27

1062 Words
Chapter 27 3rd Person's POV Hindi maiwasan ni Gaizer mag-alala lalo na ng hanggang sa makauwi siya hindi pa bumabalik si Grim. Lumabas ito ng kwarto at duon nakita niya si Bazile na nakaupo sa sofa. Nakatingin lang ito sa phone na parang may hinihintay na tumawag or mag-text. "Masama sa inyo ni baby ang mapuyat," paalala ni Bazile bago binaba ang phone coffee table at tumayo. "Pagtitimpla kita ng gatas para makatulog ka," ani ni Bazile bago humakbang patungo sa kusina. Sinundan niya si Bazile sa kusina at umupo sa harap ng dining table. "Alam mo ba kung nasaan ang kapatid mo?" "Kung wala siya dito at sa studio sigurado na umuwi siya sa bahay," ani ni Bazile na kinatingin ni Gaizer. "A-Ano? Bahay? Bakit hindi nagpaalan si Grim?" "Nag-text ba siya sayo o tumawag 'man lang?" tanong ni Gaizer matapos ibaba ni Bazile ang baso sa harap ng binata. "Nagtext si kuya. Pero ang sinabi niya lang huwag akong aalis sa tabi mo, bantayan kita at babalik daw siya." "Nakita ko din ang mga tauhan ni dad sa labas ng studio kanina. Mukhang kusa ng sumama si Kuya para maiwasan ang gulo." Hawak ang baso nakayuko na tiningnan iyon ni Gaizer. "Magiging maayos lang siya diba? Hindi ko kailangan mag-alala." "Babalik si Kuya at hindi siya matutuwa kapag pinabayaan mo ang sarili mo," ani ni Bazile na kinabuga ng hangin ni Gaizer. "Tama ka. Babalikan ako ni Grim. Hindi ko kailangan mag-alala," may ngiti na sambit ni Gaizer. Ininom na ni Grim ang gatas na tinimpla ni Bazile at bumalik sa kwarto. Sinundan lang siya ng tingin ni Bazile at nang magsara ang pinto niligpit na nito ang baso. Tinungo niya ang living room at kinuha nito ang phone. Pagbukas niya ulit ng phone napako ang tingin nito sa 1 new message. Binuksan ni Bazile iyon. Napahawak ng mahigpit si Bazile sa phone matapos mabasa ang mensahe. Nagdidilim ang anyo na tinungo nito ang pintuan pero bago pa ito makalabas. Huminto na si Bazile bago niya pa mahawakan ang door knob. Binaba ni Bazile ang kamay at iniyukom. "Darn it," bulong ni Bazile habang kagat-kagat ang gilid ng labi hanggang sa dumugo iyon. Pilit na pinakalma ni Bazile ang sarili sa pamamagitan ng sakit at ng bumalik na lahat ng senses niya. Tinulak niya ang sarili palayo sa pintuan at bumalik sa sofa kung saan siya nakapwesto kanina. Binagsak niya ang sarili duon at tiningan ulit ang phone. "Ano ng balak mo ngayon?" — "Ayos ka lang ba Gaizy?" tanong ni Wax. Nalaman ng binata na halos magdadalawang araw na hindi pa din bumabalik si Grim. Hindi niya maiwasan mag-alala lalo na sa kalagayan ng lalaki. "Hindi, lagi kasi humihilab ang tiyan ko. Hindi ako komportable," sagot ni Gaizer na kinangiwi ni Wax. "I mean hindi pa bumabalik si Grim. Hindi ka ba nag-aalala?" tanong ni Wax habang nakaupo sa tabi ni Gaizer. "Nag-aalala," casual na sagot ni Gaizer habang nakapako ang tingin sa t.v at kumakain ng mga hiniwa ni Bazile na prutas. Kinuha ni Wax ang remote at pinatay ang t.v. Pilit niya hinarap si Gaizer sa kanya at tiningnan sa mata. "Kung malungkot ka umiyak ka. Kung masama ang loob mo tell me. Huwag mong kimkimin beshy," ani ni Wax na may pag-aalala sa mukha. Tiningnan lang siya ni Gaizer bago yumuko. "Kailangan ko magpakatatag. Iniiwasan ko mag-isip ng kung ano-ano dahil baka mapahamak ang baby namin." "Naniniwala ako na babalik si Grim. Hindi niya ako iiwan," bulong ni Gaizer. Niyakap siya ni Wax ng mahigpit. Ngumiti lang si Gaizer at niyakap pabalik ang kaibigan. "Kapag sa loob ng isang buwan hindi siya bumalik. Kakaladkarin ko siya pabalik dito. May isang buwan lang siya para ayusin lahat ng problema niya." "Isang buwan lang," ani ni Gaizer na kinatingin ni Wax. "Pupunta ka sa mansyon ng mga Vergara?" hindi makapaniwala na tanong ni Wax. "Yes, dahil hindi ako papayag na mawalan ng daddy ang baby ko." "Hindi ako papayag na mawala sa akin si Grim," bulong ni Gaizer. "Hihi ganyan ang fighting spirit! Aja!" — Lumipas ang mga araw at linggo. Naging habit na ng binata na kapag gigising si Grim uupo lang ito sa veranda ng balkonahe ng mga Vergara. Tatanaw ito sa gate at para bang may hinihintay siya na darating duon. Naiinis si Grim dahil wala siyang magawa kung hindi umupo lang duon at paniwalain ang sarili na magiging okay lang ang mag-ama niya. "Grim," ani ng magandang babae na naglalakad palapit sa binata. "Ate kung nandito ka para sabihin na sundin ko si dad at pakasalan ko si Tricia. Hindi mangyayari 'yon ate kahit ikulong niyo pa akk dito habang buhay," puno ng galit na sambit ni Grim. Ni hindi nito inabalang tingnan ang kapatid na bakas ang pag-aalala sa mukha. "Lagi akong nasa side mo Grim. Ilang beses ko na pinilit si daddy na hayaan kana lang per—." "Hindi nanakakapagtaka 'yon kay dad. Wala ng bago since wala ng mas hahalaga pa sa kanya kung hindi ang pera at titulo ng pamilya diba?" putol ni Grim. Napalabi na lang ang dalaga at umupo sa pang-isahan na sofa. "Ano bang klaseng tao ang kinababaliwan mo Grim, I just wondering kung bakit pati ang career mo at pamilya natin balak mong talikuran para lang sa lalaking 'yon." "Isa kang Vergara. With your looks, career at title kahit sinong babae magkakandarapa sayo. Bakit sa isa pang lalaki?" tanong ng dalaga. "He's my everything, Ate. Mas hindi ako mabubuhay kapag wala siya," bulong ni Grim bago tingnan ang kapatid. "Siya ang unang bagay na nagkaroon ako after ko umalis sa puder ni dad. I don't have anything kahit damit 'nong matagpuan niya ako." "Guess what? Minahal niya ako. Hindi dahil sa look, sa career or kahit sa title." "Binihisan niya ako at kung ano 'man ako ngayon, kung nasaan ako ngayon hindi 'yon dahil naging independent ako. Dahil 'yon sa taong minamaliit ni dad, sinasabing walang, kwenta at ipokrito." "Wala na akong makikita na katulad niya ate kahit sabihin mo pa na meron akong tatlong bagay na 'yan." Hindi alam ng babae ang irereact lalo na ng makita ang kakaibang kislap ng mata ni Grim na kahit kailan hindi niya nakita sa mga nakalipas na taon na lagi niya itong kasama.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD