PAG-AMIN

1903 Words
CHAPTER 6 RIZZA POINT OF VIEW Kinuha ang kanyang cellphone at nagpatugtog siya. Isang sikat na musical ng kanta nang mga panahong iyon ang pumailanlang na siyang gumuhit sa katahimikan ng gabi. "Huh!" pinakawalan niya ang malalim na hininga. Inakbayan niya ako. Tinignan sa aking mga mata."Alam mo ba? Kahit katabi ko si Dimas kapag pinapatugtog ko ito, naalala kita? Pakinggan mo yung lyrics. Yan yung mga salitang gusto kong sabihin sana sa'yo. Kapag pinakikinggan ko ‘to, iniisip kita. Ini-imagine ko yung ganito, kasama kita. Kahawakan ng kamay habang ninanamnam ang bawat lyrics ng kanta." "Talaga? Sige nga, pakikinggan nga natin. Lakasan mo pa kaya." “Ano ka ba? Todo na ‘yan?” inilagay niya sa malapit sa tainga ko ang cellphone niya. Tinatalo kasi ng mga tunog ng kuliglig ang kanta. Ang awiting Ikaw Lang ni Chad Borja ang siyang lalong nagpagapi sa aking puso. Inisip ko sana wala na lang siyang sabit. Sana ako na lang at siya. Sana wala kaming masasaktan. Sana hindi na magwakas pa yung sa amin. Sana wala nang darating pang mga trahedya. Sana kaya niya akong panindigan at ako ang kanyang pipiliin kapag magkahulian. “Gabi-gabi na lang sa pagtulog ko, ikaw lang ang panaginip, Pag ako'y gising na, ikaw pa rin ang nasa isip, Kahit hindi mo ko kaipiling, asahan mong sa iyo pa rin ang pusong ito sa iyong inangkin” Napaisip ako sa lyrics ng kanta. Kung iyon ang gusto niyang sabihin sa akin. Pareho lang kami ng pinagdaanan. Ako man ay laging nasa isip ko siya. kahit anong aking ginagawa, mula pagtulog kahit sa panaginip at hanggang sa buong araw na ako’y gising, hindi siya nawawala sa isip ko. Alam, kong nandiyan si Father Dimas na siguradong magpapahiwalay rin naman sa aming dalawa pero umaasa at nagtitiwala ako sa kanyang magpapamahal. Kahit paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili na kuya ko lang siya ngunit nangingibabaw pa rin ang katotohanang siya ang unang nagpatibok sa aking puso. At sa tuwing gusto kong takasan ang nararamdaman kong iyon ay lalo lang niya ako napapaibig. Kung hindi siguro siya dumating sa buhay ko, kung wala siya sa buhay ko, paniguradong malungkot pa rin ang buhay ko. Kung hindi dahil sa kaniya, maaring pagala-gala na ako at pinalayas na ako ni Father Dimas sa kumbento. Ibinaba niya ang isang hita niya at doon ko ipinatong ang dalawang kamay ko habang nakatingin ako sa kaniya. Nakatitig din siya sa akin. Hindi ko na noon maiwasang hindi maluha. Noon ko lang naranasang maluha sa sobrang kaligayahan dahil sa wakas may nagmamahal na sa akin. Buong buhay ko iyon ang alam kong kulang. Iyon ang aking hinahanap na siyang bubuo sa akin. Kaya nga kahit sino na pwedeng magmahal sa akin at magpahalaga, hindi ko basta kayang bitiwan. Akala ko noon sa pelikula ko lang iyon makikita, na imposibleng maiyak ka kapag masaya ka pero heto't nangyayari na sa akin ngayon ang dati'y pinagtatawanan kong pag-ibig, ang dati’y akala ko hindi na darating ang taong magmamahal sa akin ng lubos, heto’t kasama ko na pala noon pa. Sinabayan naming ang kanta mula sa kanyang cellphone. Alam kong mali itong aking ginagawa. Ngunit kailan ba naging tama ang sa kanila ni Father Dimas? Kailan ba tamang ipaglaban namin yung pagmamahalan naming dalawa? Hanggang kailan ako matatakot? Hanggang kailan ko pipigilan ang sarili kong mahalin si Paul? Ngunit sana lang may mangyari sa ipinaglalaban naming pareho? Heto't kapwa kami tinalo ng kung anong nararamdaman ko sa kaniya. Mabuti na lang pala bago siya aalis, nagtapat na siya sa akin, bago siya lalayo, nalaman ko kung ano ang nararamdaman niya sa akin. Mabuti pala ay hindi ko siya tuluyang isinuko kahit pa puno ng takot at pangamba ang puso ko. Kinindatan pa niya ako at nang matapos ang kanta sa cellphone niya. Tumayo siya. Inilahad niya ang kaniyang kamay. Pinapatayo niya ako. Kinutuban na ako kaya mas bumilis na naman ang t***k ng puso ko. Tumayo din ako. “Anong gagawin natin?” “Sasayaw.” “Sasayaw, dito? Kahit walag tugtog?” “Siyempre, meron.” Ngumiti siya. “Sa cellphone ko nga lang.” "Sige, okey na ‘yan. ang importante, maisayaw mo na ako.” Sa hina ng music, inisip ko na lang na may malakas na musika. Narinig kong huminga siya ng malalim habang sumasayaw kami. “Bakit ang lalim naman ng hugot mo?” “Wala, nalulungkot lang ako.” “Nalulungkot? Bakit?” “Kailangan ko na bang saguti? Kailangan ko pa bang sabihin kung bakit?” “Siyempre naman, para alam ko.” “Kung aalis ako na hindi tayo, baka kay Vic ka lang mapupunta. Nalulungkot akong isipin na sa ganda mong ‘yan malalahian ka ng suso.” Natawa ako. “Seryoso ako. Gusto mo bang magkaroon ng pangit na mga anak?” “Baliw ka talaga. Ano ba kasing gusto mong sabihin?” “Yung gusto mong marinig.” “Ang labo mo naman kasing kausap eh!” “Hindi ko alam kung paano manligaw okey?” “Nanliligaw ka?” “Hindi ko alam kung paano nga dumiskarte. Sa edad ko ngayon, nagka-girlfriend ako noon lalo na sa Manila pero sila ang lumapit at nanliligaw. Hindi ko alam kung paano manligaw.” “Bakit? Sa tingin mo ba, eksperto akong magpaligaw?” Binitiwan niya ang baywang ko. Kinuha niya ang kamay kong nasa balikat niya. “Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko, ang ginagawa nating pagtatago pero mahal kita. Sobrang mahal kita kahit noon pa, Rizza.” Nakokornihan ako na kinikilig na natutunaw sa hiya na masayang-masaya. Basta ewan ko. Iba kasi yung dating ng panliligaw niya sa akin. Ngunit kahit hindi na siya manligaw, tanggap ko na talaga na kami. Formality na lang ang aming ginagawa ngayon. Ngunit sa ginagawa niyang iyon, ramdam ko, sa kabila ng aking pagiging negatibo sa pag-ibig dahil mismong mga magulang ko nga, hindi ako tinanggap at minahal. Mga magulang kong iniwan na lang basta sa harap ng simbahan at hindi ako pinanindigan pero nasa harap ko ang lalaking nagpapatunay na may magmamahal sa akin. May maninindigan sa akin. Naramdaman kong may pag-asa ngang makabuo naman ako ng sarili kong pamilya. "Mahal din kita." "Ano? Ulitin mo nga! Pakilakas!” “Sabi ko, mahal rin kita!” Tumawa siya. Binuhat niya ako at pinaikot-ikot habang isinisigaw niya kung gaano niya ako kamahal. Ibinaba niya ako at hinawakan niya ang labi ko. “Pwede na ba?” “Pwedeng ano?” Ngumuso siya. “Nakuha mo na kaya ‘yan. Di ba nga, ninakawan mo akong halik.” “Okey, pero magbibigay ka naman ng hindi nakaw ngayon, hindi ba?” "Paano ka naman nakasisiguro na ibibigay ko uli ngayon? Ninakawan mo na ako ng halik noon. Sapat na ‘yon.". “Ang damot naman. Baka naman pwede namang makaisa?” Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. "Alam ko, natatakot ka. Alam ko, iniisip mo si Dimas. Kahit medyo nahihiya akong gawin ang bagay na ginagawa ko ngayon dahil nga sa may sabit pa ako, kahit sabihin ko pang hindi ko naman talaga siya mahal at kailangan ko lang sa ngayon, iba pa rin yung sana ikaw lang. Yung sana tayo lang. Nagdesisyon na ako eh. Matagal ko nang pinag-isipan kung tama ba ito. Ginawa ko nang umiwas. Niloko ko na ang sarili ko, Uminom ng alak, nagsigarilyo, minsan nga napa-droga na rin para lang kalimutan na may iba akong nararamdaman sa’yo. Inilaban ko ‘to eh. Pinigilkan ko kasi baka ikaw ang maipit. Hindi na kita nilalapitan, hindi kinausap kahit magkasama tayo ng bahay pero hindi ko pala talaga kaya. Tulad ng kinanta ko sa'yo kanina. Yung linyang, “Ikaw lang ang tanging minamahal ko, huwag makinig kaninuman. Ikaw lang naman at wala nang iba. Sana ay maniwala ka na.” Napakislot ako sa sinabi niya. Parang hindi ako makapaniwala. Ngunit nakita ko iyon sa kaniyang mga mata. Hindi siya kumurap, hindi niya inilayo ang kaniyang tingin. Hinawakan niya ang nanlalamig na kamay ko. Itinaas niya iyon sa kaniyang labi. Hinalikan. Hindi ko na rin mapigilan ang nararamdaman kong silakbo ng aking damdamin. Pagkababa niya sa kamay ko ay hinawakan niya ang aking pisngi. Nangangatog ang tuhod ko. Nanginginig niyang inilapit ang labi niya sa labi ko. Napapikit na lang ako. Naghihintay na lang ako sa matamis niyang halik. Hanggang sa naamoy ko na ang mabango niyang hininga. Ramdam ko ang init no’n na tumama sa aking mukha. Sa wakas, nagtagpo ang aming mga labi ngunit mabilis lang iyon. Hindi ko alam kung paano ko siya halikan at alam kong ganoon din siya. Mabilis lang na naglapat ang aming mga labi na parang smack ngunit libong boltahe ang hatid niyang kilig sa akin. Nanginginig pa rin ako at dinig ko ang kabog ng kaniyang dibdib. "I love you, Rizza. Alam ko mali. Alam kong hindi pa kayang panindigan sa ngayon ngunit mahal na mahal kita," pabulong niyang sinabi sa akin. “Sana seryoso ka talaga sa akin. Kahit nagtatanong ang isip ko ngayon kung paano si Father Dimas? Ngayong sinagot na kita, paano natin itatago yung sa atin? Hanggang kailan?” “Hindi ko alam ang sagot ngayon pero bigyan mo ako ng pagkakataon. Bigyan mo ako ng sapat na oras para patunayan iyon sa’yo kasi, mahal kita. Mahal na mahal kita.” “Mahal na mahal rin kita, Paul.” Huminga ako ng malalim. Para kasi akong nauubusan ng hangin. “May mga agam-agam ako. May mga takot sa puso at isip ko pero hindi ko rin naman kayang magsinungaling. Mahal kita pero paano nga tayo? Paano kayo ni Father? Paano tayong tatlo?" “Hindi ko pa alam pero aayusin ko. Masaya na akong malaman na mahal mo rin ako. Doon na sana muna tayo sa ngayon. Kung kaya nating ilihim muna, ililihim natin. Nauunawaan mo naman ako hindi ba? Alam mo naman kung bakit ko ginagawa ito?” Tumango ako kahit medyo may katanungan sa isip ko. 19 na siya. Mag-20 na. Pwede na siyang magtrabaho. Kaya na niya ang sarili niya. Hindi na niya kailangan umasa pa kay Father Dimas. Gusto kong sabihin iyon pero natatakot ako sa ngayon dahil alam kong masasaktan ang kanyang ego. Ayaw kong sirain yung moment namin. “ “Patutunayan ko sa’yo ang aking pagmamahal, Rizza.” At muling nagtagpo ang aming mga labi. Ngayon ay mas maalab na. Pinakiramdaman namin ang bawat ritmo, ang bawat pagbukas ng aming mga labi. Unang totoong halik na siyang tuluyang naghatid sa amin sa kakaibang pagkakatuklas ng ligayang hatid ng aming bubot na pagmamahalan. Naging mas mapusok ang aming sumunod na halikan. Pinagsaluhan namin ang bawat init at bango ng aming hininga. Ramdam naming parang kapwa kami ipinaghehele ng kakaibang saliw ng pag-ibig. Hindi ko mabigyan ng tamang paliwanag ang aking naiibang nararamdaman. Naglakbay ang aming mga palad. Nagsimulang hubarin ng kamay niya ang aking suot at para akong tangang nagpaubaya. Alam kong mali, hindi pa ako handa pero bakit hinahayaan kong gawin niya sa akin iyon noon? Sa unang pagkakataon ay may mga ginagawa kaming tinutulak ng isang likas na pangangailangan. Kailangan naming pagbigyan ang uhaw naming kaluluwa. Kailangan naming palayain ang nagsusumigaw na pagsinta. Kailangan naming sabayan ang nag-uumapoy naming pagnanasa. Sa damuhang iyon naming pinagsaluhan ang unang sarap ng aming pagtitinginan. Ngunit tama ba ito? Napapanahon na ba? Hindi ba masyado pang maaga? Anong ibubunga ng kapusukan naming iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD