CHAPTER 40 Kinabukasan, pagkagising ko ay wala na siya sa tabi ko. Napabalikwas ako. Mabilis kong isinuot ang boxer short at brief ko na nakakalat sa sahig. Halos liparin ko ang hangdanan. Natatakot akong baka umalis na naman siyang hindi sa akin nagpaalam. Sa kusina ko siya natagpuan. Abala sa kaniyang pagluluto. "Good Morning!" bungad niya sa akin. "Good morning," sagot ko. Para akong nahimasmasan. "Nakahanda ng almusal natin. Pupuntahan na sana kita sa kuwarto para gisingin pero minabuti ko na lamang tapusin ang pagluluto ng babaunin natin sa talon. Mas maganda kung maaga tayong pupunta roon para mas madami tayong magawa. Para may oras pa nating makuha ang credentials mo." "Sigurado ako, masarap lahat ng mga niluto ng mahal ko. Kaya ako nananaba uli eh." Ngumiti lang siya. “Sige