25

1562 Words
Chapter 25 3rd Person's POV "Kamusta na ang lagay ng mag-ama ko?" bungad ni Grim sa doctor na nag-check sa kalagayan ni Gaizer. Isang beses sa isang buwan pumupunta ajg doctor na pinagkakatiwalaan ni Gaizer sa condition ng mag-ama niya. Lagi pa din ito umaasa na magiging maganda ang feed back ng doctor at sabihin nito na stable na ang lagay ng mag-ama niya. "Good to say, unti-unti ng nagiging stable ang katawan ni Mr. Gaizer. Ipagpatuloy niya lang pag-inom ng vitamins at healthy life style niya sigurado ako na lalabas si baby na healthy." "About naman sa panganganak ng asawa mo it's up to Mr.Marshall kung makakaya niya. Bihira lang ang may kondisyon na mga ganito sa isang lalaki at napaka-rare talaga kaya mas mabuting paghandaan niyo ito mabuti." "Alagaan mong mabuti ang mag-ama mo Mr. Griffin," ani ng ng doctor. Matapos ipaalala nito ang mga gamot at ang bilin nito na alagaan siya sa masustansya na pagkain. Umalis na din ito at iniwan ang dalawa sa kwarto "Narinig mo 'yon Gaizer, healthy na si baby. Mabuhuhay ang bata," ani ni Grim at buong saya na niyakap ang kasintahan na halos maiyak sa magandang balita. "Buti na lang malakas ang kapit ni baby. Hindi siya bumitaw kahit 'yong nga time na wala akong idea na nage-exist na siya sa katawan ko," ani ni Gaizer habang hinahaplos ang buhok ni Grim na ngayon ay nakasubsob sa sinapupunan niya. "Baby, naririnig mo ba si daddy? Kapag lalabas kana huwag mo papahirapan si papa Gaizer ah?" "Papagalitan ka ni daddy kapag pinahirapan mo si papa Gaizer." "Loko ka, hindi ka pa 'nan maririnig wala pa siyang 2 months," natatawa na sambit ni Gaizer bago niyakap ang ulo ni Grim. "Wala pang 2 months ang tiyan mo? Bakit feeling ko ang laki na ng tiyan mo kahit wala pang 2 months." "Paano mo naman nasabi nabuntis kana ba?" natatawa na sambit ni Gaizer. "Nope, pero nabasa ko iyon sa pregnancy book na binigay ni Elliseo. Hindi pa gaano halata kapag 2 months pa lang." "Wait, nandito 'yon." Natawa ng mahina si Gaizer matapos silipin ni Grim ang ilalim ng kama. "Saan ko na nailagay 'yon." Hindi maiwasan matuwa ni Gaizer matapos makita ang sobrang excitement ni Grim sa bawat araw na lumilipas. Lalo na ng makita nito ang paumbok niya na sinapupunan. Katulad din ng plano nito. Binilhan na siya ng binat ng malalaki at mahahabang damit para sa pagbubuntis niya. 'Yong iba pinasadya niya sa isang sikat na designer para lang sa kanya. Sinigurado din nito lahat iyon cotton. Minsan nakikita pa nito na laging tinatawagan si Elliseo para magpaturo kung paano siya alagaan at anong gagawin kapag nagsusuka siya o nahihilo. Maya-maya napalabas kami ni Grim sa kwarto matapos marinig namin ang mga katok sa pintuan ng unit. Nanatili ako sa living room habang si Grim naman ay tinungo ang pintuan para buksan. "Kyaah! Juntis!" "Ang ingay mo Waxy," saway ni Miguel matapos sila pumasok sa unit ng pagbuksan na sila ni Grim. Agad lumapit sina Miguel kay Gaizer habang si Apollo at Elliseo naman nakipag-bomb fist lng kay Grim na ngayon ay naka-pokerface. "Alam ko na magkakatabi lang tayo ng unit pero tama ba na pumunta kayo dito ng half naked?" "Alangan naman mag-suit pa kami eh nasa kabilang pinto lang naman bahay niyo." "Anyway dito muna asawa ko. Maliligo lang ako." "Magluluto din na muna ako." "Putangna, gagawin niyo ba talaga akong babysitter?" asar na sambit ni Grim matapos lumabas ang dalawa at sinabi na unit niya muna ang mga asawa. "Dude, dinala 'namin 'yan ng walang gasgas. Kapag binalik mo sa amin 'yan ng may lamat papagiba namin 'yang unit mo kasama ka," banat ni Elliseo. Tinaas lang ni Grim ang middle finger niya na ginaya ng dalawa. Wala lang naman sa kanila iyon since inakupahan nila ang buong floor na iyon para lang sa TK at sa mga asawa nito. Kahit magsisigaw sila duon walang makakakita o makakarinig. Papasok na sa kani-kanilang unit ang tatlo ng bumukas ang pinto sa katabing unit ni Elliseo. Babatiin nito si Jaxon na naka-akupa duon nang mapatigil ang binata matapos makita si Keehan. Gusot-gusot ang suot nitong sando, yakap ang malaki nitong unan at parang zombie na pumasok sa kabilang pinto na nasa harapan lang ng unit ni Jaxon na pagma-may ari ni Keehan. "Sleep walking?" tanong ni Elliseo bago tingnan sina Apollo na napa-pokerface na lang. "Chismoso," ani ni Grim. "Putangna niyo kayo din naman tumingin," ani ni Elliseo na kinapalatak ng binata matapos siya pagsarhan ng pinto nina Grim at Apollo. — Pagkatapos ng practice. Kinuha ni Jaxon ang sariling inumin sa lalagyan napatigil lang ito matapos siya lapitan ni Teressa. Kababata s***h new manager ng TK. "Jaxon, towel." nakangiti na sambit ni Teressa. Kinuha iyon ni Jaxon at pinunas sa mukha. "Mukhang close talaga kayo kay Mr. Marshall kahit sina Grim at Apollo napapasunod niya at napapagalitan." "Madali lang din naman pakisamahan sina Grim at Apollo, I guess," sagot ni Jaxon kay Teressa. Matagal na sila magkakakilala nina Apollo highschool pa lang ang mga ito. Sa grupo si Apollo at Grim lang ang nahihirapan makisama sa iba kaya hindi din masabi ni Jaxon kay Teressa na mapapalapit siya sa dalwang ito since iba si Gaizer. Special si Gaizer kay Grim. "Keehan!" ani ni Gaizer matapos lapitan si Keehan ng sunod-sunod ang naging pag-ubo nito. "s**t! Bakit sino nagbigay ng apple juice?!" sigaw ni Apollo nang may matapakan siya na plastic bottle at makita ang label nuon. Nagkagulo ang mga staff matapos makita na namumula na si Keehan. Mabilis na kinuha ni Gaizer ang bag niya at sa pagkataranta nahulog ang ilang lalagyan ng gamot. Tinulungan na siya ni Grim. "A-Ako ang nagbigay ng a-apple juice hindi ko alam n—." "Apollo, huminahon ka. Bago lang si Teressa," ani ni Jaxon matapos pigilan si Apollo. Hinablot na lang kasi nito ang babae at nag-aalala si Jaxon dahil babae pa din ito. "f**k it! Papatayin 'nan si Keehan!" bulyaw ni Apollo. "Isang linggo pa lang si Teressa dito Apollo. Natural lang na magkamali pa siya at—." "Sa dami ng pagkakamali niya painumin pa si Keehan ng apple juice at kinakampihan mo pa siya?" frutrated na sambit ni Elliseo. Naiyak si Keehan hindi sa hindi na siya makahing kung hindi dahil mas nag-alala pa si Jaxon sa iba. Nakatingin lang si Keehan sa lalaki at hindi siya magawang tapunan ni Jaxon ng tingin. Mabilis na pinainom ni Gaizer ng gamot si Keehan at binigyan ng tubig. Hindi natuloy ang practice na iyon dahil sa nangyari kay Keehan. Kinausap naman ni Gaizer si Teressa na halos gusto na ibaon ang sarili sa lupa. "Teressa, may binigay ako sa 'yo na documents about sa TK diba?" "Manager, h-hindi ko natapos basahin. Late na kasi ako umuuwi at 'yong kay Jaxon pa lang ang nababasa ko." "Sinabi ko na kay Keehan ang una mong basahin dahil kumpara sa ibang members ng TK madaming bawal kay Keehan." Hindi nakapagsalita duon si Teressa. "Hindi din ito ang first time mo maghandle ng grupo diba? Kaya hindi mo pwede sabihin na hindi mo alam na sa kahit ano pa 'man na bagay, kalusugan at safety ng artist natin ang mahalaga." "Manager, mawalang galang na. Hindi kasalanan iyon ni Teressa at the first place dapat alam ni Keehan na bawal iyon sa kanya. Ininom niya iyon ng—." "Gueverra," putol ni Apollo na kinatingin ng binata. "Huwag kang bastos. Matuto ka rumespeto kay Manager." "Pero sana respetuhin niyo din si Teressa. Bakit kailangan kay Teressa niyo ibigay lahat ng sisi?" "Si Manager lang naman ang nag-obliga sa sarili niya na pati mga pagkain natin kailangan—." "Grim!" Pinigilan ni Elliseo si Grim ng sugurin nito si Jaxon. "Alam kong alam mo na lahat ginagawa ni Gaizer para maging maayos ang grupo. Huwag ka magsalita na parang kasalanan pa ni Gaizer na maging concern siya sa TK at kay Keehan," walang emosyon na sambit ni Grim. Hindi nakapagsalita si Jaxon matapos makita ang side na iyon ni Grim. Hinila ni Gaizer palayo si Grim na agad binitawan si Jaxon. "Hindi ko alam Jaxon kung para saan ito pero— hindi na ako natutuwa sa ginagawa mo." "Trabaho na ng manager ang pinanghihimasukan mo at buhay ni Keehan ang usapan dito," ani ni Gaizer matapos tingnan si Teressa na parang anytime iiyak na. -- Habang nakahiga sa clinic ng studio si Keehan nanatili lang itong nakatingin sa puting kisame. Hindi ito gumagalaw duon hanggang sa pumasok sina Gaizer. Agad niya pinasadahan ito ng mga tingin. Nang isara ni Grim ang pinto na siyang huling pumasok halos bagsakan ng langit at lupa si Keehan. Nag-expect siya na pupuntahan siya ni Jaxon at magsosorry pero hindi. Hinayaan lang siya nito. "Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Gaizer kay Keehan. Agad naman tumango ang binata at niyakap ang lalaki. Hindi nag-react si Grim matapos makita iyon. Seloso ang lalaki pero sa pagkakataon na iyon at nakikita niya ang mukha ng pinakabata sa kanila. Wala itong gana na palayuin si Keehan dahil sa pagyakap nito sa kasihtahan niya. "Naguguluhan ako, Manager." "Naiinis ako na hindi ko maintindihan. Nasasaktan ako," parang bata na sumbong ni Keehan. "May gusto ka ba kay Jaxon?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD