CHAPTER 21
Lumikha ng ingay ang nabasag na bote ng serbesa. Dahilan para lalapit sana sa amin ang mga barkada o mas mainam na sabihing tauhan ni Paul at kaibigan ni Rizza ngunit pinigilan sila ni Rizza. Napakiusapan niyang ituloy lang nila ang pagkanta. Nang mga oras na iyon, wala si Tito. Narinig ko kasing kinatok niya ako at nagpaalam ngunit hindi ko siya pinagbuksan. Kung saan pumunta si Tito, hindi ko alam.
Lumapit ang ninenerbiyos at namumulang si Rizza. Agad na ako ang nilapitan at tinitignan kung okey lang ako.
“Rhon, please. Huwag kang gumawa ng gulo. Mabuti wala pa ang Tito mo na pumunta sa bahay nina Kapitan. Sa tingin mo, matutuwa siya kapag makita niyang nagkakaganito ka? Tama na. Para hindi ka na lalong masaktan, lalayo ako. Makakalimutan mo rin ang kagaya kong walang kwentang babae. Tanggap ko na, hindi ako bagay sa’yo. Hindi ako babaeng para sa’yo.” Bulong niya na parang ayaw niyang iparinig kay Paul na may dalawang dipa lang ang layo sa amin.
“Sa tingin mo ha, Rizza? Gusto kong maging ganito? Gusto kong masaktan ng ganito?” malakas kong sinabi iyon. Gusto kong iparinig kay Paul na may karapatan ako sa babaeng inaangkin niya.
“Anong pinagsasabi nito? Rizza? Anong nangyayari?” nakita kong hinawakan ni Paul ang braso ni Rizza. Nasasaktan si Rizza ngunit hindi ko siya tutulungan.
“Paul, bitiwan mo nga ako! Please. Mag-usap tayong tatlo. Hindi ninyo kailangang magbasag, magsuntukan para mapag-usapan natin ito ng maayos.”
Huminga nang malalim si Rizza.
“Please?” nakiusap siya kay Paul.
Itinaas ni Paul ang kanyang kamay na parang sumusuko.
“Okey, okey. Pag-usapan ito ng maayos. Para sa’yo, pagbibigyan ko ang tang-inang batang ‘yan. pag-usapan natin ito ng maayos.” Ngumingisi-ngisi pa ang gago.
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Rizza sa amin ni Paul hanggang sa akin na nakatuon ang tingin ni Rizza.
“Rhon, please. Hindi nakabubuti sa’yo ito. Hindi nakatutulong sa image mo. Ako na lang, kami na lang ang mapasama huwag lang ikaw. Huwag mong isama ang sarili mo sa gulo, huwag kang sumabak sa makasalanang buhay namin ni Paul.”
“Hindi Rizza. Gusto ko ngayong tatlo tayong magkakaharap ngayon, sabihin mo sa akin, sabihin ninyo sa akin kung totoo ba? Sasama ka kay Paul? Magsasama kayo sa Manila?”
“At sino ka para mangialam? Ano ka ni Rizza para ganito ka na lang kaapektado?”
“Girlfriend ko lang naman ang ex mo. Girlfriend ko ang binili mo ang serbisyo niya kagabi.”
“Owww! Wait! Totoo ba ang sinasabi ng gagong ito, Rizza?”
Huminga nang malalim si Rizza. “Nag-uusap kami ni Rhon, Paul. Makinig ka habang nag-uusap muna kami at bibigyan kita ng pagkakataong kausapin ako pagkatapos naming mag-usap. Pwede?”
Umiling si Paul. Inayos-ayos niya ang kanyang bigote. “Sure. Sure. Sige. Sige lang.”
“Ano yung tanong mo, Rhon?”
“Sasama ka ba sa kanya?”
“Hindi.” Tumingin siya kay Paul. Sinimangutan niya ang nakangising si Paul. “Hindi pa ako pumayag. Iyon ang balak niya pero hindi namin iyon balak na dalawa. Hindi ko pa napagdedesisyunan. Gusto kong ako lang ang lalayo kasi gusto kong makatapos. Gusto kong makapag-aral. Gusto kong mabago ang buhay ko pero wala sa usapan na magsasama kami roon. Paul, ano ‘to? Anong ginagawa mo? Anong sinasabi mong kasinungalingan kay Rhon?” namumula ang kanyang mga mata. Mukhang iiyak na naman.
“Bakit? Totoo naman hindi ba? Doon rin naman tayo magtatapos ah! Iniwan ko na si Father Dimas. Sinabi ko na sa’yo ‘yon kagabi. Kaya na kitang panindigan ngayon. Kaya na kitang buhayin. Malakas ang negosyo ko. Makakapag-aral ka kahit saang school mo gusto sa Manila.”
“Malinaw din ang sagot ko kagabi. Hindi na kita mahal. Nagpagamit ako sa’yo kagabi dahil lang sa tawag ng pangangailangan. Ginamit mo ako, humingi ako ng bayad kasi ayaw mong tumulong bilang kaibigan. Pero tapos na ‘yon. Nangyari na kahit nakasakit ako. Minsan lang ‘yon pero hindi ibig sabihin na porke nagpagamit ako sa’yo ay tayo na.”
“Kaya ka nagkunwaring birhen pa? Tinanong kita kagabi kung bakit hindi ka dinugo. Kung bakit hindi ka na parang nasaktan. Hindi mo ako sinagot. Itong batang ‘to ba ang ipinalit mo sa akin? Sa Totoy na ito?” Galit ang mga mata ni Paul habang nagtatanong.
“Oo Paul. Siya ang nakauna sa akin. Siya ang mahal ko kaya nararapat lang na sa kanya ko unang ibigay ang aking p********e. Gusto ko naman kahit papaano, ibigay ko ang virginity ko sa pakiramdam ko, deserving. Ngayon, kung hindi mo nagustuhan ang ginawa ko, wala na kong pakialam pa. Ibinigay ko rin naman ang sarili ko sa’yo ah. Nakatatlo ka nga eh! Sapat na kapabayaran ng ibinigay mo sa akin kagabi.”
“Pero ang usapan natin, dapat birhen ka. Tang-ina! Anong panloloko ito? Tapos sa kanya? Sa kanya mo lang pala ako ipagpapalit? May gatas pa sa labi ‘to ah?”
“Oo maaring mas bata sa’yo si Rhon pero mas may paninindigan siya. Mas nakita ko sa kanya na kaya niya akong ipaglaban. Mas marunong siyang magmahal kaysa sa’yo.”
“At ako? sinasabi mo bang wala akong paninindigan? Na hindi ako marunong magmahal? Tang-ina. Nandito ako oh? Sinuway ko na ang mga magulang ko. Iniwan ko si Dimas. Itinigil ko ang aking pag-aaral. Nagpakasama para lang kumita ng sarili kong pera kasi gusto kong painindigan ka. Gusto kong tulungan kita sa iyong pag-aaral. Kasi iyon ang gusto mo. Nagmamadali kang maging gano’n ako!”
“Hindi ko hiniling iyon sa’yo, Paul. Ang sinabi ko lang sa’yo, dahil na rin sa pangungulit mo, ibibigay ko ang p********e ko sa’yo kapalit ng 50,000 pesos. Kasi ayaw mo akong pahiramin. Kailangan lagi sa’yong may kapalit. Kasi wala na akong matakbuhan. Ni pamasahe at pang-enrol wala ako. At kung hindi ako aalis dito sa kumbento, kung hinid ko gagawan ng paraan ang buhay ko, mabuburo lang ako rito. Maging katulong ng mga darating at aalis na mga pari. At paano ako? hanggang dito na lang ba ako kasi mahirap lang ako. Kasi walang gustong tumulong sa akin. Walang gustong sugalan ako. Kasi ang hirap talaga ng mahirap?” Humihikbi na naman si Rizza at nagsisimula na akong maawa sa kanya. “Pero Paul, kahit gano’n na ako ngayon. Kahit sa tingin ninyong dalawa, malandi na ako at bayaran, concern pa rin ako sa’yo. Anong pinasok mo? Anong kasamaan ang sinasabi mong pinasok mo, Paul?”
“Nagbebenta siya ng droga. Pusher ang sasamahan mo sa Manila, Rizza!” malakas kong sinabi iyon.
Napalunok si Rizza. Mukhang hindi niya iyon alam.
“Totoo ba?”
“Tsismoso ka rin talaga ano? Kung hindi ako makapagpigil baka malagyan kita ng gripo sa tagiliran mo.”
“Hindi tsismis. Galing mismo iyan sa’yo kanina. Binebentahan mo pa nga ako eh. Gusto mo pa nga, maging pusher mo ako, hindi ba?”
“Akala ko ba pinagpaguran mo ang pera mo, Paul? Akala ko totoo na may negosyo ka at hindi sa ganitong paraan mo nakukuha ang iyong pera? Bakit parang hindi na kita kilala? Bakit parang ibang tao ka na?”
“Kasi binago mo ako! Kasi paulit-ulit mong sinasabi na wala akong bayag! Na hindi kita kayang panindigan. Rizza, paano ba ako magkakapera ng mabilisan? Paano ba ako makawala kay Dimas kung hindi ko ito gagawin? Paano kita mabigyan ng maalwang pamumuhay kung hindi ko gagamitin ang karisma ko at hindi ako ro’n sa mabilisang pagyaman?”
“Wala akong karapatang husgahan ka kasi hindi naman ako malinis na babae pero ito? Ibang klase. Lalo mong inilublob ang sarili mo sa putikan. Yung putikan na hindi mo na kaya pang umahon. Yung tuluy-tuloy ka nang malunod pa riyan. At gusto mo akong isama? Gusto mo akong samahan ka riyan sa kasamaan mo? Sana hindi na lang ako humingi ng tulong pala sa’yo. Kasi baka iyon ang nagtulak pa sa’yo para gumawa ng ganyan. Baka dahil sa kagustuhan mong mabuo ang 50,000 kaya pinasok mo ang masamang pagkakakitaan na ‘yan. Paul, sinabi ko, kung wala at hindi kaya, huwag pilitin. Saka utang ito. Babayaran ko kahit may tubo kapag nakatapos na ako. Kapag may mahanap na akong trabaho sa Manila. Ngunit ang sabi mo, pagkakababae ko, kapalit ng 50,000. Sinabi ko, magkaibigan naman tayo, hindi ba pwedeng utang na lang? Kaso, pinilit mo ako. Kinagat ko kasi wala na akong ibang pamimilian pa. Kaya huwag mong sabihing itinulak kita para gawin mo ito. Na dahil sa akin kaya ka napasama. Ginawa mo ito dahil gusto mo, iyon ang totoong dahilan.”
“Ginawa ko ito para balikan mo ako. Ginawa ko ito para patunayan ko sa’yo na may paninindigan din naman ako. Na kaya kong iwanan si Dimas at magkaroon ng sarili kong pera para sa atin. Rizza, ano ba? Anong nangyari sa mga plano natin noong dalawa?”
“Sinira mo noon pa Paul. Kaya huwag mo akong idamay. Para sa’yo lang ito, Paul. Para sa pamilya mo. Ngayon, na nagpakalublob ka na sa putik, pakiusap. Huwag mo akong isama. Payo bilang kaibigan at bilang nagmahal sa’yo noon, kung kaya mo pang umatras at iwan ‘yan, gawin mo na ngayon pa lang. Kaibigan kita at ayaw kong makitang makulong ka o mapatay ng mga pulis.”
“Ngayon pa? Okey ka lang?” tumawa si Paul. “Patitigilin mo ako ngayong nasa taas na ako. Ngayong may mga protectors na ako? Buo na ang desisyon ko. Sumama ka sa akin. Kakalimutan kong ang putang inang batang ito ang nakaunan sa’yo. Mamumuhay kang prinsesa sa piling ko. Mag-aral ka hanggang gusto mo.”
“Hindi ako sasama sa’yo Paul. Ikaw ang kailangang tumigil diyan sa pinagkakakitaan mong masama. Please lang.”
“Hindi ka sasama sa akin?” nakita kong nanginginig na siya sa galit. Hindi niya siguro inakala na hihindian siya ni Rizza kahit mapera na siya.
“Hindi. Hindi kahit kailan.”
“Please! Ikaw lang ang mahal ko. Ikaw lang, Rizza ang nagpapaligaya sa akin. Ikaw ang dahilan ng lahat ng ginagaw akong ito!” hinawakan niya ang braso ni Rizza.
“Huwag mo akong gawing dahilan. Wala akong hinihiling sa’yo. Bitiwan mo ako!”
“Bakit kita bibitiwan? Pag-aari kita. Kaya kitang bilhin.”
Malakas na sinampal ni Rizza si Paul.
Nagulat ako nang biglang sinampal din ni Paul si Rizza.
Tumigil ang mga nagkakantahan.
Nakatingin na lahat sila sa amin.
Nanigas ang aking kamao.
Hindi ko na mapapalampas pa ito.
“Bitiwan mo siya dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa’yo, bro!” malakas kong sinabi iyon.
Tumingin siya sa akin. Tumatawa. Hindi niya ako sineseryoso.
“At anong gagawin mo kung hindi ko bibitiwan si Rizza? Akin ang babaeng ito, bro. Sa akin lang siya. Ako ang magbibigay ng pamilya sa kanya. Ako ang magpapayaman sa kanya at hindi kagaya mo na uhugin lang.”
“Hindi ko na ito uulitin pa, bro. Bitiwan mo siya!” singhal ko.
Nagsilapitan na ang kanyang mga alipores. Mukhang pagtutulungan pa yata ako. Pero hindi ako natatakot. Wala akong kinatatakutan lalo na kung si Rizza na ang nakikita kong sinasaktan.
Pagkabitawa niya kay Rizza ay bigla na lang niya ako sinuntok sa aking sikmura. Hindi ko napaghandaan iyon.
“Ano ha? Kaya mo ako? Lalaban ka? Hindi mo na kilala ang binabangga mo, gago! Yang mga kasama kong ‘yan? Mga tao ko na ‘yan kaya huwag kang siga ha!” sinakal niya ako.
Pagkalapat na pagkalapat pa lang ng kamay niya sa aking leeg ay mabilis akong humarap sa kanya at nagpakawala ako ng suntok sa sikmura rin niya. Tumilapon at namimilipit sa lakas ng ginawa kong iyon.
Kung dati, pinangungunahan ako ng takot na baka makasakit ako, baka makapatay o mapatay, ngayon kailangan kong magpakahalang na rin ng kaluluwa kung kagaya rin lang naman ni Paul ang kaharap ko. Hindi na kasi tao ang nakikita ko kay Paul. Pati ang mga kasama niyang nakapalibot na sa akin ay hindi na rin mga tao, para silang mga hayop na handa akong suwagin nang buhay.
“Uyy pare! Lumalaban! Lumalaban naman pala! Ha Ha Ha! ” boses iyon ni Paul na bumangon at tumingin s akanyag mga kaibigan. Hindi pa talaga nadala. Mabilis niyang binunot ang kanyang kutsilyo.
“Paul! Huwag! Nagmamakaawa ako! Huwag mong sasaktan si Rhon! Paulll!” sigaw ni Rizza.
“Hawakan mo ‘yan. ipapanood ko sa kanya kung paano ko baliin ang buto ng batang ito na ipinalit niya sa akin!” singhal ni Paul.
Agad na tumalima ang inutusan niya.
Nagwawala man si Rizza. Gusto man akong tulungan ngunit hawak na siya ng lalaking iyon.
Lumikot ang aking tingin.
Kinakabahan.
Nanlalamig lalo pa’t hindi lang si Rhon ang may armas. Pati na rin ang kanyang tatlong kaibigan.
Mukhang napalaban na nga ako.