23

1811 Words
Chapter 23 3rd Person's POV; Nang gabi na iyon gumawa na ng resignation letter ang lalaki. Mahaba kasi ang process since kailangan pa ng approval galing sa director. Kailangan niya din magbayad dahil hindi pa tapos ang contract niya kung sakali. "Gumagawa kana ng letter?" tanong ni Grim matapos umupo sa gilid ng kama at tiningnan ang ginagawa ng kasintahan. Sinara ni Gaizer ang laptop at humarap sa pwesto ng lalaki. Nakita nito na basa ang buhok ng binata kaya kinuha nito ang maliit na towel ni Grim at pinunasan ang buhok ng kasintahan. Lumuhod ang lalaki sa ibabaw ng kama para maabot ang ulo ni Grim na kinatawa ng binata. "Mamaya ko na iyon gagawin. Inaayos ko muna ang schedule niyo," ani ni Gaizer. Hindi sumagot si Grim at niyakap ang katawan ng binata. "Hindi ko ini-expect na darating ang araw na ito. Sobrang gaan ng pakiramdam ko kasi bumalik kana talaga." "Akin kana talaga," bulong ni Grim na kinatigil ni Gaizer. Sinilip nito ang binata kaya napaangat ng tingin si Grim. "Sigurado madaming magwawala na babae at manghihinayang na mga lalaki once na malaman nila si Grim Vergara patay na patay sa manager niya." "Hindi ko ma-imagine ang ire-react ni Tricia na ang model na katulad niya ipagpapalit mo lang sa katulad ko." Tiningnan lang siya ni Grim bago ngumiti. "Hindi mapapantayan ng atensyon at ganda nila ang mga bagay na nakita ko sa iyo Gaizer." "Halos naikot ko na ang mundo. Ang dami ko na din nakilala na tao pero maniwala ka sa hindi. Ikaw lang ang minahal ko ng ganito." "Sayo lang ako nabaliw ng sobra." "To the point na sa sobrang desidido ko na makuha ko nasasaktan na kita at nasisira ang buhay mo," dagdag ni Grim bago niyakap ulit ang lalaki. "Ayos na naman lahat diba? Ayos na tayong dalawa," ani ni Gaizer na kinatingin ng binata. Pinatuyo ni Gaizer ang buhok ng kasintahan bago marahan na hinaplos ang pisngj ng lalaki. "Hindi na ulit ako aalis sa tabi mo." Gaizer Marshall's POV Nang maipasa ko ang Resignation letter ko lumabas na ako ng office at duon nakita ko ang mga staff na na-assign sa TK. "Totoo ba na aalis kana manager?" "Manager bakit biglaan naman?" "Alam na ba ito ng TK?" Natawa ako ng mahina bago sila nilapitan. "Kailangan kasi since nakaipon na din ako para magpatayo ng maliit na business," pagsisinungaling ko. Hindi ko pwedeng sabihin na si Grim mismo ang nagpapaalis sa akin sa trabaho. Alanganin ako natawa ng magsunod-sunod sila ng reklamo. Ang bilis kumalat ng balita. Kalahating araw pa lang ako nanatili dito sa studio. Kung hindi siguro ni Jane nakita ang resignation letter ko hindi kakalat ng ganito ang issue. Kasama ang ilang staff sumakay na kami ng elevator. Tumigil iyon sa 5th floor at may pumasok na ilang artist. Madalas ko sila nakikita sa mga commercial kaya medyo kilala ko na sila. "Alam niyo ba kasama ko sa isang movie series si Grim. Gosh ang gwapo niya." "Girl ang swerte mo, first movie niya iyon diba?" "Oo girl, ito pa ha? Mas gwapo 'yong supporting character duon sa mismong main lead." "Galing pa umarte girl kaya tuwang-tuwa si Director." "Madami pa nga na rookies ang lumapit sa akin since nalaman nila na iisang company lang ang pinagtatrabahuhan namin ni Grim." "Tinatanong kung close kami. Sinabi ko na oo kahit hindi naman talaga. Sayang din opportunity diba?" "Gaga ka, laki ng fan base ng TK lalo na si Grim at Apollo. Kung magka-issue nga baka ikaw pa gyerahin ng mga fans ng TK." "Imposible naman magkaroon din girl. Bukod kay Apollo gawa yata sa bato at bakal ang puso ng taong 'yon." "Tama, ilang babae na din pinahiya 'non. Walang ligtas kahit same industry sila ng trabaho." "Nabasa ko 'yon sa article." Napailing na lang ako ng marinig ko ang kani-kanilang komento kay Grim. Hindi ko sila masisisi kung 'ganon ang pagkakakilala nila kay Grim dahil talaga naman hindi maganda ang ugali ng alaga sa ibang tao. Kung mabait si Grim tapos 'ganon pa siya kagwapo. Ewan ko na lang kung hindi siya mapikot. Nang nasa 4th floor na huminto ulit ang elevator at duon pumasok ang tatlong babae na mukhang nga baguhan lang. Natulala pa ang mga ito matapos makita ang ilang kilalang artista. Mula sa reflection nakita ko kung paano sila taasan ng kilay ng grupuhan na pinagpapantasyahan ang TK. Pumasok ang tatlo pero nanatiling yumuko. Napailing na lang ako ng makitang sumiksik sa kabilang sulok ang limang babae na parang may sakit ang tatlong babae na mukhang trainee lang. "Manager dito na kami. Kita na lang tayo sa staff room," ani ni Kat nang huminto ang elevator at bumukas iyon. Yumuko pa ito sandali bago naglakad palabas ng elevator na kinatingin ng mga babae sa pwesto ko. "Siya ba 'yong manager ng TK?" "Hottie din." Tumingin ako sa itaas para tingnan kung ilang minuto pa ang hihintayin ko bago makarating sa 2nd floor. Bago pa magsara ulit ang elevator may mga pumasok ulit na babae. This time tinulak nila ang mga trainee. Nahawakan ko ang isa sa tatlong trainee na muntikan matumba. "Huwag nga kayo bastos. Hindi sa inyo ang elevator na ito para manulak kayo," asik ko. Nakakapang-init ng ulo. Kanina pa talaga ako nagtitimpi at gusto lumabas dito. "Sino ka naman ha? Staff? Hindi mo ba kami kilala?" Napapokerface ako ng makita na pamilyar sila. Isa sila sa grupo na minsan ng nakasabayan ng TK sa isang photo shoot. Isa sa kanila nakasama ni Jaxon sa isang commercial. "Kailangan ba kilala ko kayo?" basag ko. Tiningnan ko ang tatlong trainee na kasalukuyang kumikinang ang mata dahil sa ginawa ko. "Kapag naging sikat na kayo. Matuto din kayong yumuko sa lupa kung saan kayo minsan tumayo naiintindihan niyo ba?" ani ko. Actually pinariringgan ko lang ang mga artist na nasa loob ng elevator. "O-Opo," sagot ng isa sa mga trainee. Mukhang nasa 14 years old lang sila at nagsisimula pa lang. "Anong sabi mo? Saan ka department kasama? Gusto mo isumbong kita sa manager namin ha?" asik ng babae. Tininggnan ko lang sila at ni head to toe. Isa sa mga kaibigan ko si Brianna. Mabait si Brianna kaya i just wondering kung paano niya naha-handle ang mga ito. Nang magbukas ang elevator napatingin kami sa pinto. "Manager! Kanina ka pa namin hinahana— Oy Mighty. Anong ginagawa niyo sa manager namin?" Nabitawan ako ng mukhang leader ng Mighty matapos makita ang TK. Pumasok si Grim at hinawakan ako sa braso palabas ng elevator. Nakita ko pa ang bahagyang pag-stiff ng mga babae sa loob ng elevator matapos sila tingnan ng masama nina Keehan. "Sandali lang ako nawala nambabae kana," ani ni Grim ng magsara ang elevator. "Seriously?" ani ko. Imbis sumagot nag-pokerface lang ito at tiningnan ang braso ko kung saan humawak ang babae. "Buti na lang walang pasa kung nagkagasgas ka dahil sa babaeng 'yon. Ihuhulog ko siya mula sa taas ng studio." Napangiwi ako ng makita ang pagbabanta sa mukha ni Grim. "Anong ginagawa niyo dito? Pupunta naman ako ng training room niyo." "Ito kasing si Grim ayaw mag-practice ng wala ka. Ilang oras kana kayang hindi bumabalik," sagot ni Jaxon. "Ang dami kasing tanong ng mga nasa management department kaya natagalan ako," sagot ko habang nakasimangot. Naglalakad kami patungo sa training room. Dahil wala naman tao dito inabot ko ang kamay ni Grim. Bibitawan ko iyon ng nas higpitan niya ang pagkakahawak duon na kinaliwanag ng mukha ko. Kinulong niya ang kamay ko sa mga palad niya na kinangiti ko. Nauna na sa amin sina Apollo at Elliseo maglakad kaya kaming dalawa ni Grim ang nasa gitna. Nasa unahan namin sina Apollo at nasa likuran namin sina Keehan. Kahit may mga staff na dumaan hindi na kami nag-abalang magbitaw ni Grim dahil naitatago ng TK ang mga kamay namin. — Nagpatuloy ang practice ng TK. Going smooth naman ang lahat lalo na at nakikita ko na mukhang nasa mood ang grupo. Hindi na gaanong nagkakamali si Keehan at nakakasabay silang lahat. Napatingin ako sa bag ni Grim na hawak ko ng tumunog ang phone niya sa loob 'non. Kinuha ko ang phone at nakita ko na alarm iyon. "Gaizer, bumalik kana sa office," utos ni Grim. Napalingon ang TK sa pwesto ko. "Time to medicine and short nap, Manager, " natatawa na sambit ni Keehan. Napasimangot ako sa idea na ginawa nila akong bata. Dahil para naman sa baby sinunod ko si Grim. Matapos magpaalam sa kanila lumabas na ako ng practice room at tinungo ang office ni Grim. Binuksan ko ang office ni Grim at napatigil ako ng makita ko si—. "Ms. Tricia," ani ko. Sigurado na bakas ang gulat sa mukha ko at hindi ko iyon matatago lalo na nakikita ko na hawak ni Tricia ang mga gamot na iniinom ko. "Bakit para kang nakakita ng multo, Mr.Marshall?" tanong ni Tricia matapos ako tingnan. "May babae ba si Grim?" sunod na tanong nj Tricia na kinatawa ko ng alanganin. "Pasensya na, manager nila ako at hindi ko pinanghihimasukan ang private life nila kaya hindi ko alam," alanganin na sagot ko. "I see," ani ni Tricia matapos tingnan ang isa sa mga lalagyan ko ng gamot. "Nakakapagtaka lang kasi dahil may mini ref dito si Grim. Ang alam ko hindi siya mahilig sa sweets at ayaw din nito ng lasa ng french fries." "May mga vitamins din siya sa bag kaya hindi ko maiwasan magduda." "How about siya na lang kausapin mo Ms.Tricia?" "Ilang beses ko na siya tinatawagan pero hindi niya sinasagot ang phone," sagot ni Tricia. "Manager, I owe you this time. Please tell me kung may umaaligid kay Grim." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Bigla akong na-guilty habang nakatingin ngayon kay Tricia. "Tricia, anong ginagawa mo dito?" Napahakbang ako papasok sa loob matapos ko marinig ang boses ni Grim sa likuran ko. "Nandito ang fiancee ko tama lang naman na puntahan kita dito diba?" "Tricia, ilang beses ko ba sasabihin sayo na busy ako?" "Gusto lang kita makita," ani ni Tricia. Kinuha ni Grim ang bag at tiningnan ang laman nuon. "Ikaw ba gumalaw nito?" "Para ba 'yan sa girlfriend mo?" "Anong girlfriend?" "Nakita ko ang laman ng mini ref mo. Naririnig ko din ang usapan ng mga staff na nagbabago ka at iniisip nila na may girlfriend kana." "Hindi ba nila alam na ako ang fiancee mo?" "Wala akong girlfriend." "Itong mga gamot para kay Keehan at ang laman ng mini ref na 'yan para kay Jaxon." "Nilagay lang nila dito since pinaayos ang office ni Jaxon," explain ni Grim. Gusto lang ni Grim na maprotektahan ako pero bakit nasasaktan ako ngayon. Feeling ko may mga karayom na tumusok sa puso ko matapos marinig ang pagtaggi sa akin ni Grim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD