24

1638 Words
Chapter 24 3rd Person's POV "Sorry baby, ang dami ko kasing naririnig." Pinulupot ni Tricia ang braso sa batok ni Grim. Naiyukom ni Grim ang braso. Hindi siya makapag-isip ng maayos itutulak niya ba si Tricia o ano dahil nasa loob din si Gaizer. Ilalapit ni Tricia ang labi niya sa labi ni Grim nang bumukas nag pinto at duon dumating ang TK. Napatingin si Grim sa pinto kaya sa pisngi napahalik si Tricia na kinalaki ng mata nina Keehan. "Ow, mukhang mag naistorbo tayo." Tiningnan sila ni Grim na parang nanghihingi ng tulong. Ayaw niya sa sitwasyon niya ngayon at nabasa iyon ni Apollo. "Mag-iikot si producer ngayon kaya kailangan natin mag-ready," ani ni Apollo. Kumunot ang noo ni Tricia at lumayo kay Grim. "Busy kami Tricia. Malapit na ang concert." "Pumunta ka naman kasi kahit minsan sa penthouse. Mis na kita at hindi ko na alam ang sasabihin kay tito tuwing tinatanong niya kung kasama kita." "Susubukan ko," bored na sagot ni Grim kahit ang totoo wala siyang balak. Napatingjn siya kay Gaizer na lumabas ng opisina at hindi sila tinapunan ng tingin. Gusto ni Grim sundan ang lalaki pero alam niya na hindi maganda ang idea na 'yon. -- Kasama sa pagbubuntis ni Gaizer ang pagiging sensitive. Umiiyak agad siya sa konting bagay na katulad ngayon hindi niya mapigilan ang mga luha niya. Nanlalabo ang paningin niya sa mga luha kaya hindi nito napansin na may nakabangga na siya at bago pa siya ma-out balance may sumalo sa kanya at agad naalalayan. "Marshall, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Napaangat ng tingin si Gaizer at duon nakita niya si Rai Ferrer. "R-Rai," ani ni Gaizer na mas kinaiyak ng binata. "Spill it. Anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Rai matapos abutan si Gaizer ng mineral water habang nakaupo sa bench na malapit sa vending machine "Nagseselos ako. Ang sakit kasi," sumbong ni Gaizer kay Rai na kinapokerface ng binata. "Gwapo at talented si Grim. Miyembro pa siya ng TK kaya bawat isang babae na madadaanan mo kalaban ko." "A-Ano? W-Wala akong sinabi na—." Tiningnan siya ni Rai at ginulo ang buhok niya. "Kahit hindi mo sabihin alam ko na may special relationship kayong dalawa. 'Don pa lang sa pandidilim ng mukha ni Grim nang yakapin kita alam ko na hindi lang ordinaryong manager ang tingin niya sayo." "Rai," ani ni Gaizer na kinatawa ng mahina ni Rai. "Don't worry wala naman makakaalam. Kaibigan mo ako at wala akong balak ipahamak ka," ani ni Rai. Gamit ang likod ng palad ni Rai pupunasan niya ang pisngi ni Gaizer nang may sumalo ng kamay niya na kinatingin ni Rai. "Apollo," ani ni Gaizer bago tumayo at tingnan ang leader ng TK. "Kailangan ka namin, Manager," ani ni Apollo matapos bitawan ang kamay ni Rai at tingnan ito na parang binabasa ang buo niyang kaluluwa at pagkatao. Nagpaalam na si Gaizer at nag-thank you bago sinundan si Apollo. "Hmm, maswerte ka talaga Marshall." "Gusto ka ng lahat," bulong ni Rai Ferrer bago bumuga ng hangin matapos makita ang papalayong bulto ni Apollo at Gaizer. — "Anong problema, Apollo?" "Nothing, nag-aalala lang kami sayo," mabilis na sagot ni Apollo habang naglalakad sila patungo sa practice room. "Ayos lang naman ako," bulong ni Gaizer na kinatingin ni Apollo. "Duon ka muna sa office ko. 'Nandon na din 'yong bag na pinaglalagyan ni Grim ng gamot mo at ilang pagkain na kinuha ni Jaxon sa office ni Grim," ani ni Apollo. Pagbukas ni Apollo ng office niya walang imik na pumasok si Gaizer at umupo sa sofa. "Apollo, sa inyong lahat ikaw ang pinaka-mature. Ikaw lang makakausap ko sa ganitong bagay." "Apollo, ano ba talaga ang tunay na sitwasyon ni Grim?" "Hindi ko siya matanong dahil lagi niya sinasabi na magiging maayos din ang lahat. Ayaw niya magsabi sa akin." "Lahat ng bagay na meron siya mawawala once na piliin ka niya manager, that's it." "A-Ano?" Nagulat si Gaizer ng straight to the point na sagutin iyon ni Apollo. "P-Paano mo nasabi 'yan?" "Pare-pareho lang kami ng sitwasyon at inaalala. Simula sa pamilya hanggang sa career lahat iyon mawawala once na piliin namin ang bagay na nakakapag-pasaya sa amin," sagot ni Apollo bago humakbang palapit sa table niya at sumandal sa lamesa. Hindi alam ni Gaizer kung ano ire-react matapos marinig iyon kay Apollo. Bakit hindi niya agad iyon naisip? Galing sa kilalang pamilya ang miyembro ng TK lalo na sina Grim at Apollo. "Anong balak niyo?" "Go with the flow," sagot ni Apollo na kinatingin ni Gaizer. "Sa sitwasyon ni Grim kailangan niya magdecide good for once. Kailangan niya iturn down si Tricia para sa inyong dalawa." "Makakaapekto iyon sa TK. Model si Tricia at usapan na world wide ang engangement nilang dalawa." "Siguradong ang inaanlala ni Grim ang magiging casualties ng desisyon na iyon sa TK." Napayuki si Gaizer at napasabunot sa sariling buhok matapos marealize na maaring siya pa ang makasira sa TK at kay Grim. "Sabihin ko na lang kay Grim na pakasalan niya si Tricia. Para—." "Para ano?" tanong ni Apollo na kinatingin ni Gaizer. "Hindi sa nanghihimasok ako sa relationship niyo manager pero hindi mo na naman iniisip ang mararandaman ni Grim. Gagawin mo na naman ang sa tingin mong tama na hindi iniisip ang side ni Grim." "A-Ayoko lang na mabuwag ang TK. Ayoko mahirapan si Grim at ayoko masayang lahat ng pinaghirapan niyo." "Unang beses pa lang na dumating ka. Alam ko na mangyayari ito. " "Then bakit hindi mo sinabi baki—." "As a leader responsibility ko na maging maayos ang TK. Mula sa pagpe-perform at publicity ng bawat members. Kung paano sila gagalaw at i-guide ang grupo sa lahat ng pagkakataon bilang TK members." Bumukas ang pinto at napatigil sina Keehan ng marinig ang huling sinabi ni Apollo. "Pero bilang kaibigan at nakakatandang kapatid kina Grim. Mas priority ko ang kasiyahan ng bawat isa sa mga kapatid ko." "Wala akong pakialam kung mabuwag ang TK. Hindi ko ito binuo para sa ibang tao." "Nakakatawa 'man sabihin pero isa sa reason kung bakit ko ito binuo dahil gusto namin ng pagmamahal." "Gusto namin ng pamilya. Ngayon nakukuha na namin iyon sa iisang tao." "Hindi na namin kailangan ang title at simpatya ng ibang tao." "Leader! Waah!" Napatigil si Apollo ng makita niya ang lahat ng miyembro ng TK sa pintuan. Tumakbo si Keehan at parang bata na niyakap si Apollo with iyak effect. "Akala namin magagalit ka kapag nasira ang TK," bulong ni Elliseo. "Bakit ako magagalit?" "Pare-pareho lang naman tayo gusto ng stable na buhay." "Kung may inaalala 'man ako ngayon. Siguro 'yon 'yung idea na madadamay si Keehan at Jaxon." "I don't mind. 'Ganon din ako. Kung saan kayo masaya support ako." "Ako din leader. Wala akong pakialam sa issue o sa mga bashers." "Ang mahalaga masaya kayo nina manager," sagot ni Keehan. Tiningnan ni Gaizer si Grim at pagtayo ni Gaizer sinalubong siya ng yakap ni Grim. "Tell me, hindi mo naman ako iiwan diba kapag hindi na ako isang Vergara or—." "Naalala mo 'nong bata ka? Kinuha kita 'non at minahal kahit wala ka na kahit ano 'nong makita kita." "Kung ano 'man ang mangyari. Nasa tabi niyo pa din ako as a manager or si Gaizer Marshall." "Title lang ang pagiging TK. Tama si Apollo," ani ni Gaizer bago tiningnan sina Elliseo na napangiti na lang. "Go with the flow tayo. Kung 'ano 'man ang feedback ng mga gagawin natin na desisyon. Kailangan lang natin 'yon harapin at tanggapin." Tiningnan ni Gaizer si Grim at ngumiti. "Kasama mo ako Grim. Sa kahit ano 'man na desisyon at kahit anong gawin mo kasama mo ako." — Kasalukuyang natutulog sa sofa si Gaizer habang si Grim naman ay tahimik lang na nakaupo sa pang-isahan na sofa. "Ano ng balak mo, Vergara?" tanong ni Apollo. "Kami ni Apollo naghihintay lang kami nvpagkakataon. Go with the flow lang kami," ani ni Elliseo habang nakatingin sa kaibigan. "I don't have any choice. Ayoko ikasal kay Tricia at mawala sa akin si Gaizer." "Pero ayoko din hilahin kayo pababa. Ang layo na ng narating natin." "Hindi lang ang career ko ang nakasalalay dito pati na din ang career niyo." "Kapag nasira tayo ibig sabihin lang 'non hindi tayo para sa field na ito," ani ni Jaxon na kinatingin nina Apollo. "Baka Chef talaga ako at hindi guitarist." "Yeah unique ang skills mo sa pagluluto. Sumasabog," banat ni Keehan na kinatawa ni Elliseo. "Kinakain mo naman kahit sunog," ani ni Jaxon na kinibitbalikat ni Keehan. "Pampalubag loob tawag duon," pang-aasar ni Keehan na kinapokerface ni Jaxon. "Bakit nasa sabog na nag usapan?" ani ni Elliseo. "Basta kung anong desisyon niyo duon ako," ani ni Keehan habang nag-uunat ng braso. "Para sa akin wala ng sasaya pa sa pakiramdam 'yong makita ang tawa ng TK na walang camera at biruan na wala sa script." " 'Yong bonding niyo lang ang pagtugtog. Tapos 'yon pagmumura ni leader sa amin ni Jaxon dahil pagkatapos ng practice hinahabol ko si Jaxon ng gitara." "Hindi 'yong practice na bawat galaw namin kinukuhanan ng video." "Mas gusto ko 'yong 'ganon. Hindi 'man nakikita ng ibang tao masaya tayo diba?" "Tama! Effortless ang kagwapuhan natin kaya hindi natin kailangan ng make up at mag-pretend." "Hindi bigdeal sa amin kung ilabas niyo ang mga relationship niyo in public. Basta kami ni Jaxon support lang." Hindi alam ni Grim ang ire-react lalo na ng sabihin nina Apollo na kung anong maging desisyon niya suporta ang buong TK sa kanila ni Gaizer. "Isipin mo na lang ngayon ang parents mo, Grim. Huwag mo alalahanin ang grupo kaya namin ang sarili namin," ani ni Elliseo. "Wala akong pakialam sa iisipin ni dad." "Paano sina Tita?" tanong ni Keehan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD