CHAPTER 43 “Sir, pakibilisan pa ho. Wala nang malay si Rhon! Please sir.” Humahagulgol kong pakiusap. “Oo, malapit na tayo. Papasok na tayo sa hospital.” Ninenerbiyos na sagot ng aming guro. Hanggang sa huminto ito at binuksan ni Vic ang pintuan at mabilis siyang tumakbo sa loob ng hospital para sabihing may emergency. Hindi na rin nagsayang ng oras ang mga nagta-trabaho sa hospital. Binuhat nila si Rhon at dahan-dahang inilipat sa emergency stretcher ang parang hindi na humihingang si Rhon. Bumaba ako. Hinawakan ko ang kamay niyang noon ay wala nang kahit anong bakas ng lakas. Walang laman ang utak ko noon kundi yung takot na baka wala na siya. Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib. Hindi ko alam kung gaano kabilis ang pagsabay ng aking mga paa habang itinatakbo nila itong ipinasok