan ang baby. Ayaw ko din masira ang career mo at ng TK, dapat na siguro talagang mag-resign ako." Putol ni Gaizer bago kinuha ang damit at sinuot iyon. "Bukas magpapasa na ako ng resignation letter," ani ni Gaizer bago tinungo ang pinto palabas ng kwarto. Ayaw ni Gaizer umalis sa trabaho. Ayaw niya huminto dahil matagal na siyang manager ag ayaw niya din iwan ang TK. Naiintindihan niya si Grim lalo na at posibleng sila pa ang makasira sa career ni Grim. Dahil buntis siya hindi niya maiwasan na maging sensitive at maiyak. Hindi pa siya nakakalayo ng kwarto nang maya yumakap sa kanya mula sa likod at iikot siya paharap. Hinaplos ni Grim ang mukha ng kasintahan at hinalikan ito sa noo. Mas naiyak si Gaizer dahil duon. "Makinig ka, Gaizer. Naiintindihan ko na gusto mo pa din mag-work." "Pero Gaizer hindi ko iri-risk ang safety niyo ng baby. Hindi kayo Gaizer." "Kung ako ang tatanungin gusto ko na din tumigil at mag-focus sa inyo ng baby pero hindi pwede dahil nasa kalagitnaan pa lang ang TK. Hindi lang ako ng babagsak dito kung hindi pati sina Apollo." "After ng concert kakausapin ko si Tricia. Iaatras ko ang engangement. Hindi magiging madali iyon dahil sigurado na hahanapan nila ako ng butas." "Ayoko madamay ka Gaizer at kayo ni Baby." "Gusto ko din na ilayo ka sa Ikigai." "Sana maintindihan mo ako Gaizer. Wala akong pakialam kung masira ang career ko ang iniisip ko lang ngayom ikaw at ang grupo." Kahit sinisinok tumango lang si Gaizer at niyakap si Grim. "Naiintindihan ko. Aalis ako after ng concert. Gusto ko din i-trained ang magiging manager niyo." "Gusto ko alagaan din niya kayo." Ngumiti lang si Grim at magaan na hinalikan si Gaizer sa labi. Nang maglayo ang mga labi nila natatawang binuhat ni Grim ang binata. "Hey! Huwag mo ako buhatin. Baka nakakalimutan mo na mas matanda ako sa 'yo." "Whose care?"natatawa na sagot ni Grim habang buong ingat na buhat si Gaizer habang naglalakad sila patungo sa kwarto. Kinabukasan Day off ng TK. Pinakiusapan ni Gaizer si Grim na dalawin niya sina Wax. Pinagbigyan ito ng binata since may usapan din sila ng TK. Nagkita-kita sila sa penthouse ni Apollo na napa-pokerface na lang ng magkagulo sina Wax at Miguel matapos makita si Gaizer. Nagyakapan pa ang tatlo at sa isang iglap naisantabi ang TK. "Kapag talaga nandiyan si Manager naisasantabi tayo," bulong ni Elliseo bago tingnan si Grim. "Umalis na nga kayo Grim bitbitin mo si Manager." "Kapag naasar sina Gaizer ikaw ang papabugbog ko?" pokerface na sambit ni Grim. "Minsan maranasan niyo 'man lang ang nae-experience ko araw-araw. Hindi ko masolo ang asawa ko," reklamo ni Grim na kinatawa nina Jaxon. "Bago 'yon ah. Sa unang pagkakataon ang isang Grim Vergara nagselos." "Tangna mo," mura ni Grim na mas kinatawa ng TK. "Ang laki na ng tiyan mo. Halata na baby bump mo," komento ni Grim habang nakatingin kay Miguel. "Oo nga eh, medyo nahihirapan na din ako gumalaw. Ang bigat sa pakiramdam." "Ikaw? Kamusta pagbubuntis mo?" "Ayos lang. Sinusunod ko bilin ng doctor tapos kinokontrol ako ni Grim sa pagkain minsan naaaway ko siya kasi hindi healthy 'yong food na pinaglilihihan ko." "Normal lang iyon pero nakakapang-init ng ulo," natatawa ma sagot ni Miguel. "Basta ako ninang sa mga baby niyo ah!" "Oo ba! Papatawag ka din namin na tita." "Ay bongga! Gusto ko din niyan day!" Natawa ang dalawa mastapos makita ang tuwa sa mukha ni Wax. "Oo nga pala beshy. Nasabi sa akin ni Apollo 'yong balak ni Grim na patigil ka sa pagwo-work. Pumayag kana ba?" tanong ni Wax na kinatingin ni Miguel. "Resign? Akala ko ba kukuha ko lang ng temporary leave?" ani ni Miguel. "Gusto ni Grim na sa bahay lang ako dahil magkaka-baby na kami." "Nag-aalala kasi siya na mapasama sa akin ang pagtatrabaho. Sabagay stressed din iyon lalo na kapag malapit na ang concert." "Ayos lang sayo?" tanong ni Miguel. " 'Nong una hindi. Mahal ko ang trabaho ko." "Pero tuwing naiisip ko na aalagaan ko ang baby namin tapos ipagluluto ko si Grim at sasalubungin ko siya pag-uwi." "Mas gusto ko na ang trabaho na iyon kaysa sa pagiging manager." "May point ka 'don," sang-ayon ni Wax. "So? Magre-resign kana ba talaga?" tanong ni Miguel. "Yes, one of this day magpapasa na ako ng resignation letter para makahanap na din sina Apollo ng bagong manager." "Huwag kang tatanggap ng gwapo o maganda ah," bulong ni Wax. Nagbulungan sina Wax, Miguel at Gaizer. Halos magkadikit-dikit na ang mukha ng mga ito na kinatingin nina Apollo. "Dapat 'yong simple lang. Specially straight or may asawa." "Effective ba iyon?" "Dunno, basta ayoko landiin nila ang Apollo ko." "Teka hindi naman ako ang maghahanap ng manager diba?" "Oo nga pero sigurado na iinform ka ng TK. Kapag sinabi mo na ayaw mo sa manager na iyon. Ire-reject nila agad 'yon." Napatingin sina Jaxon at Keehan ng sabay umalis ang tatlo. Lumapit ang mga ito sa mga asawa na nagkukumpulan sa living room at pinaghiwa-hiwalay. "Kailangan ba magkakalapit kayong tatlo kapag nag-uusap?" sita ni Apollo. "Oo kasi hindi kami magkarinigan. Anong problema niyo?" "Oy di ako bata," reklamo ni Miguel ng hilahin ni Elliseo ang kwelyo ng suot niya at ilayo kay Gaizer. "May pinag-uusapan kami dito bakit kayo nakikisingit?" parang matanda na sambit ni Gaizer kay Grim na hawak ang braso niya matapos siya ilayo sa dalawa. Napailing na lang sina Keehan. Iba-iba ang ugali ng tatlo pero kung may pagkapare-pareho 'man ang mga ito ay 'yong pagiging seloso at over protective sa mga kinakasama. -- Nagsimula na mag-practice ang TK sa music room ng pagmamay-ari ni Apollo. Kumpleto ang music instruments sa penthouse ni Apollo kaya walang naging problema ang Tk sa practice kahit wala sila sa studio. Busy ang TK sa music room habang ang tatlo naman ay busy sa kusina. Nagbake ang mga ito at nagluto ng makakain nila. "Yay! Ayoko ng onion." "Same," ani ni Gaizer. Ngumiwi ang mga ito matapos makita na balak maghiwa ni Miguel ng sibuyas at ihahalo sa ulam nila. "Great, di wag na natin haluan ng onion. Bawang na lang at kamatis" ani ni Miguel. "Whoa! Ang galing Wax. Paturo ako mag-shape ng cookies," ani ni Gaizer. Kasalukuyang nagsha-shape si Gaizer ng cookies nang may magpop sa isip niya na scenario. Nabiwatan ni Gaizer ang hawak na cookies at natabig ang tray. "Gaizer!" sigaw ni Miguel matapos alalayan si Gaizer ng muntikan na ito matumba. "Beshy! Anong nangyari sayo?" ani ni Wax matapos tulungan si Miguel at maiupo sa sahig si Gaizer. Nagkalat ang dough sa sahig at harina. Nagpikit-pikit si Gaizer matapos makaramdam ng hilo. "Anong nangyari?" Napatakbo si Grim matapos makita ang kasintahan kasunod sina Apollo. "Gaizer, ayos ka lang?" puno ng pag-aalala na sambit ni Grim matapos tingnan ang buong katawan ni Gaizer kung may galos ba ito o ano. "Nahilo lang ako. Mukhang nagha-hallucinate na naman ako." "Ayos lang ako." "Pumunta na nga kayo sa living room. Kami na dito sige na," ani ni Elliseo sa tatlo. -- "Beshy ayos ka lang ba talaga?" tanong ni Wax na nakaupo sa tabi ni Gaizer. "Akala ko ba ayos na ang pakiramdam mo? Sinusunod mo naman ang bilin ng doctor diba?" nag-aalala na sambit ni Miguel. "Yeah, stable na din ang lagay ko at ng baby." "Lagi ka ba talagang nahihilo?" Umiling ang lalaki at tiningnan ang mga kamay. "Basta may pumasok sa isip ko nahihilo ako. Hindi ko alam kung memories ba iyon o hallucination." "Nakakita ako ng cookies." Napalabi si Miguel matapos marinig iyon. Hinawakan ni Miguel ang kamay ni Gaizer na kinatingin ng binata. "Magpakatatag ka para sa baby at kay Grim okay?" ani ni Miguel na kinangiti ni Gaizer. "Oo naman," niyakap ni Gaizer ang dalawang kaibigan. "Basta support lang palagi ang frenny niyo na si Waxy." Natawa na lang sina Miguel at Gaizer ng mag-group hug sila at agad din naglayo-layo matapos makita na nakatingin na naman sa kanila ang TK na nasa kusina. Naglilinis sina Keehan at Elliseo habang sina Apollo ay pinagpatuloy ang niluluto ng tatlo kanina sa kusina. Napatigil lang ang mga ito ng makita na dikit-dikit na naman ang tatlo sa kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD