NASASAKTANG PUSO

2275 Words
CHAPTER 20 Huminga ako nang malalim. Hindi ko pwedeng solohin lang ang sakit. Kailangan niyang malaman ang aking hinanakita sa kanya. Napakababa na ng tingin ko sa kanya at hindi ko alam kung paano ko mahahalin pa ang babaeng hindi ko na pinagkakatiwalaan at nirerespeto. “Sagutin mo ang tanong ko, may nakita ka ba kagabi? May alam ka ba sa nangyari?” Huminga ko nang malalim saka ako tumango. "Oo, nakita ko kayo. Nakaluhod si Paul sa harap mo habang sarap na sarap kang idiin ang ulo niya. Binuhat ka niya sa kama at ibinigay mo ang sarili mo sa kanya." Mabilis na naglakbay ang luha sa kanyang pisngi na kahit pa punasan niya ay agad pa ring napapalitan ng panibagong luha. "Maalala mo yung sinabi ko noon doon sa pinuntahan nating talon? Napag-usapan na natin ang tungkol dito di ba, bhie? Ito yung sinasabi ko sa iyo. Wala akong ibang pagpipilian kundi gawin ito bhie. Gusto kong makatapos, gusto kong maging maganda ang kinabukasan ko. Gusto kong marating ang mararating mo balang araw. Gusto kong magtagpo tayo sa taas. Gusto kong masamahan kita sa pagtatagumpay mo. Heto ang unang tagumpay ko bhie. Sa'yo ko lang puwedeng ialay ito dahil wala naman akong mga magulang at kapatid. Wala akong masabing pamilya. Sa iyo lang-lahat ng makakamit ko sa buhay!" "Ako? Sa akin yan? Huwag na dahil kapalit niyan ay ang katawan mo? Ang purio mo. Para sa akin, hindi sapat na dahilan yan para gawin mo ang kababuyang pinaggagawa mo. Tama nga ako. Malandi ka. Pinagsabay mo kami ni Paul. Hindi ka nakuntento sa akin. Mamili ka, itigil mo yan o tuluyan akong mawawala sa'yo." “Nangyari na. Ipinagbenta ko ang katawan ko kay Paul para makaalis na ako sa lugar na ito. Inaasahan kong maging scholar ako. Ginalingan ko naman eh. Inilaban ko ang talino ko pero wala pa rin nangyari. Salutatorian pa rin ako, bakit? Kasi wala akong pera. Wala akong maitulong sa paaralan. Wala akong maibigay na donasyon. Nakaya nilang laruin ang grado namin para umangat si Mimi laban sa akin. Nawalan ako ng pag-asang makapag-aral. Kahit pa sabihing scholar ako, pano ako mabubuhay sa Manila o kahit sa Tuguegarao na walang-wala at sarili ko lang ang aking aasahan? Sinubukan kong kausapin ang Tito mo tungkol dito. Nagmakaawa ako. Pagtatrabahuan ko ang mahihiram ko sa kanya. Kung hindi man, pwede kong ibalik ang lahat ng gastos niya kapag nakapag-aral na ako pero sinabi niyang sa ngayon, wala pa siyang kayang itulong sa akin. Marami pa siyang tinutulungan at wala pa siyang kakayahan ng bagong responsibilidad. Wala na akong matakbuhan iba, Rhon. Si Paul na lang pero ang kapalit ay ang virginity ko, ang pagkakabae ko pero ibinigay ko ng libre ang virginity kong iyon sa’yo kasi mahal kita. Inisip kung ibigay iyon sa iyon ng dalawnag beses bago siya kahit may usapan na siya ang dapat ang sa akin ay makauna kapalit ng halagang kinuha niya kay Father Dimas at sa kinikita niya sa hindi niya masabi sa aking pinagkakaperahan niya ngayon. Limampung-libong piso kapalit ng aking p********e. Limampung-libong piso na pwede kong magamit sa pagsisimula ko sa Maynila. Ganoon lang ang halaga ko, Rhon. Ganoon lang ako kamura. Ganoon lang kadaling mabili ang aking pagkatao. Bakit? Kasi ako lang ito. Walang kakampi. Walang ibang nagmamahal.” “Pera. Dahil sa pera, ipagpapalit mo yung respeto ko sa’yo?” “Ibinigay ko ng una ang sarili ko sa’yo at wala tayong pinag-usapang pera. Mahal kita eh. Hindi ako tumupad sa usapan namin ni Paul at alam ko, ramdam niya iyon. Alam niya iyon. Hindi na ako dinugo. Hindi na ako ang inaasahan niyang ako.” Yumuko siya. Humihikbi. Huminga ng malalim. “Pilit niya akong pinapaamin kung sino ang nakauna sa akin. Si Vic daw ba? Si Dencio? Sinong lalaki ang nakauna sa akin. Hindi ko sinabing ikaw. Hindi ako magtatapat na ikaw kahit anong mangyari kasi gusto ko protektahan ka, Rhon. Gusto ko, malinis ka sa mata ng Tito mo dahil nakuha na ni Paul ang tiwala ng Tito mo. Ayaw kong masama ka sa kagagawan ko. sa kadumian kong babae. Kasi alam ko, kahit hindi mo sa akin sabihin, nakikita ko sa mga mata mo, nandidiri ka sa akin. Sinasabi ng tingin mo, kaladkarin ako, malandi, maruming klase ng babae. At kahit anong gawing kong paliwanag, hindi mo ako naiintindihan. Sabagay paano mo naman ako maintindihan e hindi mo nga naman pinagdaanan ang mga pinagdaanan kong kahirapan mula nang ipinanganak ako. Hindi din ako pinagpala kagaya mo para magiging scholar rin sana ako. Pero iisa lang ang alam ko. Mahal na mahal kita at kaya kitang mahalin habang buhay. Sa pagdaan ng panahon ay patutunayan ko 'yun sa iyo, Rhon." "Tinatanong kita, ititigil mo ba 'yan o mawawala ako sa iyo? Hindi mo ako sinasagot eh! Hindi mo sinasabi sa akin kung kaya mo bang itigil ‘yan." Yumuko siya. Hindi ko nagawang makuha ang kanyang sagot. Hindi siya nagsasalita at humihikbi lang. Nakita ko ang paggalaw ng labi niya ngunit walang kahit anong salita na nabigkas niya. Tumingin siya sa akin. Pinunasan niya ang kanyang luha. Tuyo na ang namumulang mga mata niya pero nang nakikita niya akong nasasaktan, unti-unti muling may namuong luha sa gilid ng kaniyang mga mata at mabilis iyong bumagtas sa kaniyang pisngi. Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako nang mahigpit. Mahigpit na mahigpit hanggang yumugyog na muli ang kaniyang mga balikat. "Mahal na mahal kita e. Pinapapili mo ako sa isang bagay na kinabukasan ko ang nakataya. Kinabukasang pwede kong panghawakan. Aayusin ko naman ang buhay ko eh at hindi naman ako habang-buhay na katulong na lang. Hindi naman pwedeng habangbuhay na kaya na lang akong paglaruan dahil walang-wala ko. Kaya akong dugasin ng lahat kasi alam nilang walang-wala ako. Kaya akong tapakan nang tapakan kasi mahirap lang ako. Mahal kita. Sana sa ngayon ay sapat na munang dahilan iyon para pagkatiwalaan mo ako. Sana sapat na muna iyon para maintindihan mo ang pinagdadaanan ko. Iyon lang ang kaya kong ibigay ngayon. Iyon lang ang alam kong kaya kong ipagkatiwala sa iyo." Pagkatapos no'n ay hinalikan niya ako sa labi. Tumitig siya sa akin. "Maiintindihan at matatanggap mo pa ba ako, Rhon? O naikintal na sa isip mo na masama akong babae?" "Hindi kita naiintindihan at OO! Masama kang babae sa paningin ko." Diretso at matapang kong sagot. Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. "Sana lumapit ka sa akin. Sana sinani mo muna sa akin ang problema mo. Kung hindi papayag si Tito na pag-aralin ka,puwede ko naman kausapin sina Daddy at Mommy na sila na ang magpapaaral sa iyo." "Ginawa ko sa Tito mo. At sana nga gano'n kadali iyon. Magsabi ako sa’yo na ipakiusap mo ako sa mga magulang mo? Para ano? Bakit? Para lalo tayong paglayuin. Para mas may karapatan silang sabihin na wala akong utang na loob kasi sinisira ko ang pangarap nila sa’yo. At kapag tinulungan nila ako, ang maging kapalit ay ang layuan kita dahil gusto nilang magpari ka. Sa pagkakataong lubog na ako ng utang na loob sa kanila, hindi na kita maipaglaban. Hindi na ako matanggi. Iyon ang unang naisip ko. Ayaw kong ikaw ang kapalit pero mukhang nagkamali ako. Kahit pala ito ang pinili ko, ang patulan si Paul para makaluwas at makapagsimula sa Manila ay talong-talo pa rin ako. Hindi mo pa rin ako matatanggap. Hindi mo pa rin ako maiintindihan." "Sige, bahala ka pero kahit kailan ay hindi ko matatanggap ang desisyon mong iyan. Ba'la ka sa buhay mo!" Tumingin siya sa akin. Tinging parang may tinitimbang. Tinging naghihintay ng pang-unawa...ng awa ngunit wala siyang nahintay. Tumalikod. Nagsimula siyang humakbang. Yumuyugyog ang kanyang balikat. Hindi na siya muling lumingon. Pag-uwi ko ng hapon ay nahiga ako sa kama ko. Nag-isip tungkol sa amin ni Rizza. Pero kahit anong pag-intindi ang gusto kong isipin ay di ko maunawaan kung bakit kailangang katawan ang kapalit ng pag-aaral niya. Hindi pa ba sapat na tanging lakas niya sa pagtratrabaho ang kapalit ng pagkain at barya baryang baon niya araw-araw? Nang magtatakip-silim na at maingay ang mga bisita niya sa maliit na handaang inihanda para sa kaniyang pagtatapos ay lumabas ako hindi para makipagsaya sa mga bisita niya kundi para magpahangin sa labas. Nakasalubong ko siya . Tumitingin sa akin na parang may gustong sabihin ngunit nilagpasan ko lang siya. Hindi pa ako handang kausapin siyang muli ngunit may taong gusto kong makausap sa sandaling iyon. Gusto kong tiyempuhan siya sa labas. Ilang saglit pa ay lumapit sa akin ang taong gusto kong makausap. May dala siyang beer. Halatang nakainom na. "Sarap ng hangin dito sa labas ano, Rhon. Presko. Saka tahimik pa ang paligid. Parang lahat ng polusyon na naipon ng baga ko sa lungsod ay nasasama sa paghinga ko at napapalitan ng presko at malinis na hangin." "Paano mo naatim na bilhin ang puri ng babaeng alam mong walang-wala? Paano mo nagawang pagsamantalahan siya dahil may pera ka?" Tumungga siya ng alak. Hinarap niya ako. Umiling-iling at ngumiti. "Tungkol ba ito kay Rizza?” “Oo tungkol sa kanya.” “Alam mo napapansin ko, iba ka ngayon kumpara nang mga unang bakasyon ko noon. Dati, wala kang pakialam sa akin, sa amin. Ngunit ngayon, bigla kang parang concern na concern kay Rizza. Anong alam mo bro?” “Alam ko ang ginawa mo sa kanya kagabi. Alam kong binili mo ang kanyang puri. Binili mo ang kanyang p********e. Ganoon ka ba kadesperado?" “Hanep ah! Ganoon ka kadiretso? Ilang taon ka na ba uli?” “Walang kinalaman ang edad ko sa nakikita kong mali. Ang mali sa mata ng kahit bata pang kagaya ko ay mali rin sa mata ng lahat. Pinilit mo ba si Rizza? Binayaran para makuha ang kanyang p********e?” “May usapan na kami dati na kapag 16 na siya, ibibigay niya sa akin ang kanyang p********e. Hindi mo ba alam na nagmamahalan kami?” “Noon. Nagmamahalan kayo, noon, bro.” “Kahit ngayon. Kami hanggang ngayon. Papayag ba siyang ako ang escort niya kung hindi? Papayag ba siyang sasama sa akin sa Manila kung hindi niya ako mahal.” “Kayo? Magkasama kayo sa Manila? Pumayag siya?” “Hindi mo alam?” “Ganoon ka kayaman? Ganoon kadami ang pera mo para kaya mo na siyang suportahan?” “Bakit hindi? May negosyo ako at alam ko, kapag nasa Manila kami, lalong lalaki ang kikitain ko roon.” “Anong negosyo? Droga?” Ngumiti siya. “Mautak ka ‘no?” Naglabas ng parang tawas at foil sa kanyang bulsa. “Ito bro. Ito ang nagpapayaman sa akin ngayon. Ito ang tingin kong magpapayaman sa amin ni Rizza.” Umiling ako. Ang kapal ng mukha niyang ipakita sa akin iyon. Siguro, iniisip niya na dahil bata ako, wala akong magagawa kahit pa sabihin niya sa akin ang kanyang pinagkakaperahan. Proud na proud pa siya. “Gusto mo? Subukan mo. Yung mga ganyang edad, dapat nag-e-explore ka muna. Mga ganyang edad, maranasan mo. Kung may isang libo ka riyan, bibigay ko ito lahat sa’yo. Pwede mo ‘tong magamit ng kahit ilang Linggo basta titipirin mo. Kung mabitin ka, text mo ako, may magde-deliver sa’yo. Marami akong tao na rito. Kung gusto mo, kikita ka rin dito. Lalo na nasa simbahan ka, pari ang tito mo, hindi ka pag-iisipan, bro.” “Ibang klase ka talaga ano? Ang kapal din ng mukha mo.” “Oww! Bro, walang ganyanan. Cool ka lang!” tinapik niya ang balikat ko. Parang sa tingin niya, hindi ako dapat seryosohin. Sa tingin niya, harmless ako. Bata lang at walang kayang gawin para pabagsakin siya. “Alam ba ni Rizza ito?” “Hindi. Akala niya, legit ang negosyo ko.” “Sigurado ka, sasama siya sa’yo?” “Kinukumbinsi ko. Sasama ‘yan lalo na kung tutulungan mo ako. Mukha kasing close na kayo. Magkano ba? Matulungan mo lang ako.” “Okey lang sa’yo na yung binili mo, hindi na bago?” “Ano?” kumunot ang kanyang noo. “Yung binili mo kagabi, parang peke, parang gamit na. Walang lang ba ‘yon sa’yo?” Hinawakan niya ang batok ko. Dumiin iyon. Masakit pero walang kasinsakit ang nararamdaman ko. Sumasabog ang dibdib ko ng galit. “Mag-usap nga tayo ng masinsinan. Ano ba talaga ang gusto mong sabihin?” “Ano bang binili mo kay Rizza, pagmamahal niya o pagkakababae? Kaya ka nagbigay ng 50,000 para sa kanyang virginity, hindi ba?” “At, anomg gusto mong sabihin? Bakit hindi mo ako diretsuhin?” “Bakit hindi ikaw ang unang sumagot muna sa tanong ko, sa tingin mo ba, legit ang nabili mo kagabi? Worth ba yung 50,000 kahit gamit na?” “Ikaw ba? Ikaw ba ang nakauna sa kanya?” tumaas ang boses niya. Tumingin ako sa mga nagkakantahan sa videoke na bisita ni Paul at mga kaibigan rin ni Rizza. Pero si Rizza, napansin kong kanina pa hindi pa mapakali. Urong-sulong sa paglapit sa amin. “ANO? SAGUTIN MO NGA AKO! Anong alam mo? Sino ang nakauna sa kanya?” Ngumiti ako. Mabilis kong tinanggal ang kamay niya sa batok ko. Nasasaktan na ako sa pagpisil niya doon. “Ako, bro. Ako ang nakauna kay Rizza. Hindi lang minsan. Dalawang beses bro. Gamit ko na ang binili mo. Libre kong nakuha! Ngayon, anong kaya mong ipagmalaki sa akin ngayon?” Nagbago ang kanyang mukha. Itinapon niya ang hawak niyang bote ng serbesa. Lumikha iyon ng ingay. Pumuwesto ako. Handa akong lumaban. Handa kong ipaglaban si Rizza kahit pa sa tingin ko, hindi pa kami okey. Mukhang sa wakas, mapapalaban na talaga ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD