18

1847 Words
Chapter 18 Gaizer Marshall's POV; 'Ang gwapo talaga ni Grim, gosh.' 'Hindi na talaga ako nagtataka kung bakit sila pinag-aagawan ng mga company ngayon.' Halos lahat ng tao na nandito. Pinag-uusapan ang TK may iba naman na artista pumupunta dito para tingnan ang TK. Tingnan ko si Grim na tanging denim shorts lang ang suot at black na polo. Nagsuot din ito ng itim na hikaw sa kanan na bahagi ng tenga at puti na cap. Pinaresan din niya ito ng sandals at nag-pose. Napayakap ako ng mahigpit sa hawak kong logbook at iniwas ang tingin sa pwesto ni Grim. Pinikit ko ng madiin ang mata ko bago sumandal sa pader na nasa likuran ko. Kailangan ko kumalma. Hindi ito tama at kailangan ko dumistansya. Hindi niya kailangan ng affection ko kung laro lang ang kailangan niya. "Marshall," napaangat ako ng tingin. Napaayos ako ng tayo matapos ko makita ang manager ng Ikigai. "Kailan ka pa bumalik?" hindi makapaniwala na sambit ko matapos makita si Rai Ferrer. Nasa iisang agency lang kami dati kaso nagkaroon ng world tour ang mga alaga niya kaya ilan taon ito nawala. Natapos na din ang contract ko sa agency na iyon at pumasok ako dito para kay Grim. "Matagal din hindi tayo nagkita. Wala ka 'man lang iniwan na contact number mo. " "Saan naman ako mag-iiwan? Isa pa ikaw unang umalis," ani ko na kinatawa niya bago ako inakbayan. "Tampo ka na naman. Hayaan mo ilang taon din tayo ulit magsasama dito since pumirma na din ng contract ang mga alaga ko dito," ani ni Rai. "Nandito din ba sila? Matagal ko na din sila hindi nakikita nakakamis ang mga 'yon lalo na si Aki," natatawa na sambit ko. "Sa magazine ko na lang sila nakikita," dagdag ko habang sinisilip ang likuran ni Rai. Natawa lang si Rai bago ginulo ang buhok ko. "Maya-maya nandito na mga iyon. Nakakaselos alam mo ba kung bakit pumirma ang mga alaga ko sa company na ito kasi nalaman nila na nandito ka." "Hindi ako makapaniwala na tinurndown nila ang apat na talent companies para pumasok dito." "I feel loved," natatawa na biro ko na mas kinasimangoy ni Rai. Maya-maya napatigil ako ng may taong humila sa akin mula sa likuran. Pag-angat ko ng tingin napatigil ako matapos makita si Grim. "TK? Whoa! Ikaw manager ng TK?" ani ni Rai bago ako tiningnan. Hindi ko napansin na nakalapit na din pala sina Apollo. "Guys, ka-workmate ko dati sa agency na pinagtatrabahuhan ko. Si Rai Ferrer manager ng Ikigai," pakilala ko na kinalaki ng mata ni Keehan. "Ikigai? Iyong nag-debu 10 years ago." "Sikat ang grupo na iyon worldwide," ani ni Jaxon na kinatawa ni Rai. "Maniwala kayo sa hindi nasa iisang stage na lang din kayo ng Ikigai. Mabilis kayong sumikat," ani ni Rai. Natawa ako ng mahina dahil totoo iyon. Kahit sa ibang bansa nakikilala na ang TK. Nagpakilala sina Keehan at Jaxon na kinatuwa ko dahil nakagaanan na nila ng loob agad si Rai na hindi nakakapagtaka dahil sa personality ni Rai. "Manager! Hindi ko maayos itong neckt—kyaah! Ohmygosh! Marshy!!" Nagulat ako ng sunggaban ako ni Aki ng yakap. As in mas tumangkad ito at kung wala sa akin umalalay mula sa likod baka natumba na ako. "Gaizer, long time no see!" Alanganin natawa ako ng pagitnaan na nila ako isama mo pa ang TK. Ang lalaki nilang tao. "TK?" Napatigil ako ng biglang magbago ang mood. Pareho akong napatingin kay Grim at Aki na nakatingin sa isa't isa. Tumikhim ako at inagaw ang pansin nilang lahat. "Ikigai, ito ang TK sila ang mga bago kong alaga after ko lumipat," ani ko. "Marshy! Nagmanager ka din pala. Matapos mo tanggihan ang offer ko na maging stylist namin huhu bad ka," ani ni Aki na kinangiwi ko. Natawa na lang si Rai at inakbayan si Aki. "Hindi talaga bagay sa features mo ang personality mo. Masyado kang isip bat—aray!" reklamo ni Rai ng sikuhin siya ni Aki. "Ireklamo kaya kita manager. Last-last year mo pa ako binubully," reklamo ni Aki. 'Ohmygod! Nandito na din ang Ikigai.' 'Gosh, ang swerte natin ngayon. Nandito ang Tk at Ikigai." "Gaizer, balik na tayo sa dressing room. Naiinitan na ako dito," walang buhay na sambit ni Grim na kinatingin ko. "Rai, mauna na kami. Ikigai, minsan mag-coffee naman tayo kapag maluwang na schedule niyo," nakangiti na sambit ko. "Wahh! Aalis kana agad?" "Manager! Cancel na lang natin itong photoshoot tapos— ouch! " "Manahimik ka nga Aki. May trabaho si Gaizer, para kang bata." Alanganin na natawa ako matapos magkagulo ang Ikigai. Hindi pa din sila nagbabago pero masaya ako down to earth pa din sila at hindi nakakalimot kahit malayo na ang narating nila. "Gaizer, kapag iniinvite ka namin with TKs bawal ka tumanggi ah," ani ni Kai na kinangiti ko. "Basta maluwang schedule, go tayo," sagot ko. Matapos namin makapagpaalam sa kanila lumabas na din kami duon. Tiningnan ko ang TK na tahimik lang kahit sina Keehan. "Bakit tahimik kayo?", "Hindi mo sinabi sa amin na mga bigtime pala ang mga kaibigan mo manager." "Kaibigan mo ang members ng Ikigai," ani ni Keehan na kinatawa ko hg mahina. "Kaibigan ko din kayo. Bigtime din kayo," sagot ko. "Feeling ko bigla ako nanliit 'nong makita ko ang Ikigai," ani ni Jaxon. Tiningnan ko sila at ngumiti. "Look Tk. Ilang years pa lang kayo sa industry na ito. Malayo din mararating niyo. Full package kayo bukod sa gwapo at talented sinong mga tao ang ayaw kayo makita sa stage sabihin niyo nga," ani ko na kinatingin nila. "Sa tingin mo manager malayo din mararating namin katulad nila?" tanong ni Elliseo. "Oo at malalampasan niyo pa sila. Basta magsusumikap kayo at gagalingan niyo pa wala kayong hindi mapupuntahan," sagot ko. "Ang swerte talaga namin sayo manager!" "Pasensya ang Ikigai wala silang manager na katulad mo," ani ni Keehan at Jaxon na pinaggitnaan ako at inakbayan. 3rd Person's POV Napatingin si Grim sa pintuan na nilabasan nila. Duon nakita niya na nakatayo ang isa sa miyembro ng Ikigai. Nakatingin ito kay Gaizer at ng magtama ang mata nila. Iba ang tingin na pinukol nito sa kanya kaysa kanina. Basta na lang ito tumalikod at naglakad papasok. Hindi nagpakita ng kahit na emosyon si Grim kahit deep inside naggitgit siya sa paghawak nito kay Gaizer at ang mga tingin nito. "Hindi ako makapaniwala na may 'ganon na attitude ang vocalist ng Ikigai," komento ni Elliseo habang naglalakad sila. "Hindi ako fan nila at hindi ako interesado," bored na sagot ni Grim. "Sigurado ngayon magkakainteres kana since nakita mo na mukhang close ang Ikigai kay Gaizer," natatawa na sambit ni Elliseo. "Sa attitude at pagbabago ng mood ng Ikigai kanina mukhang si Gaizer ang tinutukoy nilang apple of their eye." "Anyway nabasa ko iyon sa article at napanood ko sa talk show na pinuntahan nila," natatawa na dagdag ni Elliseo. — "Apollo," tawag ni Gaizer sa binata. Napatingin si Apollo. Pinaalis muna nito ang stylist niya at hinarap si Gaizer. "Madami bang tinanggap na contract si Grim? Ang daming naka-schedule sa kanya ngayon week." "Wala akong idea. Nakausap mo ba ba si Grim?" tanong ni Apollo. Napasapo sa noo si Gaizer hindi niya mahanap ang lalaki at hindi din nito sinasagot ang tawag niya. "Inaantok pa ako," ani ni Keehan na parang zombie naglalakad papasok ng dressing room. Kasunod nito sina Elliseo at Grim. "Grim, gusto lang kita iinform na full ang schedule mo this week. Talk show, commerci—." "Mag good morning ka muna bago ka maglitanya," banat ni Grim matapos ibaba ang mga gamit at umupo sa sofa. "Hehe good morning," alanganin na sambit ni Gaizer bago umiwas ng tingin. "Finull mo ang schedule mo? Bago 'yon Grim ah. Humahapit ka, magugunaw na ba ang mundo." "Kailangan ko ng pera malapit na ang kasal," sagot ni Grim na kinatigil ni Gaizer. Nilingon nito si Grim na hindi man lang siya tinapunan ng tingin at basta na lang dinampot ang plastic bottle na nasa lamesa. Bumaba ang tingjn ni Grim at napangiti ng mapait. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya na nagmamatured na ang anak-anakan o masasaktan dahil sa pagpapakita nito ng sobrang affection at pagpapahalaga sa mapapangasawa nito. Naisip na din nito ang future at gusto na nito kumita ng pera para sa babae kahit pareho silang nanggaling sa maimpluwensya na pamilya. "Inform ko lang ang mga staff na kailangan natin sila before mag 9am," paalam ni Gaizer bago humakbang palabas ng dressing room. Nang magsara ang pinto. Pilit na pinakalma ni Gaizer ang sarili bago tinulak ang sarili paalis duon at tinungo ang staff room. Madami siyang isipin. Madami siyang trabaho na kailangan gawin. Mga salita iyan na pilit sinasaksak ni Gaizer sa isip habang nasa studio at kasama ang TK. Ngunit hindi pa siya gaanong nakakalayo sa kwarto. Isa-isa hg tumulo ang luha ni Gaizer. Nasasaktan pa din siya kahit dapat maging masaya siya para kay Grim. Para pa din tinutusok ng ilang libong karayom ang puso niya tuwing nagpa-pop sa isip niya na ikakasal na si Grim at matatapos na kung ano 'man ang bagay silang dalawa kung meron 'man dapat matira. "Marshy," napaangat ng tingin si Gaizer. Nanlaki ang mata ni Aki na isa sa miyembro ng Ikigai matapos makita na umiiyak si Gaizer. Mabilis iyon pinunasan ng binata at pilit na tumawa. "Nagrerehearsal kasi kami ni—nina Keehan tapos iyon nagluluha na mata ko. Napuwing pa ako," pagsisinungaling ni Gaizer habang pinatutuyo ang pisngi. Napatigil si Gaizer ng yakapin siya ng binata. "Kung malungkot ka at napapagod kana. Nandito lang kami ng Ikigai," ani ng binata. Natawa ng mahina si Gaizer bago kumawala sa yakap ni Aki. "Ayos lang naman ako Aki. Masakit lang mata ko dahil kailngan umiyak. Iyon kasi ang nasa script kaya 'yon, " ani ni Gaizer matapos umiwas ng tingin. Balak ni Gaizer magsorry mamaya kay Keehan dahil ginamit ito ng binata para makapagsinungaling. Hahawakan ni Aki ang pisngi ng binata nang lumingon si Gaizer matapos siya tawagin ng ilang staff na galing sa elevator. Naisuot ng binata ang hood at napatalikod ng makita na papalapit ang mga ito sa pwesto nila. "Aki baka hinahanap kana nina Rai. Bumalik kana sa grupo mo. Huwag ka ng mag-alala sa akin ayos lang ako," ani ni Gaizer matapos tapikin ang binata sa balikat. Nilingon siya sandali ni Aki. Nakatalikod na si Gaizer kaya hindi nito napansin ang kakaibang tingin ni Aki. "Hindi ka ayos. Alam ko," bulong ng binata. Nagdilim ang expression ni Aki matapos pumasok ang idea na maaring ang TK ang dahilan kung bakit umiiyak ang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD