CHAPTER 42 Umalingawngaw ang sunud-sunod na malalakas na putok ng baril kasabay no’n nang mabilis niyang paghawi sa akin at nakayakap niyang iniharang ang kanyang sarili sa akin. Hindi kaya ng lakas kong hawiin siya para sana ako ang tamaan. Ramdam kong napaliyad siya ng tinamaan siya ng bala. Gusto kong saluhin sana lahat ang bala pero kahit pa tinamaan na siya hindi pa rin niya hinayaang mangyari iyon sa akin. Mas nanaisin ko pang mamatay dahil wala naman masasaktan malaiban kay Rhon kaysa siya ang mawala sa akin at sa kanyang pamilyang alam kong lubos na nagmamahal sa kanya. Nagawa ko pa rin siyang yakapin ilayo roon nang nakaaalis na ang mga bumaril sa amin. "Oh my God, mahal ko, may mga tama ka!" histerikal kong sigaw nang may naapuhap akong d