26

1081 Words
Chapter 26 Gaizer Marshall's POV; Hindi ko maiwasan mag-alala kay Keehan. Kahit nakikita ko na naging maayos na ulit ang lahat matapos humingi ng sorry ni Jaxon at Teressa hindi pa din nababawasan ang pag-aalala ko lalo na ng sabihin ni Keehan ang lahat sa amin sa clinic. Hindi ko alam kung paano nagagawang umarte ng TK na parang walang nangyari matapos ang narinig nila kay Keehan. "Anong ginagawa mo dito sira ulo ka? Pakalat-kalat ka." Napatingin ako sa pinto ng training room matapos makita si Grim at—Bazile. "Ganyan ka ba bumati sa kapatid mo kuya?" tanong ni Bazile bago ako tiningnan. Nailing na lang ako ng harangan siya ni Grim at sinabi na huwag ako titigan. Matapos makipag-usap ni Keehan kay Jaxon lumapit si Keehan sa akin. Inabutan ko siya ng tubig at towel. Kinuha ni Keehan ang towel pero 'yong tubig nilagay niya sa pagitan namin na dalawa. 'Ganon ang palagi niyang ginagawa kaya hindi ko maiwasan mag-alala dahil baka ma-dehydrate si Keehan dahil sa pagod. — "Anong problema?" "Akala ko tulog kana," bulong ko bago umikot at humarap kay Grim. Buong araw nagpractice sina Grim. 'Pag uwi namin dito hindi na nakapag-dinner si Grim at natulog na lang matapos mag-shower. "May masakit ba sayo? Gusto mo ipatawag ko ulit ang doctor para tingnan ka." Umiling lang ako at tiningnan si Grim. "Ayos lang ako. Nag-aalala lang ako kay Keehan." "Gaizer malalaki na sina Keehan hindi na sila mga bata." "Alam na ni Keehan ang tama o mali. Huwag mo na sila alalahanin baka makasama lang sa inyo ng baby," ani ni Grim matapos ako ikulong sa mga braso niya. Sa pagkakataon na iyon hinila na din ako ng antok. Medyo nawala na din ang mga inaalala ko. Si Keehan kung para talaga sila sa isa't isa ni Jaxon magiging maayos lahat sa pagitan nilang dalawa kahit ano pa mangyari at kahit gaano pa 'yon kasira. 3rd Person's POV Lumipas ang mga araw nalinis na din at nakumpleto na din ng TK ang ipe-perform nila sa concert nila sa december. Recording na lang at tapos na lahat. Makakapagpahinga na sila sa buong buwan before ang concert nila. Nakahinga ng maluwang si Grim nang nakita na mas napatapos ng TK ang practice ng mas maaga sa inaasahan niya. Kahit ang mga staff natuwa din dahil naging sulit ang overtime nila. "Dahi 'don! Mag-iinuman tayo at—." "Hep! Hep!" ani ni Grim na kinatingin ng TK. "Walang iinom. Pwede mag-celebrate pero wala iinom. May recording pa rin kayo bukas at sa susunod na araw mahirap na lalo kana Apollo." "Si manager talaga Kj," nakanguso na sambit ni Keehan. "Hindi pa ba kayo uuwi? Nabobored na ako sa sasakyan," pokerface na sambit ni Bazile na bigla na lang sumulpot sa pintuan. Sa pagdating ni Teressa nag-apply na din si Bazile na company driver para sa TK. Ang reason niya boring siya. Tinanggap naman siya agad ng company at ni Apollo since hindi makakapag-drive si Teressa at kailangan talaga nila ng driver. "Bazile tamang-tama magce-celebrate kami ngayon. How about bumili kana ng makakain natin sa labas," ani ni Jaxon. "Dito na lang tayo mag-celebrate dahil sigurado kokontra na naman si Manager," natatawa na sambit ni Elliseo. "Yes! At treat ni leader," ani ni Keehan sabay turo kay Apollo na nanahimik. "How about ako na lang ang magte-treat sa inyo? Since last practice niyo na din na kasama ako." "Manager! Bawal kailangan mo ng pera para sa future family mo." "Hindi kailangan ni manager ng pera sa future niya. Galante ang mapapangasawa eh, diba Grim?" ani ni Elliseo sabay akbay sa kaibigan na umiinom ng tubig. "Yeah, whatever," sagot ni Grim na kinalaki ng mata ng mga staff. "Manager ohmygosh! May asawa kana?" "Manager, may girlfriend kana?" Napangiwi siya ng isang iglap pagkaguluhan siya ng mga staff kasama si Teressa. "Manager, hindi namin alam na may asawa ka. Maganda ba manager?" "Ahm, hindi pa asawa." "Maganda ba manager?" Alanganin natawa si Gaizer dahil sa idea na hindi maganda ang asawa niya dahil sobrang gwapo nito na sapat ng magpaiyak ng libo-libong mga babae. "Manager, pakilala mo sa amin. May picture ka ba?" natutuwa na sambit ni Teressa. Napakamot sa ulo si Gaizer ng kulitin na siya ng mga staff. "Hep! Tama na. Hindi pa kami mag-asawa. Hindi siya mabait sobrang sungit niya tapos malayo siya sa word na maganda." "Ehh manager gusto pa din namin siya ma-meet." Kinuha ni Gaizer ang atm niya at inabot kay Bazile na agad kinuha iyon. "Next time kasi busy siya," sagot ni Gaizer. Kinulit pa din siya ng mga staff kaya naisantabi ang TK. "Bazile, sama na ako. Tulungan kita," ani ni Keehan ng aalis na si Bazile. "Keehan, baka may makakilala sayo sa labas," ani ni Jaxon. Sinuot ni Keehan ang hood niya at kumuha ng mask. "Imposible 'yon," sagot ni Keehan sabay kindat. Sinundan niya si Bazile palabas. Nakatingingin lang si Jaxon sa pintuan hanggang sa magsara 'yon. "Sa unit mo na din pala nakatira si Bazile. Buti pumayag ka," ani ni Elliseo. "Malapit si Gaizer kay Bazile. Isa pa mabuti na din iyon para masigurado ko na walang gagawin kalokohan ang kakambal ko habang busy ako." "Eh hindi ka naman ba nagseselos?" "Hindi sa kakambal ko. Kilala ko si Bazile. Alam ko ang reason kung bakit siya bumubuntot sa akin ngayon." "Gusto niya 'yong baby," pokerface na sambit ni Grim na kinatawa ni Elliseo. "Nae-excite din pala ang kapatid mo. Hindi halata," natatawa na sambit ni Elliseo. "Maganda na din 'yon para kapag tayo sa unit may mga nagtitingin-tingin kina Manager," dagdag ng lalaki. Habang nakikipag-usap si Grim sa TK nakatingin lang ito kay Gaizer na napapalibutan ng mga staff. Inaalalayan nito ang galaw ni Gaizer lalo na kapag nagtagal magiging maselan na ang pagbubuntis nito kaya talagang hand on si Grim ss kasintahan. Nawala lang ang pansin ni Grim sa binata ng tumunog ang phone nito. Nabasa nito ang pangalan ni Tricia kaya agad niya itong sinagot. "Where are you?" Nagbago ang expression ni Grim matapos marinig ang pamilyar na boses mula sa kabilang linya. Napatingin si Gaizer sa pwesto ni Grim at nakita nito ang pagkadisgusto sa binata. Sinundan siya ng tingin ni Gaizer hanggang sa makalabas ito ng practice room. "Manager," pang-aagaw ng pansin ng isa sa mga staff. "A-Ano? May tinatanong ba kayo?" tanong ni Gaizer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD